LOLA NI-RAPE, POSIBLENG MABULAG SA SUNTOK NG RAPIST

rape

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang lola na posibleng umanong mabulag matapos itong gahasain at suntukin sa mata ng isang lalaki na hinihinalang adik sa droga, sa Iloilo City.

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang biktima na hindi pinangalanan ng kanyang pamilya, at residente ng Barangay Batiti, Concepcion, Iloilo.

Nadakip naman ang suspek na si alyas Boy, 18, binata at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng madaling-araw nang maabutan ang biktima ng kanyang anak sa labas ng bahay nito at duguan ang ari at wala na rin suot na panty.

Bukod pa rito, matindi rin ang sugat na tinamo ng biktima sa kanyang mata matapos itong suntukin at posible umanong mabulag ito.

Narekober naman ng mga awtoridad ang tsinelas ng suspek sa bahay ng biktima kaya agad na itong dinakip ng mga awtoridad.

Sa ngayon isasailalim sa drug test ang suspek kung positibo itong gumagamit ng shabu.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

AWAY SA LUPA: MISTER KINATAY SA PALAYAN

(NI ANNIE PINEDA)

SUSUNDUIN na sana ng kanyang anak ang isang mister, subalit naunahan na itong sunduin ng kamatayan nang maabutan ang ama na laslas ang leeg, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Elmo Susmiran, 47, ng Brgy. Tuburan Sta. Barbara, Iloilo City.

Batay sa report ng Sta. Barbara Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa palayan sa nasabing lugar.

Ayon sa asawa ng biktima na si Rosalie, inutusan niya ang anak na sunduin ang ama na nakipag-inuman sa mga kaibigan.

Subalit, pagdating ng anak sa lugar ay nakita na lamang niya ang ama na laslas ang leeg at tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Sinabi pa ng asawa ng biktima, bago ang insidente may nakaalitan ang kanyang mister dahil sa lupa.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX SLAVE NI TATAY

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita makaraan gawin itong sex slave ng sariling ama, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Sinamahan ng kanyang tiyahin ang biktima na itinago sa pangalan Weng, grade 9-student sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng reklamong panggagahasa laban sa ama nito na hindi pinangalanan.

Kuwento ni Weng, 10-anyos pa lamang siya nang simulang gahasain ng ama at binalewala lamang ito ng kanyang ina.

Sinabihan pa siyang huwag magsusumbong kahit kanino dahil ikasisira ito ng kanilang pamilya.

Hanggang sa hindi na nakayanan ni Weng ang malupit na nararanasan sa kamay ng kanyang ama at dumating ang punto na gusto na niyang sumuko sa buhay kaya hindi na niya natiis pang magsumbong sa kanyang tiyahin.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek at hinihintay ang paglabas ng arrest warrant para madakip ang suspek.

Umaasa naman ang biktima at kanyang tiyahin na mabigyan ng hustisya ang ginawang kababuyan ng suspek sa sarili pa mismong anak.

 

Please follow and like us:
Read More

11-ANYOS TEPOK SA TATAY NA MAY TOPAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang batang babae makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang ama na may problema sa pag-iisip habang nagsaksak din sa sarili ang suspek, sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Mauren Danggaran, 11-anyos, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Jonathan Danggaran, 51, kapwa residente ng Barangay Nazuni, Dingle, Iloilo.

Batay sa report ng Dingle PNP, bago ang insidente, bigla na lamang umanong nanlilisik ang mata ng suspek at sinasabing hinahabol siya ng dalawang platoon na sundalo at gusto siyang patayin.

Walang kaabog-abog, bigla na lamang siyang kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak sa dibdib ang anak saka naman sinaksak din nito ang sarili ng tatlong beses.

Kaagad naman dinala sa Iloilo Provincial Hospital, Pototan ang mag-ama pero idineklara na rin patay si Mauren sanhin ng saksak sa tiyan.

Ginagamot naman sa ospital ang suspek at hihintay na lamang ang desisyon ng pamilya sa pagsasampa ng kaso.

Ayon sa pamilya, may nervous breakdown ang suspek at posibleng sinumpong ito ng sakit kaya napatay ang sariling anak.

 

Please follow and like us:
Read More

SEKYU NAMATAY SA MAGDAMAG NA LIGAYA

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nagising pa mula sa himbing ng pagkakatulog ang isang security guard  nang bangungutin sa kasarapan ng tulog katabi ang kanyang kasintahan sa loob ng boarding house nito, sa Iloilo City.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang biktima, 34, ng Roxas City, Capiz at nanunuluyan sa Taft North, Mandurriao, Iloilo City,  na namumutla at wala nang buhay.

Kuwento ng nobya ng biktima na si Christine, bago sila matulog ay naglambingan pa sila ni Olano at wala siyang nakikitang anumang senyales na may masama itong nararamdaman.

Pagkagising niya, napansin niyang hindi gumagalaw ang biktima dahilan para kanya iton gisingin subalit, hindi na ito humihinga.

