532 KILO NG BOTCHA NAKUMPISKA SA DIVISORIA

(NI HARVEY PEREZ)

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng  Manila Veterinary Inspection Board (VIB), ang may 532 kilo ng “botcha” o  ‘hot meat’ na itinitinda sa kahabaan ng El Cano Street Miyerkoles ng hapon sa Divisoria,Maynila.

Dakong alas 2:15 ng hapon nang makumpiska ang mga parte ng baka sa nabanggit na lugar na tinatayang may street value na 80,000.

Ang operasyon ay ginawa ng VIB matapos ang impormasyon na ibinigay ng isang concerned citizen sa pamamagitan ng social media.

Nang dalhin kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ,hinikayat nito ang mga nagtitinda ng ” botcha meat” na ihinto na ang pagtitinda nito dahil masasayang lang ang kanilang mga puhunan.

“Botcha sa umaga botcha sa hapon ayaw nilang tumigil ,”ayon kay Moreno.

“Basta hindi ininspeksyon ng accredited slaughterhouse, hindi ito safe,” dagdag pa ni Moreno.

Kasabay nito,pinayuhan ni Moreno ang publiko na maging maingat sa pagbili ng karne dahil peligroso ito sa katawan ng tao.

 

Please follow and like us:
Read More

PAROJINOG GANG NASA LIKOD NG METROBANK ROBBERY

(NI HARVEY PEREZ)

KILALA na ng  Manila Police District (MPD), ang limang suspek na.konektado sa Parojinog.group  sa naganap na bank robbery sa may Sto. Cristo branch  sa Binondo, Maynila noong Hulyo 11 ng umaga.

Ipinakita nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at MPD Director PBGen Vicente Danao Jr. sa ginanap na media briefing, ang larawan ng  limang Person of Interest (POI) ng pulisya sa naganap na bank robbery

Kinilala ni Danao ang limang POI na sina  Gilcar Domagan Mofan, alyas ‘Jing Mofan,’ at Marlon ‘Ailon’ Parojinog, na kapwa itinuturing umanong mga lider ng grupo at may nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder.

Itinuturing din naman na persons of interest sina Noli Bonifacio Casuela, alyas ‘Lito Dapitan,’ Michael ‘Batang’ ‘Pilay’ Calunod, at Frederex Secretario.

Sinabi ni Danao, ang pagkakakilanlan ng lima ay natukoy nila base na rin sa mga pahayag ng ilang saksi sa holdapan, at matapos na makakuha ng mga larawan ng mga ito mula sa kopya ng CCTV footage ng banko na hindi natangay ng mga magnanakaw.

Nalaman na nakasuot umano ng uniporme ng security guard ang dalawa sa mga suspek habang naka-Grab uniform ang isa pa.

Samantala, muli  namang nag-alok si Mayor Isko ng P1 milyong pabuya para sa kung sinuman ang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga naturang persons of interest.

Sanhi ng paglabas ng mga larawan ng POI inaasahan ni Moreni na agarang madarakip ang mga sangkot sa holdapan at makikipagtulungan ang pamunuan ng Metrobank para sa agarang paglutas ng insidente.

Una nang  sinabi ni Danao na posibleng inside job ang insidente matapos na papasukin ang mga suspek kahit hindi pa bukas ang bangko at naka-helmet pa ang ilan sa mga ito.

Hanggang sa ngayon,hindi pa rin umano idinedeklara ng Metrobank ang halaga ng natangay na salapi at hindi pa rin nagsasampa ng reklamo sa pulisya.

Please follow and like us:
Read More

MAYOR ISKO NAKATANGGAP NG DEATH THREATS

(NI HARVEY PEREZ)

NAKATATANGGAP na umano ng mga pagbabanta sa kanyang buhay si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kabila ng pagsusumikap na maisaayos ang Lungsod ng Maynila.

Ito ang ibinulgar n Councilor Manuel ‘Letlet’ Zarcal, ng ikatlong Distrito at malapit na kaibigan ni Moreno na ang mga pagbabanta ay nanggagaling umano sa iba’t ibang sources na malamang na nasagasaan ni Moreno sa isinasagawa niyang pagsasaayos ng Maynila.

