SUNDALO NAGWALA; ARESTADO SA BARIL, BALA

huli

(NI MAC CABREROS)

ARESTADO ang isang security officer at Philippine Army reservist dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa Pasig City.

Sasampahan ng kasong alarm and scandal at paglabag  sa RA10591 si Mark Anthony Garcia, 39.
Sa ulat, alas-4:45 ng hapon ng Linggo nang arestuhin si Garcia sa Sto. Nino St. corner Gate 3, SPS Compound, Brgy. Rosario, Pasig  City.

Nakatanggap ng impormasyon si Michael Mora, barangay security force, na may kaguluhan sa lugar kung saan may nagwawala at nagpaputok ng baril.

Humingi si Mora ng responde mula sa TMRU ng Pasig City Police na agad kumilos at napigilan ang pagwawala ni Garcia kung saan nakumpiska sa kanya ang isang caliber .45 pistol at magazine na may walong bala. Narekober din sa lugar ang isang basyo ng bala.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya si Garcia habang  inihahanda ang dokumento sa pagsasampa ng kaso laban dito.

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN  NADAKMA, 1 PATAY, SA INDISCRIMINATE FIRING

GUN FIRE-3

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG barangay chair ang naaresto samantalang isa ring lalaki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas nitong Martes.

Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto si Barangay Captain Leodegario Roxas, 44, matapos na ito ay walang habas na magpaputok ng kanyang baril sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Sampalocan, Balete, Batangas.

Narekober dito ang isang kalibre .45 baril.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election code laban dito.

Sa Tanauan City, nadatnan naman ng mga pulis na hawak-hawak pa ng suspek na si Isagani Latuna ang maiksing baril na ginamit nito sa walang habas na pagpapaputok sa Barangay Bagbag dakong alas 10:00 ng gabi.

Subalit nang ipinapasuko ng mga pulis, pinutukan nito ng dalawang beses ang mga awtoridad  na napilitang gumanti.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang suspek at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Please follow and like us:
Read More

4 SEKYU NAGWALA; NAMBATO, NAGPAPUTOK NG BARIL

sg12

(NI FRED SALCEDO/BY JIMMY CARBO)

ARESTADO ang apat na security guards matapos umanong mag-ala cowboy nang magpaputok ng kanilang service firearms at paulanan ng bato ang mga bubong ng mga kapitbahay dahil sa kalasingan, Lunes ng gabi sa Old Balara, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sila Diosdado Saloza, 49, ng 344 Dupax st, Barangay Old Balara Quezon City, Salvador Jupito Pantano,36, ng Pinagbuhatan Pasig, Julius Abarca,42, ng Barangay Dela Paz,Cogeo at Albert  Magtulis, 28, Old Balara, Quezon City .

Ayon sa mga rumespondeng operatiba ng QCPD Station 6, nakatangap sila ng tawag sa mga residente kaya’t nagkasa agad ng operasyon sa lugar.

Dito na nila inabutan ang apat na security guards na naaktuhan pang  nag-iinuman sa kanilang tahanan na puro lango sa alak at bumungad din sa mga rumespondeng pulis ang mga service firearms ng mga ito.

Nasamsam sa apat na suspek ang isang pistola na kalibre .38 , dalawang 12 guage shotgun at mga bala.

Inireklamo sila ng kanilang mga kapitbahay ngunit itinanggi naman ng tatlo ang mga alegasyon at iginiit na sila ay napagbintangan lamang.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa gun ban ang apat na security guard.

Please follow and like us:
Read More

INDISCRIMINATE FIRING ISUMBONG SA PNP

PNP-7

(Ni FRANCIS ATALIA)

HINIKAYAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na agad na magsumbong sa otoridad kung sakaling may makitang ilegal na nagpaputok ng baril, pulis man o sibilyan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, tiyak na parurusahan o masisibak sa pwesto ang sinumang opisyal na masasangkot sa indiscriminate firing.

Patuloy na seselyuhan ng PNP ang dulo ng kanilang mga baril sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Samantala, nakataas sa full alert ang PNP at 24/7 na nakaalerto ang 911 national emergency hotline sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Please follow and like us:
Read More