‘JOURNALIST’ ARESTADO SA BARIL

huli

(NI JG TUMBADO) ISANG 28-anyos na babae ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pagtatangka nitong magpuslit ng hindi lisensyadong baril habang papasok sa Coron Port sa Palawan, araw ng Huwebes. Nakilala ang suspek na si Jennifer Figalan Maquilan, residente ng Don Bosco sa Paranaque City at nagpakilala bilang journalist ng umanoy local newspaper na Private Manila Hotline (PMH). Ayon kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng Police Regional Office 4B (Mimaropa), si Maquilan ay pinigilan ng mga security personnel ng Coron Port sa Barangay Tagumpay ilang sandaling ma-detect…

Read More