6 SUNDALO PATAY, 9 SUGATAN SA PAGSABOG NG IED NG NPA 

phil army12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang anim na sundalo habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) na inihagis sa kanila ng mga nakasagupang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Calbiga, lalawigan ng Samar, araw ng Martes.

Ayon kay Major General Noel Clement, Commander ng Central Command (CENTCOM) sa Visayas Region, alas 2:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang engkuwentro sa lugar.

Nasa liblib na lugar ng Barangay Biri ang mga tropa mula sa 46th Infantry Battalion-Philippine Army na pinamumunuan ni Army Sgt. Gilbert Benito para magsagawa ng community support program nang hagisan ng ilang pirasong IED at pinagbabaril ito ng mga rebelde hanggang sumabog ang isa sa mga bomba.

Nasawi ang anim na sundalo sa insidente na nakilalang sina Corporal Alexander Abing, Private First Class (PFC) Garcia, PFC Paster, PFC Constantino, Private Lagrimas, at Corporal Mamalo.

Sugatan naman sina Sergeant Benito, PFC Magoncia, PFC Friguillana, Cpl. Vigilla, PFC Salonga Private Espanol, at tatlong iba pa.

Nakaganti naman ng putok ang mga sundalo sa mga umaatakeng rebelde hanggang mapilitang umatras ang mga ito sa mahigit 20 minutong palitan ng putok.

Please follow and like us:
Read More

2 PAGSABOG NAITALA, 1 CAFGU SUGATAN

npa13

(NI JESSE KABEL)

DALAWANG pagsabog ang naitala kahapon ng military sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao at Sultan Kudarat na ikinasugat ng isang kagawad ng Cafgu.

Miyerkoles ng umaga ay niyanig ng pagsabog ang  Sitio Pansol, Brgy Macasampen, Guindulungan Maguindanao na ikinasugat ng isang  CAFGU Active Auxiliary na nasa ilalim ng 23rd CAA, Delta Company, 38th Infantry Battalion,.

Nagsasagawa ng security patrol operation ang mga tauhan ng Philippine Army bandang alas 7:30 nang sumabog ang itinanim na landmine sa isang kubo ng mga hinihinalang NPA.

“The explosion was meant to inflict harm to our troops just in time they were passing to conduct their regular security in the area,” ani 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Cirilito E. Sobejana.

Samantala, tinutugis naman ng mga tauhan ni Col Harold Cabunoc pinuno ng 33rd Infantry Battalion ng Phil. Army  ang mga responsible sa pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Cabunoc, papunta ang Alpha Company sa Brgy. Daluga sa nasabing bayan para magsagawa sana ng community outreach program nang biglang sumabog sa highway ng Brgy. Titulok ang nasabing bomba.

Maswerteng walang sundalong nasawi o nasaktan na kinabibilangan nina 1Lt. Alexandro Cruzada at anim na iba pa ngunit isang sibilyan naman ang naitalang sugatan.

Sinisisi naman ni Cabunoc ang nangyari sa grupo ng NPA kung saan sinabi nitong pinapatunayan lamang nila na dapat daw silang ituring na terorista.

Please follow and like us:
Read More

11 SUNDALO SUGATAN SA PINASABOG NA IED NG NPA

ied

LABING-ISA sundalo ang sugatan matapos makasagupa ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley araw ng Miyerkoles.
Nabatid kay Capt. Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, alas 10 ng tanghali ng maganap ang sagupaan sa pagitan ng 10th Division Reconnaissance Company at 25th Infantry Battalion at ng mga rebelde sa Sitio Tinago, Brgy. Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo.
Sinabi ni Lamosao na iniulat ng mga residente sa mga sundalo ang presensya ng NPA sa lugar na nagre-recruit umano ng mga bagong miyembro at pinupwersa ang mga sibilyan na dumalo sa anniversary gathering ng grupo.
Doon na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng gobyerno.
Agad nagpasabog ng Improvised Explosive Device (IED) ang mga rebelde na ikinasugat ng mga sundalo.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang sundalo at pawang nasa maayos nang kondisyon.

Nananatili ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa nagsitakas na mga rebelde. (JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More