BOYLET NI MISIS TINAGA; MISTER ARESTADO

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang isang magsasaka nang madakip ito ng mga awtoridad sa kasong frustrated homicide dahil sa pananaga sa lalaking kinalolokohan ng kanyang misis, sa Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Anastacio Anghad ng RTC 2nd Judicial Region Branch 36 ng Lungsod ng Santiago, Isabela, nadakip ang suspek na kinilalang si Dapson Wigan, 52, at residente ng Barangay Duroc, Angadanan, Isabela.

Ayon sa pulisya, isinilbi nila ang arrest warrant laban sa suspek sa kanyang bahay at agad naman sumama sa kanila at dinala sa kustodiya ng Andaganan-PNP.

Wala naman inirekomendang piyansa ang korte kay Wigan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nag-ugat ang kaso ni Wigan taon 2018 matapos pagtatagain ang lalaking kalaguyo ng kanyang misis.

Please follow and like us:
Read More

HULING AWIT 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lalaki na huling kanta na pala nito nang dumalo sa isang birthday party ng kanilang kapitbahay nang tarakan ng kainuman dahil umano sa pang-aagaw ng kanta, sa Isabela.

Kinilala ang biktimang si Rey Borja, 43, magsasaka, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Jun Ramirez, 32, kapwa residente ng Barangay Aurora, bayan ng Quezon, Isabela.

Batay sa report ng Quezon Police Station, dakong alas 10:20 Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng isang Marissa Laggui, na siyang may kaarawan at bisita nito ang dalawa.

Habang nagkakasiyahan sa inuman, bigla na lamang umanong kinanta ng biktima ang nakasalang na awit na umano’y isinalang ng suspek.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang mikropono sa biktima pero hindi umano pinagbigyan, dahilan para kumuha ito ng kutsilyo at tinarakan sa dibdib si Borja saka mabilis na tumakas.

Isinugod naman sa Quezon Community Hospital ang biktima ngunit wala na rin itong buhay nang idating.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAY ‘DI NASARAPAN SA ULAM; MISIS, ANAK SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL ang mag-ina makaraan pagsasaksakin ng kanilang padre de pamilya habang kumakain nang hindi umano masarap sa nilutong ulam, probinsya ng Cauayan.

Kinilala ang mag-inang Gloria De Guzman, 52, at anak nitong si Angelito De Guzman, 24, binata, pintor, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Edward Carag, 51 anyos, pawang residente ng Sipat St. Purok 7, Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report ng PNP Cauayan, nasa hapag-kainan ang tatlo at kumakain nang bigla na lamang uminit ang ulo ng suspek at kumuha ng kutsilyo saka pinagsasaksak ang mag-ina.

Nabatid, na hindi umano nasarapan ang suspek sa pagkain at nagreklamo kung magulo ang bahay na nauwi sa pananaksak.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mag-ina at nilapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double frustrated homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

KONSEHALA NG BRGY BINISTAY SA HARAP NG MISTER, ANAK

crime143

(NI ANNIE PINEDA)

BINISTAY ng bala ang isang konsehal ng barangay makaraan tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Isabela.

Kinilala ang biktimang si Barangay Kagawad Beneth Balisi, 54, residente ng San Antonio, Cabagan, Isabela.

Batay sa report ng Cabagan Police Station, naganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng farm equipment kasama ang mister nitong si Jovy Balisi at anak na si Jessa Mae Balisi, 21, kung saan galing sila sa bukid.

Bigla na lamang sumulpot sa kanilang harapan ang dalawang lalaki na armado ng matataas na kalibre na armas at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman nakatakbo ang mag-ama ni Beneth kaya hindi sila tinamaan.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente, nakakuha sila ng mga basyo ng M16 armalite rifle na pinaniniwalaan ginamit sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

BABY NAHULOG SA IRRIGATION CANAL, PATAY

isabela12

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang taong gulang na batang babae nang aksidente itong mahulog sa  irrigation canal malapit sa kanilang tahanan sa Namnama, Cabatuan, Isabela.

Ayon sa Cabatuan PNP, patay sa pagkalunod ang biktima na kinilalang si Angel Faith Sinampaga.

Sa salaysay ng  ina ng bata na si Lara May Sinampaga, sandali niyang iniwan  ang kanyang anak sa labas ng kanilang bahay na naglalaro upang magpakain ng kanilang baboy.

