PIOLO-JUDAY REUNION FILM ‘DI NA IMPOSIBLE

PIOLO JUDAY12

Sa finale presscon ng teleseryeng Starla ng DreamscapePH na pinagbibidahan ng ating television superstar na si Judy Ann Santos ay kumpirmadong pahinga muna sa paggawa ng series si Juday. Hindi naman daw sa namimili na siya, iba raw kasi ang kinakaing oras while taping a series kumpara sa paggawa ng pelikula. Of course alam naman nating pamilyadong tao na ang sikat na aktres kaya mas gusto niya diumanong tapusin naman this year ang dalawang pelikulang natanguan na niya last year.

But she told us na hindi naman siya nagsasara ng pinto that anytime na may magandang TV project na ibibigay sa kanya, basta’t magustuhan niya ay magtatrabaho siya. Sa 16 weeks na umariba sa ratings ang Starla, sa pagtatapos nito ay naging maboka si Juday sa pagsasabing nakabuo siya ng bagong pamilya kasama ang buong cast ng Starla na mami-miss niya raw talaga. Thankful si Juday sa naging smooth run ng taping at umaasa siyang in the future ay makakatrabaho pa niyang muli ang mga cast. Sa presscon ay iginiit naman ni Juday na okey sila ni Piolo Pascual. When asked about sa kanilang nabinbing proyektong pelikula. ‘Wala  ng imposible,’  say ni Juday.

Please follow and like us:
Read More

 PDU30 GUSTONG ‘BUNTALIN’  SI SEN. KIKO

(NI GORGY RULA)

DOON na rin sa celebrity premiere ng Mindanao ay hiningan namin ng reaksyon si Sharon sa huling patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Sinabi kasi ni Pres. Duterte sa isang speech na gusto na raw palayasin ni Sharon ng bahay si Sen. Kiko.

Hindi naman daw sila naapektuhan doon, pero hindi lang daw niya masisisi ang mga anak niya sa kanilang reaction.

“Alam mo naman tatay ko ‘yon. Sabi ko naman, parang tatay na hindi naga-approve sa boyfriend mo, parang ganoon.

“Kasi noon nga may sinasabi pa siya sa Bukidnon na ‘yong asawa ko raw, bubuntalin ko ‘yan kung hindi lang dahil kay Sharon,” saad ng megastar.

“Parang ano lang yan. Parang tatay na ayaw ang boyfriend mo. That’s the way lang I take it.

“Pero tingnan mo, wala nang sumunod di ba? After nito…kasi parang nalaman niya na ah okay na pala ‘tong anak ko.

“I don’t think naman na ang babaw na sasabihin nya yun kung feeling niya…kung mas may mahalaga pang kailangang sabihin siguro dala ng inis niya kay Kiko, tapos ako yung naiisip niya na parang daughter nga niya ako,” dagdag niyang pahayag.

Kahit nga raw si Sen. Kiko ay hindi naman nag-react at hindi apektado sa sinabi ng presidente dahil wala naman daw pinanggalingan iyun.

Ang ikinainis lang daw niya ay kapag may pulitika na, nababago ang magagandang samahan.

Sobrang close daw siya kasi talaga sa pamilya ni Pres. Digong, na nagkaganun lang dahil nasa oposisyon si Sen. Kiko.

“Naiinis ako sa pulitika talaga. Kung wala yun, magkakasundo sila,”

himutok ni Sharon.

SHARON IYAK NANG IYAK  HABANG NANONOOD NG MINDANAO NI JUDY ANN 

Natatawang ipinakita ni Sharon Cuneta ang tambak na tissue sa may upuan niya pagkatapos mapanood ang MMFF entry ni Judy Ann Santos na Mindanao na obra ni direk Brillante Mendoza.

Iyak siya nang iyak habang pinapanood ang pelikula,  kaya natatawa na rin si Judy Ann na kinukunan niya ng video si Sharon.

Isa si Sharon sa mga celebrities na dumalo sa celebrity premiere na ginanap sa Podium noong nakaraang Lunes ng gabi.

Sabi nga ni Judy Ann, mas lalo raw siyang kinabahan nang nakita niya ang mga artista at magagaling na direktor na dumalo roon.

“Mas kinabahan ako tonight kasi ang daming mga batikang artistang nanood. Mga sa teatro, mga director. Ang dami naming support na nakuha tonight from the different parts of the industry, from theater to film, lahat.

