BARGE SA ILALIM NG JONES BRIDGE PINAHAHATAK

(NI DAHLIA S. ANIN)

MATAPOS ang isinagawang inspeksyon sa Pasig River ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at ilang opisyal ng gobyerno, nagpadala ng liham si Manila Mayor Isko Moreno kay Acting Port Manager Eligio Fortajada ng Philippine Ports Authority (PPA-PMO-NCR), na alisin na ang mga nakatenggang barge sa Jones Bridge, Escolta Maynila.

Nakasaad sa liham ng alkalde na nakikiusap itong hilahin na ang 7 barge na nasa  Ilog Pasig, dahil nakitaan ito ng maraming kalawang na maaring dahilan ng pagkakontamina ng tubig sa ilog.

Dismayado rin ang mga kasama ni Mayor Isko sa inspeksyon na sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Environment Secretary Roy Cimatu at MMDA Chair. Danny Lim, dahil sa nakita nilang bukod sa kinakalawang na ang mga barge ay madudumi pa ang mga ito na nakasasama sa ilog at nakapagdudulot din ng polusyon sa tubig.

Bilang hudyat sa pagpapaalis o pag-tow ng mga barge ay nagsagawa ng symbolical na pag-acetylene sa mga ito.

Maging ang mga informal settlers sa gilid ng ilog ay aalisin na rin.

Sa liham pa ng alkalde ay sinabi nitong dapat sa madaling panahon ay maialis na ang mga barge na walang kaukulang permit mula sa gobyerno ng lungsod.

Matatandaan na noong Lunes ay inilunsad ang Pasig River Ferry Service (PRFS), na inaasahang makakatulong upang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa lungsod.

Kung saan nila napansin ang mga barge na naroon, kaya naman nagsagawa ng pagpupulong ang DoTR, MMDA at DENR upang masolusyunan ang polusyon ng tubig sa Ilog.

 

Please follow and like us:
Read More

GIYERA NG MGA ANAK NG TONDO

Divisoria Vendors

Hiling ng mga tindero, dedma kay Yorme Kois

(Ni Guillermo Octavio)

HINDI pinansin o di pinagbigyan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na ngayon ay kilala na rin sa palayaw na “Yorme”,  ang kahilingang dayalogo ng street vendors sa Divisoria na nagprotesta sa harap ng Manila City Hall para hilinging muling payagang makapagtinda.

“Kabuhayan, ipaglaban” ang sigaw ng grupong Divisoria Vendors Association (DVA) ngunit hindi sila hinarap ng alkalde dahil may iba umano itong “mahalagang” dapat gawin tulad ng pagsasaayos, paglilinis at pagpapanatiling maliinis ng mga kalsada ng Lungsod ng Maynila.

Ayon sa mga tindero, lalong humirap ang kanilang buhay mula nang pagbawalang magtinda sa mga kalye sa Divisoria shopping district gaya ng Recto, Soler, Juan Luna at Ylaya dahil sa mga mahigpit na patakaran at cleanup drive ng pamahalaang lungsod.

May ilan pang nagsabi na dumaranas na sila ng gutom at hindi na nakapapasok sa paaralan ang kanilang mga anak.

Hinaing ng pangkat, tila napupwera sila  sa pagbabago ng Maynila at hinuhuling parang mga kriminal gayung maliit na pwesto lamang sa bangketa ang kanilang hinihiling upang kumita nang may maipakain sa kanilang pamilya.

Ang lalong ipinaghihinanakit ng mga tindero ay ginawa lamang umanong paradahan ng mga motorsiklo ang mga lugar kung saan sila dating kumukuha ng ikinabubuhay.

Ayon naman sa kampo ng alkalde, wala dapat umanong mga vendor sa ilang bahagi ng Divisoria dahil ito umano ang dahilan ng mahigpit na daloy ng trapiko sa lungsod at mga lugar umanong ito ay “non-negotiable.”

Dagdag pa ng panig ni Domagoso, binigyan na ng alternatibong mga lugar para magtinda ang mga vendors gaya ng Tabora, Carmen Planas, Elcano and Sto. Cristo sa kondisyong pananatilihin nila itong malinis at walang balakid at huwag manuhol ng mga awtoridad para makapagtinda gaya ng napaulat na may “naglalagay” pa rin umano sa Carmen Planas dahil tinatakot umanong paaalisin.

Mga baboy at salaula

Kamakailan ay inatasan ni Yorme  ang kanyang mga tauhan na pagbawalan ang mga nagtitinda  sa bahagi ng Ylaya sa Binondo matapos na mabulaga niya mismo sa sorpresang inspeksyon dahil nagkalat  at tambak ang mga basura ng mga ito sa nasabing kalye na iginiit ng alkalde na iniaayos ng pamahalaang lungsod.