Subalit makalipas ang may isang oras ay hindi na niya makita ang anak nang kanya itong balikan.

Kahit taranta at kinakabahan ay hinanap ng ina ang anak hanggang sa matagpuang wala nang buhay at nakalutang sa irrigation canal malapit sa kanilang bahay.

Sinasabing tinangka pang  i-revive ang katawan ng bata ngunit hindi na ito nagawang magkamalay

Please follow and like us:
Read More

OVERLOADED NA JEEP NAHULOG SA BANGIN; 8 PATAY, 3O SUGATAN

jeep12

(NI JESSE KABEL)

UMAKYAT na sa walo ang iniulat na nasawi habang may 30 iba pa ang nilalapatan ng lunas sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital matapos bumulusok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa 10 metrong lalim ng bangin sa bayan ng San Mariano lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ng Isabela Provincial Police Office, nitong Linggo ng hapon itinawag sa kanilang himpilan ang isang pampasaherong jeep na nahulog umano sa bangin nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pauwi ang mga biktima mula sa pamamalengke nang biglang nawalan ng preno ang jeep na kanilang sinasakyan sa bahagi ng Barangay Balagan.

Ibinangga pa umano ng driver na si Jeffrey Calibgal ang jeep sa burol para hindi tuluyang mahulog sa bangin ngunit sa bigat ng karga nito ay bumulusok pa rin ito pababa sa may 10 metrong lalim ng bangin.

Ayon sa sinumiteng report ni  P/Lt. Jess Alonzo, deputy police chief sa San Mariano Police station, sinasabing overloaded ang jeep na nahulog sa bangin.

Pahayag pa ni Alono, “overloaded” ang jeep dahil 30 katao lamang ang dapat na sakay nito ngunit higit pa dito ang bilang ng pasahero bukod pa sa umano’y kargang sako ng abono at semento.

Kabilang sa mga naitalang nasawi si Geoffrey Cajigal, ang driver ng jeep at mga pasahero nitong sina John Lloyd Rivera, Carmelita Zalun, Mayolen Gammad, Gina Magusib, Ines Tapaoan at Anacleto Cadiente.

Dinala naman sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga nasugatang pasahero.

 

Please follow and like us:
Read More

SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO; 3 PATAY, 1 KRITIKAL

accident121

(NI JG TUMBADO)

TATLO ang patay habang nasa malubhang kalagayan naman ang isa pa nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa barangay Nueva Era, Cabatuan, Isabela araw ng Linggo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Adonis Balagat, 41, obrero ng San Manuel, San Mateo; Elias Celeste, 23, magsasaka ng Andabuen, Benito, Soliven at ang 9-anyos na si Marvy de Menia.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital sa Cauayan City ang 18 taong gulang na si Rose de Menia na nagtamo ng malubhang pinsala sa kanyang katawan.

Batay sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Armando Felipe ng Cabatuan Municipal Police Station, mabilis na pinapatakbo umano ni Balagat ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng national highway nang bigla itong mawalan ng kontrol at napunta sa kabilang linya na dahilan para salpukin nito ang kasalubong na Honda TMX na minamaneho ni Celeste kung saan angkas nito ang magkapatid na de Menia.

Lasing umano si Balagat na galing sa trabaho nito bilang construction worker at umuwing minaneho ang motorsiklo ng mangyari ang trahedya.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA NALUNOD SA ILOG

isabela12

PATAY ang mag-ama nang malunod sa malalim na bahagi ng Pinacanauan river sa Isabela, ayon sa report ng pulisya.

Si Loreto Salas Jr., 48, tricycle driver, at anak na si Mia Marloleth, 13, ng Sto Tomas ay sumama sa outing  kasama ang pamilya at kaibigan at nag-picnic sa tabi ng ilog sa Barangay Angancasillian.

Lumangoy umano si Mia sa malalim na bahagi ng ilog kung saan bigla itong naglaho.

Agad namang sumaklolo ang tatay ngunit siya man ay hinigop ng current bandang alas-11:50 ng umaga.

Naiahon ang mga ito ng mga mangingisda kung saan isinugod sa ospital ang mag-ama ngunit patay na nang idating sa Milagros Albano District Hospital.

