INAABANGAN ANG PASABOG NG NANAY NI JULIA BARRETTO

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SINABI ni Atong Ang na ang tanging relasyon niya kay Gretchen Barretto ay magka-sosyo sila sa casino at sa sabong. Usually sa mga sugalan, may tinatawag na mga “financier”, at sa kanila kumukuha ng pera ang mga nagsusugal kung kinakapos. May tubo naman iyon at doon sila kumikita. Sinabi rin ni Ang na kasosyo rin niya ang long -time partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco sa Okada.

Kasabay noon, sinabi ni Atong na ang talagang kaibigan at ka-close ni Gretchen ay hindi rin siya kung di ang kanyang asawa. Taliwas iyon sa bintang ng pamangkin ni Gretchen na si Nicole na nagsabing boyfriend niya si Atong at inagaw lang ni Gretchen.

Ipinaliwanag din ni Atong na ang naging koneksiyon lang nila ng isa pang Barretto, si Claudine ay nang magkaroon iyon ng kaso sa isang dating mayor, na tinulungan niyang ayusin. Noong mga panahong iyon ay nagsasama pa bilang mag-asawa sina Claudine at Raymart Santiago.

Si Nicole naman ay sinasabi niyang “pinag-aral ko iyan, pero ang talagang nagtatrabaho sa akin ay ang nanay niya”. Wala siyang sinabi kung bakit pinag-aral niya si Nicole, at wala rin siyang comment sa claims noon na siya ay naging girlfriend ng negosyante.

Magbibigay din daw ng statement ang long-time partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco.

Sa kabilang kampo naman, nanawagan na si Julia Barretto sa publiko na tigilan na ang pambabatikos sa kanyang pamilya, at sinasabi niyang dapat matigil na ang lahat, kasabay ng pag-amin na nasira rin siya sa nangyari, pero may mga nag-aabang pa kung ano ang pasasabugin ng nanay niyang si Marjorie kagaya ng sinabi noon.

Kung iisipin mo nga naman, sa kaguluhan sa kanilang pamilya, wala nang masyadong masisira sa iba dahil sila ay mga private citizens na. Ang talagang lumalabas na casualty riyan ay si Julia, dahil siya ang nag-aartista sa ngayon at ang kasiraan ng kanyang pamilya,kasiraan din niya.

Pagkatapos ng lahat ng kaguluhang iyan, pati na ang lumalabas na naging participation ni Julia sa kaguluhan, napakahirap na damage control ang kanyang kailangan. Aywan kung susugalan siya ng network sa mga bagay na iyon.

AGA MUHLACH MASAYA SA B RATING NG NUUK

Rated B ng Cinema Evaluation Board ang pelikula ni Aga Muhlach na Nuuk. Para sa kanya ay ok na iyon,dahil ibig sabihin ng B rating, maganda ang pelikula. Kung A kasi, art film iyon at hindi masyadong pinapasok ng audience ang mga pelikulang rated A.

 

Please follow and like us:
Read More

CLAUDINE PINAGTULUNGAN NG MAG-INANG MARJORIE, JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AKALA matatapos na ang gulo nang magkaroon na ng sabunutan na kailangang awatin pa ng security ni Presidente Digong na naroroon nang mangyari iyon, sa burol ng ama ng nag-aaway na Barretto sisters. Maging ang pakiusap ng presidente na magkasundo na sila, alang-alang sa namayapa nilang ama ay tinanggihan ni Marjorie. Si Gretchen naman ay nakipagkasundo na maging sa nakaalitan ding ina.

Pero habang nakikipag-usap si Gretchen sa ilang kaibigan, naitulak daw siya ng pamangking si Nicole, at kahit na inawat na sana nahablot ni Gretchen ang buhok ng pamangkin at nasabunutan.

Noon mismong gabing iyon, nasabihan yata ni Claudine na “wala sa ayos” si Marjorie, kaya iyon naman ang napagbalingan noon. Nang magbalik si Claudine kinabukasan, siya naman ang diumano ay pinagtulungan ng mag-inang Marjorie at Julia Barretto. Nagtamo ng mga kalmot sa kamay si Claudine at nagsabing nahihilo siya. Kinausap siya ng kapatid na si Gretchen sa telepono at sinabing umalis na siya sa lugar na iyon, at minabuti naman ng kanyang kasamang si Ruby Baguhin na dalhin na lang muna siya sa St.Luke’s Medical Center sa BGC para ma-check,  at kung saan naman siya nananatiling naka-confine hanggang ngayon.

Iyan ay taliwas sa kahilingan ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto na sa isang television interview mga dalawang taon na yata ang nakararaan ay nagsabing wala na siyang gustong mangyari kung di ang magkasundu-sundo ang kanyang mga anak. Sa halip lumala pa ang gulo sa burol niya.

May nagpapayo nga raw kina Gretchen at Claudine na huwag nang magbalik sa burol at maging sa libing ng kanilang ama para maiwasan na ang mas matinding gulo. Pero sinasabi naman umano ng magkapatid na karapatan nila iyon dahil ang yumao ay ama nila.

Tumindi ang away na iyan nang ang magkapatid ay magpahayag ng simpatiya kay Bea Alonzo, nang magkaroon iyon ng controversy kay Julia Barretto.

ALEX DIAZ MAY INDECENT PROPOSAL KAY TRAINER MIGUEL CHANCO

May isa pang controversy Tito KC, ito ay ang paglalabas ng screenshot ng diumano ay indecent proposal na ipinadala ng Kapamilya star na si Alex Diaz sa physical fitness trainer na si Miguel Chanco. Ayon kay Chanco, dalawang ulit nang nagpadala sa kanya ng indecent proposal si Alex Diaz. Kinukuha siya diumano noon bilang physical fitness trainer, pero tinatanong din kung nakahanda ba siyang magbigay ng “iba pang serbisyo at kung magkano”.

Nagalit si Chanco at sinabing kaya niyang sampalin ng pera si Diaz, mabilis namang nag-sorry si Diaz, nagsabing “basag lang ako”, at nakiusap na huwag nang ilalabas iyon dahil makakasira sa kanyang career. Pero sa tindi ng galit ni Chanco dahil sinasabi niyang binastos ang kanyang pagkatao, inilabas niya screen shot ng kanilang internet chat at binuko si Diaz.

Kailangan diyan ang isang matinding  damage control. Marami nang pagkakataon na may mga tsismis na beki si Alex Diaz pero iyan ay pilit na tinatakpan ng kanyang mga handlers. Pero matapos ang expose ni Chanco, papaano kaya ang damage control na magagawa ng kampo ni Alex Diaz.

“Lessons learned,” sabi nga ng isa pang male star na nasangkot din sa isa pang internet controversy kamakailan. Mahirap talaga iyong pasok ka nang pasok sa mga usapan sa internet. Hindi mo alam kung ano ang mangyayaring kasunod.

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA KAY LORIN BEKTAS: ‘WAG MUNANG MAG-BOYFRIEND

(NI GORGY RULA)

SA sobrang sozy na birthday ni Lorin Bektas ay si Julia Barretto ang isa sa kinuyog na interbyuhin ng mga movie press na nakadalo sa birthday party ng anak ni Ruffa Gutierrez na .

Held ang 16th birthday party ni Lorin sa Whitespace Makati na present ng mga young celebrities na anak ng mga kaibigan ni Ruffa.

