MIYEMBRO NG INVESTMENT SCAM SYNDICATE ARESTADO

arrested134

(NI RENE CRISOSTOMO) WALANG piyansang inilaan  sa isang  babaeng buntis na inakusahang nanloko ng tao, kabilang ang mga pulis sa investment scam, nang mamataan ito sa harap ng gate ng National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, iniulat ng pulisya. Nakilala ang suspek na si Ma. Lysa Soler, ng 134 CRMA Avenue, BF Homes Almanza , Las Pinas City. Batay sa ulat ni P/Lt. Col, Ariel Caramoan , Station Commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang alas 3:35 ng madaling araw nitong Martes  nang arestuhin si Soler sa bisa arrest…

Read More

AGENT NG INVESTMENT SCAM TIMBOG

arrested12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang isang agent ng investment scam sa inilatag na entrapment operation ng pulisya sa mismong sasakyan nito sa Acharon Boulevard, Barangay Dadiangas South, General Santos City nitong Miyerkoles. Sa ulat mula kay Bula Police station chief Police Major Tirso Pascual, kinilala ang naaresto na si Emmanuel Orcullo, 22, ng Imus, Cavite, sa isang operasyon sa Acharon Boulevard, Barangay Dadiangas South, alas-10 ng umaga. Ayon kay Pascual, nahulog sa kamay nila ang suspek matapos gumamit ng pain na nagkunwang mag-iinvest sa kompanya ng suspect. Nakipag-transaksiyon ang suspect…

Read More

VICE MAYOR HULI SA INVESTMENT SCAM 

(NI ANNIE PINEDA) ARESTADO ang isang bise alkalde nang isilbi ang warrant of arrest ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa mga kasong kinakaharap nito, Sabado ng gabi sa Butuan City. Kinilala ang nadakip na si Nasipit Agusan Del Norte Vice Mayor Ronald ‘Posoy’ Timogan. Ayon kay P/Maj. Edgar Allan Serquiña, hepe sa Nasipit Municipal Police Station, dakong alas 9:00 ng gabi (Sabado) nang isilbi ang warrant of arrest kay Timogan sa bahay nito sa Brgy. 3 Nasipit, Agusan del Norte. Si Timogan ay nahaharap sa patung-patong na kasong estafa…

Read More

TATAY SANGKOT SA INVESTMENT SCAM, 5-ANYOS ANAK, TINODAS 

(NI ANNIE PINEDA) HINDI na nakapasok pa sa loob ng kanilang bahay ang mag-ama makaraan pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi pa kilalang suspek matapos bumaba ng kanilang sasakyan, Biyernes ng gabi sa Koronadal City. Kinilala ang mga biktimang sina Bryan Togonon, 31, at anak nitong si Nicolo Bryzon Togonon, 5-anyos, kapwa residente ng Prk. Abrenica, Brgy. GPS, Koronadal City. Batay sa report ng Koronadal City PNP, alas-8:20 ng gabi ng Biyernes nang dumating sa kanilang bahay sina Bryan kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na ang isa…

Read More

EX-COP TUGIS SA PAGPATAY SA CEO NG INVESTMENT COMPANY

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Aalamin ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) ang nakuhang impormasyon na ang suspek sa pagpatay sa chief executive officer (CEO) ng Crown Royals Real Estate Services, na si Armando Oppus, ay isang dating pulis sa lungsod. Ito ang lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO)7-Central Visayas base sa impormasyon ng Balamban Municipal Police Office, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Major Christian Torres. Ayon sa pulisya, may nag-private message umano sa kanilang Facebook page na nagsasabing ang pulis na nag-absent…

Read More

PUROK LEADER ITINUMBA SA GITNA NG MEETING

(NI ANNIE PINEDA) BUMULAGTA sa harapan ng kanyang mga ka-barangay ang isang purok leader matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nagsasagawa ng pagpupulong sa basketball court, Huwebes ng umaga, sa Tagum City. Kinilala ang biktimang si Venincio Loy Enriga, 47, Purok leader ng Purok Garcia, Barangay Mankilam, Panabo City, Taguum. Batay sa report ng Tagum-PNP, dakong alas 11:30 ng umaga ng Huwebes, nang maganap ang insidente sa loob ng basketball court sa naturang barangay. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nagpupulong ang biktima at mga…

