‘WAG NA SANANG MAGKAMALI MULI SI PRRD

KAAA BOOM

WAG na sanang muling magkamali si Pa­ngulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte sa pagpili ng magiging hepe ng pambansang pulisya. Bakit?

Alam naman natin ang nangyari kay dating PNP Chief General Oscar Albayalde na bago matapos ang kanyang termino ay nasira pa ang kredibilidad matapos siyang iugnay ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa 2013 drug raid kung saan ni-recycle daw ng labindalawa niyang dating tauhan na tinaguriang ‘ninja cops’ ang shabu na kanilang nakumpiska.

Nakaabot sa aking ka­a­laman na masusi na raw pinag-aaralan ng aking Lolo Digong ang pagpili sa mamumuno sa PNP at balak nitong i-backtrack ng sampung taon ang mga kandidato para sa PNP chief.

May tama naman ang ating pangulo dahil nga sa pangyayari kay Albayalde noong siya pa ang provincial director ng Pampanga, anim na taon na ang nakararaan.

Ang problema nga­yon, mayroon daw isang heneral na kuwestyunable ang pagkatao dahil ito raw ay may pagka-binabae o sa madaling salita, ‘Silahis’… nakupo… naloko na.

Nakarating din sa a­king kaalaman na noong nag-aaral pa lamang sa Philippine Military Aca­demy (PMA) ang heneral na ito ay meron daw itong minolestiya na under class na gwapo. Naaktuhan daw ito habang isinasagawa ang kalaswaan sa kapwa nito kadete. Paktay tayo d’yan. Nakarating na kaya sa kaalaman ni PRRD o naamoy na kaya niya ang malansang pagkatao ng heneral na ito? Ayaw pa naman ni Lolo Digong ko sa mga bading kasi base sa kwento niya, naranasan din niya na mamolestiya noon.

Mabalik tayo kay hene­ral, sangkot din daw ito sa pag-recycle ng droga dahil noong siya pa raw ang hepe ng isang siyudad sa Metro Manila ay tumanggap daw ito ng 400K para palayain at hindi na kasuhan ang asawa ng isa sa mga drug lord na nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP). Nangyari raw ang nabanggit na insidente noong 2010?

Mayroon pa raw isang insidente na tumanggap ang heneral ng 150K para palayain naman ang isang Chinese na nahulihan ng shabu. Naloko na!

Bukod dito, isang alyas Jun daw ang gina­gamit ng heneral na ito para makinabang sa video karera. Mahilig din daw magsabong si General?

Ang dami namang ilegal na kinasasangkutan ang opisyal na ito. Ano kaya ang nangyari at hindi man lang siya nakasuhan?

Kaya naman para kay Pa­ngulong Digong, dapat ay ma­ging matalino po kayo sa pagpili para hindi na mabahiran pa ng kontrobersya ang pamunuan ng pambansang pulisya.

Sana rin ay hindi kasama itong si General sa listahan ng mga pinagpipilian ng pangulo. KAAA…BOOM! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

PERWISYONG DULOT NG I-ACT, MMDA, LTFRB AT HPG SA MARCOS HI-WAY

KAAA BOOM

MATINDING perwisyo ang idinulot ng operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Highway Patrol Group (HPG) sa kahabaan ng Marcos Hi-Way nitong nakalipas na araw. Bakit?

Ang siste, maraming commuters ang nabalahaw dahil walang masakyan nang hindi bumiyahe ang maraming pampublikong sasakyan partikular ang mga jeepney dahil sa pangambang masilipan ng butas ng operasyon ng mga ahensya.

Ang resulta, maraming mga estudyante ang na-late sa kani-kanilang klase at marami ring mga empleyado ang hindi nakapasok sa tamang oras dahil sa nasabing operasyon.

Ang gagaling ninyo!

Sa ganang akin, hindi ko minamasama ang inyong operasyon sa lugar subalit dapat ay nag-isip-isip muna kayo kung tama ba ang inyong timing. Bakit?

Siguro naman matatalino kayo dyan sa I-ACT, MMDA, LTFRB at HPG at alam ninyo na may krisis sa transportasyon sa nasabing lugar dahil sa pagkasira ng LRT 2.

Magugunita na nitong October 3, 2019, araw ng Huwebes ay nasunog ang rectifier ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) dahil nag-short circuit sa pagitan ng istasyon ng Katipunan at Anonas.

Para sa kaalaman ng mga nabanggit kong ahensya, nang mangyari ang pagsabog ay halos 200,000 mga pasahero ang naapektuhan at naperwisyo dahil kailangan na nilang makipagsiksikan, makipagpambuno at makipag-agawan sa mga pampublikong sasakyan para lamang makapasok sa trabaho o eskwelahan o makauwi sa kanilang tahanan.

Jusko! Anong ginawa ninyo nitong October 8, araw ng Martes, hindi niyo ba alam na kailangang-kailangan ang mga pampublikong sasakyan sa lugar? Hindi niyo ba naramdaman ang pagka-inis sa inyo ng publiko? Hindi niyo ba nakita ang pag-aagawan ng mga estudyante sa mga dyip? Hindi ninyo rin ba nakita ang paghihirap ng mga commuter na halos nasa gitna na ng kalsada para lamang makauna sa pagsakay dahil kailangan nilang pumasok sa trabaho o paaralan? Wala ba kayong awa?

Hindi naman siguro lingid sa mga nabanggit kong ahensya na humingi ng tulong si LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera sa MMDA para matulungan ang mga naapektuhang pasahero ng LRT 2 kaya siyam na bus ang idineploy sa lugar para magbigay ng libreng sakay, habang may ilang bus din ang bumibiyahe na point to point para maibsan ang pagdurusa ng mga naapektuhan sa pagkasira ng tren.

Dahil dito, masasabi ko tuloy na imbes na matulungan ninyo ang ating commuters tila kayo pa ang namerwisyo!

Sa ginawa ninyong perwisyo, babayaran ninyo ba ang nawalang kita ng mga empleyado, kaya ninyo bang e-explain sa mga guro ng mga estudyante kung bakit sila hindi nakapasok sa kanilang subject?

Para sa inyong kaalaman, buhat nang masira ang LRT 2 ay nadoble ang oras ng kanilang biyahe. Kung dating naglalaan ng dalawang oras ang isang commuter para makapasok sa trabaho at kanilang eskwelahan, naging apat na oras na ito!

Hindi ko ipinagtatanggol ang mga kolorum pero alam na alam ko at alam ninyo rin kung saan-saan sila nakaparada o kung saan sila matatagpuan, bakit hindi ninyo na lang sugurin ang kanilang mga paradahan para hindi na madamay pa ang lahat?

Sa aking opinyon, pwede naman siguro sa ibang lugar muna kayo magsagawa ng operasyon habang hindi pa nagiging normal ang operasyon ng LRT o nananatili ang krisis. Marami pang lugar na pwede kayong manghuli ng mga kolorum. Isipin niyo muna kung paano kayo makatutulong at hindi ang mga pangsarili ninyong interes at kapakanan! KAAA…BOOM! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

KUNG MAY RECYCLING NG DROGA, MERON DING RECYCLING OF PERCEPTION?

KAAA BOOM

NASAAN na nga ba ang sinasabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) General Director Aaron Aquino na mga tinaguriang ‘ninja cops’?

Nakupo, napakarami raw sa kanilang listahan na ‘ninja cops’ kasi sa kanilang release nitong nagdaang araw, tinatayang nasa 700 ang  mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga habang ang iba naman ay protektor daw ng mga drug lord sa bansa.

Tanong, saan kaya ­galing ang listahan ng PDEA? at kailan pa kaya ang nasabing talaan?

Kaya natin ito tinatanong kasi kung talagang nasa ganito karami ang listahan ng mga pulis na nagre-recyle hanggang sa kasalukuyan, bakit hindi ino-operate ng PDEA ang mga sinasabing pulis na nasa ilegal na droga at dakpin?

Di ba ang ahensya ay mas lalong may kapasidad na madakip ang ‘ninja cops’? Bakit? Dahil ang tanging trabaho ng PDEA ay nakatutok sa ilegal na droga samantalang ang Philippine National Police (PNP) ay maraming kailangan tutukan tulad ng krimen at peace and order.

Sa ganang akin, sana man lamang ay may ­nadakip ang PDEA na mga pulis na eskalawag na kanilang sinasabi para naman mayroon silang maipakitang ebidensya na mayroon pa ngang ‘ninja cops’ sa kasalukuyan.

Magugunita na nadawit ang pangalan ni PNP Chief General Oscar ­Albayalde nitong nagdaang Senate press conference. ­Paktay anong nangyari? Hindi man lamang ba inisip kung gaano kaigting ang operasyon ng PNP kontra illegal drugs ni Albayalde nang siya pa ang NCRPO Director?

Di ba nga’t sa unang pag-upo pa lamang nito bilang NCRPO director ay pinagtatapon na niya sa Mindanao ang mga pulis na involved sa droga habang ang iba ay pinakasuhan nito.

Sa Quezon City Police District pa lamang nang pamunuan ito ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Lorenzo Eleazar ay ilang libo ang pinatapon nitong mga pulis na involved sa illegal drugs.

Hindi lamang pagtapon ang ginawa ni Eleazar kundi kabi-kabila ang kinasa nitong operasyon laban sa mga drug pusher at mga bigtime drug lords kung saan bulto-bultong shabu ang nakumpiska ng QCPD.

Tulad na lamang ­ngayon na si Eleazar ang pinuno ng NCRPO ay marami ang operasyon ng kapulisan sa Metro Manila. Kilo-kilong shabu ang kanilang narerekober habang ang iba na piniling manlaban ay napatay at isa na rito ang supplier umano ng National Bilibid Prison.

Nitong nakaraang linggo, di ba’t si Eleazar din ang siyang nagbulgar sa tinaguriang ‘Drug Queen’ na siyang pasimuno ng recycling ng illegal drugs ng ninja cops.

Tinukoy ni Eleazar si Guia Gomez-Castro, na dating chairwoman ng Barangay 484, Zone 48 ng Sampaloc, Manila subalit nakapuslit na ito at nakalabas na ng bansa.

Nasaan ang PDEA, bakit hindi nila ito agad napahuli? samantalang ito rin ang tinukoy ni PDEA Director General Aaron Aquino na si Castro ang pasimuno ng bentahan ng shabu sa Metro Manila sa halagang P13.6 milyon kada linggo.