Si Moreno ay may dalawang linggo pa lamang nanunungkulan bilang alkalde ng Maynila.

Sinabi ni Zarcal na hindi naman pinapansin ni Moreno ang death threat dahil alam nito na bahagi iyon ng mangyayari sa kanya dahil sa desisyon niya na ibalik sa publiko ang kalsada ng Maynila.

“Sabi ni mayor, hazards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes,” ayon kay Zarcal.

Magugunita na sinabi ni Moreno na inaalok siya ng P5 milyon kada araw para lamang payagan ang pananatili ng mga vendors sa kalsada.

Nabatid na ang mga inalis na vendor ay patuloy na lumalapit kay Moreno sa pamamagitan ng kanilang mga koneksiyon na umaasang magbabago pa ang isip nito.

Gayunman, nanindigan si Moreno sa kanyang desisyon na alisin ang mga vendor sa kalsada ng Divisoria, Recto, Ylaya , Juan Luna , Soler, Carmen Planas ,Tabora, Asuncion, Villalobos, Carriedo, C. Palanca , Ronquillo , Raon at Evangelista laban sa mga vendors.

Hindi naman idinetalye ni Zarcal ang posibleng pinanggagalingan ng mga death threat kay Moreno.

Please follow and like us:
Read More

METRO BANK HINOLDAP; P1-M PABUYA VS ROBBERS IBIBIGAY NI ISKO

armed robbery12

(NI JULIE DUIGAN)

PAGBUKAS  pa lang ng banko, Huwebes ng umaga nang looban ng dalawang nakasuot ng uniporme ng security guard ang isang sangay ng Metro Bank habang umano’y may iba pang lookout sa labas at kulimbatin ang hindi pa batid na halaga sa Binondo, Manila.

Hinalang inside job ang isa sa anggulong binubusisi ng Manila Police District -Theft and Robbery Section, makaraang makitaan ng dalawang nakasuot ng security guard at mabilis na sumakay sa motorsiklo.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga, nang pasukin ang nasabing banko sa Sto. Cristo St., sakop ng Binondo.

Iginapos at saka kinuha ang service firearm ng sekyu sa loob ng banko.

Hinalang nasa pito katao ang nanloob sa banko, ayon sa ilang saksi.

Gayunman,mabilis naman umanong nakapagresponde ang pinagsanib na puwersa ng MPD,sa pangunguna ni Brigadier General Vicente Danao Jr, kasunod naman si Manila Mayor Isko Moreno.

Nabatid na hindi muna pinapasok ang mga pulis sa hindi pa malamang kadahilanan, pero kalaunan ay pinayagan nang mag imbestiga sa insidente.

Kaugnay nito, magbibgay ng pabuyang isang milyon piso si Mayor Isko, kung sinu-sino ang dapat managot.

Please follow and like us:
Read More

PANGALAN NG MGA POLITIKO PINAAALIS SA MGA PAARALAN

(NI HARVEY PEREZ)

INIUTOS ni Manila  Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa City School Board ng lungsod na tanggalin ang mga pangalan ng politiko na nakapintura  sa mga pader ng lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Maynila.

Ginawa ni Moreno ang pahayag matapos makipagpulong sa mga opisyal ng City School Board na ginanap sa Manila City Hall ngayong Martes, Hulyo 9.

Bahagi umano ng adbokasiya ni Moreno na ihiwalay ang  public education mula sa tradisyunal na pamumulitika.

Sinabi ni Moreno sa mga politiko na huwag pulitikahin ang mga paaralan at ibigay sa mga academe

ang mga educational institutions.

“Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga politiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan,” aniMoreno.

Hinimok ni Moreno na maging ang kanyang pangalan ay  kanya ring  pinatatanggal sa mga paaralan.

“Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga politiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno hindi pag aari ng mga politiko ang ginastos sa pagpapatayo ng gusali kundi pera ito ng taumbayan.”

