SABLAY ANG COAST GUARD, IMMIGRATION AT QUARANTINE SA MANGINGISDANG VIETNAMESE

ITO ANG TOTOO

PINAGPIYESTAHAN ng mga galit sa Subic Bay Metropolitan Authori­ty (SBMA) ang pagda­ting ng mga Vietna­mese na mangingisda na pumasok sa Subic Bay para umiwas sa sama ng panahon sa West Philippines Sea.

Ito Ang Totoo: may mga S.O.P o Standard Ope­rating Procedures na dapat ipinatutupad, ano man ang sitwasyon, liban na lang kung may legal na utos ang nakatataas na otoridad para pansamantalang baguhin ito.

Halimbawa ang ginawa ng Seaport Department ng Subic Bay Metropolitan Authority na pag-abiso sa Philippine Coast Guard na kung pipi­liin ng mga Vietnamese manatili sa loob ng Subic Bay kahit tapos na ang sama ng panahon, mapapatawan sila ng kaukulang regular na “wharfage fees.”

Trabaho ng Seaport iyon. Sabi nga ni SBMA Deputy Administrator Ramon O. Agregado “procedural.”

Ito Ang Totoo: dahil ang pagdating ng mga Vietnamese fishing vessels ay para makaiwas sa kapahamakan dala ng sama ng panahon, pwede namang isantabi ang  “wharfage fees” o bayarin sa paggamit ng espasyo sa loob ng bay.

Iyon na nga ang ginawa ng SBMA, sa endorso ni Chair & Admi­nistrator Wilma T. Eisma. Hindi pinagbayad ang tatlong fishing vessels na hindi kaagad nakaalis dahil umano sa kulang ang krudo at wala pang pambili.

Siyam (9) lahat ang Vietnamese vessels, lima (5) ang umangkla malapit sa Pure Petroleum fuel depot, isa (1) sa may Grande Island, at tatlo (3) ay hindi pumasok sa loob ng Subic Bay.

Ito Ang Totoo: bagamat hindi naman siningil ang mga Vietnamese, may mga bumatikos pa rin sa pamunuan ng SBMA dahil daw “walang puso”.

Isa sa bumatikos ang prente ng mga dayuhang may-ari ng Ocean Adventure na tinigbak ng SBMA ang kontrata dahil sa mga paglabag sa probisyon at patakaran, bukod pa sa utang.

Ang hirap, sakayan naman ang ilang “netizens” at may mga media entities na nagamit, kung hindi nagpagamit.

Ito Ang Totoo: dapat ginawa rin ng Philippine Coast Guard, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine  ang trabaho nila kahit pa nakisukob lang para sa kaligtasan ang mga Vietnamese fisher­men.

Oct. 31 pa pala sumulat sa Coast Guard ang Vietnamese Embassy sa Manila tungkol sa posibilidad ng pagdating ng mga Vietna­mese vessels pero hindi man lang inabisuhan ang SBMA hanggang magulat ito noong araw na mismong nagdatingan na.

Hindi rin nakita ni anino ng Immigration at Quarantine. Paano kung merong criminal na nakihalo? O mga maysakit na nakakahawa?

Ito Ang Totoo: dapat imbestigahan at pag-aralan ang nangyari, kapulutan ng aral at parusahan ang mga sablay sa trabaho o hindi nagtrabaho sa panahong kailangan sila. Sayang naman ang sini-suweldo nila mula sa kaban ng bayan. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT MAGBAYAD NG UTANG ANG OCEAN ADVENTURE

ITO ANG TOTOO

IPINAG-UTOS na ng Subic Bay Metro­politan Authority (SBMA) ang pagsasara ng Ocean Adventure at Camayan Resort sa Subic Freeport dahil sa mga paglabag at utang na hindi binabayaran.

Ito Ang Totoo: dalawang taon ang ibinigay ng SBMA sa Subic Bay Marine Exploratorium Inc. (SBMEI), operator ng naturang marine park at resort, para ituwid ang mga paglabag at magbayad ng utang.

Gayunman, isang buwan matapos ang Notice of Pre-Termination, babawiin na ng SBMA ang may 80 ektaryang lupain na walang development na ginawa ang SBMEI, gayundin ang 400 ektarya pa ng gubat na nasa pangangasiwa nito pero hindi pwedeng galawin.

Isandaang (100) ektarya ang pwedeng i-develop ng SBMEI pero 20 ektarya lang ang na-develop sa halos dalawang dekadang operasyon nito.

Ito Ang Totoo: bukod sa hindi pagbababayad ng utang, batayan din ng pagpapasara sa nagnenegosyo sa Subic Freeport ang kabiguang tuparin ang “Development Commitment”.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Wilma T. Eisma, kung may malasakit ang SBMEI sa may 600 em­pleyado nito, dapat nitong lumagay sa ayos at may dalawang taon pa ito.

Kung tumupad lang ang SBMEI sa Development Commitment nito, dapat ay mas marami na ang nalikhang trabaho, hindi lamang sa Ocean Adventure at Camayan Resort.

Ito Ang Totoo: kung tuluyang maisasara ang Ocean Adventure at Camayan Resort, ayon kay Eisma, hindi ito lilikha ng “irreparable da­mage” o malubhang pinsala sa industriya ng turismo sa Subic gaya ng sinasabi ng SBMEI management.

Kaya naman higitan pa ng ibang proyekto ang pagiging atraksiyon ng Ocean Adventure at Camayan resort, ayon kay Eisma.

Ang paggamit ng terminong “irreparable damage” ay preparasyon lang ng SBMEI sa paghiling nito ng Temporary Res­training Order (TRO) sa korte, aniya.

Ito Ang Totoo: ayon kay Eisma, kung sa kabila ng mga paglabag ng Ocean Adventure at Camayan Resort ay napaikot ng SBMEI ang mga nakaraang namamahala ng SBMA, hindi niya ito kukunsintihin.

Bakit nga ba? Dapat lang na ang lahat ng locators o negosyo sa Subic Freeport ay pantay-pantay pagdating sa pananagutan sa mga patakaran, alituntunin at pagtupad sa obligasyon. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO]

Please follow and like us:
Read More

NAMBABRASO ANG OCEAN ADVENTURE, MOONBAY MARINA AT BRIGHTER DAY SA SBMA

ITO ANG TOTOO

MAHIRAP ang kalagayan ng isang namumuno sa isang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na namamahala sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito Ang Totoo: marami kasing paraan para mapwersa na kunsintihin ang mga may nilalabag na patakaran o gumagawa ng kalokohan.

Halimbawa rito ang pagiging Chairman at Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Magugunitang kamakailan ay binugbog sa national daily na Manila Times si SBMA Chairman & Administrator Wilma Eisma nang iutos nito ang pagpapasara ng Manila Times College sa Subic Freeport dahil may P100 milyon na ang utang na hindi binabayaran.

Ito Ang Totoo: hindi natinag si Eisma sa bakbak ng Manila Times at sa ngayon ay nakipagkasundo na ito sa “payment scheme” para makabayad sa utang at makapagpatuloy ng operasyon.

Ngayon, tatlong kumpanya ang nagtutulong-tulong na bumakbak kay Eisma, ang SBMEI (Ocean Adventure), Brighter Day (All Hands Beach) at Moon Bay Marina na pare-parehong may mga utang at/o violations sa mga patakaran sa pagnenegosyo sa Subic Freeport.

Ang SBMEI ay may kasong illegal reclamation at construction, pagsasara ng kalsada at kabiguang tumupad sa “development commitments” bukod sa utang na P6.8M.

Ang Brighterday ay nakikipagtalo sa kompyutasyon ng dapat nitong bayaran sa SBMA.

Ang Moonbay Marina naman ay may atas sa SBMA ang Commission on Audit (COA) na baguhin ang terms ng kontrata nito dahil “grossly disadvantageous” o lubhang dehado ang gobyerno dahil sa baba ng upa na P1/sq. m sa 16.6 hectares na inokupahan nito.

