LIVE-IN PARTNERS HINOLDAP, PINATAY SA TINDAHAN

crime32

(NI KOI HIPOLITO)

PALAISIPAN ngayon sa mga otoridad ng Taguig City Police Station kung may iba pang motibo sa pamamaril at panghoholdap sa maglive in partner na natagpuang nakahandusay at patay na sa loob ng kanilang tindahan na ukay-ukay at grocery store sa Taguig City.

Nakilala ang mga biktimang sina Marlo Landreza, empleyado ng Taguig City Hall at Girlie Gacer, kapwa ng Blk 141, Lot 14, Maharlika Road, Upper Bicutan ng Taguig City, bandang alas-9:10 ng gabi nitong Lunes.

Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Taguig City chief of police PCol. Alexander Santos, tinitingnan ang iba pang anggulo sa krimen  kung meron pang malalim na dahilan bukod sa panghoholdap sa mag-asawa dahil ayon umano sa  salaysay ng mga witness ay binaril muna ng dalawang hindi nakilalang suspek ang mga biktima at  kinuha ang sling bag na may lamang pera na kinita sa tindahan ni Gacer, bago tumakas sa hindi pa tukoy na direksyon.

Nagpapatuloy ang technical investigation ng SPD-SOCO at inilatag na ang follow up investigation para matunton ang mga suspect.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PUMALAG SA 5 HOLDAPER, KRITIKAL

crime34

(NI ROSE PULGAR)

NASA malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang 34-anyos na lalaki matapos itong holdapin at pagsasaksakin ng limang holdaper makaraang pumalag, sa Taguig City Martes ng gabi (Hulyo9).

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jonathan Vitamog, binata, empleyado at naninirahan sa SSS Brigada Centennial Village, Western Bicutan Taguig City makaraang magtamo ng ilang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa report ng Taguig City Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa C-5 Waterfun Bridge Underpass, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang limang kalalakihan na ilan dito ay armado ng kutsilyo at sabay na nagdeklara ng hold-up.

Pumalag ang biktima mula sa mga holdaper dahilan upang saksakin at nang duguang bumulagta ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Isinugod ang biktima ng ilang concerned citizen sa pagamutan.

Ayon sa Taguig City Police, sangkot sa ilang serye nang panghoholdap ang mga suspect sa area ng  Barangay Western Bicutan ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam na rin kung may nakalagay na closed circuit television (CCTV) kung nahagip ang insidente para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

JOLLIBEE SA STA ROSA HINOLDAP

crime robber12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PINASOK ng mga armadong holdaper  ang isang Jollibee store sa loob ng business park sa  Sta Rosa City, Laguna, nitong Sabado.  

Ayon sa Sta Rosa City police, nangyari ang insidente sa Jollibee Paseo de Sta. Rosa II na nasa  Sta Rosa -Tagaytay highway sa  Barangay Balibago, alas 2:35 ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon, patay-malisyang pumasok ang tatlong suspek sa 24 hour outlet at nagkunwaring mga customer.

Bigla na lamang lumapit ang isa sa gwardiya at tinutukan ito ng baril bago nagdekara ng holdap.

Matapos makuha ang baril ng sekyu, tinangay ng mga hindi nakilalang suspek ang pera na nasa cash register na nagkakahalaga ng halos na nasa P10,000.

Tumakas ang mga suspek na naglakad lamang patungo sa direksyon ng Balibago.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV at inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek.

Please follow and like us:
Read More

GRAB DRIVER NANG-HOLDAP NG PASAHERO, HULI

arrested124

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS rehas na ngayon ang isang suspek na Grab driver na nangholdap at lumimas sa gamit ng kanyang isinakay na pasahero matapos itong maaresto ng mga operatiba ng Tactical Management Response Unit (TMRU) na nagpapatrolya sa lugar ng Hilario St.,CCP Complex, Barangay 76, Pasay City, Linggo ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Roberto Dajero, 45, residente sa Blk.3, Phase 2,  West Plain Subdivision, Trece Martirez, Cavite. Kinilala naman ang biktimang si Mary Joy Villanueva, 36, dalaga, at residente ng Gramercy Residences, Kalayaan St., Brgy. Poblacion  Makati City.

Base sa inisyal na report na ipinadala kay Pasay City Police acting Chief of Police PCol. Bernard Yang,  kasalukuyan umanong nagpapatrulya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sina PMSgt. Joseph Alaska, nang makasalubong nila ang biktima na tumatakbo patungo sa kanilang mobile car at sumisigay ng “Tulungan ninyo ako, Tulungan ninyo ako, Hinoldap ako,” mabilis naman ang naging tugon ng mga otoridad at dito na napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay isang Grab driver matapos itong maharang ng mga nagmagandang loob na bystanders habang tumatakas patungo sa direksyon na patungo sa Makati City.