Sinabi ni Eleazar na walo sa ‘ninja cops’ ang itinumba ng mga riding in tandem base sa kanilang records kung saan posibleng ang nag-utos sa pagpatay sa mga ito ay ang ‘Drug Queen’.

Dahil dito, nagbababala si Eleazar sa sinumang pulis o sa natitira pang ‘ninja cops’ na posibleng ganito rin ang kanilang sapitin – ang ipapatay ng drug syndicate upang hindi mabulgar ang kanilang operasyon sa bansa.

Teka, kailan ba nagretiro sa serbisyo si General Benjamin Magalong na isa sa nagbigay ng listahan ng ‘ninja cops’? Di ba noong 2016 pa ito wala sa serbisyo at ngayon ay alkalde na ng Baguio City. Anong taon na ba ngayon, 2019, ang ibig sabihin nito posibleng luma na ang listahan o matatawag natin na panis na ang impormasyon na ito ni Magalong.

Samantala, nang kapanayamin ng mga mamamahayag si Albayalde, mariin nitong sinabi na kung uso ang recycling ng droga, uso rin ang recycling of perception o sa madaling salita, espekulasyon. KAAAA … BOOM! (KAAA…BOOMS!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

ESPEKULASYON LANG

KAAA BOOM

MISTULANG espekulasyon na lamang ang naging pahayag ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na patuloy na nagre-recycle ang ilang tiwaling pulis ng ilegal na droga kaya hindi maubos-ubos ang shabu sa bansa. Bakit?

Kasi sa impormasyon na ating nakuha, sa listahan ng PDEA na mga pulis ay ilan sa mga ito ang matagal nang tinanggal sa serbisyo habang ang iba ay napatay na o pinatay na.

So bakit ito nasabi ni Aquino na sinisi ang PNP sa patuloy na pagdami ng droga? Teka…teka.

Kailan na nga ba nakahuli ng big fish ang PDEA o ‘yung mga kilo-kilong shabu? Hindi ko na yata maalala kung kailan o meron man samantalang ang PNP ay sandamakmak ang narerekober na mga shabu katulad na lamang nitong  nakaraang linggo di ba P204 milyon na ha­laga ng shabu ang narekober ng National Capital Region Office (NCRPO) nang magsagawa sila ng operasyon sa Pasig City.

Nadakip si Manolito Lugo Carlos, alyas Lito and Tonge na sinasabing ‘right hand’ ng isang convicted drug lord sa Natio­nal Bilibid Prison (NBP), na ayon kay NCRPO Director Major General Guiller­mo Lorenzo Eleazar, ang nasabing suspek ang siyang promotor sa pagkalat ng droga sa buong kamaynilaan, Central Luzon at Calabarzon maging sa NBP! Ang galing ‘di ba?

Saglit, saan kaya nagmula ang kilo-kilong shabu na hawak ni Carlos? Hindi kaya may nakalusot na naman sa ating mga pantalan na droga? Hindi kaya nakalusot na naman sa Bureau of Customs (BOC)?

Sa ganang akin, hindi na dapat idiin ng PDEA ang PNP sa halip, gawin na lamang ng PDEA ang kanilang trabaho at paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga pa­liparan at pantalan upang masawata ang pagpasok ng droga galing sa ibang bansa o kundi naman hulihin ang mga shabu laboratory na siyang nagma-manufacture ng ilegal na droga. ‘Di ba may Tama ako?

7 pushers ‘di umubra sa QCPD PS 3

Katahimikan at kaayusan ang prayoridad ni P/Col. Ronnie Montejo, bagong talagang district director ng Quezon City Police District (QCPD) para sa lungsod at higit sa lahat para sa seguridad ng mamamayan.

Para makamit ang kampanya, binanggit ni Montejo sa kanyang inaugural speech sa pagtanggap sa posisyon noong Setyembre 17, 2019 sa change of command ceremony na ginanap sa Kampo Hen. Tomas Karingal, na naniniwala siya na ang pagpapaigting pa rin sa giyera laban sa ilegal na droga ang dapat na prayoridad.

Bukod dito, ang pagpapaigting ng kampanya sa droga ay bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte, dagdag ni Montejo.

Isa sa agad na sumunod bagamat, talagang araw-araw ang ginagawang paglilinis sa kanilang area of jurisdiction laban sa droga ay ang Talipapa Police Station 3 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Benjamin G. Gabriel Jr.

Sa pamamagitan naman ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Dondon M. Llapitan, nagresulta sa pagkakadakip ng pitong kilalang drug pusher ang kanilang isinagawang buy-bust operation, ilang oras ang nakalipas matapos magtalumpati si Montejo. Ang galing di po ba?

Ang pitong nadakip ay hindi pipitsugin kasi sila ay nasa drug watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). KEEP UP THE GOOD WORK PNP! KAAA… BOOM! (KAAA..BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

PAGLOBO NG INMATES SA QC JAIL

KAAA BOOM

HANDA raw ang Quezon City Jail sa anomang magiging direktiba ni National Capital Region Bureau of Jail and Ma­nagement Director Ignacio Panti na saluhin ang mga inmate mula sa QC Annex Jail. Bakit?

Ayon kasi kay Panti, isasara ang QC Annex Jail upang bigyang daan ang pagpapatayo ng bagong gusali ng piitan. At siyempre, sa pagpapasara sa piitan, ililipat muna ang mga nakapiit sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Bicutan din.

Dahil dito, sa oras na isara ang QC Annex Jail, inaasahan na ang lahat ng mga nadakip at kinasuhan ng petty crime ng QCPD sa QC Metropolitan Court ay sa QC Jail na dadalhin sa halip na sa QC Annex Jail kaya tiyak ang pag­lobo ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa nasabing piitan. Teka…

Ano na ba ang bilang ng mga inmate sa QC Jail? Sa aking pagkakaa­lam mula raw sa 6,000 ay umabot na lamang ito sa 3,000 plus dahil sa inis­yatibo ng bagong QCJ Warden na si J/Supt. Severino Khita. Anong nangyari bakit bumaba? Anong ginawa ni Khita sa mga PDL? Pinalaya niya ba?

Ganito po kasi ang ginawa ng warden ng QCJ, pinabiyahe na ni Khita ang mga PDL at  inilipat kung saan sila nararapat na nakapiit batay na rin sa utos ng korte.

Iyan po ang naging hakbangin ni J/Supt. Se­verino Khita, simula nang maupo nitong Agosto 8, 2019 bilang QC Jail Warden kung saan inilipat na niya ang mga nasentensyahan sa National Bilibid Prison (NBP).

Ang paglilipat sa mga PDL ay patuloy na ginagawa ni Khita na nakikita niyang solusyon para mapaluwag ang piitan.

Napag-alaman natin na umabot na sa 70 PDL na pawang sentensyado ang ipinadala ni Khita sa Bilibid habang ang ibang bilanggo naman ay pinagpiyansa niya, kaya nagawa nitong mapababa ang congestion rate sa QCJ.

Ang pagluwag ngayon ng QCJ ay hindi nagawa ng nagdaang administrasyon ng piitan kahit pa patuloy ang ginagawang pagdakip ng 12 police stations ng Quezon City Police District (QCPD) na may kaugnayan sa iligal na droga.

Mantakin mo, halos araw-araw ay maraming nahuhuli ang QCPD na mga drug pusher at user saan nila dadalhin ang mga ito, sa QCJ siyempre. Eh ang kapasidad lang sa pagkakaalam ko ng natu­rang kulungan ay 800 su­balit lomobo ito ng 6,000. Pero ngayon nga ay nabawasan na ang pagsisikip nito.

Ano pa man, batay sa direktiba ni Panti kay Khita, gagawin ni Warden ang lahat para hindi magsiksikan ang piitan na ipinagkatiwala sa kanya. Kasama ang mga opisyal na bumubuo sa QC Jail, patuloy nilang nirerebyu ang mga dokumento ng bawat bilanggo.

Ang mga nakitang matagal-tagal nang may commitment order mula sa QC RTC para sa kanilang paglilipat sa ibang kulungan partikular na sa NBP ay agad nilang inililipat.

Ibang-iba ito sa kinakaharap na kontrobersya ngayon ng NBP na pinagkakakitaan ang paglaya ng mga PDL dahil sa GCTA. KAAA….BOOM!

Please follow and like us:
Read More

‘MALASAKIT’ GAWING BATAS

KAAA BOOM

NAPAKARAMI na pong nagte-text at nagpapadala ng mensahe sa inyong abang lingkod para magpasalamat sa mabilis na serbisyo ng Malasakit Center.

Ito ang nagtulak sa akin para ibahagi ito sa inyo sa pamamagitan ng Kaaa Booom sa Diaryo Bomba.

Nakalulungkot po ang kwento ng mga kababayan natin na dumudulog sa Malasakit Center. Nakaiiyak at nakapanghihina kapag nakita po natin ang mga nagda-dialysis, nagki-chemotherapy, mga walang pambayad sa ospital, matatanda na walang pambili ng gamot na kanilang ‘maintenance’ at mga batang may sakit na salat sa buhay.

Mapapailing po tayo at masasabing kakatwa ang sitwasyon ni  Juan dela Cruz dahil napakasagana at mayaman ang bansang Pilipinas pero napupunta lamang sa bulsa ng mga sakim at korap na opisyal ng bansa ang pera sa kaban ng bayan.

Tulad halimbawa ng Philhealth. Ang DOH na sana’y frontliner sa pagtulong sa mga may sakit lalo na ang matatanda. Pero anong nangyari? Nasangkot sila sa kontrobersya.

Nakakahiya di po ba? Sabi ko nga, tamaan sana kayo ng kidlat!

Kaya sana talaga ay magkaroon po ng Malasakit Center sa bawat munisipalidad, siyudad o lalawigan sa ating bansa dahil tried and tested na po ito. Tama ang sinabi ni Sen. Bong Go na ibalik sa taumbayan ang pera ng bayan at huwag ibulsa.

Hindi naman natin ‘yan madadala sa kabilang buhay.

