MANYAK NA HOLDAPER, TIMBOG SA DENTAL CLINIC

HOLDAPER-2

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 43-anyos na lalaking  nagpanggap na customer ng isang dental clinic ngunit ang pakay pala ay mangholdap at tinangkang abusuhin ang isang empleyado sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Sinampahan ng kasong robbery holdup, paglabag sa RA 10591 (Gun Replica) at act of lasciviousness ang suspek na si Ruel Manibale, may-asawa, ng #0612 Norberto St., San Jose, San Miguel, Bulacan dahil sa reklamo ni alyas “Shaina”, 37, dental assistant, ng Brgy. Molino IV, Bacoor City.

Nadakip ang suspek nang sumaklolong si P/Corporal Francis Noel Cabrera, 31, nakatalaga sa District Administrative Holding Unit ng Manila Police District (MPD) at residente ng Bacoor City.

Sa ulat ni PSSgt. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang pumasok ang suspek at nagkunwaring magpapabunot ng ngipin sa dental clinic sa Figueroa St., Bahayang Pag-asa, Brgy. Molino IV, Bacoor City.

Nang wala nang ibang customer ay naglabas ng baril ang suspek at hinila ang biktima sa loob ng comfort room saka nagdeklara ng holdap at kinuha ang cellphone ni Shaina.

Hindi pa nasiyahan ang suspek, nilamas pa ang dibdib ng dental assistant ngunit nakahulagpos at tumakbo palabas ang biktima saka humingi ng saklolo.

Tiyempo namang napadaan sa lugar ang pulis na mabilis na umaresto sa suspek.

Nabatid na ang baril na ginamit ng suspek sa panghoholdap ay isa palang pellet gun. (SIGFRED  ADSUARA)

Please follow and like us:
Read More

SEAMAN PINATAY NG HOLDAPER SA MISMONG KAARAWAN

GUN-3

NALAGUTAN ng hininga ang isang seaman makaraang pagbabarilin ng dalawang hinihinalang mga holdaper at tinangay ang kanyang motorsiklo nitong Biyernes ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na nakapagdiwang ng kaaarawan ang biktimang si John Paul Sargento, 25, ng Kingfisher St., Zabarte Subdivision, Novalichez, Quezon City, na hindi umabot nang buhay sa Jose N. Rodriguez Hospital, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Quirino Highway, harap ng MRT7 Depo Gate, Brgy. 163.

Ayon sa pulisya, tinutukan ng baril ang biktima, hinoldap ngunit pumalag kaya pinagbabaril ng mga suspek saka tinangay ang kanyang motorsiklo.

Napag-alamang suma-sideline si Sargento bilang motorcycle transport rider habang hinihintay ang kanyang pagsampa sa barko bilang seaman. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

2 HOLDAPER, PATAY; 1 PULIS KRITIKAL SA MANILA SHOOTOUT

(NI RENE CRISOSTOMO)

DALAWANG hinihinalang holdaper ang napatay ng mga operatiba ng Manila Police District habang patuloy na inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isa sa pulis,sa tinamaan ng 4 na beses sa katawan kamakalawa ng gabi sa Sta.Cruz,Manila.

Unang naka engkuwentro ng mga tauhan ni P/ Lt.Col. Reynaldo Magdaluyo ,Station Commander ng MPD-PS 3 ,ang suspek na si Rodel Vicente, 34, ng 1555 New Antipolo St.Sta.Cruz.

Si Vicente ang bumaril at kasalukuyang kritikal sa  Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), kay  PCpl Edgil Bombase dahil sa 4 na  tama nang bala sa tiyan at sa atay.

Matapos  ang insidente nang shootout, nagsagawa ng follow- up operation sa hanay ni P/ Insp. Rowell Robles , hepe ng MPD-Alvarez Police Community Precinct hanggang sa mamataan ng mga ito ang unang suspek ,na nakilalang  si Antonio Yap, 45, at residente ng 649 Blk15 Port Area, Manila.

Batay sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, naganap ang unang engkuwentro ng bandang alas-10:35 ng gabi sa riles ng tren sa panulukan ng Tomas Mapua St.,at Old Antipolo St., Sta.Cruz

Papasok pa lamang si Cpl.Bombase nang salubungin   ito mga putok ng baril, galing kay Vicente .

Narekober ng mga awtoridad ang baril na  9 mm na kalibreng baril; 50 gramong hinihinalang shabu ; P130,000 cash ; 26 na tabletang ecstasy ; timbangan; iba’t ibang klase ng mga alahas na silver .

Gayunman ,nagpasiya si P/Insp. Robles ang mag follow – up sa kaso ng bandang 11: 30 ng hatinggabi  hanggang sa maka engkuwentro nila si Yap sa kahabaan ng  Rizal Avenue, malapit sa Quiricada St. sa Sta.Cruz .