Please follow and like us:
Read More

9 OPISYAL SA MPD -PS 11 SIBAK SA ILLEGAL VENDORS

(NI HARVEY PEREZ)

SINIBAK sa posisyon ni Manila Police District Director PBrig General Vic Danao ang siyam na opisyal ng MPD-Police Station 11 matapos mabuking ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso na pinapayagan ng mga opisyal ang pagtitinda ng mga vendor sa gabi sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Nabatid na itinalaga ni Danao bilang bagong hepe ng MPD-PS11 si PLt. Col. Noel Calderon Aliño.
Habang kabilang sa mga sinibak na opisyal ng MPD-PS 11, sina PLt.Col Antonietro Eric Mendoza, PMaj Robinson Maranion, PMajor Alden Lee Panganiban, PCapt. Jerry Garces, PCapt. Bernardino Venturina, PCapt. Manuel Calleja, PLt. Jerry Caneda, PLt. Maricel Pili, at PLt. Maribel Fiedacan.

Sinabi ni  Moreno na ang aksiyon na ginawa sa mga nabanggit na opisyal ay magsilbi sanang babala sa lahat ng opisyal ng MPD na hindi nakikiisa sa isinasagawang pagsasaayos sa Lungsod ng Maynila.

Kasabay nito, tiniyak ni Moreno na hindi na niya aarestuhin kundi papoposasan na lang niya kaagad ang mga barangay chair na nasa likod ng mga illegal vendor.

Sinabi rin ni Moreno na hindi siya aaksyon kung wala siyang hawak na ebidensiya.
Tiniyak ni Moreno na hindi siya titigil sa isinasagawang pagsasaayos sa Maynila kaya huwag mag akusa na ningas kogon lamang ang kanyang ginagawa.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Moreno sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na pumupuri sa isinasagawang pag aayos sa Maynila.

Sinabi ni Moreno na wala pa siyang nagagawa sa Maynila dahil nagsisimula pa lamang siya at ang nagaganap na pagbabago sa Maynila ay utang niya sa MPD at sa mga mamamayan na gusto ng pagbabago.

Please follow and like us:
Read More

75 VIDEO KARERA MINASO SA MAYNILA

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

WINASAK ,sa pangunguna ni  Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso  at Manila Police District (MPD) Director P/BGen Vicente Danao Jr., ang may 75 video karera at fruit game machine  bilang bahagi nang mas pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na sugal sa Maynila.

Dakong alas 8:00 ng umaga nang isagawa ang pagmaso sa  mga video karera at fruit games  machines  sa Manila City Hall quadrangle.

Ang mga telebisyon naman ay ipamamahagi sa mga  paaralan, batay na rin sa rekomedasyon ng mga pulis sa alkalde.

Nalaman  na ang mga naturang video karera machines ay nakumpiska ng mga tauhan ng MPD sa  dalawang araw na operasyon na isinagawa , na nagresulta rin sa pagkaaresto sa ilang naglalarong teenagers na matapos pangaralan ay pinauwi rin ng mga pulis.

Nakatanggap ng napakaraming reklamo  si Moreno mula sa mga magulang dahil sa pagkalulong ng kanilang anak sa video karera at fruit games na nagreresulta ng pagliban sa klase at pagkaubos ng baon.

Binalaan din ng alkalde ang mga pulis na protektor ng ilegal na sugal na tumigil na sa kanilang masamang gawain, dahil ang susunod aniya nilang gagawin ay imbestigahan at panagutin ang mga pulis na sangkot o nasa likod ng mga ito.

Una nang sinabi ni Moreno bago pa man siya maihalal na  tututukan niyang sugpuin ang ilegal na sugal sa lungsod.

Please follow and like us:
Read More

MAYOR ISKO MALAKI ANG PASALAMAT SA KATHNIEL

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MATAPOS marinig ang problema ng City Pound ng Maynila sa ginawang inspeksiyon doon ni Mayor Isko Moreno, mabilis na nagpadala ng sampung dog cages sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa City Pound para makabawas sa problema doon.  Agad namang nagpasalamat sa kanila si Mayor Isko.

