1-TAON BABY, NAHAKOT NG PAYLOADER, PATAY!

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang taong gulang na lalaki makaraang mahakot din ng payloader truck na nagkakarga ng buhangin sa Barangay Ticud, bayan ng La Paz sa Iloilo.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, maaaring hindi napansin ng drayber ng payloader ang paslit na naglalaro sa buhangin.

Ang isa sa mga residente sa lugar ang nakakita nang mahakot din ang bata at agad nitong sinabihan ang drayber.

Unang inakala ng drayber na nagulungan nya ang bata ngunit nang masabihan nitong sumabit sa bucket ng payloader ay agad na ibinaba ang kargang buhangin.

Doon na nadiskubre ang walang malay at natatabunang itaas na bahagi ng katawan ng paslit na naisugod pa sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nagtamo ng sugat sa likod at mga pasa ang bata na ayon sa death certificate ay nagkaroon ito ng hematoma.

Hindi makapaniwala ang mga magulang ng bata sa nangyari. Hindi umano agad napansin ng ina ng paslit na nawala ito sa kanyang tabi habang abala sa kusina.

Nagkasundo na lang ang operator at drayber ng payloader truck na sagutin ang mga gastusin sa pagpapalibing ng bata.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA NAGTAMPO SA NANAY, NAGBIGTI

suicide12

(NI ANNIE PINEDA)

DALA ng tampo sa kanyang ina, hindi nakayanan ng isang dalagita ang damdamin nito dahilan para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, sa Lambunao, Iloilo City.

Kinilala ang biktima sa alyas MM,14 anyos, grade 9 student at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Lambunao Municipal Police Station, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima nakabitin sa gilid ng pintuan gamit ang lubid.

Kuwento ng pinsan ng biktima, nagulat na lamang siya nang makita ang biktima na nakabitin at wala nang buhay.

Nabatid na nakatira ang biktima sa bahay gn kanyang tiyahin dahil nagtatrabaho ang ina sa ibang lungsod.

Nakita naman ang suicide ng bitkima at nakalagay ang sama ng loob sa kanyang ina, pero hindi binanggit kung ano ang ikinasasama nito.

Patuloy naman ang imbetigasyon ng pulisya para alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may nagana na foul play sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

UTAK SA PAGPATAY SA EX-VICE MAYOR, ARESTADO

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang suspek na kilala sa alyas “Bulldog” na itinuturong utak sa pagpatay sa dating alkalde ng bayan ng Ajuy Iloilo City, nang madakip ito ng mga awtoridad, Biyernes sa Iloilo International Airport.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte, nadakip ang suspek na si Vicente “Itik” Espinosa, o mas kilala sa alyas “Bulldog”, na mastermind umano sa pagpatay kay dating Ajuy vice-mayor Ramon Rojas noong 2008.

Ayon sa pulisya, naaresto si Espinosa matapos ihain ang warrant of arrest paglapag nito sa Iloilo International Airport galing Manila.

Sinabi ng awtoridad, matagal na nilang minanmanan ang suspek simula nang maglabas ang korte ng warrant laban sa kanya sa pagpatay kay Rojas na pinsang buo umano nito.

Hindi naman pumalag si Espinosa nang posasan ng mga awtoridad at hindi na rin nagbigay pa ng kanyang komento.

Nabatid, na ibinasura ang unang kaso na isinampa laban kay Espinosa kaugnay ng pagpatay kay Rojas pero binaligtad lang ng Korte Suprema ang desisyon at iniutos ang pag-aresto sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

ATE PATAY SA SAKSAK NI UTOL 

stab

(NI ANNIE PINEDA)

BUMULWAK ang dugo sa tiyan ng isang ate makaraan pagsaksakin ito ng kanyang kapatid na lalaking lango sa alak, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Heidi Concepcion Adorable, 61, habang nadakip naman ang suspek at kapatid nitong si Romeo Concepcion, 52, at kapwa residente ng Zone 1 Calumpang, Molo, Iloilo City.