Katunayan, 16 taon na ang nakalipas, nasa P3.10 per. Sq. meter lang ngayon ang upa ng Moonbay Marina kahit may taunang pagtaas na 3% hanggang 7%.

Bukod sa utos ng COA, hindi rin nakatupad ang Moonbay Marina sa “development commitment” nito na tinapos dapat sa loob ng tatlong taon.

Ito Ang Totoo: kung hindi umubra ang Manila Times, sa Philippine Daily Inquirer na nilabasan ng nagkakaisang banat ng tatlong kumpanya sa kanya ay hindi nakasisiguro si Eisma.

Kapatid kasi ng may-ari ng Moonbay Marina si Rolly Fernandez na may hawak ng Northern Luzon Bureau ng Inquirer kaya inaasahang tuloy-tuloy na ang banat ng grupo sa naturang maimpluwensiyang diyaryo.

Sa pagkakaalam naman natin, “fair” si Fernandez sa pagtrato sa mga balita pero sa bagay na ito, tingnan natin kung mananatili itong totoo. (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

PANGANIB SA JOSE ABAD SANTOS AVENUE NG PAMPANGA AT BATAAN

ITO ANG TOTOO

BILYON-BILYONG piso na pera ng mamamayang Pilipino ang ginastos sa pagpapalawak o expansion ng mga highway pero hindi naman pinakikinabangan, at inaabuso lang ng iilan.

Ito Ang Totoo: ginagawa kasing paradahan o garahe, lagayan ng paninda, extension ng talyer o vulcanizing shop, bukod pa sa mga harang sa tapat ng kani-kanilang gate, kasama na ang mga eskuwelahan, bodega at pati bahay at mga ari-arian ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Subukan niyong dumaan sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, ang highway na nagdudugtong sa mga lalawigan ng Pampanga at Bataan at malamang, baka mauntog kayo, kung hindi madisgrasya, sa biglang maniobra ng driver kapag nabigla sa nakaharang sa dapat sana ay highway na daan.

May utos pa kunwari ang Malacañang na linisin ang mga daan pero sa Jose Abad Santos Avenue, wala lang sa mga kinauukulan.

Ito Ang Totoo: ayon sa Dept. of Public Works & Highways (DPWH), trabaho ng mga Local Government, mula barangay, bayan at pati probinsiya ang pagtiyak na walang iligal na harang sa daan, pero lumalabas kabilang sila sa iligal na gawa.

Ang mga negosyong gumagamit sa bahagi ng daan, pwede namang bawian ng lisensiya at ang residential, pwede ring sitahin, mahirap nga lang pero dapat pa ring sitahin at panagutin, kahit iyong mga nasa pamahalaan.

Ito Ang Totoo: pangunahing dapat na trabaho ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) ang pangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan sa mga lansangan, partikular ang mga highway, kaya nga Highway Patrol, eh.

Pero parang hindi interesado ang pamahalaan na patutukan sa PNP HPG ang mga highway. Kung bakit, maraming pwedeng dahilan, kasama na ang ayaw gastusan, baka silang taga-pamahalaan ang masita, tamad lang, o busy sa kurakutan o kaya sadyang tanga lang.

Maaaring isa, dalawa, lahat o wala sa mga nabanggit na dahilan sa itaas ang tunay na dahilan pero ang sigurado, ang pagpapabaya sa mga highway ng bayan ay patuloy lang.

Ito Ang Totoo: lumalabas na interesado lang ang HPG sa panghuhuli sa umano’y mga over-speeding. Bakit? Dahil ba may por siyento sila sa malalaking multa na pinababayaran sa motorista?

Kaligtasan ng mamamayan sa lansangan ang nakataya kaya kung tutuusin, ang mga namamahala, hindi dapat nagpapabaya. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

ANO ANG GAGAWIN NI FAELDON SA SBMA AT SUBIC FREEPORT?

ITO ANG TOTOO

KINIKILABUTAN ang mga taga Subic Bay Freeport at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa umugong na paglipat dito ni Nicanor Faeldon bilang SBMA Chairman & Administrator mula sa Bilibid Prison bilang Bureau of Corrections director.

Ito Ang Totoo: mula pa pagpasok ng 2019 ay matunog na talaga ang pangalan ni Faeldon na papalit kay kasaluku­yang SBMA Chairman & Administrator Wilma T. Eis­ma.

Walang nakikitang dahilan para palitan si Eis­ma, maayos naman ang pamamalakad nito kung pagbabatayan ang mga istatistiko sa investments, kita at direksiyon ng Subic Bay Freeport.

Gayunpaman, sini­ser­yoso ng marami ang pagpapalit kay Eisma dahil kung tinutumbok ni Faeldon ang SBMA/Subic Bay Freeport, hindi nito kailangan ng dahilan dahil sa lakas nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, kahit anong gustuhin niya ay makukuha niya.

Ito Ang Totoo: magkahalo ang reaksiyon ng mga negosyante at residente ng Subic Bay Freeport nang sumabog ang nakapanlulumong pagpapalaya ni Faeldon sa halos dalawang libong convic­ted criminals kasama ang mga napatunayang gumawa ng heinous o karumal-dumal na krimen.

May natutuwa dahil baka hindi na ilagay sa SBMA/Subic Bay Freeport si Faeldon dahil nga sa kinasangkutang ano­malya sa pagpapalaya ng mga preso.

Ang iba, lalong nag-aalala dahil baka mapabilis ang paglipat nito sa SBMA at Subic Bay Freeport bunga ng problema sa Bureau of Corrections.

Ito Ang Totoo: noong hepe ng Bureau of Customs si Faeldon, parati ito sa All Hands Beach sa Subic Bay Freeport, kausap ang isa sa mga key personnel niya noon sa Port of Subic.

Kung ano ang kanilang pinag-uusapan, tiyak importante ito para sa kanila na kung pangsarili o para sa bayan ay Diyos lang ang nakaaalam.

Kung matutuloy si Faeldon sa Subic, tingin ng marami sobrang pang-aalipusta na ito sa mga taga-Olongapo, mga locator at residente ng Subic Bay Freeport.

Ito Ang Totoo: ang paglipat ni Faeldon sa Subic ay magiging  patunay na si Duterte ay walang malasakit.

Kung hindi naman, salamat. Walang kasalanan ang mga taga-Subic Bay Freeport, Olongapo, Bataan at Zambales para pagdusahin sa pamamahala ng isang kagaya ni Faeldon. Ito Ang  Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

ILIGALISTA ANG MGA INTSIK SA ONLINE GAMBLING

ITO ANG TOTOO

ILIGAL sa China ang Online Gambling Operations na pinaggagawa ng mga Intsik dito sa Pilipinas.

Ito Ang Totoo: mala¬king katanungan kung ba¬kit pinapayagan ng China na ang mga citizen nito ay nagtutungo at nagtatrabaho sa Pilipinas para sa bagay na iligal sa kanila.

Naglipana na ang mga Intsik sa Metro Manila, Subic at iba pang panig ng bansa, dahil nga sa Online Gambling na kailangan daw Intsik ang empleyado dahil Intsik din ang mga kliyenteng manunugal.

Ito ang dahilan kung bakit wala halos pakinabang ang Pilipinas sa Online Gambling operations pagdating sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Ito Ang Totoo: mga iligalista ang may daan-daan libong Intsik na dumating sa

Pilipinas dahil iligal nga ang kanilang ginagawa kung pagbabatayan ang batas ng China.

At dahil iligalista, asa¬han na gagawa ito ng iligal sa Pilipinas. Kung batas ng China ay kanilang binabalasubas, batas pa kaya ng Pilipinas.

Ito Ang Totoo: dahil nga mga iligalista, maasahan na gagawa ng iligal ang naglipanang Intsik na Online Gambling employees sa Pilipinas.