Kaya samahan niyo po akong ipagwagwagan at hilingin kay Sen. Bong Go na isulong sa Senado ang Malasakit Center na siyang magiging sandalan ng bawat Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal. Sa mga hindi pa po naniniwala dahil sa hindi niyo ito napapanood o nababasa sa diyaryo, ibig ko pong sabihin, hindi ipinagmamalaki at pinagyayabang nina Pa­ngulong Duterte at Sen. Bong Go. Subukan niyo po at ako mismo ang aalalay sa inyo sa Malasakit Center.

Maging daan po sana ang Diaryo Bomba para malaman ng lahat ang napakagandang programang ito sa bawat mamamayang Pilipino. Inuulit ko po, mayroon po tayong

Malasakit Day sa DWWW 774 tuwing Huwebes at para sa mga requirement upang agad  maproseso ang tulong na hinihingi n’yo pwede pong makita sa fb page ng DWWW 774 o makinig sa programang Opinyon Mo, Opinyon Ko Lunes hanggang Biyernes mula 5:30am hanggang 9am.

Pinasasalamatan ko po ang Diaryo Bomba, ang Malasakit Center staff sa pangu­nguna ni Asec. Irma, Mam Lea, Mam Jane at lahat po sa office of the President, Tatay Digong  at Senador Kuya Bong Go na patuloy na tumutulong sa mga nasusunugan at mga may sakit nating kababayan. Sa aming Boss Rico Canoy na laging nakasuporta sa proyekto at programa.

Mabuhay ang Pilipinas at Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Kaaa…Boom!  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

SIPAG AT MAHUSAY NA PAMUMUNO ANG SUSI NG TAGUMPAY NG NCRPO!

KAAA BOOM

BINABATI natin si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guiller¬mo Lorenzo Eleazar na siyang nanguna at kinilala bilang best Police Regional Office sa bansa.

Binigyan ng parangal ang NCRPO nitong nakalipas na pagdiriwang ng 118th Anniversary ng Philippine National Police (PNP) kung saan mismong si lolo Digong ko ang siyang nag-abot kay Eleazar ng plake at pagkilala sa NCRPO.

Wow, napakasarap nang mabigyan ng parangal lalo’t si Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte pa ang mag-aabot sa ‘yo ng tropeyo at kikilalanin ang kagalingan at kahusayan ng pamumuno ng isang opisyal ng pulisya.

Ano nga bang dahilan bakit ang NCRPO ang napili ng pambansang kapulisan bilang pinakamahusay na Regional Office sa buong bansa at tinalo nito ang iba’t ibang mga rehiyon. Bakit?

Makikita naman kung gaano kaseryoso ang NCRPO lalo na si Eleazar sa kanilang trabaho, di ba’t kaliwa’t kanan nga ang kanilang operasyon kontra droga na siyang prayoridad ng aking lolo Digong. Nais kasi niyang masawata ang iligal na droga na salot at pinagmumulan ng krimen.

Hindi ko nga alam kung nagagawa pang magpahinga ni Eleazar o makatulog nang sapat na oras sa pagtatrabaho nito at sa pangangasiwa sa limang distrito ng Metro Manila.

Di ba’t lagi siyang nakikita sa telebisyon, na¬ririnig sa radyo, nababasa sa mga peryodiko dahil laging may accomplishment sa kanyang nasasakupan. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ang NCRPO ay kinilala ng PNP.

Kasi, kung mahusay ang pamumuno at nakikita ng mga kapulisan na ser¬yoso sa pagtatrabaho ang kanilang lider ay siyempre magbibigay ito ng inspirasyon sa kanyang mga tauhan at walang dahilan upang hindi gayahin ng mga District Director ang pagtatrabaho ng kanilang pinuno, di ba may tama ako?

Di ba’t makaraan ang ilang araw matapos matanggap ng NCRPO ang parangal ay tinarget ni Elea¬zar ang grupo ng Kidnap for ramson na nasa likod ng pangingidnap ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue kung saan isa ang napatay sa miyembro nito at nakasamsam ng iba’t ibang uri ng malalakas na armas.

Hindi man nadakip ang pinaka target o ang lider ng grupo na si Joever Garcia ay natitiyak ko na napilayan na ang operasyon ng mga ito at nagkanya-kanya na ang mga animal dahil sa takot kay Eleazar dahil alam ng mga ito na hindi sila titigilan ng pamunuan ng NCRPO hanggang sila ay madapuli. MAGTAGO NA KAYO SA SAYA NG LOLA NYO!

Di ba’t hindi nga nangingimi si Eleazar na sibakin sa tungkulan ang mga hepe o mga palpak na opisyal ng NCRPO maging si dating Eastern Police District Director Brigadier Ge¬neral Christopher Tambungan matapos malaman ang ginawa nitong pananakit sa babaeng pulis.

Teka po Sir Eleazar? hindi pa ba sa inyo nakakaabot ang ginagawa ng isang mataas na opisyal sa isang district dahil nananakit din umano ito ng mga pulis sa kanyang nasasakupan?

Nakaabot kasi sa akin ang ilang sumbong patungkol sa mataas na opisyal na ito na wala umanong ginawa kundi manakot at manakit ng mga pulis. Pati nga raw mga kapwa niya opisyal ay naiilang sa kanya at hindi mapakali kapag siya ang kaharap. SINO ITO? ABANGAN! KABOOM!  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

MMDA AT LTFRB, ANONG GINAWA N’YO SA EDSA?

KAAA BOOM

MALABANGUNGOT ang pagsisikip sa EDSA na dinanas ng mga commuter nitong mga nagdaang araw hanggang kahapon. Bakit?

‘Nak ng teteng, grabe ang traffic sa EDSA na nagresulta upang ma-late sa kanilang trabaho ang mga obrero, at hindi lang basta late, sobrang late dahil sa malapagong na usad ng trapiko.

Ano ang dahilan ng sobrang traffic na naranasan ng publiko sa EDSA? Hindi kaya ang gustong mangyari ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at itong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na P2P o ang pagbabawal sa mga provincial bus na makadaan sa EDSA ang dahilan? Bakit?

E, paano ba naman, napahiya ang dalawang ahensya nang katigan ng korte ang isinampang kaso ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc., at iba’t ibang bus companies.

Kasi sa kautusan na inilabas ni Judge Caridad Walse-Lutero ng QCRTC Branch 223 noong July 31, sinabing tila walang basehan ang pagsasabing provincial buses ang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko.

Ipinunto pa ng korte na walang klarong distinction na inilabas ukol sa P2P buses na galing sa probinsya o provincial buses at city buses at binigyan naman ng hanggang August 14 ang panig ng pamahalaan na magsumite ng tugon. Nakupo!

Ibig sabihin, hanggang August 14 pa magdurusa ang publiko sa traffic sa EDSA?

Nasabi ko ito dahil simula nang pigilan ng korte ang plano ng MMDA at LTFRB ay nagkalintek-lintek na ang trapiko sa nasabing lansangan na tila pinabayaan na para nga naman may maidahilan sa korte na payagan na ang planong pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA?

Nasaan kaya si Col. Bong Nebrija na itinalagang EDSA Traffic Manager? Anong nangyari sa EDSA nitong mga nakalipas na araw? Nagtatanong lang po.

Itong gustong mangyari ng MMDA at LTFRB ay pahirap sa libo-libong mananakay ng provincial buses para makarating sa Metro Manila o palabas.

Nais ng dalawang ahensya na pagbawalan nang dumaan sa EDSA ang provincial buses sa paniwala nilang isa ito sa nagpapasikip sa trapiko sa Metro Manila samantalang lumalabas na ilang porsiyento lamang ang bilang ng provincial buses na gumagamit ng EDSA araw-araw.

Kung oobserbahan ang totoong nagpapabigat sa trapiko sa EDSA ay makikita ang milyong pribadong sasakyan na umaabot sa 70 porsiyento at ang Metro Manila buses na pinatatakbo ng mga pasaway na driver.

Kung susuriin nga, hindi lang libo kundi daang libo araw-araw o baka aabot pa sa isang milyon ang pahihirapan ng mga opisyal ng MMDA at LTFRB sa oras na matuloy ang kanilang balak.

Ang nakatatawa pa sa solusyon ng LTFRB at MMDA, mayroon naman daw buses na magiging alternatibo na maghahatid sa mga mananakay sa integrated terminal exchange sa Valenzuela at Sta. Rosa, Laguna o vice versa.

Di ba parang ginagawa tayong tanga ng MMDA at LTFRB dahil bakit pagbabawalan pa ang provincial buses gayung papalitan din pala ng mga point to point bus?

Siyempre ang mangyayari ay mag-iisyu ang LTFRB ng bagong prangkisa sa karagdagang point to point buses. Naiisip n’yo rin ba ang naiisip ko?  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

BIBILIS NA BA O MABAGAL PA RIN?

KAAA BOOM

SA nakalipas na ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay pinakiusapan niya ang mga lider ng lokal na pamahalaan na huwag nang pahirapan ang mamamayan sa pagkuha ng anomang dokumento sa city hall, munisipyo at kapitolyo.

Agad namang tumalima ang ilang lokal na opisyal sa panawagan ng pangulo at kabilang na riyan si Que-zon City Mayor Joy Belmonte. Nais daw ngayong ipatupad ni Belmonte ang mabilisang pag-iisyu ng dokumento na posibleng abutin lang ng isa hanggang dalawang araw para makakuha ng business per-mit ang mga taxpayer.

Magandang balita ito para sa mga mamamayan ng nasabing lungsod kung talagang maipatutupad ito ni Belmonte, kasi mas mabilis pa ito ng isang araw sa paki¬usap ng ating pangulo na hangga’t maaari sa loob lamang ng tatlong araw ay matapos ang lahat ng transaksyon para hindi na magpabalik-balik pa ang taong nangangailangan ng permit o anomang dokumento sa city hall.

Ayon pa sa pangulo, ang mabilis na proseso ay isang paraan upang maalis ang korupsyon sa mga ahen-sya ng gobyerno.

Teka, sino nga ba ang nagpapabagal ng proseso pagdating sa pagkuha ng permit? Kasi ang balita ko ang tanging nagpapaantala sa mga kinukuhang permit ay ang pagpirma ng mga division head. Bakit? ‘Yan din ang tanong ko.

Kaya naman may punto ang pakiusap ng a¬ting pangulo sa mga local government unit na pabilisin nila ang pagproseso ng mga permit kahit anong permit pa ‘yan.

