KALAYAAN LUBOS BA?

KALAYAAN-2

(NI ANET VERGEL)

GITNA ng labanan ng mga Kastila at Amerikano nang ipahayag ng mga sundalong Filipino sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Inang Bayang Pilipinas matapos ang 300 taon na pagsailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila. Subalit hindi pa rin naging totoong malaya ang Pilipinas sapagkat inari ng Estados Unidos na bahagi ang ating bansa ng usapang pangkapayapaan ng kanilang bansa at ng Espanya.

Noong nasa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila nang ika-16 na siglo hanggang ika-18 siglo, hindi kumikibo ang mga Filipino sa ginagawang pagsupil sa Kalayaan natin. Subalit noong nasa huling bahagi na ng ika-19 na siglo, nagsimulang mag-aklas ang ilang paring Filipino, na nagsimulang magreklamo kaugnay sa pagdodomina ng mga Kastila habang ang mga may pinag-aralan mga kababayan natin at ang nasa nakakaluwag sa buhay ay nagsimulang manawagan para sa Kalayaan.

Unti-unting lumaki ang lihim na samahan ng mga rebolusyunaryo hanggang maitayo ang Katipunan noong 1892 sa Maynila, ang kabisera ng Luzon noong panahong yaon. Mabilis ang pagdami ng mga miyembro subalit noong 1896 ay nabulgar ang planong rebelyon ng mga katipunero kung kaya’t napilitan ang mga ito na isagawa ang kanilang plano nang maaga.

Pinamunuan ni Aguinaldo ang mga nagrerebeldeng Filipino at kanyang pinalawak ang samahan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Subalit nakipagkasundo si Aguinaldo at ang kanyang mga heneral sa mga Kastila na naging sanhi upang maipatapon sila sa Hong Kong dahilan upang matigil pansamantala ang rebolusyon.

Nang makabalik sa Pilipinas si Aguinaldo, nakipagkasundo siya sa mga Amerikano na tutulong sa laban ng mga ito sa Espanya. At nang makabuwelo, muling pinatatag ni Aguinaldo ang rebolusyon at pinangunahan ang ilang lugar sa Maynila. Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Aguinaldo ang Araw ng Kasarinlan o Araw ng Kalayaan sa Kawit, Kabite kung saan sa bandang huli ay pinamunuan niya ang lalawigan.

Subalit nagtuluy-tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng mga Filipino sa Kastila at sa bandang huli ay sa mga Amerikano. Noong 1899, naitatag ang unang pamahalaan ng Pilipinas kung saan si Aguinaldo ang tumayong presidente. Subalit nang taon ding yun, pinagtibay ang Treaty of Paris kung saan ang Pilipinas ay naidagdag sa teritoryo ng Estados Unidos sa pamamagitan nang pagbabayad sa Espanya ng $20 milyon.

Muling nagtatag ng rebolusyon si Aguinaldo subalit sa pagkakataong iyon, hindi na laban sa Espanya subalit sa Amerika na. Nagpadala ng libo-libong sundalong Amerikano ang Estados Unidos upang masugpo ang mga rebelde kaya’t nagtuloy-tuloy ang giyera.

Sa pagpapatuloy ng labanan, maraming mga kababaihan at mga bata ang pinaslang hindi lang sa Luzon subalit maging sa Samar at iba pang bahagi ng Kabisayaan. Maraming kalalakihan ang dumanas ng hirap lalo’t nakulong sila sa mga garrison at nagbuwis ng buhay ang iba.

Umabot sa 4,000 Amerikano na nanlulupig sa mga Filipino ang napatay na sampung beses ang dami sa mga nasawi sa labanan ng Espanya at Amerika habang mahigit 20,000 insurektong Filipino ang napatay at hindi mabilang na sibilyan ang nawala.

Noong 1935, naitatag ang Commonwealth of the Philippines sa pagpayag ng Estados Unidos kung saan si Manuel L. Quezon ang naihalal na unang pangulo ng  Pilipinas. Noong Hulyo 4, 1946 nabigyang ng lubusang Kalayaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos.

US bases pinalayas

Inuutos ng Pilipinas  sa Estados Unidos na tanggalin na ang kanilang base military – Subic Bay Naval Base, noong 1992, katapusan ng pagtigil ng mga military na Amerikano sa bansa mula nang kunin nila ang bansa mula sa Espanya noong 1898.

Kasabay nang pagpapasara ng Subic base ang pagsasara rin ng Clark Air Base na naapektuhan nang pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991. Ang Su­bic Bay Naval base ang pangunahing lugar kung saan dinadala ang supply at ginagawa ang mga barko sa rehiyon.

Bagaman nag-alok ng $203 milyon taunang tulong ang Amerika para sa panibangong 10 taong ekstensyon, tinanggihan ito ng Senado ng Pilipinas at nanindigan na nais na nitong makawala sa anumang pananakop ng mga dayuhan.

Base bumalik?

