AWAY-PAMILYA: MAG-AMANG KAGAWAD ITINUMBA

SOCO-3

(NI ANNIE PINEDA)

ALITAN sa pamilya ang isa sa tinitingnan na motibo ngayon ng mga otoridad sa pagpatay sa mag-amang barangay kagawad matapos tambangan at pagbabarilin ng mga suspek na naka-motorsiklo, nitong Huwebes sa Negros Oriental.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Felipe Condez, 60, at Jonesis Condez, 31, kapwa ng Sitio Napac-an, Brgy. Kalumbuyan, Bayawan City, Negros Oriental.

Batay sa report ng Negros-PNP, naganap ang insidente sa Brgy. Kalamtukan ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, galing sa pamamalengke ang mag-ama sa Bayawan City at pauwi na sana ang mga ito nang sundan ng suspek na nakamotor.

Pagdating sa nasabing lugar, pinaulanan ng bala mula sa Armalite M-16 at cal. 45 ang mga biktima.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-ama na agad nilang ikinamatay habang mabilis na tumakas ang suspek na nakatakip ang mukha kaya hindi ito namukhaan ng ilang saksi.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakarekober ng mga basyo sa lugar. Sinabi pa ng pulisya, na persons of interest nila ngayon ang kapatid ng biktimang si Condez dahil may hidwaan ang kanilang pamilya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen.

Please follow and like us:
Read More

JAIL GUARD ITINUMBA SA CEBU

GUN FIRE-3

CEBU CITY – Nalagutan ng hininga ang isang jail guard sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center makaraan barilin ng dalawang nakamotor na mga suspek nitong, Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, may binibili umano sa tindahan ang biktimang si Jessie Castañares sa Happy Valley Street sa Barangay Guadalupe nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga armado.

Napag-alaman, ang biktima ay naka-duty bilang escort prison guard ng inmates na ipinasok sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa pamamaril.

Please follow and like us:
Read More