Dali-daling lumabas sa silid ang nobya at kinatok ang may-ari ng boarding house para humingi ng tulong.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

Naniwala ang pulisya na walang foul play sa nangyari at maaring binangungot ang biktima.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER SUMEMPLANG, PISAK SA BUS

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

PISAK ang isang rider makaraan magulungan ito ng pampasaherong bus nang sumemplang umano ito sa pag-overtake, sa Iloilo City.Kinilala ng biktimang si John Martinez, 37, at residente ng Barangay Ito Norte, Cabatuan, Iloilo.
Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Ceres bus na si Richard Sayat.

Batay sa report ng Dumangas-PNP, dakong alas 4:30 ng hapon ng Linggo nang maganap ang insidente sa kalsada ng Brgy. Balabag, Dumangas, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang mag-overtake umano ito sa kasunod na motorsiklo subalit bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para sumemplang ito.

Sakto naman na kasunod rin ang Ceres bus dahilan para pumailalim ito at magulungan ang katawan.

Kaagad naman dinala sa Don Jose Monfort Medical Center sa Barotac Nuevo, Iloilo si Martinez, pero nalagutan din ng hininga makalipas ang ilang oras.

Kusa naman sumuko sa pulisya si Sayat at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

MAGKAPATID NASAGI NG TRAK; 1 PATAY

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang totoy habang kritikal ang kanyang kuya makaraan masagi ng rumaragasang trak ang kanilang motorsiklo na nakahinto sa gilid ng kalsada, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Agad na nasawi ang 11-anyos na binatilyo habang ginagamot sa ospital ang kuya nitong si Nikko Doronio, 19-anyos at kapwa residente ng Barangay Sulangan, Dumangas , Iloilo City.

Arestado naman ang suspek na kinilalang si Elmer Viejo, 30, at residente ng Pasil, New Lucena.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 9:30 ng gabi (Hulyo 27) nang maganap ang insidente sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Dumangas Municipal Police Station, nakahinto ang motorsiklo ng magkapatid na Doronio sa gilid ng kalsada nang bigla silang mahagip ng humaharurot ng 10-wheeler trak na minamaneho ni Viejo.

Sa lakas ng pagkakasagi, nagtamo ng matinding pinsala ang batang Doronio na agad nitong ikinamatay habang dinala naman sa ospital si Nikko.

Tumakas ang suspek dahilan para habulin ito ng barangay at nakuha ang plaka ng truck nito.

Kaagad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at makalipas ang ilang oras, nadakip ang suspek sa Dumangas Port habang patakas patungong Bacolod.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries si Viejo.

 

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO NILAMON NG CHORIZO MACHINE

crime145

(NI JG TUMBADO)

NILAMON nang buhay ang 18-anyos na lalaki makaraang aksidenteng mahatak ng makinang panggiling ng karne ang kalahati ng kanyang katawan sa Iloilo City.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na si Jomar Julbo, trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Barangay Mansaya-Lapus sa nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, aksidenteng naipasok ni Julbo ang kanyang kanang kamay sa makina at hindi na niya nahila ito.

Dahil sa lakas ng puwersa ng makina, tuluyang nahatak ang katawan ni Julbo hanggang sa lamunin ang kalahati ng kanyang katawan bago tumigil ang makina.

Nadiskubre na lamang ng kanyang mga kasamahan ang disgrasyang inabot ng binatilyo at agad na nagpasaklolo upang maialis ang natitirang bahagi ng katawan nito.

Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang insidente at inaalam kung mayruong dapat managot sa pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA DADALO SA GRADUATION PATAY SA NAHULOG NA BUS

accident

(NI KIKO CUETO)

HAMTIC, Antique — Tatlo ang patay, kasama ang  mag-ina,  habang walo katao ang sugatan nang mahulog sa malalim na bangin ang bus na sinasakyan ng mga ito.

Sinasabing ang Ceres bus ay may sakay na siyam na pasahero, isang driver at isang konduktor.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit sinasabing dadalo sa graduation ang mag-ina nang maganap ang trahedya.

Sa imbestigasyon,  papunta umano ng San Jose, Antique ang bus galing ng Iloilo City nang mahulog sa bangin.

Sinabi ni Police Sr. Master Sgt. Llanie Adores na inaalam pa buong detalye sa aksidente.

Please follow and like us:
Read More

BUNTIS, 3 KAANAK PATAY SA SUNOG

fire

(NI JESSE KABEL)

APAT katao, kabilang ang isang buntis, ang nasawi nang ma-trap sa nagliliyab nilang kabahayan sa sunog sa bayan ng Arakan sa North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ronie Monteser, 44; ang buntis niyang anak na si Mary Jane, 19; live-in partner ni Mary Jane na si Rienheart Carugda; at kanilang anak na si Andrea, 1 taong gulang.

Ayon kay Sr. Fire Officer Ronald Valle, hepe ng Arakan Fire Station, hinihinalang suffocation ang naging mitsa ng pagkasawi ng mga biktima .

