MARUMING TUBIG, YELO SINISILIP SA NALASON NA 40 ESTUDYANTE

(NI ROSS CORTEZ)

KONTAMINADONG tubig o yelong ginamit sa mga palamig na nainom ng mga estudyante mula grade 7, 8 at 9 ng Imus Institute Satellite School, ang sinisilip na sanhi ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ng higit sa 40 biktima na pawang isinugod sa ospital noong Miyerkoles ng hapon.

Ngayong Biyernes ay personal na nagtungo sa Imus Institute ang team ng DoH Regional Office 4A, Provincial Health Office, Imus City Health Office at Imus PNP, para mag- imbestiga at kumuha ng mga water sample sa loob ng eskuwelahan.

Ayon kay Dr Ernesto Pablo Medina, posibleng sa nainom na mga palamig tulad ng sago gulaman, milktea, iced tea at choco drinks nakuha ng mga biktima ang gastroenteritis.
Kaya naman sumailalim sa water sample ang kanilang mga gripo, maging ang mga tubig na gamit ng kanilang mga concessionaires.

Nailayo na rin ang isyu na posibleng sa nakitang patay sa kabilang subdibisyon nanggaling ang posibleng kontaminasyon sa tubig o yelo.

Imposible raw na maging airborne ang virus na nakaapekto sa posibleng kontaminasyon, at malayo na rin daw sa water source nila ang lugar kung saan nakita ang bangkay ng nakabigting biktima.
Bigo namang makakuha ng sample ng yelo ang Provincial Health Office dahil walang tao sa bahay na pinagkukunan nito.

Mula pa nitong Huwebes ay kanselado na ang klase sa buong eskuwelahan at babalik sa normal na klase sa Lunes.
Inaasahan ding makapagpapalabas ng water sample result ang Provincial Health Office, 18-oras matapos itong isailalim sa pagsusuri.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI INIWAN NG LIVE-IN PARTNER, NAGBIGTI

crime600

(NI ROSS CORTEZ)

NAKABIGTI at wala nang buhay nang matagpuan ng mga kasamahan sa bakanteng barracks ang 23-anyos na biktimang si John Mark Dexter Valdevieso y Olila, sa insidenteng nadiskubre pasado alas-10 ng umaga Sabado,  sa Barangay Malagasang 2A lungsod ng Imus, Cavite

Sa report  ng Imus Component Police, nabungaran ng kasamahan sa trabaho na si Nestor Delos Santos, ang nakabigting katawan ng biktima habang nakapulupot ang nylon rope sa leeg nito.

Walang foul play sa insidente, ayon sa pulisya. Nabatid rin na ilang araw nang napapansin ng mga kakilala na tila may mabigat na iniinda ang biktima, na posible umanong dulot ng katatapos lang na hiwalayan ng biktima at live in partner nito may dalawang linggo pa lang ang nakakaraan

Please follow and like us:
Read More