Read More

MAHIGIT P23-M NAKUHA SA INVESTMENT FIRM; STAFF NAKATAKAS 

(NI AMIHAN SABILLO) SINALAKAY  ng mga kawani ng Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine national Police (PNP), Philippine Army (PA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang investment firm sa Brgy. Cubi-cubi, Nasipit, Agusan Del Norte na nasasangkot umano sa scam dahil sa paglabag sa securities and regulations code. Ayon kay CIDG Spokesperson Lt. Col. Mary Grace Madayag, alas-8 Miyerkoles ng gabi nang magsagawa ng operasyon laban sa FRX Rice Trading, makaraang makatanggap ng ulat mula sa isang confidential informant na mayroong pay out nitong…

Read More

1 PANG INVESTMENT FIRM OWNER TUMAKAS; P80-M TINANGAY             

scam12

NORTH COTABATO – Lumayas ang isang investment firm owner dala umano ang nakulimbat na P80 milyon mula sa kanilang mga investors, makaraang hindi na ito mahagilap sa kanilang tanggapan nang salakayin ng mga otoridad ang kanilang opisina sa Tagum city, Davao Del Norte, iniulat ngayong Sabado. Ayon kay Police Col. Ferlu Silvio, ng Davao del Norte provincial police director, hindi na nila mahagilap ang operator ng Enterprise Co. (Enco) matapos iparasa ng mga pulis ang kanilang opisina nitong Huwebes, ilang araw matapos salakayin din ng National Bureau of Investigation (NBI)…

Read More

IPINASASARANG KAPA OFFICE, NINAKAWAN, SINUNOG

kapa12

(NI JESSE KABEL) SINALAKAY ng mga magnanakaw at sinunog pa ang tanggapan ng KAPA Community Ministry Foundation, isang religious organization na sinasabing sangkot  sa investment scam  sa bayan ng Compostela sa Cebu, Sabado ng madaling araw. Naganap ang sunog ilang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang Surigao del Sur-based religious corporation at isara kapag napatunayan na sangkot sa investment scam. Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 10, may mga pagkilos na silang gagawin kaugnay sa kautusan ni Duterte na isara na operasyon ng…

Read More

MGA PULIS SA INVESTMENT SCAM SA REGION 7, SISIBAKIN

central visayas12

(NI NICK ECHEVARRIA) SISIBAKIN sa puwesto at kasamang kukumpiskahin ang service firearms ng sinumang pulis na mapatutunayang naglagak ng investment sa Kapa-Community Ministry International Inc., isang independent religious corporation. Ito ang mahigpit na babala ni P/BGen. Dobold Sinas, Director ng Police regional Office (PRO) 7. Ginawa ni Sinas ang babala makaraang mabatid ang mabilis na pagdami ng mga recruits na nag-invest sa ‘Kapa’ na umabot na sa 10,000 sa loob lamang ng tatlong linggong operasyon nito sa Cebu. Pangunahing target umano ng ‘Kapa’ na ma-recruit ang mga police, mga miyembro ng…

Read More

PNP-12 NAGPAALALA VS MALAGANAP NA INVESTMENT SCAM

pnp12

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Nagpalabas na ng advisory ang PNP 12 sa publiko para magbigay babala sa mga dumaraming investment scheme sa Region 12. Sinabi ni Police Lt. Col. Aldrin Gonzales, spokesperson PNP 12, na kailangan umanong magdalawang isip ang publiko sa mga investment schemes na nagbibigay ng malaking tubo sa kanilang pera. Ayon sa PNP 12, ayaw na nitong mangyari muling na mabiktima ang publiko katulad ng PPM o Pulis Paluwagan Movement kung saan maraming empleyado ng gobyerno, pulis, teacher at pribadong indibidwal ang naging biktima. Sa…

Read More

4 SA INVESTMENT SCAM KULONG SA 23 KASO NG ESTAFA

JAIL-1

(Ni NELSON S. BADILLA) NAKAMIT na rin sa wakas ng libu-libong pulis at sundalo na ‘nanakawan’ ng P3 bilyon ang katarungan nang hatulan ng korte ang apat na negosyanteng pasimuno ng investment scam matapos ang 16-taong paglilitis. Napatunayan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 220 na sina Emilia Sison, Ireneo Sison Jr., Mirasol Aguilar at Marilo Cabalo na nagkasala ng 23 kaso ng estafa dahil linabag nila ang Revised Penal Code. Natapos ang paglilitis noong Nobyembre 20, inilabas ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon niyong Biyernes. Nakasaad sa…

Read More