“Hiniling ko na sana naman linisin ninyo. Sinabi ko, ilagay ninyo sa tamang sisidlan. Mahirap ba ’yung hinihingi ko?,” ayon sa batang alkalde.

“Pasensya na kayo. Siguro naman di ako nagkulang ng paalaala. Binababoy ninyo at sinasalahula ninyo ang Maynila. Totoo, kayo ay nangangailangan ng hanapbuhay. Pero hindi ko ipagpapalit ang karapatan ng nakararami na dapat makinabang na isang malinis na kalye upang kayo na iilan ay papaboran ng pamahalaan,”dagdag pa nito.

Giit pa ni Domagoso, sinayang umano ng mga tindero ang pagkakataon, at masasabing “napuno na ang salop” ni Mayor Isko nang makitang puno ng kalat ang mga nasabing alternatibong lugar nang mag-inspeksyon noong nakalipas na  linggo kaya’t “kinalos” na niya ang mga tindero dahil sa “kababuyan” ng mga ito.

“Hindi ba kayo nahihiya diyan o talagang baboy din kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh. Kung ganyan lang din naman ang iiwan sa ‘tin araw-araw, tigil na silang lahat,” ngitngit ng dating talent ng namayapang “Master Showman”na si German Moreno.

Ayon pa kay Domagoso, kinailangan niyang ipasara ang Ylaya dahil hindi na madaan sa diplomasya ang mga nagtitinda.

“Hindi ko maintindihan, sa totoo lang. Binigyan mo ng hanapbuhay, nilingon mo. -Inalis mo ang mga nang-aabuso sa kanila. Wala pa rin,”aniya.

Nabatid sa Manila Public Information Office, ang mga isinasagawang clearing operations sa Maynila ay alinsunod sa Ordinance  8572, o  “Tapat Ko, Linis Ko Ordinance,”na nagbabawal sa mga residente na mag-iwan ng basura sa mga gutter, sidewalks, kalye, eskinita at kalsada.

Humingi rin ng paumanhin si Domagoso sa mga lehitimong nagmamay-ari ng mga -establisyemento sa Ylaya at kanyang nasasakupan dahil sa pagpayag sa mga pasaway na vendors na matinda sa nasabing kalye at gawing tambakan ng basura ang kalsada at nangakong aayusin ang sitwasyon.

Hindi pa tapos ang laban

Hinaing naman ng vendors, hindi sila magkakasyang lahat sa mga itinakdang lugar ng city hall.

Bukod dito, mariin nilang pinabulaanan na sila ang nagkalat sa mga nasabing lugar at sinabing patuloy silang magpo-protesta dahil  umano “hindi pa tapos ang laban.”

Ayon naman kay Yorme, karapatan ng mga vendors na ipahayag ang kanilang panig ngunit binalaan silang huwag maninira ng pampublikong pasilidad at huwag magpalinlang at magpagamit sa mga grupong sumasakay lamang sa isyu.

Isang araw matapos magprotesta ang mga tindero sa city hall, ilang tindero at residente ang namataang binubuhusan ng tubig at winawalis ang mga kalye ng Ylaya  kanto ng M. De Santos.

Kaugnay nito, umuusok ang bumbunan na sinabi ni Yorme na huwad ang mga kumakalat na balita na inalis na niya ang ban sa mga tindero at sinabing trabaho lamang ito ng mga mapanlinlang na propagandista.

Bukod dito, humihingi na din umano ang mga “organizers” ng mga vendors ng bayad na pinakamababa ang P15,000 kapalit ng pwestong pagtitindahan ngayong Kapaskuhan.

Pinababalik ni Yorme ang “vale” ng mga organizers na nagsabi umano sa vendors na makababalik na sila sa Recto ngayong Kapaskuhan.

“Manigas kayo! Mga abusado kayo. Mapanlinlang. Ang kaya n’yong linlangin, maliliit na tao,”ani Domagoso.

Ayon sa alkalde ang mga inalis nang tindero sa kalye ay ginogoyo ng mga organizers na bumalik sa kanilang dating tarima sa gitna ng mga kalsada, at pinaniniwala na ang kailangan lamang ay “maglagay”.

‘Wag kayo magbibigay. Hindi kayo mababalik diyan dahil ‘yan (kalsada) ay para sa pangkalahatang taga-lungsod ng Maynila lamang,’ katwiran ni Moreno.