“Nakaka-overwhelm, nakakataba ng puso. Sapat na sa akin to. Parang konti na lang ma-heart attack na ako.

“Sana ma-appreciate nila yung ginawang istorya ni direk Brillante on how he properly and perfectly told the story sa mga ipinaglalaban ng mga kapatid nating muslim kung paano ang mga pinagdadaanan nila,” pahayag ni Judyann.

WILLING MAG-AUDITION AT MAGBAGSAK PRESYO MAIDIREK LANG NG ISANG BRILLANTE

Kaya nga sabi ni Sharon, kahit daw magpa-audition siya, gagawin daw niya para maidirek lang siya ni direk Brillante.

Nang ipinakilala siya ni Judy Ann kay direk Brillante, binulungan siya ni Sharon at naulinigan ko lang na sinabi niyang willing siyang magpa-audition para sa role, at kahit bagsak presyo raw siya.

“Sana ma-appreciate nila ito,” pakli ni Judy Ann na sobrang saya sa magandang feedback sa pelikula.

“Kung hindi man masaya pa rin ako dahil nakangiti ang puso ko, araw-araw gabi-gabi na alam ko nakagawa ako ng isang pelikulang napakamakabuluhan at sapat na ako dun.

“Nakita ko naman na halos isang kilong tissue ni Ate Sharon, okay na. Wala na akong hahanapin pa,” natatawa pa niyang pahayag.

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN SUKO KAY JUDAY

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG suko na si Alden Richards at inaamin na niyang naghihingalo ang kanyang serye sa pakikipaglaban kay Judy Ann Santos. Dahil hindi nga siya maka-abante, lalong tumaas ang ratings ni Juday. Ibig sabihin maski iyong mga dating nasa kanila, lumipat na kay Juday at dahil doon mas tumaas pa ang ratings ni Juday sa Probinsiyano.

Kasi nga si Coco mukhang mas may kalaban pa kahit na papaano, si Juday mukhang wala na ngang kalaban at nakuha na ang halos lahat ng audience sa kanyang time slot.

Ibig bang sabihin talagang iyon lang ang level ng popularidad ni Alden? Ibig bang sabihin talagang natangay lang siya ni Kathryn Bernardo kaya naging hit ang kanilang pelikula? Hindi naman siguro kailangang maging ganoon kalupit ang observations natin. Siguro sa kabuuan ay may mali rin sa project. Marami rin naman kasi silang artista na mailalagay sa project na iyon, pero siguro nga dahil sa sobrang tiwala nila matapos na gumawa si Alden ng isang box office hit, ayon isinaksak nila ang mga artista nilang walang projects.

Iyan ang problema minsan ng network eh, may kontrata silang may guarantee, kasi kung hindi naman magpapatali ba sa kanila ang artista na wala namang kasiguruhan kung may kikitain o wala? Kaya dahil sa guarantee, kailangan nilang isaksak na pilit sa mga projects dahil kung hindi magbabayad sila sa wala. Kaso nababatak naman pababa ang serye dahil hindi tama ang kumbinasyon.

Aywan kung hanggang kailan pa tatagal ang show na iyan ni Alden, pero kung kami ang tatanungin, sana maawa naman sila kay Alden. Tapusin na nila iyang show na iyan. Nakasisira iyan sa status ni Alden bilang isang artista. Inilalampaso ang serye niya.

MABILIS NAAKSIYUNAN ANG PROBLEMA NG MGA KAMAG-ANAK NI ANGELICA SA PARIS

Umaangal tayo sa mga balasubas na taxi drivers dito sa Pilipinas, na nagdadaya at naningil ng mas mataas kaysa sa kanilang metro. Galit na galit tayo sa masamang ugali ng maraming taxi drivers. Pero tingnan ninyo, maski sa Paris may taxi drivers na balasubas. Nabiktima rin ang kapatid ni Angelica Panganiban na nagbabakasyon din doon na kasama niya.

Ang malaking kaibahan nga lang, mabilis nilang nai-report ang kalokohan ng taxi driver. Mabilis din namang nagkaroon ng aksiyon. Hindi gaya dito sa atin na maliban na lang kung mai-report mo sa tv station at patulan ang reklamo mo, walang mangyayari kahit na anong report pa ang gawin mo sa LTFRB. Kaya malakas ang loob ng mga balasubas na taxi drivers dito sa atin, lalo na ngayong magpa-Pasko. Tsismis lang naman iyong nahahabol sila ng LTFRB eh.