Hinihinalang tulog ang mag-anak nang simulang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan at sa kapal ng usok ay hindi na nagising o tuluyan nang nanghina para makalabas ng bahay.

Base sa arson probe, bandang ala-1:45 ng madaling araw ng Miyerkoles nang sumiklab ang apoy sa ancestral house ng pamilya. May kalumaan na din umano ang kabahayan kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy. Isang  motorsiklo na nakaparada sa labas ng bahay ang andamay sa sunog.

Samantala, nasa P9.5-milyon na halaga ng mga market stalls at  paninda ang natupok sa sunog sa palengke sa Batad, Iloilo.

Ayon kay SFO2 Jonar Diestro, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Batad, isang karinderya sa loob ng palengke ang tinuturong pinagmulan ng apoy.

Ani Diestro, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon kung sinadya o aksidente ang sunog na tumupok din sa ilang kalapit na establisimento.

Napag-alaman na ito na ang ikalawang sunog na naitala sa Iloilo kung saan Martes ng umaga, natupok din ang residential area sa Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City kung saan 12 bahay ang nasunog at isa ang patay.

Please follow and like us:
Read More

EX- PBA PLAYER ARESTADO SA SHABU

harmon

(NI NICK ECHEVARRIA)

NATIMBOG ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang dating sikat na manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) sa isang buy-bust operation, Sabado ng gabi sa Barotac Nuevo, Iloilo.

Nakilala ang dating PBA player na si Harmon Codinera, 55, kapatid ng isang pang PBA legend na si Jerry Codinera, matapos nitong bentahan ng P700 halaga ng shabu ang tauhan ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer sa Bgy. Tabucan ng nasabing bayan.

Nakuhanan din si Codinera ng pitong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,000 matapos na kapkapan ito ng mga umarestong agent ng PDEA.

Itinanggi naman ni  Codinera, nagtatrabaho ngayon bilang isang stay-in utility worker sa isang training center, na nagtutulak siya ng ipinagbabawal na droga subalit umamin na  gumagamit siya nito.

Si Codinera ay dating nakapaglaro sa limang koponan ng PBA kabilang ang popular na Anejo Rum kasama ang living legend na si Robert Jaworski hanggang sa malipat ito sa Purefoods hotdog kung saan naging team mate niya ang kapatid na si Jerry.

Nagretiro sa PBA si Harmon noong 1999, sinubok din nitong mag-coach sa ibang mga basketball teams hanggang sa mapdpad sa Barotac Nuevo. Nakakulong ngayon si Codinera sa PDEA sa  Iloilo at nahaharap sa kasong paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:
Read More

MAG-IINA NAHULOG SA FERRIS WHEEL

ferris

BINALOT ng tensiyon ang dapat sanang masayang pagdiriwang ng Dinagyang sa Iloilo City matapos mahulog ang mag-iina sa ferris wheel matapos kumalas umano ang lock nito.

Sa viral video, nakitang sinagip ng ilang kalalakihan ang 4-anyos na bata habang nakalambitin sa pagitan ng bagon ng ferris wheel.

Sinabing nahulog ang nanay sa trapal habang hawak ang isang taong gulang na anak.

Ayon sa bantay ng ferris wheel, siniguro umano niya na naka-lock ang pinto ng ferris wheel ngunit hindi umano nalaman kung paanong natanggal ang pagkaka-lock nito.

Agad dinala sa ospital ang mag-iina na nagtamo ng bukol sa ulo.

Please follow and like us:
Read More

2 NAG-DUELO SA KALYE, PATAY

gun

KAPWA nasawi ang dalawa katao na kinasasangkutan ng tanod at isang pinuno ng barangay tanod matapos magduelo ang dalawa sa gitna ng kalsada habang kasagsagan ng party sa Barangay Capul-an sa bayan ng Mina, Iloilo nitong Sabado.

Kinilala ang dalawa na sina tanod commander Michael Patriarca at April Ilisan.

Kagagaling lang sa isinagawang benefit dance ng barangay si Patriarca at papasok na sana ito sa kanilang bahay.

Pero naghihintay na sa kalsada si Ilisan kasama ang isa pang lalaki.

Ayon kay Insp. Felice Dioso ng Mina Municipal Police, nilapitan ni Ilisan si Patriarca. Nag-usap sandali at bigla na lang binaril ni Ilisan si Patriarca, alas-12:00 ng madaling araw nitong Sabado.

Nakabunot pa ng baril si Patriarca at binaril din nito si Ilisan.

Narekober sa crime scene ang fired cartridges ng 9mm pistol at kalibre .45 pistol.

Pero hindi na nakita ang mga baril na ginamit ng dalawa dahil pinaniniwalaang itinakas ito ng lalaking kasama ni Ilisan.

Ayon sa asawa ni Patriarca, may dating alitan ito at si Ilisan pero naayos na raw ito sa barangay. Kaya laking gulat na lang nito na sumugod sa kanilang lugar si Ilisan at pinagbabaril ang kaniyang asawa.

Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa tumakas na kasama ni Ilisan. (Bong Paulo)

Please follow and like us:
Read More