Narekober sa posisyon ng suspek ang mga gamit ng biktima kabilang ang mga sumusunod; isang bracelet, wrist watch, cellphone at cash.

Kasama rin nakumpiska sa loob ng sasakyan ng suspek ang isang piraso ng bolo knife na may habang 15 pulgada, isang Toyota Vios na kulay pula at meron plaka na VZ 3450 at isang piraso ng plastic sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap ngayon sa kasong Robbery at paglabag sa Violation of Sec. 11 ng  RA 9165 o (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002) ang nakakulong ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BARILAN SA MCARTHUR BRIDGE; 2 PATAY

holdap12

DALAWANG pinaghihinalaang holdaper ang napatay sa engkuwentro sa mga pulis sa ibabaw ng McArthur bridge, Ermita, Manila, ayon sa report ng pulisya nitong Martes.

Sinabi sa report na katatapos lang holdapin ng mga suspect ang dalawang biktima na naghihintay ng jeep sa harap ng Mehan Garden sa P. Burgos Avenue.

Sinabi ng mga biktima na tatlong suspect na sakay ng motorsiklo ang lumapit sa kanila at inihayag ang holdap. Kinuha ng mga ito ang bag at pera ng mga biktima.

Agad namang humingi ng saklolo ang mga biktima sa mga pulis na nakaposte sa checkpoint sa Bonifacio Shrine na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Isinagawa ang pursuit operation hanggang masukol ang mga suspect sa ibabaw ng McArthur Bridge. Ngunit sa halip sumuko, nakipagbarilan ito sa mga pulis na sila nilang ikinamatay.  Nakatakas ang isa pang suspect.

Nabawi ang dalawang baril mula sa mga umano’y holdaper.

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVER LUMUWA ANG BITUKA SA SAKSAK; ISINIKSIK SA LIKOD NG TAXI

stab100

(NI CHERCK BALAGTAS)

ISA na namang taxi driver na tadtad ng saksak ang natagpuang patay sa back seat ng pinapasadang taxi sa Lungsod ng Caloocan, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat ni Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Pablo Damot, Jr. ng Bocaue, Bulacan.

Nadiskubre siya ng isang streetsweeper na si Clarita Castro, 59, ganap na alas- 4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng C-4 Road, Barangay 8, ng nasabing lungsod.

Ayon sa nakasaksi, napansin na lamang umano niya na nakasindi ang head at tail lights ng sasakyan na nakaparke sa nasabing lugar kung saan siya naglilinis.

Nang lapitan ay doon na niya nadiskubre ang wala nang buhay na biktima na naliligo sa sariling dugo sa likurang bahagi ng passenger’s seat.

Agad niyang ipinagbigay-alam sa kanilang barangay ang insidente.

“Lumuwa na ang bituka ng biktima dahil sa dami ng tama ng saksak, posibleng nanlaban dahil may tama rin ng saksak ang mga kamay, ” ayon sa mga tauhan ng barangay.

Posible umanong mga holdaper ang nasa likod ng krimen na nagpanggap na pasahero ngunit nanlaban ang biktima kaya nila ito pinatay.

Please follow and like us:
Read More

2 KOLEKTOR NG PAUTANG UTAS SA TANDEM

crime100

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang holdaper ang dalawang kolektor ng isang micro financing bago tinangay ang perang dala ng biktima sa Alicia, Zamboanga Sibugay, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang mga biktimang na natamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Philip Jhon Pontijon, 29, assistant manager at Nur Akram Sajili, 24, kolektor, kapwa empleyado ng ASA Foundation Micro Financing  sa Mabuhay ng nasabing lalawigan.

Sa report ni P/Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9,   naganap ang insidente dakong alas 3:25  sa kahabaan ng Barangay Road  ng Barangay Sto. Nino sa nasabing bayan.

Galing umano  sa paniningil ng pautang ang mga biktima sa Sitio Tarla, Barangay Tampalan nang tambangan sila ng dalawang suspek at pagbabarilin lulan ng  kulay dilaw na Honda XRM na motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek tangay ang bag na  naglalaman ng koleksyon sa hindi pa mabatid na halaga.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, maaaring minanmanan ng mga suspek ang dalawa dahil planado at kabisado ng mga ito ang oras at dadaanan ng mga biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

TELLER, SEKYU NG KOOPERATIBA ITINUMBA, PERA TINANGAY

shoot

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang dalawang empleyado ng Cotabato Electric Cooperative  (Cotelco) makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Basser Cabuyao, 35, security guard ng Cotabato Electric Cooperative na nakabase sa Carmen North Cotabato at Karen Callos, teller, 34, ng Purok Masagana Kabacan Cotabato.