BI  MALE STAR NAGING ‘COMFORT BOY’ NI POGING STAR

Aminado ang isang male star na bi, naging ‘comfort boy’ din siya in the past ng poging male star na kilalang biggie. Bilang ‘comfort boy’ siya ang tinatawagan ng poging male star kung hindi puwede ang girlfriend noon, na siyempre gusto naman ng bi na male star. Pangit lang pakinggan sa tagalog eh, pero ang maliwanag doon ginawa siyang ‘parausan’.

Pero ang male star na bi, todo tanggi pa rin sa mga interviews na bading din siya. Walang kakurap-kurap ang mga mata sa pagsasabing may naninira lang sa kanya at sinasabing bading siya. Hindi naman daw siya bading talaga, “naging parausan lang ng friend niya”.

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA NASA GERMANY PA

(NI VINIA VIVAR)

SOBRANG na-excite ang mga fans ni Julia Montes sa ibinahaging impormasyon ni Boy Abunda sa kanyang Tonight With Boy Abunda na malapit nang umuwi ang aktres mula sa Germany.

Dito nga rin nalaman ng lahat na mali ang spekulasyon na nandito na sa bansa si Julia some months ago pa na ang tsika nga ay dito raw nanganak.

Pagbabalita ni Kuya Boy, ang latest info raw na natanggap niya ay galing sa former co-star at best friend ngayon ni Julia na si Mylene Dizon.

Na-interview daw kasi si Mylene na lumabas sa isang broadsheet at ikinuwento nito na constant pa rin ang communication nila at humihingi pa nga raw ng payo si Julia tungkol sa pagluluto.

“Ang huling update ni Julia ayon kay Mylene ay nagbabakasyon pa rin ito sa Germany kung saan nakabase ang kanyang ama. At ang magandang balita ay malapit na raw umuwi rito sa Pilipinas si Julia Montes,” pahayag pa ni Kuya Boy.

Labis na ikinatuwa ito ng kanyang mga fans na sabik na sabik nang makita o mapanood ang aktres.

Pero ang iba naman ay nalito dahil nga noon pa may tsikang nasa Pinas na raw si Julia. May nag-comment pang niloloko lang daw ng aktres ang mga tao.

Well, if true na nasa Germany pa nga si Julia at malapit nang umuwi, at least pagbalik niya ay malilinaw na niya siguro ang lahat ng tsismis once and for all.

 SAY NI  JUDAY  ‘DI SIYA SEXY PARA SA ROLE NA MAY TEMANG MAY-DECEMBER 

Dahil nga gusto ni Judy Ann Santos ngayong ng challenging and different roles tulad ng papel niya sa Starla na bida-kontrabida, natanong siya sa presscon kung willing din ba siyang gumawa ng medyo daring na movie na mala-May-December affair ang tema na usong-uso ngayon.

Isang malaking “hindee” agad ang sagot ni Juday. “Hindi na kaya ng powers ko ‘yan!”

Kaya sey nga namin sa kanya, ‘yan lang ang isang bagay na hindi niya kayang gawin bilang artista.

“Ibigay na natin ‘yan sa mga sexy! Okay na ako sa mga kontrabida. Parang hindi ko talaga kaya. Para kasing ‘yung panahon ko na lumabtim-loveteam na ‘ko, rurok na ‘yun ng pakikipaghalikan ko, eh.

“Graduate na ko do’n. May mga anak ako, may asawa ako. I know it’s being part of an actress. To you know, just accept the roles na ibigay sa ‘yo, pero para sa akin kasi, natapos na ko ‘don, nagawa ko na siya, and nagkataon itong mga May-December affairs na dumadating, eh napapanahon sa ang focus ko is my family and my career, and whatever I do, I consider my children first, and then, my husband.

“’Yon. ’Yung sanity ng lahat ng members of my family, my sanity, para everybody happy,” pahayag pa ni Juday.

At kahit pa raw wala siyang asawa’t anak, talaga raw hindi niya kaya ang sexy role.

“Siguro, kahit wala akong mga anak o ano, hindi ko yata kayang gumawa ng ganu’n ka-daring na role,” sabi nito.

 

Please follow and like us:
Read More

JUDAY KAIINISAN SA BAGONG SERYE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SIMULA sa Lunes ay mapapanood na pagkatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang teleseryeng ‘Starla’ na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap ang aktres bilang isang bida-kontrabida sa telebisyon.

