NA-CHECKPOINT: BARIL, P4-M CASH SA BODYGUARD NG KAPA FOUNDER

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY — Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na umano’y bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario.

Nakuhanan ng baril at mga bala sa checkpoint ng Task Force Davao at Bunawan Police Station habang papasok ng Davao City si Edilberto Naupan, 44, ng Bislig, Surigao del Sur.

Nagprisinta naman ito ng dokumento para sa kanyang dalang baril.

“Wala siyang maipakitang papeles sa dalang baril. Nang i-check natin ang kanyang sasakyan nakuhanan din ito ng mga bala at maraming pera. Nagpakilala rin siyang bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario,” ayon kay Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police Station.

Nakuha naman sa kanyang sasakyan ang 13 bala ng .45 kalibreng baril, limang box na may lamang 77 piraso ng bala ng .22 long rifle.

May dala ring walong bundle na tig-P500,000 si Naupan na nagkakahalaga lahat ng P4 milyon.

Sa report, sinabi umano ni Villahermosa, na ang pera ay ‘pay out’ di umano ni Naupan ang nasabing pera mula sa KAPA investment scheme.

Nanubok din ang suspek na bayaran ng P6,500 si Police Corporal Alicer Cañete para hindi na siya hulihin.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang suspek.

Inaalam din ng Bunawan Police sa National Bureau of Investigation (NBI) Region XI kung kasama si Naupan sa mga kinasuhan ng kasong syndicated estafa.

 

Please follow and like us:
Read More