Iyan ang napapansin namin, marami tayong mga artistang animal lovers.  Isa sa mabilis na nagre-react basta may mga kuwento tungkol sa mga hayop ay si Sharmaine Arnaiz, eh kasi naman nag-aral iyan ng veterinary medicine. Natapos niya ang pag-aaral, pero hindi nakapag-practice dahil artista na siya noon,

Si Heart Evangelista magpapatayo rin daw ng tahanan para sa mga napapabayaang hayop sa Sorsogon. Maraming mga ganyang artista eh, pero nagulat kami doon sa naging concern ng Kathniel doon sa mga aso na nasa City Pound.

Hind biru-biro ang halaga noong sampung kulungan ng aso ha. Malaking halaga rin ang isa niyan. Maraming nag-alaga ng aso ang hindi maka-afford niyan kaya ang ginagawa, tatawag na lang ng karpintero para gumawa ng bahay ng aso, kaya huwag ninyong biruin iyong sampung dog cages na bigay nila. At ano ang malay ninyo kung iyan ay simula lamang? Nagkusa silang magbigay niyan kahit na hindi naman nanghihingi sa kanila. Baka isang araw magulat na kayo ng maging involved sila at magtayo ng isang animal welfare group.

Actually wala pang artistang nakakaisip nang ganyan, pero kung mayroon natitiyak naming marami silang mga kapwa artista na sasali rin. Halos lahat sila may mga alagang aso o pusa. Mayroon pang ang mga alaga ay exotic animals. Maganda iyang simulang iyan ng Kathniel. Sana may sumunod na iba.

LEA SALONGA MAINTAINS HER TOP CALIBER INTERNATIONAL STAR STATUS

May mga usap-usapan na diumano, kinuha ng isang top company si Lea Salonga bilang endorser ng kanilang produkto. Hindi katakataka iyon, dahil si Lea ay isang star of top calibre. International star iyan. Hindi iyan pa-star lang.

Siguro kahit na sino namang advertiser kung afford nila ang presyo ni Lea, kukunin siya. Siya iyong ideal endorser talaga eh. Marami siyang followers, kilala, pinaniniwalaan at higit sa lahat malinis ang image. Iyang kalinisan ng image mahalaga iyan para sa isang endorser. Kung ang reputation ng product endorser mo ay iskandalosa, huwag na lang.

Through the years, napanatili rin ni Lea ang kanyang popularidad “without really trying”. Hindi gaya ng iba na lahat gagawin, magbabayad, mambobola, para mapag-usapan lang.

NASULUTAN NG INTERNATIONAL MODEL-BF

Naku Tito KC, alam mo bang mukhang broken-hearted na naman ang gay na friend mo na just a few months back ay ipinagmamalaki ang kanyang boyfriend na international model? Ang tsismis, mukhang naagaw na sa kanya ang international model, at ang nakaagaw ay isa namang junior executive ng isang hotel-casino na gay din. Ang mas masakit, nakilala ng executive ang model nang minsan kasama ng gay friend mo ang kanyang boyfriend sa hotel-casino na iyon.

Mas bata naman daw kasi at mas mukhang fresh ang junior executive. Iyon namang gay friend mo dapat itigil na ang kanyang ilusyon na pwede rin siyang Miss World. Wala pa kasing baklang nakakasali at nananalo ng title na Miss World.

 

Please follow and like us:
Read More

2 KOTONG SA MANILA VENDORS ARESTADO

(NI JULIE DUIGAN)

KINUWELYUHAN ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawa katao, kabilang ang isang babae, habang umano’y nangongolekta sa mga ambulant vendor sa Blumentritt , Sta.Cruz, Manila , Martes ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Jeffrie Solomon , 37, checker, at Vilma Cortez, 48, secretary at kapwa empleyado ng Bagong Maynila Development Corporation, at residente ng Blk.3 lot 18 Phase lll ,Golden City, Barangay Salawag, Damarinas, Cavite.

Batay sa ulat ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng Special Mayor’s  Reaction Team (SMART), bandang alas-8:45 ng umaga, nang bitbitin ang dalawa sa pangunguna nina P/Major Cicero Pura, Deputy Chief ng SMART at si P/Capt. Edward Samonte , habang nasa aktong nangongolekta sa panulukan ng Blumentritt at Felix Huertas Sts.sa Sta.Cruz.