Halimbawa rito ang pag-carnap noong nakaraang Linggo ng dalawang Intsik sa isang Hyundai Starex na nagpahatid sa Buma Hotel sa Subic Bay Freeport.

Galing ng Pasig ang Intsik na si Bin Zhang, 24, at isa pang Intsik, pero pagdating sa may Tipo Gate ng Subic Bay Freeport, tinutukan ng patalim ng mga Intsik ang driver na si George Villanueva, pinababa at saka itinakas ang sasakyan papasok ng Freeport.

Sa tulong ng Subic-Clark-Tarlac Expressway patrol, natagpuan ang Starex sa may Subic Gateway Hub kung saan maraming tumutuloy na Intsik.

Naaresto doon si Bin pero ang kasama nito na hindi pa umano nakikilala at hinihinalang Boss niya ay nagtatago pa sa kasalukuyan.

Ito Ang Totoo: Naa¬resto nga ang isa pero nakapagtatago ang kasabwat nito kahit kung tutuusin, maraming paraan para makilala ang nagtatago kung magtratrabaho lang talaga ang mga kinauukulan.

Hindi kaya pinagtatakpan dahil boss at hahayaan na lang iyong tauhan?

Kailangan natin itong subaybayan. Ito Ang Totoo!

Muli, bakit pinapayagan ng pamahalaan ng China ang mga citizen nito na magtungo sa Pilipinas para magtrabaho sa bagay na iligal sa China?  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

$500 MULTA AT SUSPENSIYON NG NEGOSYO NG BELGIAN SA SUBIC

ITO ANG TOTOO

GALIT na galit ang Belgian national na si Didier Ladiere na may-ari ng yate na napagkamalang Chinese vessel sa loob ng Subic Bay kamakailan.

Ito Ang Totoo: napag-alamang hindi nga naman Chinese vessel ang MV Balena II bagamat may sakay na mga Chinese na umano’y posibleng ka-business transaction ng Belgian kaya itinu-tour niya mismo sa Subic Bay.

Nag-ugat ang hinala sa MV Balena II na maaaring Chinese Vessel dahil bukod sa may mga Chinese ngang sakay, umangkla kasi ito sa “protected area” o kung saan ipinagbabawal dahil maaring makasira ang “anchor” sa “coral” sa ilalim ng dagat.

Hindi rin umano ito sumasagot sa radio kahit paulit-ulit na kinokontak ng mga kinauukulan, bagay na lalong nagpatingkad sa hinalang baka may ginagawang hindi tama ang mga sakay nito.

Ito Ang Totoo: “un-attended” umano ang radio ng MV Balena II sabi sa SBMA authorities ng kinatawan ng yate pero sabi ng Belgian sa atin, pumutok ang fuse ng radio kaya hindi nasasagot ang paulit-ulit na tawag ng mga kinauukulan.

Sabi ng SBMA Seaport, kahit ano pa ang dahilan ng MV Balena II, violation pa rin ang “radio silence” kaya pinatawan pa rin ito ng $500 multa para sa unang paglabag.

P5k naman ang hinaharap na multa at anim (6) na buwang suspensiyon ng operasyon ng Belgian na si Didier, ayon sa “Notice of Violation” na ipinadala sa kanya ng SBMA Ecology Center.

Ito Ang Totoo: nagtangka pa si Ladiere na pigilan ang paglabas sa media ng kanyang mga paglabag at kaukulang parusang dahil aniya ito ay “private matter” at nagbantang magsasampa ng kaso.

Hindi naman tayo umaayon sa kanyang pananaw dahil ang ating paninindigan ay may karapatan ang publiko na malaman ang nangyayari sa kapaligiran, lalo pa at ito’y may kinalaman sa pagpapatupad ng batas at panganga­laga sa kalikasan.

Magugunitang si Ladiere ay una nang naging laman ng balita noong 2013 kaugnay ng malagim na pagkamatay ng dalawang tao matapos magkasunod na bumangga ang kanyang kotseng Porsche sa dalawang tricycle isang madaling araw sa highway ng Olonga­po – Subic boundary.

Dead on the spot sina Jonathan Paguntalan, 28, ng Matain, Subic, Zambales at Fernando Torres, 47, ng Roosevelt, Dinalupihan, Bataan, pero ang kaso ay naareglo.

Bukod sa MV Balena II, si Ladiere ang may-ari ng Urban Deli sa Subic Freeport at DLA Naturals, Inc. sa Su­bic town na aniya’y may 250 empleyado at nagbibiyahe ng produkto, tulad ng palaman sa doughnut, ng 40-50 containers sa may 30 bansa sa mundo. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

NINGAS-KUGON NA SMOKING BAN

ITO ANG TOTOO

BAWAL ang pani­nigarilyo sa mga publikong lugar sa buong Pilipinas, hindi lamang sa pamamagitan ng mga local na ordinansa kundi mismo sa bisa ng Executive Order no. 26 ng Pangulo ng bansa.

Ang Totoo: nakatuntong ang Executive Order no. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Clean Air Act of 1999 at Tobacco Regulation Act of 2003.

Nang maging epektibo ang EO 26 noong July 2017, naglipana ang mga naglabasang balita at mga retrato ng mga pulitikong nanghuhuli ng mga nani­nigarilyo sa mga lugar na publiko, kasama na ang sa mga kalsada, restaurant at iba pa.  Bidang-bida ang mga lekat.

Makalipas ang halos dalawang taon, tuloy na naman ang mga naninigarilyo sa kalye, restaurant at iba pang lugar na pampubliko na saklaw ng EO 26.

Ang Totoo: kaya ipinagbabawal ang panini­garilyo sa publikong lugar ay dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan, mapa-bata, matanda, lalaki, babae, mahirap o ma­yaman, basta tao apektado.

Kawawa ang mga sanggol sa sinapupunan ng mga ina, at pati ang ina, gayon din ang mga hindi naninigarilyong nakalalanghap ng “second-hand” na usok na puno ng nakalalason na kemikal tulad ng nicotine, tar at iba pa.

Ang batas kontra sa paninigarilyo sa mga lugar na publiko, gaya ng batas kontra sa “open burning” ay nagiging inutil na batas na sumasanay sa mamamayang lumabag nang walang pakunda­ngan.

Ang Totoo: gaya ng sinabi na natin sa nakaraan, kapag nasanay ang tao sa paglabag sa batas, sinong makapagsasabi kung ano pang batas ang lalabagin nito, kasama na ang pagnanakaw o pagpatay sa kapwa.

Gumising na tayo. Kapag may batas, malupit man o hindi, kailangang sundin para sa kapakanan ng nakararami kundi ng lahat.

Iyong mga naninigarilyo, huwag nang mandamay sa pagpapakamatay ninyo. Kayo na lang!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

HINDI DAPAT MAKAPORMA ANG CHINA SA SUBIC

ITO ANG TOTOO

LUMALABAS na gusto talaga ng China i-kontrol ang Subic Bay, dating lugar ng US Naval Base ng Estados Unidos, bukod pa sa kalawakan ng West Philippine Sea na walang pakundangan na nilang binabalahura.

Ito Ang Totoo: napaka-istratehiko nga naman ng Subic Bay hindi lamang sa larangan ng komersiyo kundi pati sa aspeto na pang-militar at seguridad sa bahaging ito ng Asya.

Kaya nang magsara ang Hanjin, ang kompanyang Koreano na gumagawa ng mga dambuhalang barko, kumilos din ang mga Intsik para maka-take-over sa mga pasilidad nito.

Gayunman, tiniyak na ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma T. Eisma na sa mga susunod na buwan ay muling magbubukas ang shipbuilding facility sa ilalim ng kompanyang ayaw pa niyang pangalanan pero sigurado hindi raw Intsik.

Ito Ang Totoo: katakot-takot naman ang usapan nitong mga nakaraang araw kaugnay ng Grande at Chiquita Islands dito pa rin sa Subic, na umano’y kinukuha rin ng mga Intsik.