Marami na ngang nagpatupad na “One Stop shop” sa mga LGU pero naging epektibo ba ito o napabilis ba ang pro¬seso ng mga dokumento? Hindi, kasi dahil sa lagay este pirma pala ng mga nakatataas.

Napakasarap pakinggan ang binitiwang salita ni Mayor Joy na ang mga low risk na negosyo ay isang ar-aw hanggang da¬lawang araw lamang magpoproseso at makukuha na nila ang kanilang mga business permit. Nakapaloob ito sa 14 point agenda ng alkalde.

Pero alam kaya ni Mayor Joy na isa pa sa nagpapatagal ng proseso ng mga permit ay itong Bureau of Fire Protection (BFP)? Kakailanganin kasi ng establisimyento na kumuha ng Fire Safety Inspection Cer-tificate (FSIC) na isa sa mga requirementdin sa pagkuha ng business permits.

Para po sa kaalaman ng lahat, sa BFP-FSIC pa lamang ay tumatagal na halos ng isang linggo. Pero kung may ‘konek’ ka ay tiyak ilang minuto lamang kuha mo na ito. Kaya naman ang payo natin kay Mayor Joy, kahit hindi nito direktang sakop ang QC Fire ay kanyang silipin na rin ito dahil ito ang siyang magi-ging sagabal para mapatupad niya ang kanyang target na isa hanggang dalawang araw para sa pagkuha ng business permit.

Bukod dito, siyempre bantayan na rin ang nakarara¬ming kawani sa Business Permit Licensing Office (BPLO) dahil meron sa kanila ang umaaktong “fixer”.

Nilinaw naman ni Mayor Joy na ang para sa mga negos¬yo na kailangan ng masu¬sing pag-aaral, hindi bababa sa isang linggo ang pag-apruba o pag-release sa kanilang permit. Kabilis nga naman talaga o.

Siyempre, sa  pamamagitan ng programa, maraming negosyante ang mahihikayat na mamuhunan sa Quezon City at mabubura rin ang anomang katiwalian sa mga transaksyon sa city hall lalo na’t inumpisahan na ng alkalde ang paglilinis dito.

Maganda ang programa ngayon ng bagong gobyerno ng QC pero siyempre, magbabantay pa rin tayo para makita kung hanggang saan makararating ang pangakong easy permit release sa lungsod.  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

MEDIA WORKERS WELFARE ACT

KAAA BOOM

NGAYON pa lamang ay mayroon na agad isinusulong na priority bill ang ACT-CIS partylist na naglalayong panga­lagaan ang kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ang panukalang ‘Media Workers Welfare Act’ ay akda ni ACT-CIS party-list representative Rowena Niña Taduran na ayon sa kanya, pagkatapos ng State of the nation address o SONA ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay kanya na agad itong ihahain sa Kamara. Ang galing diba?

Si Taduran ay halos tatlong dekada na rin nasa industriya ng media kaya alam nito ang mga nararanasan at mga problema na kinakaharap ng bawat mamamahayag sa bansa kaya naman natutuwa ako na sa unang panukala nito ay inuna nito ang mga kasamahan sa dati na nitong larangang ginagalawan.

Ngayon kasi, tila maiiba na ang mundo ni Taduran dahil ang palagiang makakasalamuha nito ay ang mga politiko na dahil siya ay isa nang kongresista pero sa plano nitong batas ay ikinabilib ito ng mga kasamahan niyang mamamahayag. Bakit?

Hindi naman li­ngid sa mga kapatid natin sa hanapbuhay na mayroong ilang personalidad na mga media na na­ging kongresista at naging mataas na opisyal ng gob­yerno pero wala man lang nakaisip sa kanila na tutukan ang kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ayaw ko ng magsabi ng names dahil alam naman ito ng media sa bansa kung sino sila subalit ‘nganga.’Anong nangyari?

Subalit kay Congw. Taduran, nais nitong agad na mapabuti ang kalagayan ng mga mediaman dahil marahil kanyang minahal nang husto ang mundo na kanyang kinabibilangan noon.

Suportado ko ang akda na ito ng aking kaibigan na si Taduran katulad ng aking katukayo at ginagalang na si Presidential Task Force for Media Security (PTFMS) Executive Director and PCOO Undersecretary Joel Egco na sinusuportahan ang nasabing batas.

Nitong nakaraang araw ay lumagda sa isang memorandum of agreement sa Quezon City sina Egco at Taduran para pagtibayin ang partnership ng naturang task force at party-list sa pagpapaunlad ng kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ano ba ang mga nakapaloob sa nabanggit na batas? Bahagi ng panukalang batas daw ay magtayo ng independent commission na tututok sa media welfare. Ang komisyon din ang mag-iimbita ng mga media organization para maging miyembro na siya ring tutulong sa media members na mahasa ang kani-kanilang kakayahan na may kinalaman sa industriya.

Kung magiging batas, ang media workers welfare act, tutulong sa pag-monitor ng iba’t ibang media network owners para matiyak ang safety issues ng mga mamamahayag.

Bukod dito, ang bubuuing komisyon din ang tutulong sa pag-evaluate sa kakayahan ng media, base sa nais na maging posisyon nito. Kakailanganing kumuha ng assessment skills examination, ngunit wala naman aniyang babagsak sa klase ng eksam na ito, kundi ikakategorya lamang ang tao base sa kakayahan sa minimit­hing posisyon bilang media worker.

At ang pinaka-gusto ko ay maglilikha ang komisyon ng media workers welfare fund at legal services.

Ating susubaybayan kung mailulusot ang naturang akda dahil natitiyak ako na marami rin ang kokontra rito dahil mayroong mga masasaktan. KAA…BOOOM!  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

BAGONG BJMP CHIEF GENERAL IRAL, ISUSULONG ANG 4G’S!

KAAA BOOM

UNA sa lahat, binabati ko si Jail Director General Allan Iral sa pagkakatalaga nito bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Congratulations Sir! Alam ko naman na kwalipikado ka na pamunuan ang BJMP at alam ko rin na kaya ikaw ang itinalaga ni Tatay Digong ko ay dahil tiwala siya sayo na iyong pangangalagaan ang ahensya na iyong kinabibilangan.

Alam ko rin na suportado ka ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at kaya mong ayusin ang ahensya at linisin ang mga jail facility laban sa mga kontrabando partikular na ang iligal na droga.

Natatandaan ko nung OIC pa lang ng BJMP si General Iral ay nagawa nitong pababain sa 200 percent ang congestion rate ng mga jail facility sa bansa kaya naman lagi itong nakikipagpulong sa mga local chief executive para makapagtayo ng mga ka­ragdagang piitan sa bansa.

Ngayon na ikaw na ang BJMP Chief, natitiyak ko na maipatutupad mo na ang nais mong 4G’s o ang Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse and Guard the Life.

Sa Guard the Badge, sisipain ni Iral sa ahensya ang mga empleyado na scalawag na sangkot sa iligal na droga. Dapat lang Sir, tsugiin mo kaagad. Alam ko na marami sa mga BJMP personnel ang sangkot sa sindikato ng iligal na droga sa mga kulungan.

Bakit ko nasabi? Mantakin mo naman, paano kaya makakapuslit ang mga dalaw na may dalang shabu sa kulungan kung masusing hinahalughog ng mga jail guard ang dala-dalahin ng mga dalaw.

So, kung ganito kahigpit sa mga dalaw, sino ang magdadala ng droga sa kulungan? Sino kaya ang malayang nakapaglalabas-masok sa mga jail facility? Di ba ang mga BJMP personnel din? kaya dapat pag may nakapasok na droga ay may managot at gumulong ang ulo, di po ba sir Iral? May tama ako?

Ang akin lang naman, kung talagang gusto na malinis ni Iral ang mga jail facility sa bansa kontra iligal na droga ay dapat magpatupad ito ng polisiya na sa oras na mayroong marekober na shabu sa kulungan ay mananagot ang warden dahil sa command responsibility. Sibakin kung sino ang dapat na sibakin upang malinis ang ahensya.

Sinabi noon ni General Iral na magsasagawa siya ng mga greyhound sa mga kulu­ngan upang linisin ang mga jail ­facility laban sa mga kontrabando.

Tulad ng nasabi ko na noon, sana po Sir Iral, sa oras na magsagawa kayo ng paghahalughog ay magsama kayo ng mga mamamahayag upang hindi matawag na ‘bogus’ ang ginagawang greyhound sa mga kulungan.

Sakaling mangyari ito, tiyak na maghihigpit ang mga warden na makapuslit ang droga sa kanyang jail facility dahil magiging kahiya-hiya ito na mailalathala sa mga pahayagan o maririnig sa radyo, mapapanood sa telebisyon kung gaano karami ang droga na makukuha sa greyhound. Di ba may tama uli ako?

Inaasahan ko na magagawa ni General Iral ang mga nais nitong baguhin sa sistema ng BJMP. Alam ko rin na hindi nito sasayangin ang ibinigay na tiwala sa kanya ng Tatay Digong ko at ni secretary Año. Kaya po sir, aksyon na po agad! KABOOM!

Para sa inyong mga reklamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.

Please follow and like us:
Read More

QC JAIL NALULUSUTAN NA NAMAN BA NG SHABU?

KAAA BOOM

MISTULANG nasayang ang paglilinis na ginawa ng dating warden ng ­Quezon City Jail (QCJ) na si J/Supt. Ermilito Moral laban sa iligal na droga para hindi makapasok sa bilangguan. Bakit ko ito nasabi?

Eh kasi naman, may nakarating na ­impormasyon sa akin na mayroon na namang nakapapasok na droga sa QCJ!

Nitong nakaraang mga araw ay nakasamsam sa kubol ni Benedict Tan Tiu, ng isang green pouch, (1) unit ng Huawei Android cellphone, headset, improvised tooter na may bakas ng shabu, at dalawang plastic sachet ng shabu. O di ba, meron na ulit!

Napag-alaman natin na mismong si QCJ Warden P/Supt. Fermin Enriquez  ang nag-utos na inspeksyunin ang kubol ni Tiu makaraan na may makapagtimbre sa kanya na may shabu na nakalusot sa kulungan.

Ang problema Warden Enriquez, at tanong ko na rin, na paanong nakapuslit ang shabu sa iyong kulungan e hindi ka naman siguro nagkulang sa ­pagbibigay ng direktiba laban sa iligal na droga, di po ba?