Nabatid sa ulat na pawang mga sidewalk vendor ang target ng dalawa na umano’y nagsimula pa noong nakaraang September 2018 .

Sa salaysay ng mga manininda sa lugar, kapag umano hindi kaagad sila nakapagbibigay ng halagang P100.00 kada araw  tinututukan umano sila ng baril at tinatakot. Umaabot sa 3,000 vendors mayroon sa naturang lugar.

Dahil dito,inilatag na ang isang entrapment operation, saka sila iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno.

Nahaharap ang dalawa sa kasong  robbery-extortion, grave coercion at usurpation of authority sa Manila Prosecutor Office.

 

Please follow and like us:
Read More

KOTONG TSERMAN POPOSASAN

arrested12

(NI HARVEY PEREZ)

AARESTUHIN at kakasuhan ang sinumang barangay chair sa Maynila na mapatutunayang nangongotong sa mga vendors at pedicab drivers.

Ito ang tiniyak kahapon ni  Manila Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso matapos makarating sa kanya ang mga impormasyon na may mga barangay chairn ang nangongotong sa mga vendor at pedicab drivers sa lungsod ng Maynila.

“Itigil niyo na po ‘yan. I have no choice but to arrest you and poposasan namin kayo. Hindi po namin hahayaan sa bagong gobyerno ng Lungsod ng Maynila na panonoorin ko na lamang ang pang-aabuso ninyo.”

“Aarestuhin namin kung sino man ang manggigipit sa taumbayan sa Lungsod ng Maynila,” ayon pa kay Moreno.

Kaugnay  nito, binigyan ng direktiba ni Moreno ang Manila Police District(MPD) na panatilihin madaraanan ng mga motorista at sibilyan ang  Recto , Juan Luna at Soler.

Samantala, tiniyak naman ni Moreno na patuloy na makapagtitinda ang mga vendors pero dapat na sumumod sila sa regulasyong itinakda ng batas.

Bibigyan din ng liham ng babala ang lahat ng barangay official na markadong nangongotong sa maliliit na manininda at sidecar boy.

Ayon kay Moreno, hindi niya masisikmura  na   panoorin na lamang ang pang-aabuso sa maliliit na vendor at sidecar boys sa Maynila.

Tinanggal  din ni Moreno ang  pangamba ng mga vendor at sidecar boys laban sa mga abusadong chair na nang aagrabyado sa kanila dahik tiniyak nito na aarestuhin ang mga kotongero na chair.

 

Please follow and like us:
Read More

ISKO TUTOL SA PAG-AARTISTA NG ANAK

anak ni isko12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

HANGGANG maaari ay ayaw ni Isko Moreno na pasukin din ng kanyang mga anak ang pag-aartista. Ang tanging gusto lamang ng bagong Mayor ng Maynila ay makapagtapos muna ng pag-aaral ang lahat ng mga anak.

“Ayaw ko kayong matulad kayo sa akin na hindi kayo nakapag-aral sa takdang panahon. Ang pag-aaral ko hinabol ko na lang later on eh. meron silang opportunity, mag-ieskwela na lang, wala nang ibang gagawin eh,” nakangiting pahayag ni Isko.

Ayon sa dating aktor ay ang pangatlong anak na si Joaquin Domagoso ang talagang may hilig sa pag-aartista at gustong sumunod sa kanyang mga yapak. “Sabi ko it can wait pero gigil na gigil eh. Ginamit pa si Waway, anong gagawin ko?” natatawang kwento ni niya.

Nagkaroon daw ng kasunduan ang mag-ama na ibibigay ang kahilingan ni Joaquin basta tapusin ng binatilyo ang pag-aaral. “Hiningi ko sa kanilang lahat (na mga anak), diploma lang,” giit niya.

Samantala, wala namang masabi si Joaquin sa pagiging isang mabuting ama ni Isko sa kanilang magkakapatid. “The best part is, my dad is a good person. He is always trying to help people kahit kailan especially his time. He is giving away a lot of his time. I’m okay like I don’t get to see you a lot because you’re helping a lot of people out there,” pagbabahagi ni Joaquin.

