MAGSASAKA PATAY SA TUKLAW NG AHAS

(NI KIKO CUETO) PIDDIG, Ilocos Norte — Patay ang isang magsasaka nang matuklaw ng ahas sa Barangay 10 Arua-ay sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte. Kinilala ang biktima na si Andres dela Cruz. Sa imbestigasyon, sinabi ng asawa ng biktima na si Lorenza na nakita nila ang bangkay ni dela Cruz na may walong sugat sa hita na umano’y tuklaw ng cobra. Babala ng doktor na si Arnold Respicio, mainam na maging maingat tuwing pupunta sa bukid at masusukal na lugar. Mainam ring dalhin agad sa ospital kapag natuklaw ng…

Read More

APO PUMUTOK ANG ULO SA LASING NA LOLO

crime

(NI ANNIE PINEDA) PUTOK ang ulo ng siyam na taong gulang na batang babae makaraan paluin ito ng matigas na kahoy ng kanyang sariling lolo, sa Ilocos Norte. Dinala naman sa ospital ang biktimang si Nene at tinahi ang malaking  hiwa sa ulo nito sanhi ng malakas ng pagkakapalo na matigas at mahabang kahoy. Nadakip naman ang suspek at lolo nitong si Dennis Saludez, residente ng Pinili, Ilocos Norte. Batay sa report ng pulisya, nagalit umano ang suspek nang umalis ang biktima na walang paalam kaya hinabol niya ito ng…

Read More

21 STUDENTS SA ILOCOS NORTE; 10 SA BACOLOD, ‘SINAPIAN’

(NI KIKO CUETO) AABOT sa 21 na estudyante ang pinaniniwalaang sinaniban umano ng masamang espiritu sa Ilocos Norte. Sa report, nagwawala at sumisigaw ang mga estudyante ng Marcos National High School. Dinadasalan pa ng mga guro at kakalse ang mga estudyante na sinaniban umano. May ilang estudyante din ang sumisigaw tapos ay biglang tumatawa. Ang iba na nahimasmasaman ng mas maaga, niyakap ang magulang na umiiyak. Kwento ng principal ng eskwelahan, pagkatapos ng blessing ng bagong gusali ng kanilang paaralan na Marcos National High School, saka nangyari ang naturang pagwawala…

Read More

‘DOKTOR’ NAGBEBENTA NG P800-K ‘MINERAL WATER’ NA GAMOT HULI

ARRESTED-12

(NI KIKO CUETO) ARESTADO ang isang lalaki na nagpakilalang doktor maging ang kanyang kasamahan sa  entrapment operation sa Vintar, Ilocos Norte. Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Rodrigo Caniaveral Jr. habang ang kanyang kasabwat ay kinilalang si Arnel Valdez. Isinumbong sila sa pulis ng pamilya ng biktima. Kwento ng mga biktima, nanghingi ng P800,000 si Caniaveral para gamutin ang isang babaeng paralisado. Sinasabing humingi pa ang suspek ng P35,000 bilang down payment para sa mga gamot na walang label. Pero nabisto ang suspek nang sabihin ng kaibigan ng pasyente…

Read More

ILOCOS NORTE NIYANIG NG 5.3 LINDOL

phivolcs

NIYANIG ng 5.3 magnitude na lindol ang 52 kilometrong northwest ng Burgos sa Ilocos Norte, Linggo ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naramdaman ang lindol ng alas-3:46 ng madaling araw at tectonic ang pinagmulan na may 22 kilometro ang lalim. Ang pagyanig na Intensity IV ay naramdaman sa Laoag, Ilocos Norte, at Intensity III sa  Badoc, Ilocos Norte; Bantay, Ilocos Sur; Magsingal, Ilocos Sur; San Ildefonso, Ilocos Sur; Santo Domingo, Ilocos Sur; Sinait, Ilocos Sur; at Vigan, Ilocos Sur. Intensity IV din sa Pasuquin, Ilocos…

Read More

MGA ALAGANG HAYOP WINAKWAK ANG LEEG

goat

(NI JESSE KABEL) MABILIS na kumalat ang takot sa ilang residente sa isang barangay sa Laoag, Ilocos Norte bunsod ng umanoy aswang sa kanilang lugar na siyang responsable sa pagkamatay ng mahigit 20 alagang hayop  sa isang farm. Sa kumalat na balita pinatay umano ng hinihinalang aswang ang 20 tupa at apat na kambing na nasa kanilang pastulan. Base umano sa salaysay ni  Carmelito Labayog, may-ari ng farm , nadiskubre ang pagkamatay ng kanyang mga alaga nang papakainin na sana niya ang mga ito. Sinasabing karamihan sa mga hayop ay wakwak…

Read More

ESTUDYANTE BASAG ANG ILONG SA MGA BULLY

ilocos

(Ni FRANCIS ATALIA) LAOAG CITY – Kailangang maoperahan ang isang binatang mag-aaral habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa kaso ng pambubugbog umano ng apat na kapwa niya mag-aaral sa Paoay City, Ilocos Norte. Sa pahayag ng isang Jeff Agcolicol, tiyuhin ng hindi na pinangalanang biktima, na-disalign ang ilong ng binata sa naturang insidente kaya kailangan itong isailalim sa operasyon. Nanawagan din si Agcolicol sa magulang ng mga suspek para sagutin ang bayarin sa nasabing operasyon. Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng malay ang estudyante ng Paoay…

Read More