Sa ganang akin, nanghihinayang ako dahil idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang QC Jail bilang DRUG FREE na kulungan sa bansa sa panahon ni warden Moral.

Dapat may ulong gumulong. Dapat magkasa ng imbestigasyon si warden Enriquez kung sino na naman ang utak sa kanyang mga tauhan na nagpapasok ng droga dahil natitiyak ko na may kasabwat itong guwardiya.

Marahil warden Enriquez, kinakaya-kaya ka lamang ng iyong mga tauhan dahil tila hindi nila suportado ang iyong ibig mangyari na walang makapasok na illegal vices sa QCJ lalo na ang shabu.

Noon kasi, kahit ilang beses na isinagawa ang ‘greyhound’ sa QCJ ay

walang nakitang droga kahit na latak nito, maliban sa iilang improvised na armas.

Pero teka, bakit tila wala akong nababalitaan ngayon na nagsasagawa ng greyhound si BJMP National Capital Regional Director, Jail Chief Superintendent Ignacio S. Panti? Bakit kaya? o sadyang hindi pinaaalam sa mga mamamahayag kung mayroong mga pagsalakay sa bilangguan. May lihim ba ng Guadalupe? Ako’y nagtatanong lamang.

Kasi noon, open na open sa media ang QCJ sa tuwing may Oplan greyhound para makita kung may shabu o wala e bakit ngayon, anong nangyari? May dapat bang itago?

Nakupo, ayaw ni Tatay Digong ko ng mga ganyan. Mas lalo sa usapin ng iligal na droga.

Hindi ba’t pinaigting pa nga ang kampanya kaya naman ang ginawa ng PNP ay huli rito huli roon na siyang dahilan upang lumobo ang popolasyon sa mga kulungan at tumaas ang kita ng mga warden, este, yung budget pala sa food.

Paging BJMP OIC J/Chief Supt. Allan Iral, kung ayaw po nilang mag-greyhound bakit kaya hindi kayo na lang ang mag-surprise inspection. Alam na alam ko na suportado mo ang laban ng aking Tatay Digong kontra droga at Alam ko rin na una sa prayoridad mo ay linisin ang bawat kulungan sa bansa upang maging drug free at alam ko rin na wala kang sasantuhin! AKSYON NA PO! KABOOM!  (KAAA..BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

SERYOSO ANG UNIVERSAL HEALTH CARE LAW

KAAA BOOM

PINIRMAHAN noong Pebrero 21, ng taong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Law na talaga naman ang mahihirap nating kababayan ang siyang makikinabang.

Pero maraming kontra sa administrasyon ang ngaw-ngaw ng ngaw-ngaw na kesyo papogi lang daw ito ni Pangulong Duterte. Nagtatanong kung saan daw kukuha ng pondo, ito na raw ang umpisa na mangungutang ang Pilipinas sa bansang China at ito raw ang maglulubog sa bansa sa utang. Ganun?

Kaya naman ang aking katanungan sa mga bumabatikos at kumukwestyon sa nasabing batas ay ano ba talaga ang gusto ninyo? Hindi ba kayo masaya at lahat covered na ng Philhealth kasama na ang pinakamahihirap nating kababayan na masasaklaw ng insu­rance at Health Care Services.

Sa naturang batas, mabibigyan ng libreng accommodation sa mga pampublikong ospital, libreng check-up at basic laboratory test at health care ang mga pobre na­ting kababayan, lalo ang senior citizens at PWD’s na madalas pumipila sa mga opisina ng mga politiko para mamalimos ng pambili ng gamot at para may pambayad sa ospital.

Kaya naman panawagan ko sa aking mga kababayan na huwag tayong magpaudyok sa sulsol ng mga grupong ginagamit lamang kayo para kontrahin ang ginagawang magagandang batas ng pamahalaan katulad nitong Universal Health Care Law.

Tandaan po natin, hindi po tanga si Presidente Duterte na pipirmahan ang naturang batas na hindi alam kung saan kukunin ang pondo dahil natitiyak ko na bago pa man lagdaan ito ay pinag-aralan ito nang husto at nakita na kaya ngang ibigay ang ganitong serbisyo para sa mga Pilipino.

Ngayon ay isa ang planong pagtataas sa buwis ng sigarilyo sa mga napipisil na pagkunan ng pondo. Kasunod niyan ay pinag-aaralan na rin na taasan ng buwis ang alak. Kaya tiyak na magkakaroon ng pondo ang UHC Law.

Tigilan natin ang sobrang pamumulitika sa bansa at nararapat lamang ibigay ang dapat na tulong sa bawat pamil­yang Pilipino lalo na ang mga naghihikahos at nangangailangan ng basic services. (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

WALANG NAM-BULLY SA HOUSE SPEAKERSHIP

KAAA BOOM

UMIINIT na ang labanan sa pagka–speakership ng Mababang Kapulungan dahilan upang magkaroon ng samu’t-saring mga balita kung sino ang uupo o kung sino ang pipiliin ni Tatay Digong ko?

Kadalasan, may mga balita na wala namang katotohanan at pawang pagbira lang at paninira sa mga kalaban, bakit ko nasabi?

Isa na rito ang napabalitang pambu-bully umano ni Taguig Congressman Alan Cayetano sa pulong ng Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI) kung saan sinabi raw ni Cayetano na kaibigan siya ng mga kongresistang sumusuporta sa kanya ngunit kalaban ng mga ayaw sa kanya. Ganun?

Dahil sa naglabasan na balitang ito, nagsalita na hinggil dito si PCFI president at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero at pinabulaanan niya ito. Malamang ang nagpakalat ng balita ay isa sa mga atat na atat na umupo sa pagka-speaker. Sino kaya ito?

Ayon pa kay Romero, walang katotohanan ang lumabas na balita bagkus, naging maayos, produktibo at ‘cordial’ ang pakikipag-usap ng grupo kay Cayetano.

Maliban dito, naging bukas aniya at komprehensibo ang pag-uusap sa pagitan ng mga party-list solon at ni Cayetano dahilan upang labis na ikinalungkot ni Romero ang lumabas na mga balita. Ay mga Buwang talaga kapag naniwala agad kayo!

Sa nasabi ring pulong, iprinisinta lamang daw ni Cayetano ang kanyang programa kung sakaling maluklok bilang speaker ng Kamara.

Napag-alaman pa natin kay Romero na sa naturang meeting, hindi man lamang binanggit ni Cayetano ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o si PRRD na a¬king Tatay Digong.

Hindi rin sinabi ni Cayetano sa pulong na siya ay binasbasan ni PRRD sa labanan ng speakership.

Siniguro pa nga a¬niya ni Cayetano na patas ang trato sa mga party-list solon sakaling siya ang manalo at sinabi rin nito na  hindi na kailangan ng mga negosasyon dahil nasa pareho naman silang panig. Ganyan dapat ang tamang pag-uugali!

Sa aking opinyon, dapat siguro na maghunos dili ang mga kandidato sa pagka-speaker ng kongreso at hintayin na lamang nila ang pagbubukas ng sesyon sa Hulyo at huwag nang magsiraan pa dahil ayaw na ayaw yan ng Tatay Digong ko!

Nangako naman si Romero na magiging patas ang pro¬seso na gagawin ng mga party-list solon sa pagpili ng kanilang magiging lider sa Kamara de Representante.

Kaya sa mga atat at nag-aambisyon na maging Mister Speaker sa House, easy-easy lang. Hintayin nyo na lamang kung sino sa inyo ang babasbasan ng aking Tatay Digong at huwag nang MAGSIRAAN PA! KABOOM!  (KAAA..BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

BOBOTANTE NGA BA TAYONG MGA PINOY?

KAAA BOOM

ETO ho ang tanong ng KARAMIHAN ngayon.

(Hindi ko sasabi¬hing TAUMBAYAN dahil binaboy na ito nang husto ng mga kritiko ng gobyerno).

Bakit nga ba nanalo pa rin ang mga manok ng Pangulo mula sa Senado hanggang sa mga LGU gayong ‘malademonyo’ ang paglalarawan sa kanya kanyang mga kritiko?

Well, isa lang ang napatunayan ko nitong katatapos ng eleksiyon.

Winner ang popularidad ng Pangulo.

Kaliwa’t kanan na ang paninirang ginawa sa kanya hanggang sa anak idinamay pa, pero walo sa bawat sampung Pinoy ang nagtitiwala pa rin sa kanya, batay sa survey.

At ang magaling pa rito, na-translate itong lahat sa boto kaya winner din ang kanyang mga manok.

Bukod sa popularidad ng Pangulo, pwede rin nating sabihin na ayaw na ng mga Pilipino sa kahit na sinong nakadikit ang pangalan sa dilaw na kulay.

Ramdam ‘yan ng oposisyon kaya nga wala nang nagdilaw sa kanila nung kampanyahan, hindi ba?

At alam nyo ba?

Bukod sa ZERO OTSO sa Senado, 18 lamang mula sa 244 seats sa Kongreso ang napunan ng Partido Liberal?

Dalawa lang sa 81 gobernador ang nanalong dilawan? At 11 lang sa 1,500 mayors ang nanalong kakampi nila?

Pero kung OTSO DIRETSO ang tatanungin, “UNEDUCA¬TED VOTERS” ang tawag nila sa mga hindi sila ang binilugan sa balota.

Sa madaling salita.

WALA SA TAMANG PAG-IISIP. HINDI ARAL.

BOBOTANTE.

Ito ang palagi kong inuulit sa aming programa sa DWWW774.

“Walang bobong botante.”

At lagi nyong tatandaan na kung talunan ka dahil hindi ka namin nakikilala at hindi namin alam ang achievements mo, ‘wag mong isisi ‘yun sa amin.

Mas tamang sabihin na dahil hindi mo kami inabot para ma-educate tungkol sayo kaya hindi ka namin binoto!

Nagkulang ka, tapos kami may kasalanan?

Kalabisan naman yata yun.

Kunsabagay, may tatlong taon pa kayo para ikorek ang mali.

Kung gusto nyo pang sumugal muli, may mahabang panahon pa kayo para magpakilala.

Tatandaan lang ang REFORMIST na ang mga botante ngayon.

At kontrabida ang tawag nila sa ANTI-REFORM.

Nasa momentum na kasi tayo ng pag-asenso.