Gaya ni Julia na close naman kina Ruffa dahil bukod sa kaibigan niya si Marjorie Barretto, nagkatrabaho sina Julia at Ruffa sa Kokey.

Hindi naman gaanong nagpa-interview si Julia, pero makahulugan din ang birthday greeting niya para kay Lorin.

“Huwag muna magbu-boyfriend!”

“Yan yung advice ko sa 16-year-old self ko!” natatawa niyang pahayag.

Lalong gumaganda si Lorin habang lumalaki at nakuha ang katangkaran ng Mommy niya.

Kaya puwede raw talagang i-groom na maging beauty queen, at puwede rin sa showbiz.

Pero hindi raw ini-entertain ni Lorin ang mga ganung bagay.

Mas gusto raw niyang mag-focus sa pag-aaral dahil gusto niya talagang  makapagtapos.

Grade 11 pa lang siya, pero nagawa na niyang mag-Summer course sa UCLA  ng Economics.

Ilang buwang pag-aaral lang iyun sa Amerika, bilang paghahanda na rin daw kapag papasok na siya sa College.

 

Please follow and like us:
Read More

BASHERS NI JULIA BINALAK HANTINGIN NI DENNIS

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

BILANG isang ama ay talagang nakasuporta si Dennis Padilla sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Julia Barretto. Kamakailan ay pumutok ang tungkol sa relasyon diumano ng aktres at Gerald Anderson na posibleng dahilan daw ng hiwalayan ng aktor at Bea Alonzo. “’Yung huli naming usap ang sabi ko sa kanya hayaan mo na lang muna ‘yan anak. Tutal pagod ka sa pagtatrabaho, bakit hindi ka muna magbakasyon. ‘Wag ka na muna maging active sa social media. ‘Wag ka na muna mag-react kung ano ang mga mababasa mo. Tapos ‘wag ka na ring sumagot muna,” pahayag ni Dennis.

Ayon sa komedyante ay talagang nakararamdam siya ng galit sa tuwing may masasamang salitang ibinabato ang netizens sa social media tungkol kay Julia. “Siyempre ‘pag bina-bash si Julia nagagalit ako. May mga pagkakataon na ‘yung mga namba-bash kay Julia, gusto kong isa-isa puntahan sa bahay at gulpihin, oo totoo ‘yon. Minsan may mga taong hindi ako nauunawaan. Ang basa nila, ‘Oh, sumasakay ka pa sa gulo ng anak mo.’ Anak ko ‘yon, di ko kailangang sumakay,” pagtatapat ng aktor.

Ilang text messages na rin ang naipadala ni Dennis kay Gerald pero hindi raw kailan man sumagot ang binata. “Parang nakaapat na text na ako do’n, hindi sinasagot eh. Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko,” pakiusap ni Dennis sa aktor.

Bago pa nag-text ay una nang nakapag-usap sina Gerald at Dennis pero ayaw nang ibahagi ng komedyante sa publiko ang detalye nito. “’Yung nilalaman ng pinag-usapan namin hindi ko pwedeng ibahagi. Sabi ko lang, ‘Anak ko ‘yan eh,’ ‘yun lang gusto ko malaman mo na pinapaalala ko na anak ko si Julia Barretto,” giit pa niya.

Samantala, mayroon namang mensahe si Dennis para sa dating kasintahan ng anak na si Joshua Garcia. “Nakilala kita and pormal kang humarap sa akin, kaya iginagalang kita. Kung paano mo ako nirespeto, gano’n din kita nirerespeto,” makahulugang pahayag ng aktor.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

MARJ MAY PALIWANAG SA PAREHONG JERSEY NUMBERS NINA JULRALD

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAPAKABILIS ng reaksiyon ni Marjorie Barretto at agad na nagpaliwanag kung bakit ang kanyang anak na si Julia ay gumamit ng Jersey number 3 sa nakaraang palaro ng mga artista. Siguro may nakarating agad sa kanya na sinasabing kaya 3 ay dahil sa ‘third party’.

Ang paliwanag ni Marjorie, kahit daw noong high school pa lamang si Julia ay jersey number 3 na ang ginagamit niya sa mga volleyball games na sinasalihan niya sa iskuwelahan. Hindi raw iyon dapat na bigyan ng kung ano mang ibang kahulugan.

Pero may isa pang tsismis eh, number 3 rin ang jersey ni Gerald Anderson. Hindi nga ba sila mag-syota talaga?

 

 

Please follow and like us:
Read More

NANAY NI GERALD AYAW KINA BEA AT JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

TALAGA yatang hindi matatapos iyang issue na iyan tungkol kay Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Iyong isang dapat sana ay pribadong issue lamang at hindi naman napag-uusapan, lumaki dahil sa katatalak ng kampo ni Julia Barretto na pati ang lola nagtatalak din sa pagdedepensa sa apo niya. Quiet lang si Bea.

Noong halos matatapos na ang gulo, si Julia naman mismo ang nagtatalak na akala mo nagdeklara na ng giyera laban kay Bea sa isang social media statement na ang hinala ng kanyang tiyahin ay gawa ng isang ghost writer. Nang mag-boomerang iyon at nasisi pa siya dahil sa pagtalak niya, naiba na ang tono ni Julia na nakikiusap nang tigilan na lahat iyan dahil lahat naman sila nasasaktan, kabilang na si Bea, na hindi naman pumatol sa hamon niya noong una pa.

Eh ‘di ang inaasahan ng mga tao matatahimik na, aba bigla namang nagtatalak ang nanay ni Gerald Anderson na nagsabing sa simula pa lang daw ayaw niya kay Bea. Sinabi pa niyang sobra na ang paninira ni Bea sa kanyang anak. Pati daw make up artist ni Bea sinisiraan si Gerald.

Pero hindi rin daw siya pabor kay Julia, na ang tingin niya ay masyadong bata pa para kay Gerald.

Eh kailan nga ba matatapos iyang issue na iyan kung ayaw namang tumigil sa katatalak ang mga third parties na hindi naman dapat sumali sa problema? Iyong nanay ni Gerald, siya rin naman ang nagsabi na may edad na ang anak niya, lalaki pa iyon. Bakit hindi niya hayaang si Gerald na lang ang magsalita?

Lalong lumalala ang sitwasyon dahil sa talakan nila, pero in the end, maniwala kayo sa amin na ang makakakuha ng simpatiya ng mga tao riyan ay ang hindi tumatalak na si Bea Alonzo at Joshua Garcia.

Minsan mas maganda pa nga iyong tahimik ka lang eh.

Please follow and like us:
Read More

KIM NINENERBIYOS KAY JULIA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA August 25 na gaganapin ang pinakaaabangang Star Magic Games sa Araneta Coliseum. Sina Kim Chiu at Julia Barretto ang magsisilbing mga Team Captain para sa larong volleyball. Aminado si Kim na kinakabahan siya dahil alam niyang magaling na manlalaro si Julia.

“Na-stress na naman ako, naalala ko na naman. Siyempre una, stress kasi hindi naman ako mega todo player at sa Araneta Coliseum pa gagawin. Katapat namin Team Julia so nervous kasi Julia, varsity na siya before. So ako do’n lang sa mababang paaralan ng Cebu City. ‘Yon lang ‘yung lakas na maibibigay ko so sana maging okay ‘yung game,” nakangiting bungad ni Kim.