Sa harap ng mga paglapastangan ng China sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, nakaaalarma lalo ang presensiya ng mga Intsik sa balat ng lupa ng Pilipinas.

Naglipana na nga sila sa laganap na Online Gambling na umuokupa ng mga buong hotel, apartments, restaurants, pati dating eskuwelahan, at iyon nga, pati mga isla sa bibig ng Subic Bay ay gusto pa kunin.

Ito Ang Totoo:  hindi na dapat isyu ang pag-okupa ng mga Intsik sa dalawang isla dahil ibinasura na ng SBMA Board ang proposal ng kompanyang nakipagsabwatan sa mga Intsik, ang GFTG Property Holdings, Inc. sa pamamagitan ng pagbebenta ng mayoryang shares sa Sanya ng China.

Noong Mayo 19, 2019 naganap ang pagbasura na, ayon kay Eisma, ay sa kadahilanang lalabag sa konstitusyon ang panukalang proyekto ng GFTG Property Holdings Corp.

Naghahanap na lang daw ang SBMA ngayon ng ibang investor na magdi-develop sa naturang mga isla bilang tourist attraction. Ito Ang Totoo. (ITO ANG TOTOO! / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

“SPECIAL TREATMENT” SA PARKING ANG UAI AT AIA SA SUBIC?

ITO ANG TOTOO

TAMA lang na paghigpitan ang illegal parking sa maraming kadahilanan.

Ito Ang Totoo: Mapanganib kapwa sa tao at ari-arian ang mga naka-park na mga behikulo, malaki o maliit man.

Maaaring mabangga ang mga motorista sa naka-park kung hindi sa kapwa gumagalaw na sasakyan.

Kapag nagkaganoon, tiyak may tama ang sasakyan at ang sakay, kahit ilan, malamang ay masasaktan kung hindi mamamatay nang tuluyan.

Ito Ang Totoo: maging ang mga naglalakad o pedestrian ay maaaring mabundol o masagasaan dahil sa nakaharang na sasakyan sa dapat ay para sa tao na daanan.

Kapag may nagbanggaan, maaari ring madamay ang mga pedestrian na wala namang kinalaman kundi mapadaan sa pinangyarihan.

Ito Ang Totoo: napakalaki ng ginastos at ginagastos pa ng pamahalaan sa pagpapalawak ng mga daan, hindi pa nga nag-iiwan ng espasyo para naman sa mga pedestrian.

Pero ang bahagi ng pinalawak na daan ay ginagawang parking lamang, kung hindi display-han ng mga paninda o garahe ng mga talyer at may sasakyang walang sariling parking-an.

Ito Ang Totoo: P50k ang multa ng mga sasakyang iligal na nagpa-park sa kung saan-saan lang sa Subic Bay Freeport ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), partikular ito sa mga truck, trailer o tanker.

Mabigat ang multa at marami na ang nabiktima, este, pinagmulta dahil sa paglabag.

Ito Ang Totoo: ang mga “auction yards” naman sa Subic Freeport ay pinayagan ng mga nakaraang SBMA admin na mag-park sa isang bahagi ng daan, kahit ito ay highway, kaya nga ang pangalan ay Argonaut Highway.

Dahil sa dami ng mga nais bumili at bumibili ng mga imported pero gamit nang trucks at heavy equipment sa United Auctioneers, Inc. (UAI) at Asian International Auctioneers, Inc. (AIA), ilang araw na naghahambalang ang mga sasakyan sa magkabilang panig ng highway kapag may “auction.”

May “real at present danger” sa mga sasakyan, ari-arian at tao sa kahabaan ng highway na iyan.

Ito Ang Totoo: pinulong na ni SBMA Chair & Administrator Atty. Wilma T. Eisma ang mga opisyal ng UAI at AIA. Kung ang pinagkaisahang hakbang ay makabubuti para sa lahat, iyan ay ating abangan. (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL TREATMENT SA MGA CHINESE

ITO ANG TOTOO

KAPAG ang Pinoy ay nangibang bansa, lahat ng mga batas at alituntunin ay kailangang sundin at sinusunod niya.

Ito Ang Totoo: kapag lumabag ang Pinoy sa mga batas at alituntunin ng pinuntahang bansa, kalaboso kung hindi deportation ang bagsak niya.

Dito sa Pilipinas, ­inaagawan ang mga Pinoy ng mga dayuhang Intsik hindi lamang ng trabaho kundi pati negosyo.

Umaayon tayo kay Senador Panfilo Lacson na hindi dapat payagan ang mga dayuhan, partikular ang mga Intsik, na kumpitensiyahin ang mga Pinoy sa mga Small at Medium Scale na negosyo.

Ito Ang Totoo: pwede naman silang pumasok sa malalaking negosyo, o kontrata, huwag lamang magkaroon ng mga probisyong mistulang pagsuko sa ating soberenya at kasarinlan tulad ng sa Kaliwa Dam.

Hindi rin kailangan sa mga kontrata na payagang okupahan ng mga Intsik ang mga trabahong kaya naman ng mga Pinoy.

Halimbawa sa Chico River Irrigation Project, mistulang sinugod na ng mga Intsik ang Tabuk City, ayon mismo sa reklamo ng Cordillera Peoples Alliance (CPA).

Sumusuweldo pa umano ang mga Intsik na ito ng sampung patong kumpara sa suweldo ng mga Pinoy.

Ibig sabihin, bukod sa nawalan na ng pagkakataon sa trabaho ang ­maraming Pinoy, ang babayarang utang ng Pilipinas sa kontratistang Intsik ay hinahakot din naman ng mga Intsik sa pamamagitan ng suweldo pabalik sa Tsina.

Ito Ang Totoo: hindi ginagawa ng Tsina sa ibang bansa, tulad ng Canada at Belarus, ang mag-empleyo ng mga Intsik sa pwedeng gampanang trabaho ng mga lokal.

Kung gayon, bakit kailangang pumayag ang Malacañang na pagkaitan ang mga Pinoy ng trabaho na kikita naman ng limpak-limpak na salapi para sa nangongontratang kompanyang Intsik?

Kita na sa kontrata, kita pa sa manggagawa, magaling sa perspektibo ng nagnenegosyo. Kaya lang, may tinatapakan, tayo iyon – mga Pinoy.

Darating ang panahon, huhusgahan ng kasaysayan ang direksiyong ito ng administrasyong Duterte: ang mga kabaliwang kaliwa’t kanan na yumuyurak sa dignidad at karapatan ng mga Pinoy na walang kahiya-hiyang isinusuko, partikular sa bansang Tsina. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

ULTIMATUM SA ONLINE GAMBLING OPERATOR

ITO ANG TOTOO

SUNOD-SUNOD ang reklamo ng mga negosyante at residente sa Subic Bay Freeport kaugnay ng mga naglipanang Intsik mula mainland China dahil sa operasyon ng Online Gambling dito.

Ito Ang Totoo: hindi lamang direktang negatibong epekto sa negosyo, partikular sa turismo at real estate, at trabaho, ang reklamo kundi mismo sa asal at gawi ng naturang mga dayuhan.

Nariyan na ang mga pagdura, pagkakalat ng basura, upos ng sigarilyo, pinagkainan at walang pakundangang pag-iingay kahit saan.

Hindi naman tayo “racist” o nananangi ng lahi, at katunayan, kinikilala natin ang malaking kontribusyon ng lahing Intsik hindi lamang sa Asya, kundi sa sibilisas­yon sa pangkalahatan.

Ito Ang Totoo: hindi pwedeng balewalain ang kasalukuyang problemang dala ng naglipanang Intsik sa Subic, at iba pang panig ng bansa.

Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair & Admi­nistrator Wilma T. Eisma, pinulong na niya ang mga nasa negosyong may kinalaman sa pagkakaroon ng mga Intsik sa Subic.