Tanaw na natin ang pagbabago.

At kung hindi ka makasasabay rito, tiyak na pupulutin ka sa INIDORO.  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

ANO BA TALAGA ANG SITWASYON NG WATER SUPPLY SA METRO MANILA?

KAAA BOOM

SA kabila ng napapadalas na pag-ulan, hindi pa rin pala tumataas ang level ng mga dam at bagkus ay patuloy itong bumababa. Kinakailangan pa rin natin ng maraming ulan para maibalik sa normal ang level ng mga dam. Ang naranasan natin pag-ulan nung mga nakaraang araw ay hindi naging sapat upang mapunan ang kakulangan sa suplay ng tubig.

Mas mababa pa rin sa critical level ang tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam kumpara sa kanilang minimum operating level. Noong nakaraang araw, ang Angat Dam ay nasa 172.06 na mas mababa sa minimum operating level na 180 meters samantalang ang La Mesa Dam naman ay nasa 68.49 meters mas mababa rin sa critical level na 69 meters.

Ibig sabihin, kulang na kulang pa rin ang supply kaya nga’t nagkaroon ng krisis diyan sa Manila Water noong Marso. Eto pa ah. Sa patuloy na paglobo ng populasyon, siyempre dadami rin ang demand o yung mga gumagamit ng tubig. Ang problema, hindi pwedeng umasa na lang palagi sa ulan para mapuno o madagdagan ang kapasidad ng mga dam. Kailangan talaga ang mga bagong water sources bukod sa Angat at La Mesa.

Kaya lang, nasaan na ba tayo ngayon? Aba eh wala pa rin tayong medium at long-term water sources. Responsibilidad ng gobyerno yan kaya sana aksyunan na agad-agad.

So, ano ang idi-distribute ng mga konsesyunaryo na ito katulad ng Manila Water at Maynilad? Eh di kung ano lamang ang available.

Halimbawa, paano ba magiging 24 hours ang supply sa Manila Water kung kulang talaga ang supply nila. Yon palang alokasyon na nakukuha nila sa Angat na 1.6 billion liters of water per day ay pareho pa rin mula nang nagsimula sila noong 1997. Walang nagbago since 22 years ago. Ganoon din sa Maynilad na 2.4 billion liters of water per day na di na rin nabago kahit paparami ang tao at developments dito sa Metro Manila.

Pero para sa mas maayos na suplay ng tubig, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Manila Water ng pag-aayos nito ng serbisyong tubig sa nasasakupan nitong service area sa silangang bahagi ng Metro Manila. Ang water supply augmentation activities na ito ay tuloy-tuloy raw na isinasagawa upang mabawi ang kakulangan ng suplay ng tubig.

Kahit paano, medyo nagawan naman ng paraan ng Manila Water na mapatubigan yong mga lugar na nawalan ng tubig noong Marso. Ngayon, mahigit 90% na ang may access ng tubig kahit hanggang ground floor lamang. Pero dahil kulang pa rin ang supply, siguro talagang hanggang first floor lang hangga’t wala pa ang mga medium-term sources. Eh yan din pala ang standard ng Regulatory Office, ground floor level lamang.

Kaya kayong mga nakatira sa condo o medium-rise buildings o yong may mga second foor o higit pa na mga bahay, dapat may mga tangke kayo o imbakan ng tubig. Dati nga may elevated water tanks pa. Di ba uso din yan noon sa mga subdivision.

Isa pang magandang balita! Kahit paano pala eh may dagdag na nakukuha na supply ang Manila Water. Ayon sa mga lumabas na report, sa kasalukuyan raw, ang Cardona Water Treatment Plant nila sa Rizal ay nakapagbibigay na ng 50-56 million liters per day. Pati pala deepwells ay binubuhay na rin at nakakabigay naman ng mahigit 35 MLD; samantala ang pangakong tulong ng Maynilad na 50 MLD ay nakakuha ngayon ng mahigit 18 MLD. Kailan kaya mabibigay ng Maynilad ang balanse para matulungan pa ang Manila Water?

Yun nga lang, talagang medyo delikado pa rin ang sitwasyon natin sa tubig hangga’t walang pangmatagalang supply.

Para sigurado ay huwag muna tayong umasa sa 24/7 na serbisyo sa ngayon. At least di man 24/7, may tubig na rin at puwedeng mag-ipon di tulad noon na ilang araw na sunod-sunod na walang pumapatak sa gripo. Ngayon marami na rin naman ang may tubig ng mula 8 to 20 hours. Medyo hirap lang sa medyo matataas na lugar at yong malalayo, pero kahit papano eh nagkakatubig din. Balita ko may pumps na rin na inilagay para abutin nang mas matagal na supply.

Siyempre asahan pa rin na may interruptions pag may regular maintenance o tubong nasira para kumpunihin. Lalo na ngayon na pati kuryente kulang, kaya pag nawalan ng kuryente, nawawalan din ng tubig. Di tulad ng kuryente na i-on mo lang ang switch meron na.  Sa tubig, kahit may kuryente na, kailangang mag-build up pa ng pressure.

At saka tayong mga gumagamit ng tubig, dapat tayo ay matuto rin na magtipid muna lalo’t naranasan na natin kung paano ang buhay pag wala ito. Summer man o tag-ulan, dapat matuto tayong magtipid at wag aksayahin ang tubig. AND I THANK YOU!

Para sa inyong mga reklamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am. (KAAA… BOOOM / Joel Gorrospe)

Please follow and like us:
Read More

SINDIKATO SA POLICE CLEARANCE TULOY ANG LIGAYA

KAAA BOOM

TULOY ang ligaya ng mga umano’y sindikato na nasa likod ng Identification Card na iniisyu sa mga kumukuha ng police clearance sa kalakhang Maynila at maging sa ilang kalapit na probinsya. Bakit ko nasabi na may sindikato?

Ganito kasi, noong umupo bilang district director ng Quezon City si ngayo’y NCRPO Major General Guillermo Lo¬renzo Eleazar, dinesisyunan nito na alisin ang nasabing ID. Bakit? Alam kasi ng heneral na hindi naman ito kailangan at dagdag gastusin lamang sa mga naghahanap ng trabaho.

Tama ang naging desisyon ni Eleazar na alisin ang ID system sa police clearance kaya pinuri siya ng mga mamamayan sa lungsod dahil nakamenos sila sa gastusin na sad¬yang pahirap. Bakit?

Una, hindi naman ito hinahanap sa inaaplayan na trabaho kundi ‘yung papel na iniisyung police clarance.

Ikalawa, hindi ito kinokonsiderang valid ID kaya sa madaling salita, walang kwenta ito o dekorasyon lamang sa wallet.

Ang masakit, i¬lang buwan pa lamang nakaaalis si Eleazar sa QCPD ay marami nang sumbong na nakarating sa inyong lingkod na naibalik ang ID kung saan imbes na 80.00 pesos lamang ang talagang bayarin ay nagiging P180.00 dahil sa lintek na ID na yan.

May nakarating sa ating impormasyon na noong tinanggal daw ni Eleazar ang nasabing sistema sa police clearance ay nilapitan ng mga sindikato ang ilang konsehal para gumawa ng resolusyon o ordinansa na bigyan sila ng pahintulot na maibalik ang ID system na ito. Magkano ba ang dahilan? Siguro tsalap-tsalap ang buhay ngayon ng mga nasa likod nito habang pinahihirapan ang mamamayan ng Quezon City.

May alam kaya rito si outgoing QC Mayor Herbert Bautista? Alam kaya ni QCPD Director General Joselito Esquivel na mayroong ‘sindikato’ sa ID system ng QC Police Clearance?

Alam kaya ni Heneral na mayroong nagpapasasa sa pera ng mga kawawang mahihirap na residente sa binabayad ng mga ito na karagdagang bayarin?

Kala ko pa naman, idolo ni General Esquivel si NCRPO Director Eleazar e bakit hindi niya sinundan ang inisyatibo nito sa pagtatanggal ng maling gawain sa police clearance sa nabanggit na lungsod.

Aking napag-alaman na tanging si Eleazar pala noon ang nag-alis nito sa kalakhang Maynila dahil ang ibang siyudad ay mayroon ding ganitong sistema sa police clearance.

Alam kaya ni PNP Chief General Oscar Albayalde na halos lahat ng police clearance sa Kamaynilaan ay nag-iisyu ng ID?

Sa aking pagsisiyasat, maging ang mga karatig na probinsya katulad sa Rizal partikular na sa bayan ng Ango¬no ay may ganito nang pinatutupad na sistema. Take note, mas mahal pa ang singilan, P150.00 kumpara sa QC na P100 lang.

Dahil dito, dapat sigurong paimbestigahan ito ni General Albayalde dahil natitiyak ko na ayaw ni Tatay Digong ng ganitong sistema na nagpapahirap sa samba¬yanang Pilipino.

Tila walang pinag-iba ito sa kontrobersya noon sa Firearms and Explosive Division na kumuha ng service provider na magdadala ng mga gun permit.

Huwag sanang hintayin pa ni Albayalde na maupo ang aking IDOLO na si General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Senado at siya pa ang magpatawag ng imbestigasyon hinggil sa sistema ng police clearance sa bansa.

Wag sanang hintayin ng mga District Director, Provincial Director at mga Chief of Police na magkaroon pa ng pagsisiyasat sa Senado bago sila umaksyon na tanggalin na ang mga service provider na nag-iisyu ng ID sa police clearance.  (KAAA…BOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

ANG PAKIKIALAM NG BSDO NG BRGY. 171 SA CALOOCAN

KAAA BOOM

ANO itong nakarating sa atin na reklamo na diumano’y nakikialam sa bentahan ng lupa ang BSDO ng Barangay 171 sa Bagumbong, Caloocan City partikular sa Myrna Roque Subdivision.

Sa pahayag ng magkapatid na Lina Roque at Juliet Mendoza, wala silang ibinigay na pahintulot sa kanilang hipag na si Erlinda dela Cruz, upang ibenta ang kanilang tatlong ektaryang lupa subalit laking gulat nila na nagawa nitong  maibenta  ang kanilang property. Inay ko po! Anong nangyari?