Bilang paghahanda ay puspusan ang ginagawang pagwo-workout sa gym ng aktres ngayon. Para kay Kim ay gusto lamang niyang mag-enjoy sa nasabing event ng Star Magic. “Wala namang lumalaban na ayaw manalo. Siyempre gusto naming manalo pero siyempre gusto namin fun at the same time. Siyempre ipupusod ko ‘yung hair, baka may tamaan ang hair ko, baka ito ipangpalo ko ng bola,” natatawang pahayag ng dalaga.

Inaasahan ang maraming mga tagahanga na manonood sa Araneta Coliseum sa Linggo. Mayroong pakiusap si Kim para sa lahat ng magbibigay ng suporta sa kanya-kanyang idolong maglalaro. “Usually basketball lang ang naglalaro but this time sinali na kami.

So sobrang nakakakaba but sana with prayers and strength, may mangyari sa amin, bawal mag-‘Boo!’ Dapat lahat happy lang, dapat fun and games. ‘Yon ‘yung nasa isip nila ‘pag pumasok sila ng Araneta. Sobrang mabubusog sila ‘pag manonood sila kasi may basketball and may volleyball. So we’re all having fun with the game,” pagtatapos ng aktres. -Reports JCC-

Please follow and like us:
Read More

TULFO KINA JULIA, BEA: ANG KAY PETRA AY KAY PETRA!

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG kay Petra ay kay Petra at ang kay Maria ay kay Maria.”  Ito ang malamang komento ng matinik na broadcaster na si Raffy Tulfo hinggil sa Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto brouhaha.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay talk of the town si Raffy dahil sa pag-imbita niya sa talo sa kanyang radio program sa TV5 para ayusin ang mga hindi pagkakaintindihan ng mga ito.

Ngayon ay may bago na namang statement si Raffy hinggil sa controversy sa latest interview sa kanya ng TV5 reporter.

Tinanong si Raffy kung ano ba ang ipapayo niya sa tatlo sakali ngang pumunta ang mga ito sa kanyang radio program.

“Well, una sa lahat, eh dapat talaga, ‘yung pag-aari ni Petra ay kay Petra. ‘Yung pag-aari ni Maria ay kay Maria. Ok? Saka ba’t n’yo pag-aawayan ang mga lalaki?

“Alam mo ‘yung dalawa, nakita ko sa Facebook, sa YouTube, ang gaganda nila, super-ganda. Hindi ko kayo binobola, mga girls. ‘Yung bang pag nasalubong mo sila sa mall, kahit na hindi sila artista, ‘yung bang mapapalingon ka at halos malaglag ang brief mo, kung ikaw ang lalaki. Nakaka-laglag brief,” pahayag ni Raffy,

Tila takang-taka ang broadcaster na pinag-aawayan ng magagandang babae ang isang lalaki.

“Ba’t n’yo pag-aawayan ‘yung mga lalaki? Dapat ang lalaki ang nagkakandarapa sa inyo,” sey niya.

Natural lang naman daw na magmahal pero ulit niya, ‘yung kay Petra ay kay Petra at ‘yung kay Marya ay kay Marya.

“Hindi pwedeng gagalawin mo ‘yung pag-aari ni Petra at gagalawin mo ang pag-aari ni Maria, eh talagang magkakaroon ng friction ‘yan, magkakaroon ng away ‘yan,” he said.

Well, as we all know, si Julia ang hinihinalang nang-agaw ng pag-aari ni Bea which is Gerald.

Ang nakakaaliw pang parte, nanawagan pa si Raffy kay Gerald.

“Gerald, ano kayang anting-anting meron ka’t ikaw ay habulin at pinag-aagawan ng mga napakagandang mga girls. Kung merong ganun’g klaseng anting-anting, kahit na isang milyon pa ‘yan, sigurado ako maraming bibibili.”

Dagdag pa ng broadcaster, feeling daw niya talaga ay may anting-anting si Gerald at pa-share naman daw. Hahaha!

Nagbigay din ng mensahe si Tulfo kay Gerald.

“Ikaw, Gerald, napakaswerte mong tao, dapat, magdasal ka palagi kay Lord. Na dapat ika’y mabait at hindi ka kukunin. Para patuloy ka pa ring maraming nagmamahal sa ‘yo,” ang mensahe ni Raffy kay Gerald.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

EX-BFFs NA EX-GFs NI GERALD ALIW SA BONDING SA NJ

(NI ROSE GARCIA)

NAALIS kami sa parehong Instagram post ng dating mag-best friend at dating ex-girlfriends ni Gerald Anderson na sina Kim Chu at Maja Salvador.

Kung matatandaan, may panahong nagkatampuhan at hindi rin nag-usap ang dalawa. Ito yung naging girlfriend naman ni Gerald si Maja.

Pero naibalik ng dalawa ang friendship nila as time passes by. Pareho na rin silang happy sa kanya-kanyang lovelife nila. Si Kim kay Xian Lim at si Maja naman kay Rambo Nunez.

Nasa New Jersey sina Kim at Maja for a Kapamilya show.

Sa IG post ni Kim, sinabi nitong, “endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before… laugh here and there, stories this and that. From wedge, heels to white sneakers now!!! hahaha some things never change!! Still the same us!!! Fun times in times square at 1am.

Pati si Kris Aquino ay napa-comment sa happy pictures ng dalawa at sey nito, “May I join?,” sa bonding o future bonding pa nila. At sabi pa rin niya, “So happy to see the happiness.”

Pareho din malapit ang dalawang Kapamilya stars kay Kris.

Siyempre dahil sa napakasayang pictures nina Kim at Maja, hindi maiiwasang maisip naman ang patuloy na isyu sa pagitan nina Bea Alonzo at Julia Barretto ngayon.

All of them, may pagkakatulad, lahat sila naging o Gerald Anderson’s girls.

Both Kapamilya rin, but Gerald’s ex and present now na nag-unfollow na sa isa’t-isa sa Instagram.

Tulad nina Kim at Maja, darating kaya ang panahon na magiging okay rin sila at babalik muli sa “Ate” ang tawag ni Julia kay Bea? Huh!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TRUST RATING NI BEA MAS MATAAS KAY DU30 SA 87%

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“AND the winner by a technical knockout is Bea Alonzo.”

Parang ganyan ang narinig namin noong isang gabi nang gamit ang kanilang mga facilities, nagsagawa ng isang spot survey ang mga tauhan ng isang survey firm tungkol sa controversy nina Bea, Gerald Anderson at Julia Barretto. Parang bumagsak sa isang suntok ang dalawang kalaban, dahil gamit ang 1200 samples, lumalabas na 87% ang mas naniniwala kay Bea. Aba eh lumalabas na mas mataas pa iyan sa approval ratings ni Presidente Digong, kaya ano pa ba ang dapat pag-usapan ngayon.

Wala nang paki si Bea. Ganyan kataas ang approval ratings niya sa publiko sa kabila ng kung anu-anong nasabi na laban sa kanya. Aba eh matibay siya. Kaysa sa maghanap pa siya ng isang ghost writer na sasagot sa mga akusasyon sa kanya, ang intindihin na lang niya ay kung ano nga bang magandang project ang kailangan niyang unahin, at kung anong endorsement offer ang kailangan niyang tanggapin agad. Kung ganyan kataas ang approval ratings mo, aba hindi magagawa ng mga advertisers na pigilin ang mga ad endorsements mo. Magagawa lang nila iyan kung sira ang iyong kredibilidad.