Binalaan na niya ang mga ito na maging res­ponsable sa asal at gawi ng mga empleyado nila.

Pinasisimulan na, aniya, ang pagkakaroon ng “cultural orientation” sa mga Intsik para malaman nila kung paano mamuhay, magtrabaho at kumilos sa ating bansa.

Ito Ang Totoo: usa­pin din ang pagbabayad ng buwis ng mga Intsik na nagtatrabaho sa Pilipinas, bukod pa sa pagkakaroon ng kaukulang “Visa.”

Ayon kay Chair Eis­ma, kumikilos na ang kanyang ahensiya at nakikipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para tiyakin na nagbabayad ng buwis ang mga Intsik na empleyado ng Online Gambling.

Gayon din sa Bureau of Immigration (BI) para sa kaukulang dokumentasyon, kasama na ang “Visa,” at Labor Department para naman sa working permits.

Ito Ang Totoo: magandang malaman na kumikilos naman ang SBMA at may pag-asang solusyon na tinatanaw.

Kung magiging epektibo ay ibang usapin na naman.

Sa mga susunod na panahon, at dapat sa malapit na hinaharap, makakita tayo ng pagbabago.

Hindi naman pwede na magpatuloy lang ang sitwasyong inirereklamo.

Kung ano ang resulta, aabangan natin. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

HALIMBAWA NG SIPAG AT GALING NG PILIPINO ANG U.S. BASE WORKERS

ITO ANG TOTOO

TAMAD daw ang mga Pilipino, sabi noon ng isang kinatawan ng Pilipinas sa Tsina.

Ito Ang Totoo: ang pahayag ng naturang Pinoy na kinatawan ng bansa sa Tsina ay pagtatanggol sa pagtanggap ng mga manggagawang Intsik sa Pilipinas kahit kulang pa nga para sa mga Pilipino ang trabaho rito.

Mali na hayaang agawan ng trabaho ng mga Intsik ang mga Pilipino, tamad man o hindi ang mga ito, kasing mali ng pagsasabi na tamad ang mga Pilipino.

Ito Ang Totoo: kilala at subok ang mga Pilipino, hindi lamang sa kasipagan, pati sa kahusayan.

Isang halimbawa ang mga manggagawang base o empleyado noon ng mga baseng militar ng Amerika sa bansa tulad ng sa Subic at Clark.

Mahigit 20,000 “direct-hire” Pinoy employees o direktang empleyado na sibilyan at mahigit dobleng bilang na “indirect-hire” employees, ng US Navy ang nagtrabaho sa Subic at Clark, kabilang tayo riyan.

Matiwasay at epektibong gumana ang naglalakihang base militar ng Amerikano dahil sa sipag at galing ng mga Pilipino sa loob ng halos isang siglo.

Ito Ang Totoo: kahit ang “State” ng Hawaii ay nakinabang sa sipag at ­galing ng mga manggagawang Pilipino, gaya ng isla ng Guam kung saan maraming Pinoy ang inasahan ng Amerika sa pamamahala.

Hindi na natin kailangang ipagduldulan ang sa Gitnang Silangan o Middle East.

Maging ang bansa natin mismo, makikita ang bunga ng kasipagan at husay ng manggagawang Pilipino.

Mali na sabihing tamad ang manggagawang Pilipino gaya nang maling pagsabi na lahat ng “media’ ay “corrupt.”

Ito Ang Totoo: tama na may mga “corrupt” sa “media” tulad ng may mga tamad na manggagawang Pilipino. Pero para ­sabihing lahat ng “media” ay “corrupt” at ang lahat ng manggagawang Pilipino ay tamad, aba’y katarantaduhan na ito.

Hinay-hinay dapat ang pang-aalipusta sa ­sariling lahi, huwag gumaya sa mga nakalolokong pahayag ng Pangulo. (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

HINDI LANG MAYNILA, SANA SA BUONG BANSA

ITO ANG TOTOO

MAAGA pa para sabihing matagumpay nga ang determinadong paglilinis ng bagong ma­yor ng lungsod ng Maynila na si Isko Moreno.

Ito Ang Totoo: ilang beses nang nagtangka ang mga naunang admi­nistrasyon na linisin ang Divisoria, Quiapo at iba pa pero naiiba ang estilo ni Isko, bagay na hinahangaan ng marami.

Marami ang natutuwa, meron ding hindi, lalo na ang mga apektadong vendor at kanilang mga pamilya.

Isa na tayo sa natutuwa dahil ipinatutupad ni Mayor Isko ang tama, ang pagsunod sa batas at patakaran para magkaroon ng kaayusan.

Ito Ang Totoo: dapat lahat ng mayor sa buong bansa ay kagaya niya.

Hindi dapat hinahayaang mamayagpag ang mga illegal vendor, una, dahil illegal nga, pangalawa, dahil nagbubunga ng kawalan ng kaayusan, pangatlo, pinagmumulan ng corruption sa pamamagitan ng mga tong at collection, at pang-apat, nagtatanim ng maling pananaw na pwede naman pala baliin ang batas.

Marami kasing ma­yor na kunwari naaawa sa mga vendor, pero ang totoo, iniisip nila ang kita sa koleksiyon, at boto sa darating na eleksiyon.

Ito Ang Totoo: sa Divisoria at ibang pa­nig ng bansa, ang mga may puwesto sa loob ng palengke ay sila rin ang mga may puwesto na sumasakop na sa lansangan.

Kaya kung tutuusin, hindi naman nila kailangang okupahan ang lansangan na para sa mga motorista at pedestriyan.

Iyon namang mga walang puwesto sa palengke, kahit pa bali-baliktarin ang mundo, hindi dapat bumabara sa kalsada para makapagtinda ng kung anong inilalako nila.

Ito Ang Totoo: susundan natin kung magiging tuloy-tuloy ang mga inisyatibo ni Isko Moreno sa pag-sasaayos ng Maynila, at titingnan natin ang mga mayor ng iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa.

Kung kaya ni Isko, hindi kaya nila kaya? Hindi ba nakakahiya naman?

Sabi nga ni Isko, kapag nakabalik ang mga illegal vendor ay ma­ngangahulugang nalagyan na siya.

Kaya lumalabas, itong mga mayor na ang nasasakupan ay naglipana ang illegal vendors, isama na natin ang illegal parking, malamang tumatanggap ng tong o koleksiyon. Kung hindi eh bakit walang aksiyon? Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

MAGNENEGOSYO ANG DND, AFP AT PH NAVY?

ITO ANG TOTOO

PLANO ng Dept. of National Defense (DND) na i-take-over ang may 300 Million sq. meters na lupain sa bayan ng San Antonio, Zambales para ga­wing pasilidad ng Philippine Navy.

Ito Ang Totoo: halos 70% ng bayan ng San Antonio ay magiging pag-aari ng Philippine Navy kapag natuloy ang plano.

Sasaklawin nito ang naggagandahang Anawangin, Nagsasa, Ta­lisain, Silanguin, Agnaem Bays, pati ang mga isla ng Capones at Camara.

Ito’y dagdag sa kasalukuyang minamantine ng Philippine Navy na dating US Naval Base sa Brgy. San Miguel na walang malinaw na silbi bukod sa Golf Course nito na pinaglalaruan ng mga opisyal ng AFP, mga politiko at iba.

Ito Ang Totoo: ang dating base ng Amerikano sa Brgy. San Miguel ay Communication Station noon ng US Navy pero nang umalis ang mga Amerikano ay nag-take-over ang Philippine Navy.

Nangawala na nga ultimo mga antenna at cable, pati mga lupa ay in-squat-tan ng mga opis­yales, tauhan ng Philippine Navy at mga kamag-anak nila kaya ngayon, marami nang bahagi ng dating US base ay pag-aari na nilang pribado.