Nagbanta pa ito na  “Matiyempuhan ko lang, iba na. Talaga palang di kayo makuha sa diplomasya. Sinabi ko na bumalik na kayo sa dati n’yong bayan. Dun kayo paglagpas ng Sta. Mesa.  Dun kayo nababagay,” na tila ang tinutukoy ay San Juan, kung saan nakabase umano ang organizers ng mga tindero na dati nang isiniwalat ni Yorme na mga kaanib ng nakalipas na administrasyon ni ex-Manila Mayor Joseph Estrada.

Please follow and like us:
Read More

ISKO DISMAYADO; VENDORS SA YLAYA, BAWAL NA

(NI DAHLIA S. ANIN)

LABIS na nadismaya si Manila Mayor Isko Moreno sa surprise inspection na kanyang ginawa sa kalsada ng Ylaya sa Binondo, Maynila, kung saan tumambad ang tambak na basura.

“Kayo ba’y hindi nahihiya? Hindi ba kayo nahihiya nya’n? O talagang baboy lang kayo sa bahay?,” tanong ni Isko sa mga tindero sa kanyang pag-iinspeksyon.

Wala umanong kusa ang vendors na patuloy sa pag-iiwan ng mga basura sa lugar. Kooperasyon lamang umano ang kanyang hinihingi sa mga ito na ito nang payagan niyang makapagtinda basta susunod sa mga patakaran tulad ng paglilinis sa kanilang kapaligiran.

Agad niyang ipinagbawal ang pagtitinda sa nasabing lugar.

Ani Isko, kung patuloy lang ang pagkalalat ng mga vendor ay tumigil na lamang sila sa pagtitinda.

Lahat ng basura sa umaga at gabi ay nagsasama kaya naman nagiging bundok ng basura ang hinahakot araw-araw sa Divisoria.

Una nang pinaalis ni Isko ang mga vendor sa Recto Avenue at Juan Luna St. at inilipat ang mga ito sa Carmen Planas, Ylaya, Zamora at Santo Cristo St.

Mula ng umupo bilang mayor ay pinangarap ni Isko na isulong ang kalinisan at disiplina sa lungsod, kaya inalis ang lahat ng obstruction sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL ENFORCEMENT SQUAD VS BOTCHA BINUO

(NI JULIE DUIGAN)

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang veterinary Inspection Board , na gumawa ng hakbang para sa pagbuo ng special enforcement squad laban sa mga botcha o hot meat sa lungsod.

Dahil dito, isang mission order ang iniatang ng alkalde upang mapanatili na  walang makalulusot at maipagbibiling double dead meat sa palengke sa Manila.

Pamumunuan ni veterinarian Dr. Nicanor Santos Jr. ang nasabing squad at  kabilang ang  mga magiging tungkulin ay i-check at beripikahin ang mga establisimyento na sangkot sa food trade upang matiyak na ang mga produktong nabibili ng mga residente ay dumaan sa masusing inspeksiyon at quality control procedures ng mga awtorisadong personnel.

“You are further directed to effect the seizure, confiscation, examination, disposition and disposal of merchandise found to be illegal, and recommend the filing of appropriate cases for prosecution before the proper court in the City of Manila,” bahagi ng mission order ng alkalde.

Kumpiyansa si Moreno na sa tulong ng squad ay magtutuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na pagtitinda, paggawa, pagproseso at distribusyon ng mga meat products, gaya ng baboy, baka, manok, isda, at maging milk at dairy products.

Please follow and like us:
Read More

MPD STATION COMMANDER ‘ABSENT’ SA PRESINTO,  SINIBAK

MPD LOGO

(NI HARVEY PEREZ)

SINIBAK sa kanyang puwesto ni Manila Police District  Director PBGen. Vicente Danao ang station commander ng MPD-Police Station 9 nang hindi abutan ni Manila Mayor  Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa kanyang puwesto matapos  na mag-ikot, Lunes ng madaling araw sa  Maynila.

Nabatid na kaagad ini-relieve si PColonel Glen Ganipac , station commander ng MPD-PS 9 matapos itong hindi makita ni Moreno nang puntahan  sa kanyang presinto.

Itinalagang kapalit ni Ganipac si PColonel Ian Ang, dating taga MPD Strategy Management Planning, para maging kapalit ni Ganipac.

Ayon kay Moreno,  ala 1:00 ng madaling araw nang mag-ikot siya sa MPD-PS 9 kung saan limang pulis lamang ang kanyang inabutan dahilan para ipa-relieve si Ganipac.

“Habang ako ang Mayor ng Maynila bumili na kayo ng maraming toothpick pantukod sa mga mata ninyo para ‘di kayo makatulog,” pabirong sabi ni Moreno.

Dapat umano na laging gising ang mga pulis, partikular na sa gabi, para mabigyan nila ng seguridad ang mga mamamayan ng Maynila.

Please follow and like us:
Read More