Please follow and like us:
Read More

2 SUSPEK SA PAGSUNOG NG COUNTING MACHINE LAGLAG

vcmsuspect12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAARESTO na ng mga awtoridad nitong Martes ng gabi ang dalawang suspek na nanunog ng vote counting machine at mga election paraphernalia sa Jones, Isabela.

Kinilala ni Cagayan Police Regional Office spokesperson Lieutenant Colonel Chevalier Iringan ang dalawang nadakip na sina Jayson Leaño at Rodel Pascual, kapwa nakatira sa Brgy. Sta Isabel sa bayan ng Jones.

Unang naaresto si Pascual sa isang hot pursuit operations bandang alas-10:30 sa Barangay Diarao habang si Leaño naman ay kusang sumuko sa barangay captain ng kanilang barangay ganap na alas-9:30 ng umaga nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga umarestong pulis, ang dalawang suspek ay positibong kinilala ng mga nakasaksi sa insidente ng panununog.

Matatandaan na noong Martes ng umaga, ganap na alas-6:20, hinarang ng mga armadong lalaki ang isang dump truck at saka ipinababa ang lulan nitong VCM at mga election paraphernalia sa grupo ng mga Board of Election Inspectors (BEI) na silang maghahatid sana sa sinunog na VCM sa municipal hall ng Jones.

Ang sinunog na VCM ay may lamang 200 mga balota na hindi pa nabibilang mula sa mga polling precinct ng Barangay Dicamay 1 at 2.

Isinailalim ng pulisya sa kaukulang interogasyon ang mga nahuling suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

COMELEC VOTE COUNTING MACHINE  SINUNOG

vcm isabela12

(NI JESSE KABEL)

SINILABAN ng mga  hindi pa nakilalang armadong kalalakihan  ang isang vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa bayan ng Jones, Isabela, itinuturing na isang hotspot ng Philippine Army at Philippine National Police sa Region 2.

Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office-2 (PRO-2), bandang alas 6:20 Martes ng umaga ay ihahatid ng mga miyembro ng board of election inspectors ang VCM at election paraphernalia sa municipality ng Jones nang bigla silang harangin ng mga armadong suspek .

Pinababa umano ng mga suspek ang mga BEI na sakay ng isang dump truck at ipinasuko ang VCM  saka sinilaban ng dalawang lalaki ang mga ito.

Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II.

Ang Jones ay binubuo ng  42 barangays na may  30,263 registered voters at  762 ng mga botante ay mula sa  Dicamay I.

Ayon kay election officer Darius Perdines  nahirapang mag-transmit ng resulta ng botohan ang mga barangay ng Dicamay I at Dicamay II dahil sa mahinang internet signal.

Dalawang babae ang naglalaban para sa  mayoralty post sa bayan ng Jones na  sina incumbent mayor Leticia Sebastian at ang  businesswoman na si Melanie Uy.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng military at pulis sa  insidente.

Please follow and like us:
Read More

BABAE PINATAY SA SAKAL; LIVE-IN PARTNER ARESTADO

isabela12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang 18-anyos na babae matapos siyang bugbugin at sakalin ng kanyang live-in partner sa Cordon, Isabela.

Walang saplot sa katawan, puno ng pasa na indikasyon ng pambubogbog at basag ang mukha nang matagpuan sa isang sagingan ang bangkay ng biktima na tinukoy lamang sa alyas “Janet”.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Cordon Municipal Police, bago ang karumal-dumal na krimen ay nagkaroon muna ng matinding pagtatalo nitong gabi ng Miyerkoles sa kanilang bahay ang biktima at ang 23-anyos na suspek na nakilalang si JunJun Sala, dahil sa pera hanggang sa nauwi na sa pananakit nito at pananakal.

Matapos mapatay ng suspek ang live in partner nito ay tinangkang itago ang bangkay ng biktima sa sagingan pero nahanap ito ng kanyang ama.

Sa follow up operation ng pulisya ay mabilis na nadakip si Sala kung saan sa presinto inamin nito ang ginawang pagpatay sa kanyang ka-relasyon.

Nabatid na matagal nang pinagmamalupitan ng suspek ang biktima at kanilang dalawang anak na bata.

Desidido naman ang pamilya at kaanak ng biktima na ituloy ang kaso laban sa suspek.