Ayon pa sa magkapatid, gumawa na sila ng hakbang upang masawata ang ginagawang pagbebenta ng kanilang lupa ni Erlinda Dela Cruz na pawang peke umano ang mga dokumentong hawak subalit dahil sa pakikipag-sabwatan ng ilang opisyal ng barangay, nagagawa nitong si Erlinda na mapaniwala ang mga buyer na genuine ang hawak niyang titulo.

Dahil dito, nais manawagan nila Lina at Juliet kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Dino, ng Barangay Affairs para swetuhin nito ang mga opisyal ng Barangay 171 Bagumbong, Zone 51, District 1, para mapigil na ang pagbebenta ni Dela Cruz ng kanilang ari-arian.

Ipinakita ng magkapatid sa inyong lingkod ang katunayan na sila ang totoong may-ari ng lupa at sila rin ang nagbabayad ng buwis sa pamahalaan kahit pa noong nabubuhay ang kanilang inang si Filomena na nag-iwan ng testamento na walang ipagkakaloob na karapatan o mana sa lupang kanyang maiiwan si dela Cruz.

Iginiit din ng magkakapatid na sina Ernesto Timbal, Danilo Baringuel at Nonito Gonzales ang binigyan ng “special power of attorney” ng pamilya upang  makipag-usap sa mga nais bumili ng kanilang mga ari-arian sa Myrna Roque Subdivision.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang pamilya Roque laban kay Dela Cruz dahil sa iligal na pagbebenta ng kanilang mga lupa sa Caloocan City at balak din nilang kasuhan ng administratibo ang ilang barangay opisyal ng 171 na nakipagsabwatan sa kanilang hipag.

GEN. BATO DELA ROSA TULOY ANG LABAN SA ILIGAL NA DROGA

Congratulations General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa iyong pagkapanalo bilang senador ng bansa. Naniniwala ako na ang mga binitiwan mong pangako ay iyong isasakatuparan sa anim na taon na serbisyo publiko hindi bilang pulis kundi bilang senador.

Tiyak ko na ang iyong laban sa iligal na droga ay magtutuloy-tuloy at iyong dadalhin sa Senado upang tuluyan nang mahinto ang salot na ito sa ating lipunan partikular na sa mga kabataan na siyang binibiktima nito.

Mabuhay ka General Bato, ipakita mo sa mga kasamahan mo na mga senador na hindi sa pagalingan sa pagsasalita ng English ang paglilingkod sa Senado kundi sa gawa at hindi ngawngaw o pasayaw-sayaw.  (KAAA..BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

“PI” O MURA BA NI DIGONG ANG MANGHUHUSGA?

KAAA BOOM

MALAKING usapin pa rin hanggang ngayon ang walang tigil na pagmumura ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga speech kung saan inaabangan na yata ng mga nakikinig kung sino na naman ang mumurahin niya.

May mga napapahalakhak, mayroon din namang napapataas ang kilay, kulang na lang mabuwal sa kanilang kinauupuan. Marami rin ang nagsasabing nakakahiya ang bayan natin dahil sa mga lumalabas sa bibig  ng ating Presidente.

Tanong lang naman, mali nga ba ito o hindi lang tayo nasanay dahil ngayon lang tayo nagkaroon ng lider na palamura? Kasalanan daw kasi ito ayon sa mga moralista at religious group.

Totoo nga naman po, ang sabi nga sa Mateo 15:18 “Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso.”

Kapag nagmumura ka raw, ipinakikita ng iyong pananalita kung ano ang nasa loob mo at ipinahihiwatig nito na wala kang pakialam sa damdamin ng iba.

So, ibig bang sabihin nito, kapag nagmura ang pangulo eh masama na siyang tao? Ganoon ba yun o depende sa sitwasyon?

Kung ako po ang tatanungin, personally, wala pong kaso sa akin ang pagmumura. Kasi sa totoo lang po mostly sa mga nagmumura, they don’t mean it, nagiging expression na lang nila. Ako po aaminin ko, may mga pagkakataon na nakakapagmura ako, nababanggit ko ang word na “PI” but I don’t mean it…parang expression na nga lang.

Sa akin, ang mahalaga po kasi ay yung laman ng puso ng tao, kung gaano ka nagmamalasakit sa kapwa mo, kung paano ka makitao, yun po ang mahalaga sa akin. Ma­rami po akong kakilala, nakakasalamuha na kung makapagmura ay wagas ngunit kung aalamin mo at kikilalanin kung sino sila talaga, sila pa yong maraming naisasakri­pisyo upang makatulong sa kanilang kapwa. Sila po yung may puso sa kanilang mga kababayan.

Katulad din yan ng kasabihang “Don’t judge a book by its cover.” Huwag po nating husgahan ang ating kapwa sa mga nakikita ng ating mata o naririnig ng ating mga tenga. Tumingin tayo sa puso, sa pag-uugali, sa kalooban ng tao, sa kanilang mga pinahahalagahan dahil doon natin makikita ang totoo nilang pagkatao. Well, sa a­ting pangulo, yan na siya eh, tumanda na siya na ganyan.

Sabi nga, ang kawayan pag tumanda na, matigas na, mahirap nang hubugin nang ayon sa ating kagustuhan, mahirap na itong baliin. Siguro ang masasabi ko na lang lalo na sa atin na mga magulang, i-guide na lang natin at paliwanagan ang ating mga anak, kung ayaw nating tularan siya sa pagmumura, pagsabihan at gabayan na lang natin sila. Still my point here is, look deeply and closer at the heart of a person at huwag po yung superficial lang. Yung nakikita lang natin on the surface. AND I THANK YOU!

Para sa inyong mga rek­lamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.  

Please follow and like us:
Read More

TULDUKAN ANG PATULOY NA PAGDAMI NG DROGA

KAAA BOOM

TULOY ang misteryo ng mga floating cocaine sa ating mga karagatan. Lalong nakapangangamba. Kung pumapasok na ang cocaine sa bansa nang bulto-bulto, tulad ng pag-smuggle ng bulto-bultong shabu na dumadaan pa sa ­ating customs, delikado na ang bansa natin. Kapag nauwi pa ang mas marami sa ating mga kabataan sa paggamit ng  iligal na droga, paano na ang kinabukasan ng ating bayan?

Bukod sa cocaine, araw-araw na lang ay may ­nahuhuling mga gumagamit at nagtutulak pa rin ng iligal na droga. May shabu, may party drugs at iba pang high-end na droga na ­pang-mayayaman. ­Dumarami araw-araw ang mga nasisirang buhay, mga kaawa-awang pamilya.

Sa pagkakataong ito, kailangan na talaga ng taong tunay na nakauunawa sa problema at ­paraan ng pagsugpo ng droga. Dapat may nakatutok sa ­problemang ito bukod sa ­Executive branch ng ­ating ­gobyerno. Mas maganda na ­gumagalaw rin ang ating Legislative Branch upang makatuwang ang ­Executive Branch sa paglaban sa iligal na droga.

Sa aking pananaw, sa mga tumatakbo ngayon sa Senado, si dating PNP Chief Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa ang alam kung maaari nating asahan pagdating sa problema sa droga. Ang mahaba niyang karanasan bilang pulis hanggang sa ­pagiging hepe ng pambansang kapulisan ay ­malaking factor ika nga upang makapagpanukala siya ng epektibong programa laban sa droga.

Hindi naman napag-iiwanan si Bato at tingin ko ay pinagkakatiwalaan talaga siya ng karamihan ng botanteng Pilipino. (Kaaa… Boom / Joel Gorrospe)

Please follow and like us:
Read More

VOTE BUYING & SELLING INDEMAND NA NAMAN 

KAAA BOOM

BAKIT kaya pag dumarating ang panahon ng eleksyon, in demand ang buy & sell… Buy & Sell ng boto! Malayo pa ang eleksyon pero nagkakabilihan na ng boto at mayroon na rin nagbebenta sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Putek na yan!

Tulad na lang sa La Union, may nakarating sa atin na may namimigay na ng 500 hanggang 1,000 piso at kapalit nito ay ang listahan ng kandidato mula senador, congressman hanggang sa konsehal ng bayan na dapat iboto. Anak ng teteng!

Sa lalawigan naman ng Batangas, bukod sa grocery items na may nakadikit na mukha ng kandidato eh may salapi rin daw na kasama depende sa dami ng miyembro ng pamilya. Ayos, pag maraming pamilya, dami rin kwarta!

Walang pinagkaiba sa lalawigan ng Pangasinan kung saan ayon sa ating suking tindahan eh mismong si kapitan ang namumudmod ng perang tumataginting na may kumpletong listahan ng kandidato. At take note, talagang kakatukin ang bahay mo para lang maiabot ang SUHOL este tulong kuno. Hanep!

Sa Surigao, P10,000 daw ang bigayan sa mga bobotante este botante pala na pinagbibili ang kanilang mga karapatan na pumili ng karapat-dapat.

Marami pong iligal na paraan ang mga kandidato upang mahalal sa halalan.

Una, ang pagsupil at pagkokontrol ng media gamit ang mga koneksyon nito upang maging bulag ang mga botante sa tunay na pagkatao ng isang politiko.

Kabilang din sa mga desperadong paraan ng ilang politiko upang manatili sa kapangyarihan ang paninira o propaganda laban sa mga katunggali, pananakot, paggamit ng mga sikretong balota, pakikipagsabwatan o panunuhol sa mga opisyal na nangangasiwa sa halalan. O ang sinasabi nilang panunuhol o pagbili ng mga botante.

Bakit nga ba natin nakaugalian ang ganitong sistema? Well, ito po ay isang uri ng pandaraya o pagnanakaw. Pagnanakaw na dapat sana’y katungkulan ng isang nararapat na taong mamumuno. Ngunit, ninanakaw, inaahas ng kampon ni satanas. Ang isa pong nakikita kong dahilan dito is the love for money. Pagmamahal sa pera. Nakakita lang ng pera, pinagkanulo na ang karapatan, pinagkanulo na ang kinabukasan ng kanyang bayan.

Katulad lang din ni Hudas Iskariote na pinagkanulo si Hesukristo sa 30 pirasong pilak. Ano po ang dahilan? Pagmamahal sa pera, sa kayamanan. D’yan po nag-um­pisa ang kasabihang, ‘love for money is the root of all evil.’

May mga kilala po akong ganyan sa iba’t ibang sangay ng ating lipunan at nakalulungkot lang even sa larangan na aking kinabibilangan ay may nagpapasilaw rin sa pera.