Halata, kung tutuusin, ang motibo ng DND at Philipine Navy na mapasakanila ang San Antonio, bukod sa lalawak ang pwedeng kuning lupain, mapapasakanila rin ang mga tourist attractions ng bayan.

Una na nga ang Anawangin at iba pang bays, ganoon din ang makasaysayang Capones Island.

Ito Ang Totoo: sabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana, mapapaigi raw ang depensa ng Pilipinas sa West Philippine Sea kung mapapasakanila ang naturang napakalawak na lupain.

Ito, sa tingin natin, ay malaking kasinungalingan dahil ang pagkakaroon ng malawak na lupaing panturismo na gagawing kampo militar ay hindi garantiya na magkakaroon ng dagdag na lakas ang Philippine Navy.

Lalo pa dahil ang pangulo ng bansa ay duwag at sunod-sunuran sa China.

Katunayan, sa kasalukuyan, hindi nahihiya ang pamunuan ng DND, AFP at Philippine Navy sa pagiging inutil sa pang-aapi ng China sa mga mangingisdang Pilipino.

Hindi rin nahihiya ang DND, AFP at Philippine Navy na malayang nilalapastangan ng China ang soberenya at karapatang pang-ekonomiya ng bansa sa karagatang idineklara na ng UNCLOS na exclusive economic zone ng bansa. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA PA RIN SA MGA INTSIK SA SUBIC

ITO ANG TOTOO

PAGSASAMA-SAMAHIN sa Upper Cubi, Subic Bay Freeport ang mga online gambling operation, ayon sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito Ang Totoo: inokupahan na kasi ng online gambling ang maraming hotel, buong hotel tulad ng Buma Hotel at Inter-Park, at ang iba ay pala-palapag.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit lalong nagkakahirapan sa hotel rooms para sa mga turista, bisita at maging sa functions ng local residents tulad ng kasal, binyag, birthday at sari-saring ani­bersaryo at programa.

Bukod sa kakulangan ng hotel rooms, peste rin sa mga residente at negosyante ang naglipanang mga Intsik na ga­ling mainland China dahil sa hindi kagandahang asal ng karamihan sa mga ito.

Ito Ang Totoo: ang Upper Cubi ay lugar ng tirahan ng mga opisyales ng US Navy pilots at kanilang pamilya noong ang Subic Bay ay US Naval Base hanggang 1992.

Sa Upper Cubi rin ginanap ang pulong ng mga “heads of state” sa Asia Pacific Economic Coope­ration (APEC) Summit noong 1996.

Sa Upper Cubi rin nagtayo ng mga hotel at villas na may magagandang view ng Subic Bay ang kilalang real estate developer na si Anthony Trillo.

Ito Ang Totoo: nabababoy na sa kasalukuyan ang kagandahan at katahimikan ng Upper Cubi, Subic Bay Freeport.

Ang dating malaking eskuwelahan ay sentro na ng operasyon ng online gambling kaya naman nagkalat sa paligid ang mga Intsik.

May mga lasing na susuray-suray, naninigarilyo sa daan kahit bawal, at kahit saan dumudura.

Ito Ang Totoo: animo ukay-ukay rin ang bawat veranda ng mga kuwarto nila dahil kung makapagsampay ng kahit nilabhan ay nangangamoy na mga damit at tila ibinebenta ng bultuhan.

Kaya tanong ng mga taga-Upper Cubi kay SBMA Chairman & Administrator Wilma T. Eisma: “ano po ba ang kasalanan namin para dito itapon ang mga ito?”

Hindi pa nga lahat naililipat sa Upper Cubi ng SBMA ang online gambling operations pero hindi na maganda ang epekto.

Linawin po natin, Intsik po daw kasi ang mananaya sa online gambling kaya mga Instik ang kanilang empleyado na sa ngayon ay libo-libo.

Sana magkaroon ng agarang hakbang ang SBMA upang maiwasan ang tuluyang pagkababoy sa Upper Cubi ng Subic Bay Freeport. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO JR.)

Please follow and like us:
Read More

HINDI SAPAT ANG PAKAWAY-KAWAY LANG

ITO ANG TOTOO

MALAMANG nangyayari ito hindi lamang sa ilang bayan ng lalawigan ng Zambales kundi pati sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ito Ang Totoo: maganda at nararapat lang na may kanya-kanyang “traffic enfor¬cers” ang bawat bayan sa bansa.

Pero nararapat din na alam ng mga “traffic enforcer” ang kanilang ginagawa.

Halimbawa, sa ba¬yan ng Castillejos, Zambales, may mga “traffic enforcer,” naka-uniporme pa, kahit hindi kagandahan at ayos ang pagkakasuot.

Sa may tapat ng palengke at kurbada ng daan ang “bottle neck” sanhi ng mga dami ng tao, mga tricycle at iba pa na nagkukumpitensiya sa daan.

Ang mga “traffic enforcer” naman, kaway nang kaway para sa “stop and go.” Ok na sana pero gano’n na nga, kaway lang nang kaway, tila hindi naman nag-iisip kung may dapat pa bang gawin dahil sa kabila ng kanilang kakakaway, ma-traffic pa rin.

Ito Ang Totoo: kung gumagana lang ang kokote ng mga kamote, maiisip nila na lalong bumabagal ang daloy ng trapiko dahil sa mga motorista, kasama ang pri¬bado at pampubliko, mga tricycle, jeepney at lahat ng uri ng sasakyan, mapa-SUV o kakala-kalampag na kotse, na dumadaan sa “shoulder” ng lansa-ngan para unahan ang mga nagtitiyagang pumila sa “stop & go” ng mga ma¬ngangaway.

Dapat sana, bago pa dumating sa kabayanan, lalo na sa papasok mula sa Norte, may mga “enforcer” nang gumigiya at sumusuweto sa pasaway na motorista, siyempre, kasama ang mga botanteng tricycle at jeepney drivers.

May katulad ding sitwasyon sa bayan ng Subic na ang pag-unlad ay hindi na maitatago.

Dahil sa ganitong sitwasyon, ang biyaheng kalahating oras mula San Marcelino hanggang Olongapo ay inaabot ng mahigit isang oras.

Ito Ang Totoo: ang solusyon ay pagsasanay at pag-armas ng kaalaman sa mga “traffic enforcer.” Responsibilidad ito ng mga namumuno sa bayan.

Hindi dapat makuntento sa pakitang-tao na may nagmamando kunwari ng trapiko. Dapat maibsan ang pagtigil o pagbagal ng daloy ng trapiko.

Sayang naman ang pagbibilad sa ilalim ng sikat ng araw, o kaya’y buhos ng ulan, kung wala namang epekto at ma-traffic pa rin.  Hindi sapat ang kaway lang nang kaway. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / Vic V. Vizcocho, Jr.)

Please follow and like us:
Read More

BINABALEWALA ANG BATAS

ITO ANG TOTOO

NASASANAY ang marami at nagkakaroon ng maling akala na kahit batas ay puwedeng balewalain.

Ang Totoo: nangyayari ito dahil may mga batas na ipinapasa ang Kongreso na hindi naman ipinatutupad tulad ng Republic Act (RA) 9003 o Ecological Waste Ma­nagement Act of 2000.

Ipinagbabawal ng naturang batas ang “open burning” o pagsusunog ng “Solid Waste,” kasama ang basura, dahon at iba pa dahil sa polusyong likha nito na masama sa kalusugan ng mamamayan at nakasisira sa kalikasan.

Sa Gitnang Luzon, makikita sa kahabaan ng SCTEx, TIPLEx at NLEx ang kaliwa’t kanang “open burning” pero ang mga kinauukulan, kasama na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kapulisan at iba pa, hindi pansin ang lantarang paglapastangan sa RA 9003.

Ang mga local official, barangay, tulad ng mga mayor, gobernador at Barangay ay walang pakialam dahil umiiwas may magalit, boto nga naman ang kapalit kung sakali.