Please follow and like us:
Read More

LIVE-IN PARTNER NAPATAY SA SAKAL SA AWAY SA PERA

crime

(NI JESSE KABEL)

NAHAHARAP ngayon sa kasong pagpatay ang isang 24-anyos na lalaki matapos niyang mapatay sa sakal ang kanyang kinakasama dahil lamang sa away sa pera, ayon sa ulat ng pulisya, sa Cordon lalawigan ng Isabela.

Sa report ng Cordon Police, nakilala ang suspek na si  Vinson Salazar, live-in partner ng biktima.

Ayon kay P/Maj Richard Gatan, hepe ng Cordon Police Station, nadiskubre sa isang sagingan ang bangkay ng 18-anyos na si Maricar Ortiz sa Barangay Anonang.

Lumitaw sa pagsisiyasat na masaya pang dumalo sa isang kasalan ang mag live-in subalit nang pauwi na sila sa kanilang bahay ay nagkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa pera.

Dito umano nasuntok  ng lalaki ang kinakasama hanggang sa sakalin niya ito at malagutan ng hininga .

Nang mahimasmasan at humupa ang galit ay nagpasya ang suspek na itago ang bangkay sa isang sagingan subalit agad na nadiskubre ng ilang barangay official sa kanilang lugar.

Agad namang nadakip si Salazar sa follow-up operation at inamin nito sa mga imbestigador na napatay niya ang kanyang kinakasama  dahil sa away sa pera.

Please follow and like us:
Read More

BUS VS ‘KULIGLIG’ VS SUV: 32 SUGATAN

isabela12

(NI JG TUMBADO)

NASA 32 katao ang sugatan makaraang magsalpukan ang tatlong sasakyan sa bahagi ng Sta. Maria, Isabela, Linggo ng gabi.

Sangkot sa naturang insidente ang isang pampasaherong bus, isang sports utility vehicle (SUV) at isang “kuliglig”.

Ayon kay Police Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela City Police Office (ICPO), nangyari ang banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Naganacan na kung saan ang mabilis na pagpapatakbo ng Toyota Fortuner ang siyang dahilan ng aksidente.

Una umanong tinumbok ng SUV ang kuliglig o farm tractor at sumunod na nadamay ang kasalubong na Florida bus na tumagilid pa matapos tamaan ang ‘kuliglig’.

Kabilang sa mga nasugatan ang 29 pasahero ng nasabing bus, driver ng ‘kuliglig’ na si Bilyo Danga at Jerome Wangdali na siyang nagmamaneho naman ng SUV.

Magkakahiwalay na itinakbo sa iba’t ibang hospital ang mga biktima na karamihan ay nagtamo ng bugbog at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Isinailalim naman sa kostudiya ng pulisya si Wangdali at nahaharap sa patong-patong na kaso kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

ISDA SA ISABELA NAMAMATAY SA INIT

isabela

(Ni FRANCIS SORIANO)

LIBO-LIBONG isda ngayon ang nangangamatay sa lalawigan ng Isabela dahil sa patuloy na mainit na lagay ng panahon.

Ayon kay Provincial Agriculturist Angelo Naui ng Isabela, nasa mahigit sa isang hektarya ng limang tilapia fishpond owners na ang apektado ng fish kill sa  isang lungsod at tatlong bayan sa Isabela.

Dagdag pa nito na umaaray na ang mga fishpond owner sa tinatayang mahigit P200,000 pagkalugi at lalo pa umano itong lalaki sa pagpapatuloy ng init ng panahon nararanasan sa bansa.

Please follow and like us:
Read More

BIIK ISINILANG NA DALAWA ANG ULO

biik2heads12

(NI FRANCIS SORIANO)

PINAGKAKAGULUHAN ngayon ng mga residente ng Barangay Sto. Domingo Echague, Isabela ang kakaibang bagong silang na biik na may dalawang ulong magkadakit.

Ayon sa may-ari ng biik na si  Mar Balauag, 30, matagal na anya siyang nag-aalaga ng baboy subalit ngayon lamang siya nakakita ng nasabing itsura ng biik.

