PARAK NAKIPAGTALO, NAMARIL NG PIPI AT BINGI, ARESTADO

arrested12

(NI AMIHAN SABILLO) ARESTADO ng mga tauhan ng Imus City Police Station ang isang pulis na sinasabing namaril ng isang pipi at bingi at isa pang kasamahan nito noong gabi ng pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa report ng Imus City Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si PSSg Rolando Luzana, residente ng Gardenville Subd., Pag-asa 2, Imus City, na naka-assign sa Crime Lab sa Camp Crame. Sa paunang  imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pakikipagtalo ang suspek sa dalawang biktima na kinilalang sina Jedrick De Guzman,18, isang…

Read More

PAMANGKIN TINUBO NG TIYUHIN, PATAY

crime600

(NI SIGFRED ADSUARA) PATAY ang isang lalaki nang tubuhin ng kanyang tiyuhin matapos ang akusasyon sa nakawan sa Imus City, Cavite. Namatay noon din ang biktimang si Felipe Bobis, may-asawa, walang trabaho ng Brgy Bulihan, Silang, Cavite  habang arestado naman ang tiyhun nitong si Jaime Laureles, 50, may-asawa, driver ng Block 16 Lot 3 Regal Homes, Brgy Alapan 1-A, Imus  City, Cavite. Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-11:00 Linggo ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa Brgy…

Read More

MAG-AAMA MINARTILYO NG MANUGANG

crime67

(NI SIGFRED ADSUARA) PINAG-MAMARTILYO sa ulo ang mag-aama ng kanyang manugang matapos mapikon habang nag-iinuman sa Imus City, Cavite Inoobserbahan pa sa  Ospital ng Imus  ang magkapatid na sina Jay R, 24, at Jason Lucelo, 23, habang sa Philippine General Hospital naman isinugod ang kanilang ama na si Romeo Lucelo, 53, magsasaka, pawang residente ng Brgy. Bucandala 4, Imus City, Cavite. Hawak naman na ng pulisya ang suspek na si Rolando Mara, alias Lolong, 28, obrero, kasama rin sa bahay at manugang ng matandang Lucero. Sa ulat ni PSMSgt Ronaldo…

Read More

‘KAANAK’ NI SEN. REVILLA HULI ARMAS

arrested124

MATAAS na uri ng armas ang nakumpiska sa lalaking nagpakilalang kaanak umano ni Senador Bong Revilla sa police checkpoint sa Imus City, Cavite. Nang sitahin, ayon kay Police Lt. Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, nagpakilala umanong bayaw sa pinsan ng senador ang lalaki na hindi na pinangalanan. Nabatid na bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes ay nagsasagawa ng checkpoint sa naturang lugar nang parahin ang Toyota Innova ng lalaki sa Bayang Luma. Nang siyasatin, nakuha sa lalaki ang anim na matataas na kalibre ng baril gaya…

Read More

SEAMAN, BEBOT, DINUKOT; 7 ARESTADO

imus12

(NI SIGFRED ADSUARA) NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang pito katao, kabilang ang tatlong babae, matapos na maaresto ng Cavite Police dahil sa pagdukot  sa isang 25-anyos na seaman at kasama nitong babae sa Imus City, Cavite. Kasong kidnapping, paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang kinakaharap na kaso ng mga naarestong suspek na sina  sina Floyd Ordoñez, 36, ng Zone 1, San Agustine, Dasmariñas City, Cavite, Arwin Varrios , 35,ng  67 Manggos 1, Alfonso, Cavite., Allan Sundiam, 39,  ng 24 Arcontica Village, Dasmariñas City, Cavite,  Mark Angel Andamon,…

Read More

AWAY SA BABAE: KARIBAL HINATAW NG BASEBALL BAT

imus12

(NI SIGFRED ADSUARA) SUGATAN ang dalawa katao nang resbakan at pagpapaluin ng baseball bat sa ulo ng dating karibal sa babae may isang taon na ang nakakaraan   sa Imus City, Cavite. Ginagamot ngayon sa Imus Family Hospital ang biktima  na si Ryan Legarda , 25, binata, cargo reloader ng  Block 2 Lot 34 Goldlane Subd., Anabu 1-F, Imus City at Neil Luzon, 27, binata, call center agent ng  Block 2 Lot 56 Goldlane Subd., Anabu 1-F, Imus City, dahil sa sugat a ulo. Arestado naman ang suspek na nakilalang si…

Read More

6 ESTUDYANTE NALASON SA COOKIES, 1 PATAY

cookies

(NI NILOU DEL CARMEN) ANIM na estudyante ang umano ay nalason  sa kinaing cookies na niluto ng isa nilang  kaklase sa kanilang tahanan sa Brgy. Palico 4, Imus City Martes ng hapon. Nasawi naman habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isa sa mga biktima na kinilalang si Mark Joseph Tan, 18 anyos. Batay sa report ng Imus police, nagtungo ang anim sa bahay ng kanilang kaklase na si Daniela Grace Bulo na nag-bakenaman ng kanilang kinaing chocolate cookies. Subalit matapos kumain, nakaramdam na ang mga biktima ng pagkahilo, pananakit ng tiyan…

Read More