Tingnan ninyo ang social media, malaking malaki rin ang lamang noong tinatawag na Team Bea kaysa sa ‘timtiman”. Kaya nga ano pa ba ang pag-uusapan?

In the first place Tito KC, ang tanong nga ay tama ba naman ang pinagtatalunan? Ikaw ang tinatanong ko dahil alam ko mas may impormasyon ka sa mga bagay na ganyan.

KAABANG-ABANG CELINE VS. DORIS

Lumalabas walang kuwentang laban iyan dahil maliwanag naman kung sino ang mas pinaniniwalaan ng mga tao, para tuloy ang mas gusto na naming abangan ngayon ay ang away naman Asec Celine Pialago ng MMDA at ni Doris Bigornia ng ABS-CBN.

INUUTUSAN MONG MAG-SUICIDE ANG MGA SINEHAN

Siguro nga masasabi nating sa lahat ng mga festivals ng mga pelikulang indie, pinaka kinikilala na iyang Cinemalaya. Kasi nasa ilalim iyan ng CCP. Iyan din ang pinakamatagal nang festival ng mga pelikulang indie. Pero kung iisipin mo, doon sa isang mall ay may apat na screenings lamang sila sa isang maliit na sinehan. Slide screening iyon. Ibig sabihin iba-ibang pelikula ang palabas sa bawa’t screening. Bilang suporta, mas maliit pa ang admission prices. Pero iilang tao rin ang nanonood sa mga pelikula.

Kung iyong Cinemalaya ay ganyan, eh di lalo na ang ibang festivals. At ano ang aasahan mo sa mga pelikulang indie na ipinipilit nilang kailangang ipalabas sa mga sinehan ng isang linggo? Ano iyan inuutusan mong mag-suicide ang mga sinehan? Mag-isip naman sana tayo ‘day.

Usap-usapan lang ito Tito KC ha, totoo nga kayang isinumpa talaga si direk kaya kahit na anong pelikula ang kanyang gawin ay hindi kumikita? Sa totoo lang, wala pa kaming natatandaang kumitang pelikula ni direk kahit na ok naman ang mga artistang nabobola pa niyang gumawa ng kanyang pelikula.

May nagsasabi namang baka raw may malas lang na kasama si direk, at basta nawala ang malas susuwertihin din siya. Pero alin man doon ang totoo, isang bagay ang tiyak na tiyak namin, maglulupasay na naman sa takilya ang pelikula niyang ilalabas na.

Pareho lang kasi sila ng artista niya sa pelikula na kapwa “laon” na. (‘Di ba dapat ‘pag laon ay maalsa na?-Ed)

Ang buhay nga naman lalo na kung walang suwerte talaga.

 

Please follow and like us:
Read More

PALPAK ANG DAMAGE CONTROL NG TEAM JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

LAUGH kami nang laugh Tito KC, at kamuntik pa kaming mabulunan doon sa kinakain naming chicharon, na may laman from Cebu, dahil sa nabasa naming statement ng nga netizens tungkol sa sinabi ni Julia Barretto na siya ay biktima ng cyberbullying.

Kamuntik pa nga naming mabuga ang iniinom naming soda, dahil doon sa parte ng statement niya kung saan sinasabi niyang “you have charged everybody to destroy me for you”.

Sus Tito KC, para bang hindi natin naririnig kung papaanong magsalita si Julia sa mga press conferences. Parang hindi natin napapanood kung papaano siya sumagot sa mga interview sa kanya sa TV. Hindi ganyang magsalita si Julia. Kung pakikinggan mo pabebe pa nga iyan eh. Papaano naman ako hindi matatawa sa ganyang statement na alam mong hindi naman galing kay Julia. Iyon namang mga tao, react nang react na halos batuhin na siya kagaya nang gusto nilang gawin kay Magdalena.

Lahat nang ito ay nangyari dahil sa hindi mahusay na damage control.

Ano ba ang talagang sitwasyon? Break na sina Julia at Joshua, at kung ano man ang dahilan ay wala na tayong pakialam. Niligawan siya ni Gerald na inamin naman noon. Hindi man niya inaamin, nag-fall din siya kay Gerald. Si Bea naman, ang feeling nasulot ang kanyang boyfriend, at sinabi niyang ayaw na niya. Ganoon lang kasimple iyan. Kung iyan nagkaroon ng isang effective damage control, hindi na mangyayari iyan kaya lang sabog-sabog ang depensa nila eh.

Nangagalaiti ang nanay niyang si Marjorie. Mamaya sinisisi ng kapatid niyang si Dani si Joshua. Nagtatalak din ang lola niyang si Inday. Tapos ngayon nga ang statement na hindi naman talaga sa kanya.

Una hindi ganoon ka-articulate si Julia. Kung totoo ngang ang ghost writer niya ay isang lawyer, iba po ang sistema ng showbusiness kaysa sa korte, however, in the absence of a better reason, a statement is hereby written to be posted in social media.

Kung ang ghost writer ay writer talaga, ‘day pag-aralan mo rin ang “ghosting” bukod sa pagiging isang ghost writer. Hindi lahat ay naging kasing successful ng pelikula nina Patrick Swayze at Demi Moore. Hindi lahat ay hinahangaan, may pinagtatawanan at isa ang statement na iyan. The fact is hindi na maaaring baliktarin ang mundo at mabago ang sitwasyon. The order is just to “deodorize” the situation.

Ang kailangan lamang niya ay isang epekibong damage control. Epektibo ha!

DATI NA ANG SULUTAN

Hindi ito ang first time na may ganyang sitwasyon. Ganyan-ganyan din ang nangyari ilang dekada na ang nakaraan. May isang actor na may girlfriend na aktres din. Iniwan ng actor ang aktres at nanligaw sa isa pang aktres. Nasulot din, pero hindi ganyan kalala ang sitwasyon pagkatapos, kasi epektibo ang damage control. Professionals ang gumawa, hindi amateurs. Ang mga gumawa, may tahid na sa showbusiness at alam ang mentalidad ng fans, iyon ang wala sila.

Kung hindi lumabas ang matapang na statement na iyan ni Julia, palagay namin matatabunan na ang issue eh, at baka hindi pa umabot sa ganyan ang controversy. Eh kaso lalo pang pumutok iyon, at masasama pa ang sinasabi ng mga tao. Tawagin man ninyo silang sawsawero, pakialamero, bashers at kung anu-ano pa, pero kumakalat ang kanilang opinion, tama man o mali.

Eh dito sa Pilipinas, mas nakikita ang mali kaysa sa tama. Kaya ang sitwasyon nila ay mas lalo pang lumala. Hindi ako kasali riyan Tito KC, basta ngayong araw na ito, gusto kong kumain ng laing, sukdulang makati ang dahon ng gabi. Wala akong pakialam.(Ako rin, gusto ng laing ni Atty. Direk Jojie V Alonso. Rapsa ang extra viand sa pa-press con niya for Belle Douleur.)

Gusto ko rin sana ng kuhol kung may makukuha, masarap sipsipin iyon eh.

 

Please follow and like us:
Read More

SUKLAM, KAWAWA SI JOSHUA; JULIA SUMAGOT

(NI VINIA VIVAR)

SINAGOT ni Julia Barretto sa Twitter ang paratang ng mga netizens na iniwan niya ang ka-loveteam na si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP show sa San Francisco.

Nakunan  kasi ng larawan ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan ang paglipat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa table ni Joshua na mag-isang kumakain sa table that time.