“I’m pretty sure may ibang maninibago. Kasi iba talaga siya. I’m pretty sure na may mae-excite rin kasi bago at hindi pa nila ako nakikita sa ganitong klase ng character,” nakangiting bungad ni Judy Ann.

Aminado ang young superstar na mismong siya ay nanibago rin ngayon sa pagiging kontrabida sa isang proyekto. “Kahit ako tinanong ko rin ang sarili ko. ‘Kaya ko ba ‘to?’ Pero masaya naman siyang gawin. Kumbaga nare-reset ‘yung skill mo na at talent mo sa pag-arte. Parang kailangan mong bigyan ng konting kabog ang sarili mo eh. Ano pa ba ang pwede mong gawin,” pagbabahagi ng aktres.

Umaasa si Juday na may ilang manonood o netizens na siguradong kaiinisan ang kanyang  karakter bilang si Teresa sa bagong serye. “Hindi ba nga ang sabi nila ‘pag hindi nabuwisit sa ‘yo, ang mga tao, hindi effective ang ginawa mong character. So handa naman, matured na rin naman ang mga audience ngayon when it comes to mga teleserye. Alam nila kung ano ang mga character sa tunay na buhay and kung hindi nila alam, hindi na rin naman ako mag-explain, okay na ‘yon. basta ginawa ko ang trabaho ko,” natatawang pagtatapos niya.

Kabilang din sa bagong programa ni Judy Ann sa Kapamilya network sina Raymart Santiago, Joem Bascon at ang mga batang sina Enzo Pelojero at Janna Agoncillo. -Reports from JCC-     

 

Please follow and like us:
Read More

JUDAY ITATAPAT KAY ALDEN

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PINAG-UUSAPAN nila ang pagbabalik ni Judy Ann Santos sa primetime series. Medyo delikado iyan sa ngayon dahil limang taong nawala si Juday sa primetime, at kasabay naman noon, halos puro indie ang kanyang nagawa na tumagilid din sa takilya.

May nagsasabing ang kanyang serye ay dapat na ipalit sa Probinsiyano sa unang prime time slot. Mas maaga nga naman iyon at siguradong mapapanood pa ng mga bata. Isa pa, mas waley ang kanyang makakatapat na serye na obviously, ginawa lang naman ng GMA dahil wala silang laban sa Probinsiyano. Pero gagalawin mo ba ang Probinsiyano sa time slot na ginawa niyang number one sa loob ng apat na taon? Kung ilalagay naman si Juday sa second slot, makakatapat niya si Alden Richards. Palagay namin mas magkakaroon ng advantage si Alden sa kanya. Taob si Alden kay Angel Locsin, pero si Juday kasi limang taon ngang nawala sa TV

 MARCO  NAUNGUSAN NA ANG NINGNING NG MGA KAPWA LOS BASTARDOS 

Parang naiba na nga ang dating ni Marco Gumabao doon sa kanilang finale press conference noong Los Bastardos kaysa sa nakita sa kanya mga isang taon na ang nakaraan nang nagsisimula pa lang ang serye. Noon kasi talagang baguhan lang siya kagaya ng iba pa roon. Nakakalamang pa sa kanya si Jake Cuenca na mas beterano, o iyong si Albie Casino at si Joseph Marco na mas nauna sa kanya. Para ngang isinama lang siya sa grupo ng mga “sexy boys” nila.

Pero bago natapos ang serye, nakagawa ng isang pelikula si Marco, bida na siya at kahit na papaano ay kumita naman. Hindi mo masasabing malaking hit, pero kumita.

Kaya ang naging dating, mukhang mas star na nga siya kaysa sa kanyang mga kasama. Salamat na rin sa Los Bastardos dahil kung hindi roon, hindi siya mapapansin, at siguro kung hindi roon, walang mag-iisip na bagay pala sa kanya ang sexy image. Wala namang duda na isa sa mga inabangan ng mga tao sa kanyang pelikula ay iyong kanyang publicized box office puwit.

Masasabi rin sigurong suwerte siya talaga, dahil noong kumita ang kanyang pelikula, at saka naman naisip ni James Reid na layasan ang kanilang producers, kaya natural siya ang mapagbabalingan ng pansin. Kailangan lang makaya naman niyang dalhin kung ano ang naiwan ni James Reid. Depende rin iyan kung ano ang mga kasunod na roles na makukuha niya. Ibibigay ba sa kanya ang mga wholesome roles na dating ginagawa ni James, o bibigyan siya ng mas sexy roles at magpapakita na siya nang higit pa sa puwit niya? Iyan ang tanong ngayon.