Pati ang kapulisan ay mistulang walang nakikita, baka nga wala kasing kita o baka naman pigil din lang dahil nga sa mga politikong kanilang bossing.

Ang Totoo: ang hindi pag-aksyon ng mga hinayupak na mga kinauukulan dahil  sa makasariling konsideras­yong pampulitika ay manipestasyon ng kawalang malasakit sa kapakanan ng mamamayan at kalikasan.

Ang mga politikong ganyan dapat ay walang puwang sa pamahalaan.

Simple ang punto natin, ang pagkunsinte sa mga lumalabag sa batas ay nagpapatimo sa isip ng marami na pwede namang lumabag.

Ngayon, sa basura, kalaunan, baka droga na o kaya’y pagpatay.

Ang Totoo: ganito rin ang sitwasyon sa pagbabawal ng mga tricycle sa highway, labag sa batas pero hinahayaan lang, kesehodang mag­kabuhol-buhol ang trapik o kaya’y magkaroon ng aksidente.

Panahon na para itigil ang pagsanay sa mamamayang lumabag sa batas kung ayaw na­ting maging bansa ng mga kriminal sa iba’t ibang level ng kriminalidad.  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

TULFO BROTHERS NGAYON, BUKAS SINO?

ITO ANG TOTOO

HINDI natin kinakampihan si Erwin Tulfo at mga kapatid nito.

Ito ang Totoo: mali talaga ang ginawa ni Erwin Tulfo kay Social Welfare Sec. Rolando Bautista, at humingi na siya ng kapatawaran.

May karapatang tumanggi si Bautista na magpa-interview na ikinagalit ni Tulfo, pero hindi natin dapat balewalain na lehitimo ang isyu na nais ipasagot ni Tulfo sa retiradong heneral na naging sekretaryo.

Bakit nga ba hindi napunta sa mga taga-Marawi ang mga donas­yon at pondong sadyang para sa kanila?

Ito Ang Totoo: dahil sa pagkakamali ni Tulfo ng reaksiyon sa pag-iwas ni Bautista na magpaliwanag sa taumbayan, natatabunan na ang isyu.

At hindi lamang natabunan ang isyu, ang hindi maitutok na “killer instinct” ng mga heneral sa mangangamkam na bansang Tsina, sa magkakapatid na Tulfo ibinubuhos.

Damay na ang mga kapatid ni Erwin, na persona-non-grata na rin sa Philippine Military Academy (PMA) sa bisa ng deklarasyon ng alumni association.

Ito Ang Totoo: ma­raming nasagasaan ang magkakapatid na Tulfo, at maging sa hanay ng mamamahayag ay may hindi sila kasundo.

Pero ang over-reaction ng AFP at PNP ay hindi dapat binabalewala dahil ito’y masamang indikasyon ng labis at ma­lisyosong paggamit ng kapangyarihan, power trip baga.

Bagama’t hindi natin kinukunsinte ang pagkakamali ni Erwin Tulfo, hindi dapat nagbubulag-bulagan sa dinaranas na kalabisan laban sa kanya at mga kapatid niya. Tulfo brothers ngayon, bukas sino?

Ito Ang Totoo: kung may tampo o galit man sa mga Tulfo, lalo na ang mga kabaro sa media, hindi ito dapat maging dahilan para kunsintihin ang mga kalabisang ginagawa sa kanila sa kasalukuyan.

Hindi na lamang ito usapin ng magkakapatid na Tulfo, direksiyon, tu­nguhin at paniniwala na ng AFP at PNP sa tama at mali ang nakasalalay.

Wala sa lugar ang mga kondisyones ni Bautista para patawarin niya si Tulfo, at pagpapa­mukha ng kapangyarihan ang ginagawa ng mga kabaro niya, mga bagay na dapat ikinahihiya pero hindi sila nahihiya, indikasyon na may tama na ang kanilang pananaw at paniniwala. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

TAMANG LUGAR NG PAGMAMANEHO SA HIGHWAY

ITO ANG TOTOO

MAPAGANIB ang bara-barang pagmamaneho ng sasak­yan, kahit na sa anong lansangan.

Ito Ang Totoo: kaya nga may mga patakaran at batas sa tamang pagmamaneho ng mga sasakyan ay para maiwasan ang aksidente, magkaroon ng kaayusan at mapangalagaan ang mamamayan.

Sa napakagandang tanawin na Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCETEx, maraming motorista na hindi mawari kung saan at paano nagkalisensiya sa pagmamaneho.

Marami ang nagbababad sa “left lane” o “inner lane” na ang tamang gamit ay sa pag-“overtake” lamang.

May mga SUV, jeepney, malaki at maliit na kotse, van at pati go­vernment at military/police vehicles, makikita na nagbababad sa “left lane” kahit wala naman nang ino-overtake-an.

Ito Ang Totoo: mali ang nagbababad sa “left lane” o “outer lane” kahit pa masasabing hindi ka naman “slow-moving.”

Ang “slow-moving vehicle” kasi dapat ay sa “outer lane” o kanang bahagi ng highway pero kahit naka-“maximum speed” na 100kph sa SCTEx, dapat nasa kanan pa rin kung hindi naman umo-overtake.

Iyon ding mga naglalakihang sasakyan sa Jose Abad Santos Highway na dating Olongapo-Gapan Road patungo at ga­ling Olongapo, marami rin ang nagpupumilit sa “inner lane” tumahak at magbabad.

Ito Ang Totoo: nagtataka tayo sa PNP HPG at iba pang otoridad sa mga highway kung bakit hinahayaan nila itong mapanganib at bobong gawaing ito.

Simple pero importante kaya dapat hindi binabalewala. Kayong may trabaho ng pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kalye, huwag tamad at magtrabaho kayo.

Kung ayaw niyo ng trabaho niyo, magsipag-resign na kayo!  (ITO ANG TOTOO /  VIC VIZCOCHO JR.)

Please follow and like us:
Read More

IBALIK RIN ANG BASURA SA CHINA, AUSTRALIA AT SOUTH KOREA

ITO ANG TOTOO

DALA na ng barkong MV Bavaria ang 69 na container vans na naglalaman ng tone-toneladang “hazardous’ o mapanganib na basura pabalik sa pinanggali¬ngang bansang Canada.

Ito Ang Totoo: anim (6) na taon din naburo ang basura na nagbunsod sa masidhi at maramdaming debate sa paggawa sa Pilipinas bilang basurahan ng mayayamang bansa.

Pasado alas-siyete kahapon (Mayo 31) umalis galing Subic Freeport ang MV Bavaria patungong Canada.

Nagbubunyi ang marami, at marami ang pumupuri kay Pangulong Duterte.

Hindi maitatatwa na may bahagi si Pangulong Duterte sa pagpapabalik ng basura sa Canada, pero Ito Ang Totoo: ang laban ay nagsimula pa noong 2013-14 nang madiskubre ang 103 container vans ng basura.

Hindi agad nadesisyunan ng Administrasyong Aquino kung ano ang gagawin sa basura ng Canada kaya ang mga ito ay inilipat at inimbak sa Subic Bay Freeport.

Katakot-takot na rally, pakikipag-ugnayan at pagliham pati sa Premier ng Canada para maialis sa Pilipinas ang naturang basura.

Noong 2015, may nagpalusot na itapon sa Capas, Tarlac ang 26 na container vans ng basura ng Canada, at mismong si  noo’y senador na ngayo’y pumanaw na si Miriam Defensor Santiago ang nanguna sa pagkondena at pagtutol.

Hindi na nadagdagan ang 26 na container vans na naitapon sa Tarlac pero may walo (8) na hindi pa maipaliwanag kung saan napunta.

Ito Ang Totoo: may nadiskubre ring mga katulad na basura sa Mindanao na nagmula sa China, Australia at South Korea.

Ibig sabihin, tulad ng shabu at iba pang droga, patuloy ang pagdating ng mga basura mula sa ibang bansa.

