77 ARAW BAGO ANG SEA GAMES; HOST PILIPINAS NGANGA PA RIN

seagames12

(NI ANN ENCARNACION)

‘PANIC button’ na ang mga pinuno ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee at Office of the Chef de Mission dahil sa patuloy na natatanggap na mga hinaing hinggil sa kakulangan ng mga kagamitan sa mga lugar na pagdarausan ng sports competitions sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ang dahilan kaya’t nagpatawag ng ikalimang konsultasyon ang Office of the CDM kahapon upang plantsahin ang mga gusot sa paghohost ng bansa sa biennial meet.

Sa naturang consultative meeting ay nagbigay na ng ultimatum si PSC Chair at CDM William “Butch” Ramirez sa lahat ng national sports associations (NSAs) na dapat nilang kumpletuhin ang kanilang kailangang equipment at iba pang requests hanggang sa Lunes (Setyembre 16).

“We have urgent and compelling issues na dapat resolbahin and it is a crack time now. I have to rush also to the president to secure how we can fasttrack the needed equipment for all our NSAs,” sabi ni Ramirez.

“We are approaching 77 days and the biggest concern is the procurement of the equipment. We are giving ourselves up to Monday, kapag hindi namin nakuha iyan, malaking problema iyan sa P5M or P6M na kailang equipment. The country is at stake here now, kaya nga sabi ko kanina after the prayer, hindi na ito PSC, POC o PHISGOC, Pilipinas na ang nakataya dito,” dagdag ng opisyal.

Napag-alaman kay PHISGOC Director of Operations Tom Carrasco na mula sa kabuuang 61 requests ng mga NSAs, 18 ang hawak ng PSC na nagkakahalaga ng kabuuang P173 milyon.

“Isa iyon sa pinag-usapan namin para maasikaso ang lahat ng concerns. This is a national endeavor kaya kailangan natin na sama-samang asikasuhin. Alam naman natin na magagaling ang mga Pilipino kapag nagtutulungan,” sabi pa ni Ramirez.

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN NAG-SPEECH LESSONS FOR HER HOSTING JOB

kathryn12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PROUD na proud si Daniel Padilla sa “walang buckle” na pagho-host ng girlfriend na si Kathryn Bernardo sa recently-concluded 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

“Husay, kita n’yo, walang buckle, di ba?” sabi ni Daniel nang makausap ng press after the awards night.

Proud din niyang ikinuwento na before the event ay nag-speech lessons pa si Kathryn.

“Dahil, gusto niya, wala siyang mali o mamaling bigkas. Talagang sabi ko nga sa inyo, ‘yang si Kathryn, eh tinatrabaho niya talaga at mahusay talaga,” pagmamalaki pa ni DJ.

Bukod sa host ng event ay nanalo rin si Kathryn na Best Actress for the movie, The Hows of Us at ang Kathniel loveteam naman ang itinanghal na Best Loveteam of the Year.

Nang matanong naman ang naganap na pagsasama nila ni James Reid sa isang endorsement, puring-puri niya ang aktor.

“Steady lang, simple, you know. Mabait na tao, tahimik lang din, ako nga lang ang magulo du’n sa shoot na ‘yun, tahimik lang talaga si James,” natatawang sabi ni DJ.

Willing din ba siyang magkasama sila sa isang pelikula?

“Why not? It depends on the story, always. Ayoko namang maging sell-out lang ‘yung pelikula dahil magkasama lang kami,” sey pa niya.

Samantala, sa relasyon nila ni Kathryn na nasa ika-7 taon na ngayon, natanong si DJ kung hindi ba siya natatakot sa tinatawag na 7-year-itch.

“Every year is a challenge, lagi namang challenge ang bawat taon, pero sa tamang balanse at tamang pagmamahal, it will work. It will work out in the end,” he said.

 

Please follow and like us:
Read More