INJECTABLES NA GAMOT GALING THAILAND NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS) NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo ang assorted medicine at injectables dala ng isang pasahero na walang permit  o clearance mula sa Food and Drug  Administration (FDA). Batay sa report, hindi nakuha ang pagkakilanlan ng pasaherong dumating sa NAIA terminal 3 mula Bangkok,Thailand sakay ng Cebu Pacific flight 5J 930. Ayon kay Customs NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang nasabing  gamot  nang idaan sa x-ray scanning ang bagahe at nakita ang imahe ng mga gamot . Matapos ang eksaminasyon…

Read More