Sa susunod na Sabado ay mapapanood si Joaquin sa episode ng ‘Ipaglaban Mo’ kasama si Ella Cruz.-Reports from JCC-

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAYNILA IPINAUBAYA NA NI ERAP KAY ISKO

erap100

(NI HARVEY PEREZ)

IBINIGAY na ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ang Lungsod ng Maynila sa kanyang katunggali na si incoming Manila.Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at nagwagi sa natapos na national and local elections.

Sa opisyal na pahayag ni Estrada, sinabi nito na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng Maynila at mayroon nang bagong liderato na papasok at inihahanda na niya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa isang maayos na turn-over.

“By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with sterling colors of honesty and genuine concerns for the poor,”ani Estrada.

Gayundin, pinasalamatan  ni Estrada ang lahat ng nakasama niya at sumuporta sa loob ng limang dekada niya sa pulitika.

Isang panibagong buhay umano ang kanyang haharapin pagkatapos ng kanyang karera sa politika.

“I congratulate the new mayor and I wish him all the best for the good of the people of Manila,” ayon pa kay Estrada.

Hinimok rin ni si Estrada ang kanyang mga supporters na suportahan ang bagong liderato ng Lungsod ng Maynila.

Hangad umano ni Estrada ang tagumpay ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami.

Idinagdag pa ni Estrada na dahil sa masinop niyang pamamahala, iiwanan umano niya ang Lunsod ng Maynila ng P14 bilyon pondo.

Please follow and like us:
Read More

ERAP, LIM, ISKO BUMOTO; VCM PUMALYA SA ARAULLO HS

maynila12

 

(NI JULIE DUIGAN)

NAGKAABERYA  ang  voters registration verification machine sa Araullo High School, sa panimula ng botohan Lunes ng umaga sa panulukan ng United Nations Avenue at  Taft Avenue,sa Ermita Manila.

Ayon kay  board of election inspectors na si Antipas Masalunga, nagkaproblema sandali ang RVM , dahil bumagal ang pitong machine pero  nalutas na rin matapos na mag manual na lamang at hindi na gumamit ng voters registrarion verification machine.

Ang Araullo High School ay sumasaklaw sa mahigit na 10,000 botante, 12 barangay, 17 polling precinct, 17 clustered precincts at sila ay may 17 VCMs.

Nagsimula ang pagboto alas-6:00 ng umaga at matatapos alas-6:00 ng gabi.

Sa entrada ng eskuwelahan ay maraming namimigay ng mga polyetos ng mga kandidato, puno rin ng mga vendor ang harap ng school.

Sa kabila naman ng daragsaang bilang ng mga botante, nananatiling mapayapa at tahimik ang paligid, ayon sa team ng Manila Police na naka-deploy dito.

Dahil naman sa init ng panahon,  mayroon na ring sinumpong ng asthma, may tumaas ang blood pressure at may iba pang nakatatanda na pinagpahinga muna sa booth ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

 

MAYORAL BETS BUMOTO

Kaugnay nito, naunang bumoto si Alfredo Lim , at halos kasabay si Isko Moreno , habang bandang umaga rin, nang makaboto si Manila Mayor Joseph Estrada sa magkakahiwalay na lugar sa Manila.

Nabatid  na bumoto ng bandang  alas- 7:30 ng umaga si dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Manuel L. Quezon Elementary  School sa  Perlas St. sa Tondo, at bandang 8:00 naman ng makaboto sa  Rosauro Almario  Elementary School sa  Kagitingan St. Tondo si Alfredo Lim.

Naging asiwa naman sa kanyang pagboto si Lim at lumipat ng upuan dahil nakatutok sa kanyang balota ang camera at nakikita ang kanyang mga iboboto.

Habang si Manila Joseph  Estrada ay bumoto ng bandang 10:30 ng umaga sa  P. Burgos Elementary School sa Altura St. Sta.Mesa .

Si Erap ay nakasuot ng “all white” at nang tanungin ng mga mamahayag kung bakit  nakasuot siya ng puti, sinabi nito na nais umano nitong magkaroon ng  malinis na halalan.

 

Please follow and like us:
Read More