“In fairness talaga Kay Kath and djp, Nang Makita nila si Joshua na kumakain Ng mag Isa dito sa after party, talagang lumipat sila Ng table at tinabihan si joshua,” ang tweet ni Roxy with accompanying pics mula sa puntong nakita ni Daniel si Joshua hanggang sa tabihan nila ito ni Kathryn.

Dahil dito ay sobrang pinuri ng netizens ang kagandahang loob ng KathNiel habang ang iba naman ay tinatanong kung nasaan si Julia Barretto na kasama rin sa show.

“Nasaan si best friend????” tanong ng isang netizen na si Julia ang tinutukoy.

“Nang-iiwan kc c Hulya, pag nasa cam sweet sweetan pero off cam waley, napaka-showbiz masyado,” tweet naman ng isa.

“Bigla ako naiyak naawa ako Kay Joshua pero salamat Kay Kathryn at djp DHL sinamahan SI josh,” reaksyon naman ng isa pang Twitter user.

May nagtanggol naman kay Julia at sinabing umiwas lang daw si Julia para wala nang gulo at dito na sumagot ang aktres.

“I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone. Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit nanaman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya,” ang unang paliwanag ni Julia.

“Masyado nag-eenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story. Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam. Wait lang kayo,” ang isa pa niyang tweet.

Marami ang nagtatanong kung ano ang “wait lang kayo” na ibig sabihin ni Julia. Hinihinala ng iba na mukhang magsasalita na ang young actress at mukhang may pasasabugin.

“Still can’t wait for your statement soon. Whatever you wanna say we truly accept and understand you still no matter what,” sabi naman ng isang fan.

TUMANGGI SA TV SERIES ‘COZ OF PRODUCT ENDORSEMENTS

Inamin ni Ryle Santiago na tinanggihan niya ang iWant TV project na Mga Batang POZ dahil makakaapekto raw ito sa kanyang endorsements partikular na ang baby products na ine-endorse niya sa Megasoft Hygienic Products, Inc.

“Mas iniisip kasi ng parents ko, alagaan sina Miss Aileen (Choi-Go, Megasoft VP for sales and marketing), kasi, kailangan, wholesome image di ba?” sambit ni Ryle nang makatsikahan namin last Sunday sa National Sisters Day celebration na ginanap sa Starmall, Alabang.

Aminado rin ang Hashtag member na talagang nanghinayang din siya sa proyekto.

“Ako, honestly, gusto ko sanang gawin, kasi ayokong i-limit ang sarili ko. Kung ganu’n ang tiwala sa akin ng Dreamscape na gustong-gusto sana nilang ibigay sa akin.

“Nanghinayang ako to be honest. May contract kasi, so, hindi ako pinayagan. Pati ng Star Magic (his management),  sabi nila, kung pwedeng huwag muna, huwag muna, kasi baby pa raw ako,” natatawang sabi ni Ryle.

Medyo maselan kasi ang tema ng Mga Batang Poz na tungkol sa HIV at magre-require sa kanya ng mga mapangahas na eksena.

Natanggihan din daw niya ang isa pang movie with direk Jason Paul Laxamana na sobrang daring din. Mas gusto raw kasi  ng parents niya at ng Star Magic na alagaan muna ang mga endorsements niya dahil sayang naman daw.

In the future ay gusto rin daw naman daw niyang maka-portray ng mga challenging roles but for now, clean image raw muna ang gusto sa kanya ng management.

Nagpakilig at nagpasaya si Ryle sa kanyang mga fans sa nasabing National Sisters Day celebration kasama ang iba pang fellow Ambassadors na sina Myrtle Sarrosa and Young JV Kapunan. Also serenading the sisterhood was World Championship of the Performing Arts (WCOPA) gold medalist Aljun Cayawan.

 

Please follow and like us:
Read More

EXPLANATION NI GERALD ‘DI KATANGGAP-TANGGAP

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI pwede. Hindi kami talaga papayag sa ganoong explanation lang ni Gerald Anderson tungkol sa naging split nila ni Bea Alonzo. Kasi ang sabi niya, basta nag-aaway lang sila nang nag-aaway kaya naisip niyang tapusin na ang kanilang relasyon.

Kaya nga relasyon eh, mutual decision iyan. Kailangan kung tatapusin man, maging mutual decision din. Hindi naman puwede iyong kahit na sabihin mong napuno ka na dahil away kayo nang away basta hindi mo na lang kakausapin ang syota mo at manliligaw ka na lang ng iba.

Kung iisipin mo, siya rin ang may kasalanan kung bakit nasasabing third party si Julia Barretto. Kahit na nga sinabi niyang walang ibang taong involved sa kanilang split, hindi pwede. Kasi nga lumabas na nanliligaw na siya kay Julia, na umisplit naman kay Joshua Garcia, nang walang kamalay-malay ang kanyang dating girlfriend na si Bea Alonzo na split na pala sila, dahil gumawa siya ng solong desisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.

Unless masasabi ni Gerald na napakabigat ng dahilan ng kanilang pag-aaway at mapapalabas na kasalanan naman iyon ni Bea, hindi niya mababaliktad basta ang paniniwala ng mga tao sa kanilang sitwasyon. Akala namin hindi na siya magsasalita eh. Mabuti pa nga kung hindi na lang siya nagsalita at hinintay na lang na mamatay ang issue. At least gentleman pa ang labas niya, kagaya ni Joshua.

Pero dahil sa sinasabi niyang ang totoo ay nakunsumi siya dahil away lang sila nang away, binabanatan pa niya si Bea, at malamang sa hindi magsasalita rin iyan. Dahil nauna na si Bea, nagkaroon na siya ng advantage sa opinion ng masa. Kaya nga bukambibig ngayon iyong “baka ka ma-Bea”.

Sa kabilang banda naman, mukhang wala ring katutunguhan ang statement ni Julia Barretto na tigilan na ang pagpapalabas na kawawa si Joshua. Hindi naman kumikibo si Joshua eh, sinasabi pa nga noon na nasasaktan din siya sa naririnig niya dahil may nakaraan din naman sila ni Julia.

Kung sa tingin ng mga tao kawawa si Joshua, aba eh tingin nila iyon at wala namang kinalaman si Joshua roon. Doon lang sa katotohanang may sinasabi na nga silang negatibo, palagay ba ninyo pakikinggan pa nila ang sinasabi ni Julia?

Kung iyon ngang mga tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine nakisimpatiya kay Bea eh, at sigurado nakikisimpatiya rin sila kay Joshua, iyong ibang tao pa ba?

“NAGLOKO RIN SI JOSHUA”

“Bakit, alam ba ninyo nang minsang si Joshua naman ang kumaliwa sa kapatid ko? Hindi ninyo alam ang buong istorya kaya tumahimik na kayo, “sabi naman ng buntis na si Dani Barretto, na anak ni Marjorie kay Kier Legaspi. Iyan naman kasing si Julia, anak iyan ni Marjorie kay Dennis Padilla.

Pero kung mayroon mang panahong nagloko si Joshua, hindi kasi nabalita iyon eh. Mukhang magaling ang publicity handler niya at naitago iyon. Maliban kung handa naman silang ilabas ang buong detalye noon, mahirap din nilang baliktarin ang simpatiya ng tao kay Joshua sa ngayon.

