IÑIGO: ‘I WAS HEARTBROKEN AS WELL!’

BOY ABUNDA XCLUSIVE.jpgKamakailan ay nabanggit ni Maris Racal nang amin siyang nakapanayam sa Tonight with Boy Abunda na naging broken-hearted siya dahil kay Iñigo Pascual. Inamin naman ng aktor na nakapag-usap na sila ni Maris bago pa mangyari ang nasabing panayam.

“I was heartbroken as well. I’m just being grateful honestly for whatever we had. I wanna say sorry. I mean we went through a lot together and I could never say any-thing bad about Maris no matter what happened. When people asked me anong nangyari, I always say handa siyang ibigay lahat and I just couldn’t do the same and that made me sad as well. It also made me really heartbroken to be honest,” maka-hulugang pahayag ni Iñigo.

Ayon naman kay Maris ay wala naman siyang naramdamang bitterness nang magkahiwalay sila nang landas ng aktor. “Nakita ko rin na hirap din siyang mag-bigay kung anong kailangan sa relationship. Mas okay ‘yung choice niya, ‘yung ca-reer na pinili niya. Kasi hindi ba dream mo ‘yon na maging international (artist). Makilala as a singer sa buong mundo and I’m very happy na pinili mo ‘yon actually. So walang bitterness,” nakangiting paliwanag ni Maris.

Noong December pa umano ng nakaraang taon napag-usapan ng dalawa kung ano man ang naging gusot sa pagitan nila. Matatandaang nanatili ng ilang linggo sa Amerika si Iñigo pagkatapos nilang mag-usap nang masinsinan ni Maris. “At that time, medyo magulo pa nga ‘yung mga bagay-bagay between the two of us. But we were able to talk about it and I’m glad of the things the way they are right now,” paglalahad ni Iñigo.

“Pinag-usapan talaga namin once and for all. Sabi ko, ‘Please klaruhin na talaga na-tin.’ Kasi nahihirapan na rin talaga ako that time,” dagdag naman ni Maris.

Ngayon ay nananatiling magkaibigan ang dalawa at posibleng magkatambal muli sa mga proyekto kapag tinangkilik ng MarNigo fans ang pelikulang ‘I’m Ellenya L’ na pinagbibidahan nina Maris at Iñigo. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan simula Septem-ber 13.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

YES, NADUROG KO ANG PUSO NI MARIS –IÑIGO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SA mediacon ng I’m Ellenya L. ay natanong si Maris Racal tungkol sa sinabi niya sa Tonight With Boy Abunda last June na nadurog ang puso niya dahil kay Inigo Pascual.

Maris was asked to clarify that statement sa harap mismo ni Inigo na naroroon din sa presscon.

Kaaliw ang sagot ni Maris na kay Inigo niya ipinasa ang tanong.

“Inigo, paki-clarify ‘yun,” natatawang sabi ni Mariz. “Inigo, paki-clarify mo ngayon!” ulit pa niya.

“Kasi ako na lang lagi ang tinatanong. Sabihin mo! No filter! Para hindi na ‘ko matanong in the future,” dagdag pa ni Maris.

Naging gentleman naman si Inigo at sinalo ang tanong.

“Hindi siyempre, we went through a lot together, that’s what I always say, and may mga bagay na hindi naman natin siyempre, makokontrol.

“Things are the way they are and for me, sobra akong grateful na Maris is doing the way she is and we don’t have any bad blood, hindi kami magkagalit sa isa’t isa,” ani Inigo.

Nagbigay din naman ng kanyang paliwanag si Maris. “’Yung sa question na ‘yun sa TWBA, gusto ko lang naman din na tawanan na lang ‘yung mga nangyari. As you can see, habang ini-interview ako ni Tito Boy (Abunda), tinatawanan ko na lang ‘yung mga tanong kasi that happened in the past.

“Yes, siyempre masakit ‘yun, nararamdaman din ‘yun but we’re happy na naka-move-on na kami and we’re still friends. ‘Yun lang naman po,” pahayag ni Maris.

Matatandaang sa nasabing sa TWBA ay inamin din ni Maris na naging more than friends sila ni Inigo pero hindi naman naging officialy “sila.”

Pero napag-usapan daw nila na maghiwalay muna at mag-focus sa kani-kanilang career.

Ang I’m Ellenya L ang first movie together ng MarNigo and since last year pa nila ito sinimulan, noong ginagawa nila ito ay hindi pa sila hiwalay.

Produced by Spring Films and N2 production, the movie is the directorial debut of Boy 2 Quizon showing on Sept. 12 as part of the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

MARIAN DININIG ANG PRAYER NG  OUR LADY OF LA LECHE

Ipinagdasal pala ni Marian Rivera sa ating Lady of the Milk na bigyan pa siya ng maraming gatas para patuloy na makapagpa-breastfeed sa bunso niyang anak na si Ziggy.

Nag-post si Marian ng larawan hawak ang figurine ng Our Lady of La Leche/Our Lady of the Milk at sa caption, binigyan din niya ng encouragement ang iba pang nanay na huwag mawalan ng pag-asa.

“I prayed to Our Lady of the Milk to help me produce more milk so I can provide for Ziggy. I know that I’m not the only mom whom she has helped and we’re all filled with gratitude.

“Kaya mga nanay, don’t lose hope, miracles do happen. Salamat Mama Mary sa biyaya at pagpapala,” caption ni Marian.

Pinuri ng netizens ang aktres na hindi lang mabait at maganda kungdi relihiyosa pa.

 

Please follow and like us:
Read More