Noong 2014, nakipagkasundo umano si dating Pa­ngulong Benigno Aquino III sa Estados Unidos sa pagtatayo ng unang gusaling ginastusan ng Estados Unidos sa Basa Airforce Base sa Pampanga sa pamamagitan ng  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ginawa umano ni Presidente Aquino ang pakikipagkasundo at pagpayag na okupahin ng pasilidad ng EDCA ang base military ng Pilipinas bagaman hindi sang-ayon ang mga mambabatas ng bansa. Naging kwestiyunable ang ginawa ni Aquino sapagkat hindi ang ehekutibo ang dapat mamayani sa usaping tulad ng pagpapapasok ng base military sa bansa subalit ang tanging may kapangyarihan upang aprubahan ang mga usapin sa base military ay ang Senado. Kaya naman ang pagpapatupad nang pagtatayo ng pasilidad ay nasa balag ng alanganin pa rin.

Umabot na sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kritiko ng Estados Unidos at mabuting kaibigan ng karibal ng Amerika ang China, ngunit hindi pa rin batid kung ano ang kahihinatnan ng EDCA.

Pilipinas, nasakop na ng China?

Hindi maikakaila na kahit saang panig ng Pilipinas tu­mingin, maraming Chinese ang makikita na nagkalat.

Hindi naman mga basta turista ang mga ito na dumalaw lang sa Pilipinas upang magpasarap at makita ang mga magagandang tanawin at bakasyunan subalit gumagalaw na rin ang mga ito sa merkado at ko­mersiyalismo ng bansa.

Maraming negosyanteng Tsino at maging manggagawa ang makikita sa Maynila lalo na sa Divisioria at ilang mall na kilalang puntahan at pamilihan ng mga Pinoy.

Sa totoo lang, wala namang giyera at hindi rin naman para sakupin ng China ang ating bansa subalit talagang lumalawak ang abilidad at kapasidad ng mga ito para sa negosyo hindi lang sa ating bansa subalit sa lahat ng sulok ng mundo.

Nangunguna ang China sa usapin ng infrastructure, tele­communication, property at maging sa gaming industry.

Hindi ba’t nag-aaway ang Amerika at China dahil sa paggalingan ng Apple at Huawei? Ibig lang sabihin nito ay talagang tuloy-tuloy na at hindi na mapipigil ang pag-asenso at pangunguna ng China pagdating sa pagiging makapangyarihan.

China rin ang pumapasok na ikatlong telco player sa bansa. Ang China Telecom, China Mobile at North Telecommunications ay kasalukuyang naghahanap ng potential na Filipino partner sa kanilang negosyo.

Makikitang maraming Chinese sa bansa na sangkot sa mga sugal at pasugalan sa Pilipinas kung saan isang halimbawa na rito ang Chinese giant Galaxy Entertainment Group na nabigyan ng lisensiya upang maitayo ang $550 milyon casino resort sa Boracay.

Malaya pa rin

Mabilis man ang pag-unlad ng mga negosyong unti-unting naitayo ng Chinese sa Pilipinas, hindi pa rin masasabing nasakop ng mga ito ang ating bansa. Sapagkat ang pagdagsa nito sa bansa ay pinapakinabangan din naman ng maraming Filipino.

Maging ang pamahalaan ay kampante sa pagdagsa ng mga Tsino sa ating bansa sapagkat nagkakaroon ng trabaho ang ating mga kababayan bukod pa sa kumikita tayo sa usapin ng turismo.

Tayo pa rin ang may hawak ng batas sa ating bansa sa mga sandaling ito kaya masasabing sa ngayon, malaya pa tayo.

Hanggang kailan?

May mga balitang sangkot ang ilang Chinese sa pagdukot sa mga kapwa nila Chinese na ipinatutubos ng milyon-milyong piso sa mga kamag-anak nito na nasa bansa. Sa madaling salita, dumaragdag sila sa pagsira ng kaayusan at katahimikan sa Pilipinas at nadadagdag sa trabaho ng ilang ahensiyang sangkot sa peace and order tulad ng  Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)

Walang kwestiyon sa pagdadala nila ng mga pagkakakitaan para sa mga Filipino subalit hanggang kailan nga ito? Hindi kaya magkaroon ng masamang bentahe sa atin? Kasi nga, dumarayo na rin ang ilang Chinese sa bansa upang magtrabaho at kapag nagtuloy-tuloy ang pagpasok nila ay baka sila na ang makinabang sa mga trabaho na dati ay naibigay nila sa mga Pinoy.

Sabagay, hindi pa naman dumarating ang panahon na iyon lamang ay maging maingat tayo at bantayan ang posibleng mang­yari bukod pa sa maialerto ang pamahalaan upang magawan ng paraan o mapaghandaan ang sakaling pagsakop ng China sa Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

BUNGO SA PLASTIC CONTAINER, NAHUGOT SA FALLS

twin falls12

(NI NILOU DEL CARMEN)

LAKING gulat ng isang lifeguard sa resort  sa Kalayaan, Laguna nang madiskubre nito ang plastic container na may laman ng bungo ng tao at itinago sa ilalim ng falls.

Ayon kay Rosauro Sadsad, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes, nang mapansin niya ang brown plastic container sa ilalim ng tubig sa Twin Falls Resort, sa Barangay San Juan.

Agad niya itong iniahon subalit nang buksan ay tumambad sa kanya ang nabubulok nang bungo ng tao.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung paano napunta doon ang container.

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang biktima na umano ay posibleng chop-chop murder.

 

Please follow and like us:
Read More