Pero iyang nakukuhang simpatiya ni Joshua sa ngayon, makatutulong iyan nang malaki sa kanyang seryeng The Killer Bride. Tiyak na pampataas din iyan ng kanilang ratings kahit na papaano.

Aywan ko kung ano ang opinion mo sa mga bagay na iyan Tito KC, basta sa akin talagang hindi pwede ang ganyang explanation lang.

 

 

Please follow and like us:
Read More

JOSHLIA, SWEET ONSTAGE PERO SA AFTER PARTY, INIWAN SI JOSHUA

(NI JERRY OLEA)

BAGO ang actual show ng ASAP, iyong platinum holders na tickets ay may meet-and-greet sa celebrities sa BMW Lounge ng SAP Center.

Pinagkaguluhan doon nang husto sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kapansin-pansin na hindi sila holding hands.

Pero sa mismong palabas, they were professional. Naghawak-kamay sila sa duet. Nagpakilig.

Sa after party doon pa rin sa BMW Lounge, mag-isa si Joshua.

Naka-chat ng kaibigang Bradford Adkins (Hollywood correspondent) si Joshua, at hindi ito nagsalita tungkol sa isyu nila nina Julia at Gerald.

Pangiti-ngiti lang daw si Joshua. “Naawa ako sa kanya,” sabi pa ni Bradford.

May upcoming movie pa sina Joshua & Julia, ang zombie movie na Block Z. Dapat bang ipalabas na ito, o itago na lang muna.

Totoo ba na inilagay muna sa freezer ang isang patalastas ng JoshLia na ipapalabas na sana?

Well, suportahan po natin si Joshua sa bago niyang teleserye na The Killer Bride kung saan si Janella Salvador ang kanyang katambal.

Please follow and like us:
Read More

LOLA NI JULIA NAKIPAGTALAKAN SA BASHERS

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYAN na, pumasok na ang lola. Nakipagtalakan talaga si Inday Barretto sa mga bashers ng kanyang apong si Julia sa social media. Bakit naman daw kasi kinalakadkad ang apo niyang si Julia sa problemang ang dapat na mag-usap ay sina Bea Alonzo at si Gerald Anderson lamang, kasi relasyon nila iyon. Nilinaw din niya, hindi si Bea ang inaaway niya, kungdi iyong mga bashers lamang ng kanyang apo.

Pero may matitindi talaga sa mga bashers ha, mayroon pang isa na nagsabi kay Julia na “remember, noong mangyari iyon mag-on pa kayo ni Joshua”. Kaya pala nauso iyong sinasabing “mas masakit na ma-Joshua kaysa sa ma-Bea”.

Ang isa pang punto kasi, hindi maide-deny ni Julia ang kanyang pagkakasangkot sa usapan, kahit na sabihin mong noong pumasok siya ay tapos na ang relasyon nina Gerald at Bea. Inamin ni Gerald eh na nanliligaw siya kay Julia, bago pa man nagkaroon ng closure iyong affair nila ni Bea na hindi na lang niya kinausap. Iyon ang punto roon.

Walang nagsasabi na inagaw ni Julia si Gerald kay Bea. Ang sinasabi nanligaw na si Gerald kay Julia nang wala pa silang formal break up ni Bea.

Ang kailangan diyan sa isang mahusay na damage control. Hindi makukuha iyan sa talakan. Kung magkakasiraan, mas marami pang mga bagay na hindi dapat madamay na maaaring madamay pa. Isa pa, sa pamilya mismo nila may trouble. Ano ang masasabi ng nanay na dalawa sa kanyang mga anak, sina Gretchen at Claudine ay kumampi kay Bea? Sina Gretchen at Claudine ang mga artistang Barretto na sumikat talaga ha. Dahil sikat, ano man ang sabihin ninyo, sila iyong may clout.

Siguro maaayos naman nila iyang problemang iyan sa mas magandang paraan. Huwag nang makipagtalakan pa.

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA, JOSHUA PINAGKAGULUHAN; CIVIL SA ISA’T ISA

(NI GORGY RULA)

HABANG tinitipa ko ito, kasalukuyang ginaganap na ang ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Jose, California at dinagsa ito ng mga kababayan natin.

Ilan sa mga pinagkaguluhan ay ang magka-loveteam na Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nasa Facebook account ng Hollywood correspondent na si Bradford Atkins ang mga kuha sa isang event sa may BMW Lounge na magkasama sina Joshua at Julia na humaharap sa mga fans.

Hindi raw magka-holding hands ang dalawa, pero civil naman daw sila sa isa’t-isa.

Hindi nga raw namataan doon sa rehearsal ng ASAP si Gerald Anderson na tinaggal na siya sa TV plug ng naturang concert party.

Ayon sa source, nag-beg off na raw si Gerald, kaya ang Ms. Universe 2018 Catriona Gray ang ipinalit.

Ilan sa mga pinagkaguluhan doon ay ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Excited na rin siyempre roon ang mga kababayan natin na mapanood ang Hello, Love, Goodbye.

Bukod sa mga nabanggit, kabilang din doon sa ASAP sa Bay Area si Regine Velasquez siyempre, pati sina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Billy Crawford, at Erik Santos. (FB PHOTO: BRADFORD ATKINS)

SUNDAY PINASAYA MAY MONTH-LONG CELEBRATION

Kinakarir na rin ng katapat ng ASAP na Sunday Pinasaya na magsi-

celebrate na rin ng kanilang fourth anniversary.

Kuwento ni Jerald Napoles sa nakaraang mediacon ng pelikula nilang

Mina-Anud, talagang kinakarir daw nila ang mga gagawin nila sa month-long anniversary nila na nagsimula na nung nakaraang Linggo.

Sabi ng komedyante at stage actor; “Excited ako dun sa Pusong Gala.

“Meron kaming parang mascot na puso na umiikot para lang makihalubilo sa mga tao kasi maghahanap kami ng mga bibigyan ng award na mga Kapuso natin.

“Kagaya nung nakaraan si Kokey bulag na nagra-rap…para umiyak si Gloc 9 na isang icon…live yun dahil na-touch siya dun sa passion ng bagets.

“Dun ako nai-excite kasi mas marami pang aawardan sa anniversary.”

Parang naalala raw nila dati tuwing naga-annniversary ang That’s Entertainment ni Kuya Germs na nagkakaroon ng competition ang bawat grupo.

Ganundin daw ang gagawin nila sa kanilang anibersaryo.

“Kinalat yung mga cast dun sa mga nanalo sa Hatawanan…para kaming That’s Entertainment na ganun maglalaban-laban. Competitive yung mga cast eh,” dagdag na kuwento ni Jerald.

Solid din ang suporta ng mga taga-SPS kay Alden Richards sa pelikula niyang Hello, Love, Goodbye.

Nagkaroon sila ng block screening nung nakaraang Biyernes nang gabi na ginanap sa Vertis North at sobrang saya raw nila para sa Kapuso nila sa naturang programa.

Kinukuwento rin nga ni Jerald nung ginagawa pa lang daw ni Alden ang pelikulang ito, kabado raw siya talaga na baka hindi suportahan ng mga fans.

Pero ina-assure daw niya kay Alden na kikita ito nang bonggang-bongga.

“Pag nasa dressing room kami ng Sunday Pinasaya, kakauwi pa lang niya sa shoot.

“Tinapik ko siya sa balikat may blockbuster ka na.

“Sabi niya, talaga ba? Sa tingin mo Je?

“Hindi siya sure eh. Ganun ka-humble ang tao na yun eh.

