HOLDAPER NA TANDEM PATAY SA PASIG ENCOUNTER

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isa sa dalawang lalaking umano’y holdaper na riding-in-tandem nang mabaril ng mga rumespondeng awtoridad sa isang engkwentro, matapos nilang holdapin ang isang call center agent sa Barangay Manggahan, Pasig City, Sabado ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pasig Doctors Hospital ang di kilalang suspek dahil sa mga tama ng bala sa katawan, habang nakatakas naman ang kanyang hindi pa rin nakilalang kasabwat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police, nabatid na dakong 2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue, sa Barangay Manggahan.

Nauna rito, naglalakad umano sa lugar ang biktimang si Ritchell Pontillano, 30, isang call center agent, kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki, nang bigla na lang silang hintuan ng mga suspek, na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang mag-iina at saka nagdeklara ng holdap.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at kaagad na nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga nagdaraang motorista.

Nataranta naman ang mga suspek kaya’t mabilis nang tumakas ang mga ito habang nagtungo ang mag-iina sa tanggapan ng Police Community Precinct 7 (PCP7) at nagsumbong sa mga pulis.

Hinabol ng mga awtoridad ang tumatakas na mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek na nauwi sa palitan ng putok, hanggang sa tamaan ng mga awtoridad ang suspek na nagmamaneho ng motosiklo kaya’t sumemplang ang mga ito.

Mabilis namang kumaripas ng takbo at nakatakas ang kanyang backrider habang isinugod ng mga pulis sa pagamutan ang suspek ngunit binawian rin ng buhay.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril, isang fired cartridge at isang unit ng SYM motorcycle na may plakang 5655 UF.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MALL ROBBERY: SEKYU PATAY SA HOLDAPER

(NI JG TUMBADO/PHOTO BY JIMMY CARBO)

SA pagganap ng 32-anysna lalaki bilang security guard ang naging mitsa ng buhay nito nang barilin siya ng  isang holdaper sa loob ng isang mall sa San Jose Del Monte, Bulacan, nitong Martes.

Tuluyang bumulagta sa sahig at binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si Ronnie Pascua ng Vanguard Security Agency, bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Sinabi ni San Jose del Monte City Police chief Lt. Col. Orlando Castil, hinoldap ng hindi pa tukoy na lalaki ang isang Bayad Center sa loob ng Starmall, pasado alas 2 ng hapon ng Martes.

Gayunman, sinubukan dakpin ni Pascua ang holdaper nang maharang ito hanggang sa magpambuno ang dalawa sa dalang baril ng suspek.

Pero nagawang makapiglas ng salarin sa guwardya at pinaputukan ito bago mabilis na tumakas palabas ng nabanggit na mall.

Patuloy pa na tinutugis ng pulisya ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER PATAY NANG KUMASA SA PULIS

crime

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang lalaking nangholdap sa isang dalaga matapos na ito ay makipagbarilan sa mga humahabol na pulis sa Calamba City Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Eleazar Matta, Laguna police director, nangyari ang engkwentro sa Barangay Pansol, kungsaan naabutan ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang holdaper pasado alas:12:00 ng hatinggabi.

Unang hinoldap ng suspek ang biktimang si Bernadette Reyes habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa highway sa harap ng isang resort dakong alas 11:40.

Kasabay ng pagtutok ng baril, kinuha ng suspek ang bag ng dalaga na naglalaman ng mobile phone, cash at iba pang gamit saka naglakad patungo sa direksyon ng Pansol.

Nakapagsumbong naman ang biktima sa mga pulis na agad nagsagawa ng hot pursuit operation.

Subalit nakipagplitan ng putok ang suspek matapos na ito ay masukol hanggang sa mapuruhan ito.

Isinugod pa ito  sa JP Hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nabawi dito ang mga gamit na tinangay mula sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More