WILL JUDAY REPEAT HISTORY MADE BY NORA  IN CAIRO?

(NI JERRY OLEA)

BONGGA sina Judy Ann Santos, Allen Dizon at Yuna Tangog. Kitang-kita sila sa omnibus trailer ng 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29, 2019), kung saan kasama sa Main Competition ang pelikula nilang Mindanao na idinirek ni Brillante Mendoza.

Ano kaya kung sundan ni Juday ang mga yapak ng Superstar na si Nora Aunor? Magiging masayang-masaya tayo kung magkakatotoo para sa Young Superstar ang kasabihang, “History repeats itself.”

Nag-best actress si Nora sa CIFF 1995 para sa The Flor Contemplacion Story, na tinanghal na Best Film (Golden Pyramid).

At sa Metro Manila Film Festival 1995, nag-best actress si Nora para sa Muling Umawit Ang Puso.

Si Joel Lamangan ang nagdirek ng The Flor Contemplacion Story at Muling Umawit Ang Puso, na parehong prinodyus ng Viva Films.

Llamado rin si Juday na mag-best actress sa MMFF 2019 para sa Mindanao.

SARAH AT MATTEO ENGAGEMENT NAKAKA-GOOD VIBES

Nakaka-good vibes ang engagement nina Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli, at ang PDA nina Vice Ganda & Ion Perez sa social media.

Panay-panay ang pag-congratulate sa kanila maging ng kapwa celebrities.

Taob ang nakaka-Sahayad na eksena ng rumored lovers na sina Ruru Madrid & Bianca Umali matapos ang premiere night ng Cara X Jagger sa SM Megamall.

Nakakalukring lang iyong mga nagko-comment ng “Sana oil” para kina Vice at Ion. Masyadong “madulas” ang dating.

Mas bet kong sabihan ang magsing-irog ng It’s Showtime ng, “Sana Halls.”

HOW 2 BE U JANNO

Dapat magpasalamat si Janno Gibbs kay Morissette Amon. Hindi sinipot ni Janno ang concert ng baguhang si Kiel Alo sa Music Museum, pero ang nadidikdik nang husto ay si Morissette na nag-walk out doon.

Alin ba ang mas malaking kasalanan? Iyong hindi dumating sa concert at walang pasabi kung bakit, o iyong nag-rehearse pero nawala sa mood na mag-show dahil na-hurt sa interview?

Kaya ba hindi napag-uusapan ang pagiging no-show ni Janno eh dahil La Ocean Deep na siya, samantalang relevant pa si Morissette?

‘ADAN’ FEARLESS LESBIAN MOVIE

Walang takot ang lesbian movie na Adan at musical film na Damaso na makipagsalpukan sa takilya sa animated sequel na Frozen 2 sa Nobyembre 20.

Sabik na sabik ang moviegoers sa Frozen 2, kung saan tutuntunin ni Elsa ang pinagmulan ng kanyang magical powers. Kaabang-abang ang journey nila nina Anna, Kristoff, Olaf at Sven kung saan iba’t ibang panganib ang kanilang kakaharapin.

Siguradong magma-magic sa takilya itong Frozen 2. Iyong 2013 film na Frozen eh $1.276B ang worldwide gross. Kabilang diyan ang $400M sa North America, at $247M sa Japan.

In fairness, iba sa Frozen ang crowd o target audience ng Adan at Damaso. Good luck sa kanila, lalo pa’t sa Nobyembre 27 ang showing ng nangangamoy-blockbuster ding Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez.

 

Please follow and like us:
Read More

JUDAY SA ‘ANG PROBINSIYANO’ NA; PAANO NA ANG STARLA?

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

KASALI na pala si Judyann Santos sa Ang Probinsyano?

Malamang babawasan na nila ang role ni Lorna Tolentino, kasi nahirapan na rin ang alaga ko sa taping kaya hindi na rin ganun kadalas ang schedule ng taping niya.

Pero curious ako dito sa pagsali kay Juday dahil may Starla pa siya di ba?

Sabi nga nila, halos isang taon na itong nakatengga at wala pa rin tayong nararamdaman kung kailan na talaga ito iere.

Ang sabi kasi nila nung una, ito raw ang Starla ni Judyann ang ipapalit sa Ang Probinsyano na naka-schedule na noon ang pagtatapos nito. Pero malakas pa rin kasi ang teleserye ni Coco Martin kaya tuluy-tuloy pa rin ito.

So ang mangyayari, habang hinihintay ni Juday kung kailan na ilalabas ang Starla niya, ayan mag-Probinsyano ka muna. Parang ganun ang nangyari di ba?

Ganyan din ang ginawa nila kay Raymart Santiago na lumalaki na ang role dahil hindi pa rin siya nagagamit sa Starla.

Ang tanong ngayon ng mga bakla, di ba dapat kasama diyan si Claudine Barretto, pero may kundisyon siyang sasali lang siya kung wala si Raymart. May ganun siyang drama na siyempre hindi naman gagawin yun ng ABS-CBN 2.

Kaya ang tanong uli nila, itong role ba na dapat kay Claudine ay kay Juday na ibinigay o ibang role talaga?

Tingnan na lang natin kung ano na ang mangyayari sa Starla dahil mukhang magtatagal pa ang Probinsyano ni Coco eh.

AMAY BISAYA NAG-COUP DE ETAT SA KAPPT?

Heto at natawa ako sa kuwento na ipinarating sa akin.

Nakatanggap daw si Noel Ferrer ng text message mula kay Imelda Papin

Para ipaalam na siya pa rin daw ang presidente ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon o KAPPT.

Kasi nung nakaraang weekend lang, napabalitang si Amay Bisaya na raw ang bagong presidente ng KAPPT dahil siya kasi ang Vice President.

Nanalong Vice Governor ng CamSur si Imelda at hindi raw puwedeng humawak siya ng isa pang posisyon gaya nitong sa KAPPT.

Kaya automatic, akyat na raw sa pagka-pangulo si Amay dahil kailangang i-vacate na ni Imelda ang kanyang posisyon bilang presidente ng KAPPT.

Kaya inimbitahan ni Noel si Amay Bisaya na mag-guest sa radio program niya sa Radyo Inquirer, pero hindi naman nakasipot.

Isinama pa nga roon ang mga ka-Troika niyang baklitang sina Gorgy Rula at Jerry Olea, pero wala naman pala silang iinterbyuhin.

Ang palusot daw nitong Amay Bisaya, nasa Pampanga pa siya kasama si Dinky Doo para sa isang event doon.

Magpapa-phone patch interview na lang daw siya, pero nung tinatawagan siya, maingay daw doon kaya baka hindi lang magkarinigan. Kaya may ibang miyembro siyang gustong papuntahin pero hindi naman dumating.

Obvious na umiiwas lang sila magpa-interview na natatakot siguro sa mga itatanong sa kanila.

Pero ano naman itong sabi nga ni Imelda na siya pa rin ang presidente? Ibig sabihin ba may nangyaring coup d ‘etat?

Diyos ko! Makakatulong kaya sa industriya itong mga pinangagawa nila? Hay naku!

 

 

Please follow and like us:
Read More