“Sabi ko, ‘brother ngayon pa lang nakikita ko na.

“Bilang isang movie fan, ganun na ang dating sa akin ng pelikula eh.

“Nag-reflect naman talaga na first  day 35M na agad,” proud na pahayag ni Jerald na masayang-masaya para kay Alden.

Ayon sa  nakalap naming impormasyon, umabot na ng 176.6M ang kinita ng Hello, Love, Goodbye hanggang nung Sabado, August 3.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TALO SINA GERALD, JULIA SA PINASOK NA SITWASYON

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PAREHONG talo sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa nangyayaring controversy ngayon sa kanilang personal na buhay.

Nadidiin si Gerald Anderson dahil sa ginawa niyang style ng pagdispatsa sa dati niyang girlfriend na si Bea Alonzo. Basta raw hindi na lang niya kinausap iyon.

Tumagilid din naman si Julia Barretto dahil sa mga denials na siya nga ang third party sa nangyari kina Gerald at Bea, na nang malaunan, ang kanila mismong idine-deny ay inamin diumano ni Gerald kay Dennis Padilla na tatay ni Julia. Simula noon, hindi na rin nila mapanindigan ang kanilang denial.

Hindi biru-birong simpatiya ang bumuhos para kay Bea. Maging si Claudine Barretto, at nauna na nga si Gretchen, na siyang pinakasikat sa kanilang pamilya ay nagpakita ng suporta kay Bea. Hindi lang sa social media ha, nagpadala pa ng bulaklak ang dalawa.

Maging si Derek Ramsey na siya rin mismo maraming controversy sa kanyang love life, nakisimpatiya rin kay Bea. Ganoon din naman ang isa pang controversial ang lovelife, si Paulo Avelino.

Iyong mga kasama naman nila sa network, nagsisimula na ring magpasaring sa pagsasabing hindi naman malakas na artista si Gerald na ang kumita lamang pelikula ay iyong ginawa kasama si Sarah Geronimo. Maski pala mga pelikula nina ni Kim Chiu noon mahina rin sa takilya. Eh si Bea raw consistent hit maker, at alam na ninyo kung ano ang gusto nilang sabihing kasunod.

Napansin din namin, mukhang napakarami rin ng kumakampi kay Joshua Garcia. Siya naman iyong sinasabing dating boyfriend ni Julia Barretto. Mukhang sa labanang iyan, talo talaga sina Gerald at Julia, ano man ang gawin nila.

LONGEST RUNNING TV SHOW IN ASIA ANG EB

Iyong Eat Bulaga, na nagdiwang ng kanilang ika-40 taon noong isang araw ang masasabi mo ngang longest running game show. Maaaring sabihin nating sila na nga ang longest running sa buong Asya. Sa loob ng 40 taon, ang Eat Bulaga ay nakapag-labas na ng 12, 480 shows sa kabuuan.

Sa buong mundo, ang longest running game show ay ang Chiffres et des Lettres, isang show sa France na nagsimula noong 1965, at bale 54 years na on the air.

Maaaring iyang Eat Bulaga ay maitatala na nga sa ating history bilang longest running noontime show of all time. Wala namang tumagal nang ganyan sa noontime slot eh. Maski na iyong mga shows nina Nora Aunor at Vilma Santos na itinuturing na mga longest running personality shows, hindi tumagal nang apatnapung taon.

KA-FACE NI MOTHER SITANG ANG IPINAKILALA NA WIFEY  NI EX-MATINEE IDOL SA AMIN

Nagulat pa kami kagabi nang batiin kami sa isang mall ng isang dating matinee idol noong araw, na isang negosyante na ngayon. Medyo tumaba at siyempre nagka-edad pero pogi pa rin si matinee idol. Nagulat kaming lalo nang ipakilala niya sa amin ang “misis” niya. Aba eh hindi nalalayo ang hitsura noon sa matandang transgender mula sa Thailand na kung tawagin ay Mother Sitang.

Kung hindi lang ang dating matinee idol mismo ang nagsabi sa amin, hindi kami maniniwalang iyon nga ang kanyang asawa. Isipin ninyo, lahat ng nakarelasyon niya noong araw magaganda tapos babagsak siya sa isang kamukha ni Mother Sitang.

 

Please follow and like us:
Read More

TIKOM ANG MGA BIBIG NI GERALD

MAY mga nakalulusot na kuwento sa amin mula sa ilang taong malapit kina Gerald Anderson at Julia Barretto na meron na raw talagang namamagitan sa kanila. Pero hindi raw totoong break na si Gerald kay Bea Alonzo, pero nagkakalabuan lang daw.

Kaya lang, hindi na nakontrol ang mga pangyayari pagkatapos mag-post ni Bea sa kanyang Instagram account at kumalat na rin ang mga kuhang magkasama sina Gerald at Julia.

Ayon sa ilang nagkuwento sa amin, hindi raw talaga magsasalita si Gerald kaugnay sa isyung ito.

Kahit lumalabas na siya na ang masama at hindi naipagtanggol ang sarili, wala raw siyang sasabihin tungkol dito.

Kahit nga si Bea ay hindi rin daw magsasalita, at tama na raw muna iyung mga ipinu-post niya.

Ang dami lang nakisakay ngayon sa isyung ito, lalo na’t pinapansin at pini-pick up ang post nila sa social media.

Isang pinsan ni Bea ang nakisakay pati ang kaibigan nito na inalipusta nang husto si Gerald sa social media pero deadma pa rin ang aktor.

Pati si Gretchen Barretto ay may drama pang nagpadala ng bulaklak kay Bea.

Kanya-kanyang eksena sa mainit na isyung pinag-uusapan.

BELA IPINALIT KAY NADINE NA MAY SAKIT

Sayang at hindi na pala si Nadine Lustre ang makakasama ni Aga Muhlach

sa MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7.

Ito ang isa sa kuwentong nasagap sa launching ng Metro Manila Summer Film Festival na ginanap sa MMDA nung nakaraang Huwebes nang hapon.

Mula sa Executive Committee ng MMFF ang nagpahayag na nag-beg off na raw si Nadine sa project na ito.

Ang sabi sa pormal na request na ipinadala ng Viva; “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Doon na rin nila isinumite ang pangalan ni Bela Padilla bilang kapalit kay Nadine.

Tinanggap naman ng Execom ng MMFF na si Bela na ang kapalit.

Ang sabi nila; “We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success.”

Samantala,  pormal na ring inilunsad ang isa pang MMFF na panukala ni Sen. Bong Go.

Ginawa na nilang summer sa taong 2020.

Magsisimula ito sa Black Saturday next year na madalas may malaking Pinoy film na ipinapalabas sa araw na yan.

Kaya ang nakakaloka, Lenten season nagtatrabaho ang mga artistang may pelikulang kalahok at hindi na makapagbakasyon. Hindi na rin makapag-observe ng Holy Week dahil aligaga pa sila sa pagpu-promote niyan.

Magsisimula kasi ang festival sa isang parada na gagawin nilang Palm Sunday, at magsisimula ang showing ng Black Saturday.

Labing-isang araw na mapapanood ang walong pelikulang kalahok sa mga sinehan, at sa pang-limang araw ng festival na tatama sa April 15 ay ang Gabi ng Parangal.

Sana maganda ang kalalabasan nito, kaya excited ang mga producers na sumali sa bagong filmfest na ito.

