MOIRA: IT HURTS AND IT’S NOT OKAY!

moira12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MULA nang makumpirang isa si Moira dela Torre sa mga judges ng ‘Search for the Idol Philippines’ ay umani ng mga mapanirang salita ang singer sa social media. Ngayon ay patuloy na nakararanas si Moira ng pamba-bash mula sa netizens kapag napapanood sa episodes ng nasabing programa.

“They are always entitled to their own opinion. For me, alam ko po sa sarili ko na Fremantle and ABS management chose me and gave me this position. But at the end of the day, it was my listeners who placed me in this kind of position. There are people who don’t like me but I know there are people who still love me so as long as I know people who love me know I’m credible to be there. At least nagva-viral,” natatawang pahayag ni Moira.

Aminado ang singer na nasasaktan siya sa lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng online bashers. “Siyempre masakit. But this isn’t my first time being bashed. It hurts honestly and it’s not okay. I want to say (sa sarili) na, kebs lang. i-ignore mo lang,” pagtatapat niya.

Tanggap naman ni Moira na marami pang mga bagay ang kailangan niyang matutunan pagdating sa pagiging hurado ng isang competition. “Kasi may constructive criticism at may mga criticism na tinatago nila sa constructive criticism. But at the end of the day, constructive criticism should build people up and inspire not bring them down. There are so many unnecessary comments. I take the constructive criticism to heart and aminado naman ako that I have so much to improve. As a judge sobrang mahiyain ko po kasi. So ‘pag may energy ako sa stage, nagmumukha akong OA (over acting). Kasi hindi ako ‘yon eh, but I’m improving, I know I’ll get better but I know that in the last eleven years in the industry, I deserve this spot,” paliwanag ni Moira.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

JAYA IPINAGTANGGOL SI MOIRA SA BASHERS

jaaya200

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay naipakilala na ang apat na hurado ng Search for the Idol Philippines na malapit nang mapanood sa ABS-CBN. Kabilang dito sina Regine Velasquez, James Reid, Moira dela Torre at Vice Ganda.

Marami ang kumuwestiyon sa pagkakasama ni Moira sa mga hurado ng pinakabagong reality show ng Kapamilya network. Agad namang ipinagtanggol ni Jaya ang kaibigan at kasamahang talent sa Cornerstone Entertainment, Inc. “Kanya-kanya tayong opinyon. May mga taong hindi pa nga napapanood ay hinuhusgahan na. The bosses are intelligent enough to pick the right judges for the show. Hindi nila ilalagay diyan kung walang gagawin. Kasi kailangan makita din ‘yung credentials ng artists na maghuhurado. Si Moira, she’s like the biggest artist now. How can you say she’s not credible as a judge? She writes songs, she performs. Ilang milyon ang nanonood sa kanya sa Youtube. Bigyan muna natin ng chance, bigyan muna natin ng chance na mag-air,” paliwanag ni Jaya.

Nagbigay din ng payo ang singer kay Moira tungkol sa mapanirang mga salitang ipinupukol ng bashers sa kanya social media. “Knowing Moira, masasaktan siya. She is being broken. And she’ll know what to do. She knows exactly how to get out of that. Stay strong, no one can beat you down. Sa lahat ng nagawa mo, sa lahat ng naisulat mong kanta, lahat naman sila sumi-sing along diyan. There’s no way na kailangan mong patulan ‘yan. Parte na ‘yan talaga ng buhay natin. Just be strong. Do your thing, be a great judge, and just show them what you’ve got,” mensahe ni Jaya kay Moira.  -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More