Batay sa report ng Molo Police station, naganap ang insidente sa bahay ng isang Myla Gangje, kapitbahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Kuwento ni Gangje, malapit na kaibigan ni Adorable, nag-iinuman ang suspek at asawa nito nang dumating ang biktima nagulat na lamang sila nang tumayo si Romeo at pinagsasaksak sa tiyan ang kanyang ate .

Tinangka naman umawat ang mag-asawang Gangje, pero maging sila ay sinubukan rin saksakin ni Concepcion, kaya humingi na sila ng tulong sa mga kapitbahay.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Mabilis naman naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nakuha kay Concepcion ang kutsilyo na ginamit nito sa pagpatay.

Sa himpilan ng pulisya, labis naman ang pagsisisi ng suspek sa ginawa at sinabing hindi niya alam na napatay niya ang kanyang ate.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung gumagamit ng droga ang suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Concepcion.

 

Please follow and like us:
Read More

NENE PINILIHAN NG BF, 4 PA; SEX VIDEO IKINALAT 

sex

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 13-anyos na dalagita matapos pila balde ang inabot nito nang pagpasa-pasahan gahasain ng limakabilang ang kanyang nobyo 4 apat na menor de edad saka ikinalat sa social media ang kanilang sex video, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Nadakip naman ng Barotac Nuevo Municipal Police Station ang limang suspek na kinilala lamang ang isa sa alyas Patrick, 19, nobyo umano ng biktima, ng Barangay Poblacion; 17-anyos na residente ng Barangay Guintas; 15-anyos, 16-anyos,  tubong Barangay Tabuc Suba at isa pang 16-anyos na taga-Barangay Cabilauan sa nasabing bayan.Ayon kay Police Capt. Kenn Albert Lepsia, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, nitong nakalipas na Hulyo 10,  naganap ang insidente sa bahay ni Patrick kung saan pinapunta niya umano ang biktima.

Makalipas ang isang araw, nakarating umano sa lola ng biktima ang pagkalat ng sex video ng kanyang apo kaya nagtungo sa bahay ng kanyang anak na ama ng bata para ipaalam ang pangyayari.

Kuwento ni Nena, (di-tunay na pangalan), 13-anyos, pagdating sa bahay ni Patrick , pinapasok siya sa kuwarto at sumama ang apat pang suspek saka siya pinagtulungan gahasain.

Sinabi pa nito na kapag nakakaraos na ang isa ay saka naman susunod ang isa hanggang sa sila ay makatapos at kinukuhanan pa ng video ang panggahasa sa kanya.

Aminado naman ang biktima na walang siyang laban sa lima at tinakot pa siya ng nobyo na huwag ipagsabi kaninoman ang nangyaring panggagahasa sa kanya.

Subalit, nang malaman ng ama na ikinalat pa sa Facebook messenger ang sex video ng kanyang anak, agad siyang dumulog sa nasabing himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Si Patrick ay nakakulong ngayon sa selda ng Barotac Nuevo PNPhabang ang apat ay tinurn-over sa City Social Welfare and Development –Iloilo.

Inamin naman ng isa sa mga suspek ang ginawa nilang panggagahasa, pero sinabi nitong kagustuhan rin umano ng biktima.

Posibleng madagdagan pa ang kasong kakaharapin ng mga suspek maliban sa rape dahil na rin pagpapakalat sa social media.

 

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS PATAY SA SUNOG

fire

(NI KIKO CUETO)

ILOILO CITY — Hindi pinalad ang isang 4-taong gulang na batang lalaki nang mamatay dahil sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Iloilo City Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Daniel John Peralta, na nakita ng mga bumbero sa loob ng banyo.

“Duda kami na sarado ang pintuan kaya hindi siya nakalabas,” ani Iloilo City fire marshal Christopher Regencia.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagsimula ang sunog pasado alas-9 ng gabi ng Martes at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang tatlong bahay.

Nakaligtas ang mga magulang at dalawang kapatid ni Peralta. Ayon sa kanila, mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi nila namalayan na naiwan ang bata.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang nasa P75,000 ang danyos nito. 