May isang sikat na aktor na ngang kumausap sa aking interesado siyang sumali.

Matagal na rin siyang hindi nakakagawa ng pelikula, kaya gusto na niyang bumalik.

Ang gusto raw ng namumuno nito, ang MMDA, MMFF Execom at CEAP o Cinema Exhibitors Association of the Philippines, mga pelikulang pampamilya at youth-oriented film ang gusto nilang mga pelikulang mapapanood sa MMSFF o Metro Manila Summer Film Festival.

Kasali pa rin kaya rito ang FDCP ni Chairman Liza Dino na meron namang Pista ng Pelikulang Pilipino na pinasimulan?

 

 

Please follow and like us:
Read More

MARJORIE PARANG ‘NEWBIE’ SA CONTROVERSY

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

BAGUHAN ba si Marjorie Barretto sa handling ng mga tsismis na hindi maganda? Palagay namin hindi eh kasi siya mismo napakaraming controversies na napasukan sa kanyang buhay. Napagdikit lang ang picture ng kanyang anak na si Julia at ang picture ni Gerald Anderson, nagkaroon nang kaunting malisyosong tsismis, parang nag-panic na agad siya sa kapo-post din sa social media para ipagtanggol ang kanyang anak.

Kung sa bagay iba talaga iyong ikaw ang sinisiraan at ang nakikita mong sinisiraan ay ang anak mo, pero dapat bang ganoong ang reaction? Palagay namin mas mabuti kung ang naging reaction nila ay manahimik at huwag pansinin ang mga gumagawa ng tsismis. Hindi ba siya mismo naranasan niya ang ganyan. Nagkakatuwaan sila, may kumuha ng picture niyang wala sa ayos. Inilabas sa internet, maya-maya nasa diyaryo na. Ano ang ginawa niya noon? Hindi niya pinansin di nawala ang issue. Walang pumatol eh.

Tsinismis din siya dahil sa kanyang bunsong anak, kasi noong panahong iyon hiwalay na sila ng kanyang asawang si Dennis Padilla. Hindi rin niya pinatulan. Napag-usapan pa ba?

Kung talagang ayaw mong lumaki ang isang issue, huwag mong patulan. Kasi habang iyang mga tsismis ay pinapatulan mo, nacha-challenge iyong mga gumagawa ng tsisms na maghalukay pa ng ibang bagay na maitsi-tsismis nila. Kung hindi mo papansinin, titigil iyan.

Kasi ang gusto naman ng mga gumagawa ng tsismis ay maapektuhan ang mga artista eh. Kagaya niyan, saan ba nagsimula ang issue? Nagsimula lang iyan dahil nag-like si Bea Alonzo doon sa mga sinasabing pictures ng dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson at ni Julia.

Nag-like, eh wala na naman sila eh. Siguro natuwa siya na ang dati niyang boyfriend may nahanap ng iba, tutal ayaw na rin naman niya eh. Kung iisipin ninyo, ano nga ba ang issue roon?

 

Please follow and like us:
Read More

DEMANDAHAN: MARJORIE VS FAN

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

AABOT na nga ba sa demandahan itong isyu nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Julia Barretto at Joshua Garcia?

Tahimik lang kasi si Julia na nasasangkot sa isyung pagkakalabuan ngayon nina Gerald at Bea.

Napagbintangang ‘Anaconda’, ‘Valentina” si Julia dahil lumalabas na siya ang dahilan sa hiwalayang Gerald at Bea.

Pero teka! Wala pa namang may nagkumpirma sa kanilang lahat.

Interpretasyon iyun lahat sa mga ipinu-post nila sa Instagram.

Yan talaga ang mahirap kapag nakabase na lahat sa social media, naakusahan ka na tuloy na mang-aagaw ng dyowa ng may dyowa.

Iyun ang pinupunto ni Marjorie na dahil lang daw sa ‘harmless photo’ na magkasama sina Julia at Gerald sa birthday party ni Rayver Cruz, lumalabas na may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Mahirap maghusga kung sa litrato lang ang basehan.

Pero siyempre intindihin din natin ang panig ni Bea. Tingin ko naman hindi lang sa litratong ipinadala nung fan ang basehan ng lahat.

May ibang dahilan pa yan kaya siguro nag-post siya ng ganun.

Pero sabi ko nga, huwag muna tayong mag-conclude. Wala pang kinukumpirma si Bea. Wala ring sagot si Julia sa isyung ito.

Lahat yan ay interpretasyon natin sa mga posts nilang apat.

Pinagtagni-tagni ang mga post ni Bea, ni Joshua at ang pananahimik nina Gerald at Julia.

Kalkalin pa muna natin kung ano pa ang ibang kuwento sa likod nito.

Kaya hindi mo rin masisi si Marjorie na ipagtanggol ang anak niya at balak na kasuhan ang isang fan na nag-post ng litratong iyun at  pinapalabas na meron talagang ‘something’ sina Gerald at Julia.

Ang latest  nga, na-deactivate na raw yung account nung fan na yun, kaya paano niya mapanindigang totoo itong mga inilabas niyang mga kuwento?

Hintayin muna natin kung ano pa ang mga pahayag ni Bea at kung ano na nga ba sila ngayon ni Gerald.

Nakakaloka nga dahil si Gerald talaga ang natira nang husto. Grabe ang mga komento laban sa kanya ha?

Kapag isyung break-up kasi, madalas lumalabas na masama ang lalaki at ang lahat na sympathy nasa babae.

Kaya nga ang dami ring mga kaibigang artista ang nagpahayag ng simpatiya kay Bea.

Pero tingin ko diyan, may ginagawa na ang Star Magic kung paano nila i-handle ang isyung yan.

 

Please follow and like us:
Read More

MABIGAT SA DIBDIB ANG TAPATANG JULIA, SHARON

(NI GORGY RULA)

MIYERKOLES nagsimulang mag-showing ang dalawang Pinoy film, ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta at ang Between Maybes nina Julia Barreto at Gerald Anderson.

Mabigat talaga sa dibdib ni Sharon na magkatapat sila ng showing ng pelikula nila ni Julia.

Sobrang love daw niya talaga ang Kapamilya young actress, kaya pinu-promote na rin niya ito.

Binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board ang Kuwaresma at A naman sa Between Maybes.

Suportado ng mga close sa pamilya Barretto ang premire night nito nung kamakalawa nang gabi.

Ang Kuwaresma naman ay ginamit ang Cinema 1 at 2 ng SM Megamall ang premiere night nito nung

Mga close kay Sharon ang ilan sa dumalo sa premiere night nung nakaraang Lunes gaya nina Zsa Zsa Padilla at Iza Calzado.

Suportado rin ng Star Cinema Films executive na sina Olive Lamazan at Malou Santos.

Pati sina Mother Lily at Roselle Monteverde ay dumating din bilang suporta naman kina Dondon Monteverde at direk Erik Matti ng Reality Entertainment.

Kapansin-pansin lang dun ang magkasamang dumating sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz.

Bago natapos ang pelikula ay umalis na si JK at sumusunod si Maureen.

Obvious na merong namamagitan sa dalawa, pero sabi ng  mga taga-Prima Stella na nagha-handle kay Maureen, close friends lang daw ang dalawa dahil pareho silang may halong German at kampante raw silang nag-uusap ng German.

Dumating din pala roon ang magkasintahang Jerome Ponce at ang volleyball player na si Mika Reyes.

Please follow and like us:
Read More