Kung sinsero si Pa¬ngulong Duterte sa pagkontra sa pagpasok ng basura at pagturing na basurahan ang Pilipinas, dapat ipabalik niya rin ang basura ng China, Australia at South Korea.

Ito Ang Totoo: kung si Pangulong Duterte ay walang magiging aksiyon o kung meron at ito’y kapus sa mismong pagpapabalik ng basura sa pinagmulan gaya ng ginawa sa Canada, lalabas na pakitang-tao lang siya.

Hindi na dapat buruhin pa ang mga nadiskubreng basura. Hindi na dapat magpatumpik-tumpik si Pangulong Duterte.

Dito makikita kung wala talaga siyang kinatatakutan, kabilang na ang kanyang sinisipsipang bansang Tsina. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO /VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

SMOKING BAN

ITO ANG TOTOO

BAWAL ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas, hindi lamang sa pamamagitan ng mga lokal na ordinansa kundi mismo sa bisa ng Executive Order no. 26 ng Pangulo ng bansa.

Ito Ang Totoo: nakatuntong ang Executive Order no. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Clean Air Act of 1999 at Tobacco Regulation Act of 2003.

Nang maging epektibo ang EO 26 noong July 2017, naglipana ang mga naglabasang balita at mga retrato ng mga pulitikong nanghuhuli ng mga naninigarilyo sa mga lugar na publiko, kasama na ang sa mga kalsada, restaurant at iba pa.  Bidang-bida ang mga lekat.

Makalipas ang halos dalawang taon, tuloy na naman ang mga naninigarilyo sa kalye, restaurant at iba pang lugar na pampubliko na saklaw ng EO 26.

Ito Ang Totoo: kaya ipinagbabawal ang pani­nigarilyo sa publikong lugar ay dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan, mapa-bata, matanda, lalaki, babae, mahirap o ma­yaman, basta tao apektado.

Kawawa ang mga sanggol sa sinapupunan ng mga ina, at pati ang ina, gayon din ang mga hindi naninigarilyong nakalalanghap ng “second-hand” na usok na puno ng nakalalason na kemikal tulad ng nicotine, tar at iba pa.

Ang batas kontra sa paninigarilyo sa mga lugar na publiko, gaya ng batas kontra sa “open burning” ay nagiging inutil na batas na sumasanay sa mamamayang lumabag nang walang pakunda­ngan.

Ito Ang Totoo: gaya ng sinabi na natin sa nakaraan, kapag nasanay ang tao sa paglabag sa batas, sinong makapagsasabi kung ano pang batas ang lalabagin nito, kasama na ang pagnanakaw o pagpatay sa kapwa.

Gumising na tayo. Kapag may batas, malupit man o hindi, kailangang sundin para sa kapakanan ng nakararami kundi ng lahat.

Iyong mga naninigarilyo, huwag nang mandamay sa pagpapakamatay ninyo. Kayo na lang! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

PINAGLOLOLOKO NI ADVINCULA, ANG MAMAMAYANG PILIPINO

ITO ANG TOTOO

SABI ng Doctor, borderline ang 130/90 na Blood Pressure (BP) ko noon ilang taon na rin buhat nang “ina-lagaan” niya ako, bago umayos ang presyon ng dugo ko.

Ito Ang Totoo: hindi niya ako ipina-ospital noon sa 130/90 BP dahil, aniya, hindi pa naman kailangan at sa edad ko na, sabi ko, ay hindi naman katandaan ay pasok naman ang bilang.

Nagtanong rin tayo sa mga doctor na bro at sabi nila, hindi naman talaga kataasan ang 130/90 BP para magpa-ospital ang isang tao pero kung gusto, ay pwede naman.

Kaya itong hinayupak na Peter Joemel Advincula, na nagpakilang siya ang “Bikoy” na naglabas ng serye ng FB posts na paninira sa pamilya Duterte na ngayon ay binawi na niya at sina VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangili-nan at iba pa naman ang sinisiraan, ay hindi naman kailangang madala sa ospital sa 130/90 BP lamang.

Ito Ang Totoo: ang “Ang Toong Narco List” ni Advincula, alyas Bikoy ay malala ang paratang sa pamilya ni Pangulong Duterte at ngayong binaliktad niya rin mismo, ay matindi rin ang mga paratang laban sa oposisyon sa gobyerno.

Ibig sabihin, parehong siniraan at sinisiraan ni Bikoy ang mga nasa pamahalaan habang siya mismo ay kuwestiyonable ang kredibilidad sa pagkakaroon ng warrant of arrest sa kasong estafa at large-scale illegal re-cruitment.

Magaling magsalita itong si Advincula, alyas Bikoy kaya malamang maraming naloloko, at ngayon, ang mga namumuno sa bayan at sambayanang Pilipino naman ang pinaglalaruan.

Ito Ang Totoo: kahit saan tingnan, may pananagutan itong si Advincula alyas Bikoy, at dapat panagutin ito, balewala kung sinoman ang kanyang binabanatan o kinakampihan.

Bukod dito, dapat ding panagutin itong si Advincula alyas Bikoy sa estafa at large-scale illegal recruitment cas-es nito.

Lumalabas na napakawalanghiyang tao nito, at tayong mga Pilipino ay hindi dapat nagpapauto sa mga iskima ng gaya niya.

Kung meron man nasa likod nito, malalaman din natin at gaya ng hunghang na si Advincula, alyas Bikoy, dapat ding panagutin. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

HALIMBAWA NG SIPAG AT GALING NG PILIPINO ANG U.S. BASE WORKERS

ITO ANG TOTOO

TAMAD daw ang mga Pilipino, sabi noon ng isang kinatawan ng Pilipinas sa Tsina.

Ang Totoo: ang pahayag ng naturang Pinoy na kinatawan ng bansa sa Tsina ay pagtatanggol sa pagtanggap ng mga manggagawang Intsik sa Pilipinas kahit kulang pa nga para sa mga Pilipino ang trabaho rito.

Mali na hayaang agawan ng trabaho ng mga Intsik ang mga Pilipino, tamad man o hindi ang mga ito, kasing mali ng pagsasabi na tamad ang mga Pilipino.

Ang Totoo: kilala at subok ang mga Pilipino, hindi lamang sa kasipagan, pati sa kahusayan.

Isang halimbawa ang mga manggagawang base o empleyado noon ng mga baseng militar ng Amerika sa bansa tulad ng sa Subic at Clark.

Mahigit 20,000 “direct-hire” Pinoy emplo¬yees o direktang empleyado na sibilyan at mahigit dobleng bilang na “indirect-hire” employees, ng US Navy ang nagtrabaho sa Subic at Clark, kabilang tayo riyan.

Matiwasay at epektibong gumana ang naglalakihang base militar ng Amerikano dahil sa sipag at galing ng mga Pilipino sa loob ng halos isang siglo.

Ang Totoo: kahit ang “State” ng Hawaii ay nakinabang sa sipag at galing ng mga manggagawang Pilipino, gaya ng isla ng Guam kung saan maraming Pinoy ang inasahan ng Amerika sa pamamahala.

Hindi na natin kailangang ipagduldulan ang sa gitnang silangan o Middle East.

Maging ang bansa natin mismo, makikita ang bunga ng kasipagan at husay ng manggagawang Pilipino.

Mali na sabihing tamad ang manggagawang Pilipino gaya nang maling pagsabi na lahat ng “media’ ay “corrupt.”

Ang Totoo: tama na may mga “corrupt” sa “media” tulad ng may mga tamad na manggagawang Pilipino. Pero para sabihing lahat ng “media” ay “corrupt” at ang lahat ng manggagawang Pilipino ay tamad, aba’y katarantaduhan na ito.

Hinay-hinay dapat ang pang-aalipusta sa sariling lahi, huwag gumaya sa mga nakalolokong pahayag ng Pangulo.  (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More