Tandaan po natin, ang sobrang pagmamahal sa pera ay posibleng mailagay po tayo sa kapahamakan kasi nako-compromise ang ating layunin sa ating trabaho at higit sa lahat, nakalilimot sa ikagaganda ng buhay ng pangkalahatan. AND I THANK YOU!

Baka may alam kayong namimili ng boto. I-text lang ang inyong mga reklamo at sumbong sa 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am.  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

CONGESTION RATE, ILLEGAL DRUGS TUTUTUKAN NI BJMP OIC GENERAL IRAL 

KAAA BOOM

TARGET ng bagong talagang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) officer in charge J/Chief Supt. Alan Iral na pababain ang congestion rate sa jail facilities sa bansa.

Base sa pinakahuling datos, umaabot sa 442 ang congestion at nais ni Iral na pababain ito sa 200 percent sa kanyang termino.

Si Iral ang siyang napili ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil naniniwala ito sa kakayahan ng heneral na pamunuan ang BJMP.

Pinalitan ni Iral ang nagretiro na si BJMP Director Deogracias Tapayan noong March 27, 2017 at sa unang araw pa lamang ng kanyang pag-upo ay agad na nagsagawa siya ng random drug testing sa BJMP.

Ayaw na ayaw kasi ni Iral sa illegal drugs kaya naman bukod sa congestion rate ay isa rin ito sa prayoridad ng heneral na wakasan ang droga sa mga kulungan.

Dapat lamang General, naniniwala ako na kaya mo itong gawin sa iyong panunungkulan mas lalo na’t kung iyong ipada-drug test ang lahat ng warden subalit hindi ihi ang kukunin sa kanila kundi dugo.

Bakit kamo? ang ihi kasi pwedeng madaya pero ang dugo tiyak mayroong magiging positibo.

May bulong-bulungan kasi na may warden na adik. Kung totoo ito e tiyak na naglipana ang droga sa kanyang kulungan.

Sa programa ni Iral, mayroon itong ipatutupad na 4G – ang Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse and Guard the Life.

Sa Guard the Badge, lilinisin ni Iral ang mga scalawag na sangkot sa iligal na droga at hindi siya mangingimi na sibakin sa serbisyo ang mga ito at kasuhan sa korte.

Dahil dito, asahan na raw ang random drug testing sa lahat ng BJMP personnel sa kada quarter ng taon kung saan dalawang personnel na ang sinibak ni Iral sa puwesto matapos magpositibo sa droga.

Hala lagot. Ilang araw pa lang si Iral na nakaupo ay may gumulong na agad na ulo.

Marami pa ‘yan General, may mga warden pa na nakalulusot sa drug testing, ayon sa ibinulong sa akin. Ayos, magkakasibakan na.

Bukod sa drug testing sa mga personnel, ipatutupad ni Iral ang random greyhound sa mga piitan sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR) upang masawata ang pagpasok ng mga kontrabando gaya ng shabu.

May nabalitaan kasi tayo na ‘yung mga idineklarang drug free jail noon sa NCR ay nakapagpupuslit na ulit ng droga ang mga inmate.

Ano’ng nangyari?

Dapat siguro General Iral, ‘pag may natuklasan na droga sa kulungan at hindi kayang linisin ng warden ay sibakin agad sila sa pwesto.

Sa usapin ng illegal drugs, alam ko na kayang-kaya ni Heneral Iral na linisin ang BJMP at jail facilities kaya’t abangan natin kung sino-sino pa ang sisipain ni General sa ahensya.

Balik tayo sa congestion, inihayag ni Iral na mayroong P2.9 bilyon budget ngayong 2019 at sakaling aprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maraming jail facilities na maitatayo sa kanyang termino sa BJMP.

Napag-alaman pa na mayroong on-going construction na jail facilities at oras na matapos ito ay makatutulong ito para mapababa ang congestion rate sa mga kulungan.

Ang kagustuhan ni Iral na mapababa ang congestion rate ay alinsunod na rin sa kahilingan ng Supreme Court na bigyan ng breathing room ang mga Person Deprive of Liberty (PDLs).  (KAAA… BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

PINAKAMALAKING KRISIS NGA BA NG BANSA SI DUTERTE? 

KAAA BOOM

BINANSAGAN kamakailan ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na “biggest crisis” na nangyari sa bansa kasabay ng panawagan na bumaba na ito sa poder dahil sa wala ring nangyayari sa kanyang kampanya upang labanan ang krimen.

Idinagdag din ni De Lima na pagod na ang Pilipinas sa drama at “perversion” (kalaswaan) ng pangulo. Ha? Buong bansa? Kung totoo ang sinasabi ni Madam eh di sana nagkaroon na ng malawakang rally at pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Ok, tuloy po natin. Pero Bwelta naman ng Palasyo kay De Lima, mismong si Senadora Leila ang nakararanas ng malaking krisis sa buhay. Parang mas makatotohanan ang sinabi ng Palasyo.

Bakit ika ‘nyo?

Eh di ba nga matagal nang nakakulong si De Lima. At base sa pag-aaral ng mga psychiatrist, tulad ng aking kaibigang doktor na hindi ko na papangalanan pa, ang matagal na pagkakakulong ay nagdudulot ng halusinasyon at kadalasa’y pagkasira ng ulo. Aniya pa, nakaaapekto ito sa pakiramdam ng isang tao na matagal nang nakakulong.

Paano mo sasabi­hing malaking krisis sa bansa si Presidente Duterte samantalang marami na siyang nagawa para sa bayan tulad na lamang ng pag-apruba ng health care service para sa lahat, free tuition fee, SSS pension increase, Build build build na nag-umpisa na, Malasakit Center kung saan libre ang gamot at gamutan at marami pang iba.

Kaya kung ako ang magtatanong, sino nga­yon ang malaking krisis sa bansa?

Bakit nanalo si Pres. Duterte eh palamura at bastos minsan ang pana­nalita?

Malamang ibinigay ng Poong Maykapal si Pres. Duterte para lumabas ang katotohanan tungkol sa sitwasyon ng ating bansa at mabunyag ang mga kalokohan, kapalpakan at katarantaduhan ng mga dating opis­yal ng ating bansa.

Tulad nga ng sabi sa isang kanta. Bago mo linisin ang dungis ng iyong kapwa, hugasan ang iyong putik sa mukha. Minsan po guilty tayo rito. Napapansin natin ang pagkakamali ng iba pero ang sarili nating pagkakamali ay hindi natin makita. At sa tingin ko guilty rin dito si  Sen. De lima.

AND I THANK YOU!

Para sa inyong mga reklamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.  (KAAA.. BOOM… / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

EPEKTIBO KAYA?

KAAA BOOM

“POLITICAL will” daw ang kailangan para mapatupad ang dalawang hakbang ng MMDA para malunasan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Handa raw ang ating mga opisyales para mang¬yari ito. Eh di Magaling!!! (Palakpakan). Kahanga-hanga!!!

Pero paalala lang po ha, hindi porke “exercise of political will” ay hindi na isasaalang-alang ang mga taong maaapektuhan lalo na’t hindi naman sila ang sanhi ng trapik.

Sa aking panayam kay Lawyers for Safety and Protection Founder Atty. Ariel Inton, sang-ayon daw sila sa pag-alis ng mga provincial bus terminal sa Metro Manila kung may sapat na public transport para sa everyday commuters na nanggagaling sa probinsiya. Iba na raw kasi ang konsepto ng Metro Manila ngayon kaysa noong deka-da 70 or 80s.

Mukhang may punto di po ba? Sa ngayon kasi marami na ang nagtatrabaho o nag-aaral sa Metro Manila na naninirahan sa probinsiya tulad ng Bulacan, Pampanga, La-guna, Cavite, Rizal o kaya mula Tarlac na uwian sa araw-araw dahil nga congested na ang Kamaynilaan.

At halos lahat sila ay nagco-commute, meaning, walang sariling sasakyan at nag-titiyagang makipaghabulan at pumila sa mga terminal ng bus patungo ng Maynila. Karamihan din sa kanila eh alas kwatro pa lang ng madaling araw bumi¬byahe na upang hindi ma-late sa opisina o paaralan. Ganundin ang pag-uwi nila. Ang tanong ngayon? Kung tatanggalin ang mga terminal at bababa sila sa labas ng Metro Manila, ano ang sasakyan nila papasok, aber? May sasalo ba sa kanila? So, magdadalawang sakay pa sila?

E, sa totoo lang hindi naman sanhi ng trapik ang mga kababayan na¬ting mga ito. Na-katutulong pa nga sila na ide-congest ang Metro Manila at piniling manirahan sa probinsiya at magtiis na lang sa byahe papasok at pauwi.

So, anong solusyon?

Aba, dapat amyendahan ang mga prangkisa ng mga bus na ito para maging mega Manila na sila. Walang terminal pero allowed pumasok ng Metro Manila.

Kung tutuusin, di hamak na mas marami ang private vehicles kaysa provincial buses. Ang reklamo lang naman ng marami ay ang mga terminal nila sa kahabaan ng EDSA na hindi kasya ang mga bus nila kaya nag-spill over sa kalye dahilan ng matinding trapik. Ano sa palagay ninyo mga Kaa…boom?

Tungkol naman sa no window policy sa lahat ng bumabaybay sa buong Metro Manila, maaaring ipatupad ito sa mga lansangan na buong araw eh trapik. Dati kasi, may win-dow hour dahil tapos na ang rush hour pagka 10am. Pero aminado tayo na rush hour sa buong araw sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Pero doon naman sa mga kalye na inner roads, palagay ko naman ay hayaan na po natin lalo na’t wala namang trapik doon. At sana kung pwede ay hanggang 7pm na lang ang coding at huwag na po 8pm. Hayaan natin na umuwi naman ng maaga-aga ang mga tao para makapiling ang kanilang mga pamilya.

Hindi na po ‘yun usaping political will. Ang “political will” ay gamitin para magpatupad ng batas para sa kapakanan ng nakakarami at hindi para sa interes ng iilan.  (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

oOo

Congratulations nga pala sa DWWW 774 for being the Top 3 AM  Radio Station in Mega Manila at kay Mr. Enrico Ryx O. Canoy. Mabuhay po kayo at ipagpatuloy lang ang nasimulan.

Para sa inyong mga reklamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.

Please follow and like us:
Read More