Naisugod pa sa ospital ang babaeng biktima pero kalauna’y binawian din ng buhay habang ginagamot.

Ayon sa ulat, mag-aalas 5:00 ng hapon, pauwi na ang dalawa sakay sa motorsiklo galing sa trabaho at nang pagsapit  sa pinangyarihan ng insidente ay binaril ng gunman gamit ang kalibre .45 pistola.

Hold-up ang sinisilip na anggulo sa pagpaslang sa dalawa matapos tangayin  ang bag ng teller na biktima na may laman umanong pera.

Ayon sa ama ng biktima na si Samuel Dapon, wala naman umanong malaking halaga ng pera na dala ang kanyang anak dahil agad naman nilang nilalagak ang koleksiyon sa banko.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAGPAMASAHE MUNA SA SPA BAGO NANGHOLDAP

armed robbery12

(NI LILY REYES)

PATAY ang 32-anyos na lalaki makaraang makipagbarilan sa ilang operatiba ng Quezon City Police District (QCPD)  Martes ng gabi sa Quezon City.

Sa report ni Quezon City  Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Joselito T Esquivel Jr. ang suspek na si  Alvin Gutang , 32, ng  Bagong Barrio , Caloocan City  ay nakipag barilan umano sa ilang tauhan ng Masambong  Police Station (PS 2) sa pamumuno ni  PLTC Rodrigo Soriano.

Ayon sa report, bandang alas 2:00 Martes ng madaling araw , pumasok umano ang napatay na suspek sa  Florences Spa sa Roosevelt Avenue corner M.H del Pilar St., Brgy. San Antonio  at nag request ng masahe.

Pagkatapos umanong magpamasahe  ay bumunot ng baril si Gutan at nagdeklara ng hold-up at sapilitang kinuha  ang  cash,  callphone  at ilang mahalagang gamit ng apat na  spa personnel habang nakatutok ang kalibre .38 baril.

Agad tumakas ang suspect nang makuha ang pera at gamit ng mga biktima.

Agad na ini-alarma ang insidente kung saan  nagsagawa ng follow up operation.

Habang nagsasagawa ng follow up operation ay  namataan ng mga pulis  ang suspek  sa West Riverside St. corner Brgy. Del Monte.

Nanlaban ang suspect nang aarestuhin kaya’t agad siyang binaril.

Narekober  mula sa  suspek ang isang kalibre .38 baril na may  apat na bala , apat na sachet ng shabu , lighter  at ang motorcycle  na walang plaka.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE HINOLDAP SA GATE NG BAHAY; P680K CASH NATANGAY

crime143

(NI NICK ECHEVARRIA)

NATANGAY ng hindi pa nakikilalang suspek ang P680,000 cash at cellphone ng isang negosyante na kanyang hinoldap sa Ligao City, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Anemle Morcozo, at nakatira sa Maipon, Guinobatan Albay.

Naganap ang isidente nang pangho-holdap sa biktima bandang alas-11:30 ng gabi, sa Brgy. Nabonton, Ligao City, habang nakaupo ito sa driver side ng kanyang Havanna brown Isuzu MUX, sa gate ng kanilang bakuran sa nabanggit na lugar.

Bigla na lamang umano itong nilapitan ng suspect na nakasuot ng itim na face mask at tinutukan ang biktima ng baril sa kaliwang bahagi ng balikat at sapilitang tinangay ang kanyang bag na  naglalaman ng naturang halaga at saka mabilis na tumakas   sakay ng minamanehong scooter.

Matapos ang insidente agad namang nagtungo ang negosyante sa Ligao City Police Office para humingi ng tulong na ngayon ay patuloy na nagsasagawa follow up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

CALL CENTER AGENT, HINOLDAP, PINATAY SA QC

crime12

(NI JEDI PIA REYES)

INAGAWAN muna ng bag bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang call center agent sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Eugene Cabauatan, 24, residente ng Amorante Street ng nasabing barangay.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, papasok pa lamang sa trabaho si Cabauatan at naghihintay ng masasakyan sa kanto ng Quezon Avenue at G. Araneta Avenue nang lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Hinablot ng angkas ng motorsiklo ang bag ng biktima ngunit pumalag ito at nakipag-agawan sa suspek.
Kasunod nito ay bumunot umano ng baril ang angkas na suspek at tatlong beses pinaputukan ang biktima.

Mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Cabauatan habang natangay ng mga suspek ang bag nito.