Dagdag pa nito na normal naman ang 13 na biik ang ipinanganak ng kanyang baboy subalit nagulat siya dahil noong lumabas ang pang-14 na biik na lalaki ay mayroong dalawang ulo. Kasalukuyan ginagamot ang biik dahil mahina umano ito kumpara sa mga unang ipinanganak.

Please follow and like us:
Read More

6 NA MAGKAKAMAG-ANAK PATAY SA SUNOG

fire

(NI JESSE KABEL)

ANIM na miyembro ng isang pamilya ang nasawi nang makulong ang mga ito  sa nasusunog nilang bahay  Martes ng madaling araw sa Santiago City lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ng Santiago City Police Office at Bureau of Fire Protection, nakulong at pinaniniwalaang na-suffocate sa kapal ng usok ang mga biktima kaya hindi na nila nagawang makatakas sa nangngangalit na apoy na nagsimulang lumamon sa kanilang bahay.

Kinilala ni SFO1 Alberto Timbal, hepe ng investigation section ng Bureau of Fire Protection ng Santiago City, ang mga nasawi na sina Love Boligor at mister nitong si Kin James Cabahog kapwa 35 anyos; mga anak nilang sina Raven, 5; at Kisha, 3; ang mga pamangkin ni Kin na sina Zedrick Lloyd Marcelino, 16; at Mark Melbourn Marcelino, 13 anyos.

Ayon kay Timbal, kasalukuyang kinukumpirma pa nila ang sanhi ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Paralux Street sa Greenland Phase 1, ng Santiago City.

Sinasabing base sa paunang imbestigasyon faulty electrical wiring ang tinitignang sanhi ng pagsiklab ng apoy na mabilis na kumalat sa bahay ng pamilya.

Sinikap pa umanong makalabas ng bahay ng mga biktima pero na-trap na sila at na-suffocate.

Tumagal ng may isang oras ang sunog bago tuluyang deneklarang fire out ng mga pamatay sunog bandang alas 4:00 ng madaling araw ng Martes.

Please follow and like us:
Read More

PASTOR NA MAY KASONG RAPE NAKITANG PATAY

isabela

(NI J FUENTES)

ISANG pastor ang natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib mula sa .45 kalibre, bandang alas-7:30 ng Biyernes ng umaga.

Ilang residente ang nakadiskubre sa bangkay ni George Dangpalan, 58, ahente ng fertilizer at pastor umano ng isang sekta.

Sinabi ni P/Supt.Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station, ang biktima ay isang taon nang naninirahan sa Valley Home Subd., Patul Road, Santiago City  at nagsisilbing pastor umano sa Capellan  Church sa Ilagan City.

Nabatid na bago nakitang patay ang biktima ay inanyayahan pa umano ito sa pulisya dahil sa reklamong pangagahasa sa isang 11-anyos na batang babae.

Dahil sa wala pang ipinalalabas na warrant of arrest laban sa biktima ay pinakawalan muna ito ng mga otoridad.

Gayunman, kinabukasan ay nakita na lamang ang bangkay ng biktima malapit sa kanyang inuupahang bahay at pinagsisilbihang kapilya. Hindi pa mabatid ng pulisya kung may kinalaman ang kaso ni Dangpalan sa pagkakapatay sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

LASING NAHIGA SA HWAY PATAY SA MOBILE CAR

isabela

(NI KIKO CUETO)

ILAGAN CITY, ISABELA – -Patay ang isang umano’y naka-inom na lalaki na nahiga sa gitna ng kalsada nang aksidenteng masagasaan ng police mobile car.

Kinilala ng pulis ang biktima na si Mark Anthony Meneses, 25-anyos.

Sa imbestigasyon, sinabing nakahiga umano sa isang bahagi ng national highway ng Barangay Baligatan ang biktima, nang mapadaan ang police mobile na minamaneho ni Police Officer 1 Maynard Marayag.

May kabilisan ang takbo ng sasakyan dahil rumeresponde ito sa kaguluhan sa Barangay Alibagu ayon sa tagapagsalita ng Isabela Police na si Senior Inspector Frances Littaua.

Nagawa pa nilang dalhin sa opistal ang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamo niyang mga pinsala sa katawan.

Napag-alaman din ng awtoridad na bago maaksidente ay nabugbog ng hindi pa kilalang salarin si Meneses na noon ay lasing din.

