‘PAG-ATAKE’ NG ISIS BINABANTAYAN

(NI HARVEY PEREZ)

IBINULGAR ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahigpit na binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command (Nolcom) ang ilang siyudad at simbahan sa Northern Luzon sa posibleng pag atake ng mga miyembro umano ng Islamic State(ISIS).

Kasabay nito, inatasan  ni Guevarra ang  National Bureau of Investigation (NBI) na makipag koordinasyon sa ibang ahensiya ng gobyerno para madetermina kung nakapasok at may kuta  na sa bansa ang mga miyembro ng  Islamic State-affiliated terror cells.

Nalaman na ang kautusan ni Guevarra sa NBI ay bunsod ng
intelligence report na posibleng magsagawa ng terror attack sa ilang lugar   sa Northern Luzon.

Nalaman na sa ilalim ng Nolcom memo posible umanong magsagawa ng terror attack sa mga siyudad at simbahan sa Northern Luzon ang ISIS.

“Crusader cities is the term used by ISIS in describing target areas to fuel what they call ‘Bandar Crusade,’ or war between Muslim and Christian. While ‘Crusader Churches’ is their generic term for all historic Catholic Churches,” nakasaad sa Nolcom memo na nilagdaan ni  Navy Col. Glenn Celebrado, Nolcom’s assistant chief ng Unified Command Staff for Intelligence.

Tinukoy ni Guevarra ang posibilidad na target ng pag atake ang   Laoag City sa Ilocos Norte, Vigan City sa Ilocos Sur, Tuguegarao City sa Cagayan at Manaoag church sa Pangasinan.

Kasabay nito, inatasan ng Nolcom ang ilang military units na paigtingin ang intelligence monitoring, partikular na sa priyoridad na target area.

Gayundin, idineklara ang red alert status ng militar, ngayong Linggo at bukas (Lunes).

Please follow and like us:
Read More

NAARESTONG MAG-UTOL NA ISIS, BANTAY-SARADO

isis123

(NI JG TUMBADO)

MAHIGPIT ang pagbabantay sa natimbog ng pinagsanib na pwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Police Regional Office 2 at Philippine Army sa magkapatid na umano’y mga miyembro ng international terror group na Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Kinilala ni Lt. Col. Marlon Santos, hepe ng Anti crime organized unit ng CIDG, ang mga naarestong sina Altero Carrieda at Greg Carrieda.

Nahuli ang magkapatid sa pagsalakay sa  kanilang pinagtataguan sa Barangay Dabak Grande, Bagao, Cagayan Province.

Nakumpiska mula sa kanilang posesyon ang Isang kalibre 45, isang 9 mm, dalawang calibre 38 na baril at dalawang pampasabog.

Nakuha rin sa bahay ng dalawa ang isang kulay itim na watawat ng ISIS na nakakabit pa sa dingding.

Sinabi naman ni PNP Chief General Oscar Albayalde na nagpapakilala lamang ang naturang grupo at sinusubukang maghasik ng takot sa kanayunan.

Tiniyak rin ni Albayalde na mayroon pa silang ibang mga indibidwal na binabantyan batay na rin sa mga nakalap na intelligence report.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITAR ALERTO VS INDON, SINGAPOREAN TERRORISTS

marines

MATAPOS ang bakbakan sa pagitan ng military at bandidong Abu Sayyaf, sinabi ni 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc na marami pang banyagang terorista ang nakapasok na sa Mindanao, partikular sa Maguindanao.

Ito ay matapos ilabas ang report na posibleng Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pagsabog sa isang simbahan sa Jolo noong Linggo ng umaga.

Sinabi sa lalawigan na tinututukan din nila ang pagtugis sa Indonesian terror group na Indong-Indong.

Napag-alaman na layunin ng nasabing grupo na nag-o-operate sa General Salipada K Pendatun at Liguasan Marsh na maghasik ng kaguluhan at mas painitin ang away pamilya o rido ng mga armadong grupo upang magpatayan ang mga ito.

Dagdag pa nya, sinasanay rin nila sa paggawa ng bomba ang kanilang mga nire-recruit na mga kabataan o indibidwal.

Maliban sa mga teroristang Indonesians na nakapasok sa Maguindanao, binabantayan din nila ang isa pang Singaporean terrorist na si Jaoia na pinaniniwalaang may alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Please follow and like us:
Read More

2 ISIS SUICIDE BOMBERS NASA LIKOD NG JOLO BLAST 

isis200

(NI AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Inako kahapon ng Islamic State in Iraq and Syria o ISIS ang madugong atake sa Jolo cathedral at sinabing dalawang suicide bombers ang nasa likod nito.

Sa pahayag ng ISIS na inilabas ng sariling Amaq News Agency, sinabi nito na unang nagpasabog ang isang suicide bomber ng kanyang explosive belt sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral at ang ikalawa naman ay sa labas nagpasabog ng sarili na kung saan ay naroon ang maraming mga sundalo.

Ito rin ang sinabi ng SITE Intelligence Group, isang U.S. company na nagmo-monitor sa online activity ng mga jihadist organizations.

“ISIS, through Amaq and communiqué, claim deadly bombing on Christian church in Jolo, stating it was carried out by two suicide bombers. One detonated belt at church gate and second in church’s private lot where Filipino security forces gathered after first blast,” ayon sa tweet ni Rita Katz, ang SITE director.

Maging ang Long War Journal ay nag-ulat rin na target talaga ng ISIS nitong Linggo ng umaga ang “Christian temple,” at binomba ito sa kalagitnaan ng “gathering of the Crusaders to perform their polytheist rituals.”

Hindi naman sinabi ng mga ulat at Amaq kung mga dayuhan ang mga suicide bombers o Pilipino.

Ajang-Ajang

Naunang sinabi ng militar na kagagawan “Ajang-Ajang Group,” isang unit ng Abu Sayyaf, ang nagpasabog ng bomba – isa sa loob ng simbahan at isa sa labas na kung saan ay iniwan umano sa tool box ng nakaparadang motorsiklo ang improvised explosive. Ang mga lider ng Abu Sayyaf ay nanumpa sa ISIS at nakikipaglaban upang maitatag ang isang caliphate sa Mindanao.

Ayon sa awtoridad, 2o ang nasawi at mahigit 70 ang sugatan sa atake.

Security Lapses

Kahapon ay nagtungo sa Jolo sina Defense Chief Delfin Lorenzana at Police Chief Oscar Albayalde upang personal na malaman ang pangyayri. Inamin ni Albayalde na pumalpak ang seguridad ng pulisya sa Jolo kung kaya’t naganap ang atake. Dahil dito ay inilabas ng pulisya sa mataas na alertio ang buong puwersa nito sa bansa.

Dastardly Act

Kinondenang muli kahapon ni Sulu Governor Toto Tanang atake at tinawg itong “dastardly act committed inside a place of worship and wrecked deaths and devastations beyond imaginable reasons, and deserves the strongest of condemnation. Words elude us at this moment of profound grief.”

“Sulu can rightly claim to be the most tolerant of any Muslim-dominated provinces in the region. Neighbors before the war of the 70s are still good neighbors until this very day. We should never allow anyone or anything to destroy what we have strongly built and nurtured through generations and so endearing to last for many more lifetimes to come, Inshallah!”

“As I deeply grieve and condole with the bereaved, I beseech everyone to exercise sobriety and allow concerned authorities and all instrumentalities of government to bring the perpetrators of this heinous and inhuman act to account for what they did to Sulu and its people. They should not go unpunished,” dagdag pa nito.

 

Please follow and like us:
Read More