Nakuha sa lugar ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 baril, deformed slug at isang itim na facemask.
Nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

‘THREESOME’ SA SEX KAPALIT NG CP; 2 ARESTADO

ARRESTED-2

(NI KEVIN COLLANTES)

BILANGGUHAN ang kinabagsakan ng dalawang lalaking umano’y holdaper nang maaresto ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Mandaluyong City Miyerkoles ng gabi na matapos holdapin ang isang estudyante ay yayain pa itong makipag-sex sa kanila kapalit nang pagsauli ng cellphone na tinangay ng dalawang inaresto.

Ang mga suspek na nakilalang sina Rodel Dalisay, 27, at Resty Ramirez, 28, ay binitbit ng mga pulis batay sa reklamo ng 18-anyos na estudyante.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police sa Eastern Police District (EPD), nabatid na noong Marso 31 ay unang hinoldap ng mga suspek ang biktima sa P. Cruz, Barangay New Zaniga, Mandaluyong City at tinangay ang kanyang pera at cellphone.

Pagsapit naman ng alas-6:30 ng gabi nitong Miyerkoles ay nakatanggap ng text message ang complainant mula sa mga suspek na nagsasabing isasauli nila ang tinangay nilang cellphone sa biktima kapalit ng pakikipagtalik niya sa mga ito.

Kaagad namang humingi ng tulong ang complainant sa mga pulis na nagkasa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek sa Market Place Mall sa Barangay Pagasa, Mandaluyong City.

Nang kapkapan, nakumpiskahan pa si Ramirez ng patalim.

Kaagad namang binitbit sa presinto ang mga suspek para ikulong at sampahan ng mga kasong Robbery at paglabag sa Batas Pambansa (BP) 6, in relation to BP 881 (Omnibus Election Code), sa piskalya.

Please follow and like us:
Read More

BABAE HINOLDAP, SINAKSAK NG BBQ STICK SA MUKHA

bbq

(NI LILY REYES.PHOTO BY JULIUS CARBO)

ARESTADO  ang isang  ex-convict  makaraang  holdapin  at saksakin ng barbecue  stick ang pisngi at baba ng isang babae Lunes ng gabi sa Quezon City.

Bugbog-sarado  sa taong bayan  si Mark Reyes , na umano’y  wala pang dalawang oras na nakakalaya  sa city jail matapos itong makulong  dahil sa  kaparehas na kaso noong July 2018.

Samantala, duguan naman  ang mukha ng ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan na biktima  nang humingi ng tulong sa mga tambay sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City  pasado alas 11:00  Lunes ng ng gabi.

Ayon sa biktima naghihintay sya ng masasakyan papuntang Novaliches  sa may NIA Road nang lapitan at holdapin ng suspek.

“Sabi po niya “  akin na yung pera mo, cellphone mo, huwag kang papalag, papatayin kita, hinalikan at hinipuan pa niya ako  kung kaya  humingi na ako ng tulong sa  mga tambay  roon kung kaya nahuli  ang suspek,” sabi ng biktima

Depensa ng suspek na si Mark Reyes, kaya umano siya nanghold up para  may pamasahe umano siya pauwi ng probinsiya matapos makalaya at makalabas sa city jail.

Nahuli ang suspek  noong Hulyo 2018 dahil din sa panghoholdap pero nabigyan itp ng provisional dismissal dahil hindi sumipot sa paglilitis ang kanyang  complainant.

Narekober  sa suspek na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng Kamuning Police Station 10 – ng Quezon City Police District 9QCPD) ang gamit ng biktima .

Please follow and like us:
Read More

2 HOLDAPER PATAY SA SHOOTOUT

shoot1

(NI LUISA LELIGH NIEZ)

PATAY ang dalawang hinihinalang mga holdaper  makaraang  makipag barilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD)  Lunes ng gabi sa Quezon City.

Ang dalawang hindi kilalang mga holdaper  ay  namatay noon din sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kataawan.

Ayon sa imbestigasyon nambiktima umano ang dalawang holdaper  kung saa kinuha  ang mga  personal na kagamitan ng  ayaw magpabanggit ng kanilang pangalang mga biktima pasado alas 9:00 Lunes ng gabi sa Brgy.  Gulod, Novaliches, ng nasabing lunsod.

Kaagad namang nag sumbong ang mga biktima sa  Novaliches Police Station 4 ng QCPD  na agad namang nagkasa  ng follow up operation  ang mga tauhan ni PSUPT  Rossel Cejas.

Agad natunton ang mga suspect kung saan nagkaroon agad ng barilan.

Narekober  sa mga suspek  ang isang cal 9mm pistol,  cal. 38 revolber, tatlong cellphone  ng mga nabiktima at ang motorsiklo na ginagamit umano ng mga suspek sa kanilang operasyon.

Please follow and like us:
Read More