Sumuko naman si PO1 Marayag sa mga kabaro, habang patuloy na inaalam kung sino ang mga nanakit sa kaniya.

Isa pang aksidente ang naitala sa bayan ng Gamu kung saan sugatan ang dalawang matandang babae.

Tumatawid sa kalsada ang mga biktima nang mabundol nang humaharurot na motorsiklo.

Isinailalim sa eksaminasyon ang driver ng motorsiklo para malaman kung siya ay lasing nang magmaneho.

Please follow and like us:
Read More

STUDENT TINARAKAN SI SIR

isabela

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang head teacher makaraang burdahan ng sunod sunod na saksak ng kanyang grade 7 student sa loob mismo ng bahay ng una sa Aurora, Isabela.

Agad namang nadakip sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad ang suspek na menor de edad na lalaki na nasa pangangalaga ngayon ng municipal social welfare and development matapos na mai-turn over ng pulisya.

Batay sa nakarating na ulat kay Police Senior Insp. Villamor Andaya, hepe ng Aurora municipal police station, nakilala ang biktima na si Bobby Galiza, head teacher V ng Donya Aurora National High School at residente ng Barangay Camarunggayan.

Si Galiza ay natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa labas ng kanyang bahay bunsod ng maraming tama ng saksak sa ibat ibang katawan nito.

Nakatakbo pa umano palabas ng bahay ang guro subalit bigla itong bumulagta sa kalsada.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na bago pa pagsasaksakin ang biktima ng menor de edad na studyante ay una munang nilooban nito kasama ang isa pang mag-aaral na grade 10 student ang bahay ni Galiza.

Balak lamang umanong pagnakawan ng mga suspek ang bahay ng guro subalit nanlaban umano ito sa kanila kung kayat nagawa ang pananaksak gamit ang kutsilyo sa naturang tahanan ng biktima.

Mismo ang kasamahan ng suspek na pinangalanan lamang na “Arnulfo” ang nagturo dito na siyang umatake sa guro matapos naman na matukoy sila sa CCTV habang papalabas sa bahay ni Galiza.

Ang perang naipon na pondo sa isang palahok sa naturang paaralan ang sanay pakay na nakawin ng mga estudyanteng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAY BINARIL NG NAPIKON NA ANAK

isabela

BINARIL at sugatan ang isang tatay nang mapikon umano ang kanyang anak nang hindi nila mapakalma at maghamon pa ng away.

Sinasabing lasing na dumating sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Cauayan City, Isabela ang biktima na si Melecio Andres, 48. Bisyo na umano nito ang maglasing at pagkatapos ay maghahamon ng away sa sinumang mapagtitripan nito.

Kagabi, ang anak nyang si Jayson, 26, ang napagdiskitahan niya at hinamon ng away. Tulog umano ang anak nang dumating si Andres, kinalampag ang natutulog na anak saka hinamon ng away. Hindi umano pinansin ng anak ang lasing na tatay ngunit nang hindi umano nakapagtimpi, kinuha ni Jayson ang baril sa kwarto saka lumabas at binaril si Andres.

Tinamaan sa kamay ang biktima na noon ay nawala na ang pagkalasing at nagsumbong sa pulisya.

Nahuli si Jayson sa follow-up operation at narekober ang ginamit niyang baril na napag-alamang hindi lisensiyado.

Mahaharap si Jason sa reklamong frustrated parricide at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS SUGATAN SA BUMALIGTAD NA SASAKYAN

police

DALAWANG pulis ang sugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa bayan ng Alicia, Isabela.

Dinala sa pagamutan at kapwa nasa maayos nang kondisyon sina PO1 Floyd Mamauag, 30, at PO1 Robin Catulin, 24. Batay sa ulat ng Alicia police, nag-overtake umano ang mga biktima na sakay sa isang Montero Sport sa isa pang sasakyan na nasa kanilang harapan.

Bagama’t nakaiwas sa kasalubong na kotse ay dumiretso naman ang kanilang sasakyan sa isang malaking canal bago bumaligtad.
Nakaligtas naman ang dalawa pang sakay ng SUV na sina PO1 Brian Don Mendoza, 24; at PO1 Rommel Cabansag, 26. Sinasabing sa sobrang dulas ng kalsada bunsod ng pag uulan sa lugar ang dahilan ng aksidente.(JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More