Kung kukunin niya ang naiwang roles ni James Reid, papaano kaya siya babangga kina Daniel Padilla halimbawa, o maski na kay Alden Richards lang? Kung mas magpapa-sexy siya, mas mahina ang mga makakalaban niya sa linyang iyan. Hindi naman napansin iyong Enzo Pineda at Kit Thompson sa paglalabas din nila ng puwit nila eh.

Sa halagang cell card para sa… SELF SEX VIDEO NI MALE STAR

Biglang sumulpot na naman noong isang gabi ang isang male star na mahilig mag-post ng kanyang sexy selfie sa internet. Pero ngayon iba na ang drama niya. Nag-aalok na siya ng sexy video, pero kailangan padalhan mo siya ng load. Oras na maipadala mo na ang cell card number at naikarga na niya sa cell phone, ipapadala niya ang kanyang sexy video. Ang katuwiran pa niya, kailangan na siyang maging mautak ngayon dahil lumalaki na ang kanyang mga anak.

 

Please follow and like us:
Read More

JUDAY AT RYAN, MAY BAGONG ‘BABY’

jduayrayn12

(NI SIR NOEL FERRER)

SA unang pagkakataon, nagkaroon ng food tasting ang Angrydobo na bagong resto nina Juday at Ryan Agoncillo na inaasahang magbukas by May sa Taft Avenue, sa tapat ng LaSalle.

Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa kasama sina Pauleen Luna at Pia Guanio, Rajo at Gela Laurel, Raymond Isaac, Paul Cabral, Biboy Arboleda, Direk Joey Reyes, China Cojuangco and husband Chef Gino at ang mentor ni Juday na si Chef Gene Gonzales.

Appetizer choices ang Angrydobo nachos fully loaded at cheesy sweet potato fries, at ang major meal ay may 4 choices – Angrydobo classic (pork belly), shortribs, chicken, Sardines with egg. Lahat ng ito ay may basic Angrydobo sauce na signature concoction ni Chef Juday.

At ang dessert ay choice ng dark or white chocolate champsicle (champorado popsicle) na napakasarap!
Imbes na kumuha ng franchise at maghintay ngpuwesto sa food courts at foodparks, heto na, magtatayo na sila ng masasabi nilang kanila talaga!

Kasama sa aming foodtasting ang mentor nilang dalawa na si Chef Gene Gonzalez na nagbigay ng seal of approval at blessing sa bagong business ng mag-asawa.

To Juday and Ryan who are celebrating their 10th wedding anniversary on Sunday, salamat sa patuloy na inspirasyon at pagmamahal!

Congratulations and good luck sa bagong “Baby”!

And I thank you!

Please follow and like us:
Read More

MOMMY NI PIOLO, TAKOT SA MOMMY NI JUDAY!

juday22

suri(NI  The FIRST NOEL Ferrer)

NAG-CELEBRATE ng kaarawan si Mommy Carol Santos sa Madison Square sa E. Rodriguez at ang sinabi nilang tayo-tayo lang na party ay naging malakihang pagtitipon ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Siyempre pinangunahan iyong ng nga anak niyang sina Jeffrey, Jackie at Judy Ann Santos.

Kasama rin ang kanyang mga kapatjd at kaibigan, pati na ang tinatawag nilang balaeng hilaw na si Mommy Amelia Pascual (mommy ni Piolo) na takot mapagalitan at mamura ng kaklase niyang Carolina kaya lagi siyang present sa mga pa-birthday piging.

Naiyak ang kapatid ni Mommy Carol na nagsabing – “tough siyang tingnan pero napaka-loving niyan. Siya ang nagpa-aral at bumuhay sa amin kaya itinuring namin siyang sister-mother-father all rolled into one.”

Karamihan ay good health and more blessings ang wish kay Mommy Carol.

Bago nag-happy birthday song at cale blowing, guess kung sino ang kumanta at talagang na-impress ang mga tao sa boses niya.

Walang iba kundi si Yohan Santos-Agoncillo na ang sabi ng mga tao ay di hamak na improvement of the race – kung kay Juday ikukumpara.

“Aral muna,” sabi ng Teleserye Queen na nag-multiple platinum artist.

And I thank you

 

Please follow and like us:
Read More