2 HAPONES HULI SA POT SESSION SA PARKING LOT

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang dalawang Japanese national sa basement ng ETON Tower Dela Rosa St.,   Brgy. San Lorenzo, Makati City, Lunes ng tanghali.

Kinilala ng Makati City Police ang mga suspek na sina Yohey Yamaguchi, 31 anyos at Takuya Oyagi, 41, kapwa nanunuluyan sa Eton Tower sa Rufino St., kanto ng Dela Rosa St., Brgy San Lorenzo, Makati City.

Nauna rito ay nakatanggap ng tawag ang PCP 5 ng Makati City Police sa pamumuno ni PCapt Bagsik mula kay PCMS Barriento na isang duty security guard ang nakasakote sa dalawang Japanese national sa aktong humihithit ng marijuana sa parking slot ng nabanggit na gusali.

Sa imbestigasyon pa ng pulisya, nagsasagawa ng routine roving inspection si  Hector Ponsalan, Security Guard ng ETON Tower nang matyempuhan sina Yamaguchi at Oyagi  na humihithit ng marijuana kaya inaresto ng gwardya sa paglabag sa Sec 11 , RA 9165 .

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga Japanese suspects ang 1 piraso ng puting rolling paper na naglalaman ng pinatuyong marijuana; 66 piraso ng hindi pa napapangalanang  tabletas; 10 piraso ng hindi pa natutukoy na mga kapsula;   1 bote na may lamang likido; 10 pirasong  sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na cream at 1 bote na naglalaman ng hindi pa tukoy ng droga.

Sinusuri pa ng Makati City Police ang mga ebidensyang nakumpiska mula sa mga Japanese suspect bago ihahanda ang kasong isasampa sa City Prosecutors’ Office laban sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

HAPONES HULI SA SHABU; TOY GUN ITINUTOK SA PULIS

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HULI ang isang Hapones ang inaresto matapos tutukan ng toy gun ang mga nagrorondang pulis, Miyerkoles ng gabi

sa Caloocan City.

Alas-10:30 ng gabi, nagmamanman  ang mga parak sa kahabaan ng M. Arce St. Brgy. 75 nang makita ng mga ito si Iku Yamawaki alyas “Sadam”, 25, na nakatambay.

Nang mapuna ng mga ng suspek ang mga parak, naglabas ito ng baril at itinutok sa mga operatiba.

Pinalad  na sana ang suspek  at sinunggaban lamang siya ng mga pulis at hindi pinutukan ngunit  minalas naman nang kapkapan dahil nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng shabu at ang kanyang toy gun.

Samantala, alas-8:30 ng gabi nang maaresto ng mga pulis si Victor Soria, 31, pedicab driver, Celso Dumanlang, 32, pedicab driver, at Jaime Lagman, 50, jeepney barker dahil sa pag-aamok at paggawa ng kaguluhan sa kahabaan ng L. Lupa, Brgy. 32.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng shabu nang kapkapan ng mga pulis.

Please follow and like us:
Read More