 

 

Please follow and like us:
Read More

KILLER NG EX- MAYOR, PATAY NANG MANLABAN SA MGA PULIS

crimeshoot

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG most wanted at itinuturing na suspek sa pagpatay kay dating Pulupandan mayor Luis Mondia Jr. ang nasawi matapos manlaban sa pulisya, Miyerkoles ng umaga, sa bayan ng Dingle, Iloilo.

Nakilala ang napatay na suspek na si Rammy Enojo, top 6 Most Wanted Person sa Provincial Level, ng nabanggit na lalawigan.

Sa nakarating na ulat  sa Camp Crame mula sa Iloilo Police Provincial Office (PPO), nangyari  ang insidente bandang alas- 5:30  sa Brgy. Tambunak, Dingle.

Isisilbi umano ng Dingle Municipal Police Station (MPS) ang bitbit nitong warrant of arrest para sa kasong murder laban sa suspek nang manlaban ito sa mga arresting officer na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Nabatid din sa imbestigasyon ng MPS na sangkot din ang napatay sa gun for hire activities at kasapi ng Magno/Matillano crime group.

Ang suspek na nakuhanan ng isang granada, isang .38 revolber at isang 12 gauge shotgun ay itinuturo ring responsable  sa pananambang at pagpatay noong Pebrero 2010 sa dating mayor.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU ITINAGO SA ARI

shabu123

(NI JESSE KABEL)

HINDI nakalusot sa matalas na pang amoy ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang modus na pagtatago sa ari ng babe ang iligal na droga para makaiwas na mahulihan ng ebidensiya nang maaresto ang dalawang drug courier sa ginawang buy bust operation sa lalawigan ng Iloilo.

Hininala ni  Police Capt. Mark Dado, ng PNP Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 6, kasapi ng malaking drug group sa Bacolod City ang mga nahuling suspek.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dalawang babae ang naaresto sa buy-bust operation sa isang motel sa Lapaz , Iloilo City kung saan itinago pa umano ang sachet ng shabu sa maselang bahagi ng drug courier.

Ayon sa PNP Police Regional Office 6, nag positibo ang impormasyong nakalap nila na nagpupuslit ng droga ang mga suspek mula Bacolod City kaya naglatag ng isang buy bust operation ang mga operatiba ng RDEU sa isang lodging house sa Lapaz.

Hindi na nakapalag pa ang dalawang babae matapos kumagat sila sa nagpangap na poseur buyer at bentahan nila ito ng halagang Php 7,000.00 ng shabu.

Sa ginawang routine inspection ay nahulihan ng anim na sachet ng suspected shabu ang isa sa mga nagbenta .

Tinatayang nasa P100,000 halaga ng droga ang nakuha sa dalawa habang isa pang  sachet ay nakuha pa sa maselang bahagi ng katawan ni alyas ‘Tessie’.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA GINILITAN, SINAKSAK SA ULO

iloilo14

(NI KIKO CUETO)

CABATUAN, Iloilo – Duguan at wala nang buhay nang madiskubre ng kanyang mga magulang ang kanilang 16-taong gulang nilang anak sa loob ng isang kuwarto ng kanilang bahay sa Zacharias Subdivision sa Barangay Ayaman sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulis, ginilitan ang dalagita at tadtad pa ng saksak sa ulo.

Kinilala ang biktima na si Arizza Marie Mayormente.

Sinabi ng pulis na base sa pahayag ng kapitbahay na si Jimmy Ballador, nakarinig siya ng sigaw pasado alas-10 Miyerkoles ng gabi pero hindi malinaw sa kaniya kung saan galing ang paghingi ng saklolo.

Nalaman na lang niya noong umaga na patay na ang dalagita.

Lumalabas sa imbestigasyon na inihatid ng tatay na si Ariston ang biktima sa kanilang bahay at iniwang mag-isa.

Dito na posibleng pinasok ang dalaga at pinatay.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives kung hinalay ang dalagita bago pinatay.

Kinumpirma ng pulisya na person of interest ngayon sa krimen ang hindi pa pinapangalanang boyfriend ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

ANAK PINATAY NG BF NG NANAY

stab

(NI JESSE KABEL)

ARESTADO ang isang 27-anyos na lalaki na inakusahang pumatay sa anak ng kanyang kinakasama at ikinasugat din ng tiyuhin nito matapos silang pagsasaksakin , sa ulat ng pulisya sa  Barotac Viejo, Iloilo.

Sa ulat ng Barotac Municipal Police station ipinagharap ng kasong murder at frustrated murder ang suspek na kinilalang si Albert Barreto tubong Barangay San Geronimo.

Habang ang mga biktima nito ay nakilalang sina alyas Michael, 25, na anak ng karelasyon ng suspek na si Juvy, 45, at tiyuhin ng nasawi na si Ed.

Sa pahayag ni P/ Chief Insp. Joven Arevalo, hepe ng Barotac Viejo Municipal Police Station, sinabi nito na nagtamo ng mga sugat sa dibdib at likod si Michael na dahilan nga kanyang kamatayan.

Hinihinalang bukod sa away pamilya at selos, patuloy ang ginagawang imbestigasyon laban sa suspek para malaman ang tunay na motibo ng suspek sa pananaksak.

Please follow and like us:
Read More

RORO BUMANGGA SA FISHING BOAT, 2 MISSING

roro

HINAHANAP na ng awtoridad ang dalawang mangingisda na nawawala matapos lumubog ang bangka nila nang mahagip ng nagdaraang roll-on/roll-off (RORO) ship sa Guimaras.

Nailigtas naman ang isa pang mangingisda na si Erwin Mansuerto at pabalik na sa Bacolod City habang pinaghahanap pa rin ang dalawa niyang kasama. Sinabi ni Mansueto na sakay sila ng kanilang Bangka nang masagi ng RoRo vessel sa Iguana bank, Nueva Valencia, bandng alas-11 ng gabi, Huwebes. Si Mansueto ay nailigtas ng isa pang nagdaraang RoRo vessel.

Nagpapahinga umano ang mga mangingisda nang masagi ng barko.Hindi rin umano niya napansin ang RoRo dahil madilim at mataas pa ang alon. Pinaalalahanan naman ng Coast Guard ang maliliit na mangingisda na huwag pumaalot dahil pa rin sa sama ng panahon.

Please follow and like us:
Read More

ILOILO, 3 PANG PROBINSIYA NILAMON NG DILIM

black

WALA pa ring kuryente ang malaking bahagi ng Iloilo, Aklan, Antique at Capiz matapos makaranas ng malawakang blackout na ikinadismaya ng mga taong abala na sa Pasko, Linggo ng gabi.

Ang agaran at walang abisong pagkawala ng kuryente ay nakaapekto sa maraming negosyante kung saan dapat sana ay patok ang bentahan ng produkto.

Ipinaabot lamang ng electric cooperatives and distribution companies sa buong Panay region sa social media ang dahilan ng insidente. Sinabi ng mga ito na ang pagkawala ng kuryente ay dahil sa pagbagsak ng tatlong planta ng Panay Energy Development Corporation.

Base sa post ng Antique Electric Cooperative, Inc., ang control center ng National Grid Corporation of the Philippines, nagkaroon umano ng problema sa lugar at pinipilit na nila itong solusyon. /jda

Please follow and like us:
Read More

AMA NG GINILITANG BABY NABALIW 

mental

Nawala na umano sa kanyang katinuan ang ama ng 8-buwan g sanggol na ginilitan sa leeg ng kanyang sariling ina sa Sitio Alang-alang, Brgy. California, Barotac Viejo, Iloilo.

Ayon sa saksing si Toto, nakita raw niyang pagala-gala si Ramil Florentino, 33-anyos, sa lungsod ng Iloilo.

Sinabi niyang hinarangan ni Florentino ang prusisyon ng isang simbahan sa Rizal Pala-Pala II, City Proper.

Bukod dito, sinuntok ni Florentino ang isang barangay tanod kung kaya’t doon na nagsimula ang rambol.

Napag-alaman na hindi na umuuwi sa kanilang bahay ang nasabing ama mula nang pinatay ng kanyang misis ang kanilang anak. (ARDEE DELLOMAS)

 

Please follow and like us:
Read More