Napatay si Yap at narekober dito ang Glock 17 pistol at ilang gamit.

Bago ang insidente inutusan umano ni P/ Capt. Kherwin Evangelista, block commander ng MPD – Blumentritt Police Community Precinct ng Station 3,  si Cpl. Bombase at dalawa pang pulis  na magsagawa ng beripikasyon at follow-up operation sa naganap na holdapan sa kanilang nasasakupan sa  Blumentritt St.sa Sta.Cruz.

Dito na nakatanggap ng impormasyon si Bombase na may ilang armadong indibiduwal ang namataan sa panulukan ng Tomas Mapua at Antipolo St. kaya nirespondehan ng mga pulis. Lumalapit pa lamang sa grupo ang mga pulis nang paputukan si Bombase na tinamaan agad ng 4 na bala.

 

Please follow and like us:
Read More

3 HOLDAPER UTAS SA SHOOTOUT

buy-bust dead

(NI BONG PAULO)

Bumulagta ang tatlong pinaghihinalaang mga holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis nang aarestuhin ang mga ito ng pulisya sa Yapsea Street, Brgy. RH-10, Cotabato City, hapon nitong Biyernes.

Kinilala ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Boy Ali Dilalagan Lumilis alyas Boy, 23-anyos; Jordan Abdullah,  nasa hustong gulang habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Ayonkay PCaptain Rostum Pastolero, hepe ng police station 2, una silang tumanggap ng impormasyon na may tatlong kalalakihan umano na sakay ng motorsiklo na may kahina-hinalang ikinikilos sa nasabing lugar, pasado alas-5:00 ng hapon.

Agad na rumesponde ang mga ito at naaktuhan na isa sa tatlong mga suspek ang nanutok ng baril sa isang payong-payong driver na may sakay na mga estudyante.

Nilapitan ni Pastolero ang mga ito pero nagpaputok ng baril ang isa sa tatlo hanggang sa mauwi sa shootout.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang dalawa sa tatlo pero dead on arrival ang mga ito sa pagamutan.

Inaalam pa ng otoridad kung may iba pang krimen na kinasaangkutan ang mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

ISA SA HOLDAPER NG TRUCK NA NAG-VIRAL SA TONDO, KINUWELYUHAN

HOLDAPER-2

(Ni RENE CRISOSTOMO)

DAHIL sa isinagawang follow – up opearation ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), natimbog ang isa sa apat na lalaki na nangholdap ng isang van driver na nag-viral  sa social media sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10, Tondo , Manila.

Napag-alaman sa ulat na iprinisinta ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isa sa suspek na si Christopher Dumapi alyas “Toper”, nasa hustong edad.

“Akala natin magtitino ang mga lokong ito. Lumala pa eh. Hindi lang sila nangunguha ng materyales sa trak. Pinapasok na ‘yung driver,” ayon sa alkalde.

Nabatid na isang netizen ang nakakita sa ginawa ng mga holdaper at nai-video at saka ipinost sa Facebook.

Nakita sa video na  puwersahan binuksan ng apat na kalalakihan sa pintuan ng truck na nakahinto dahil sa  matinding trapik sa naturang lugar.

Inakyat ang driver at saka tinutukan ng patalim ang driver na walang takot na ginawa sa matinding sikat ng araw, habang bitbit pa ang patalim.

Agad namang  nagsagawa ng anti-criminality operation ang tauhan ng MPD SMaRT , para matunton ang mga suspek

Nauna nang nag viral sa social media ang ginawa ng apat na suspek nitong nakaraang Oktubre 6 .

Bukod sa kasong kinahaharap ni Dumapi , nadiskubre pa na may nakabinbin pa itong warrant of arrest sa Manila Regional Trial Court Branch 33.

Kinilala  pa ni Moreno ang tatlo pang suspek na sina Jack Dumapi, Junjun Barola, at Jimwell Jimenez na patuloy na tinutugis .

Gayunman , pinasalamatan naman ni Isko ang netizen na kumuha ng video ng panghoholdap.

“Maraming salamat sa iyo. Kung hindi dahil sa’yo, hindi mo inupload, hindi natin mabibigyan ng hustisya ang ginawang pang-aabuso sa driver ng truck,” ayon sa alkalde.

Nanawagan naman si Moreno sa mha kaanak ng iba pang mga suspek na isuko ang mga ito at harapin ang ginawa nilang criminal.

Please follow and like us:
Read More

2 HOLDAPER NAKIPAGBARILAN, PATAY SA MGA PULIS

(NI LILY REYES/PHOTO BY JIMMY CARBO)

TUMIMBUWANG  at patay ang dalawa  sa tatlong kilabot na holdaper makaraang biktimahin  ang  lady trader at technician sa Novaliches, Quezon City, bago mag hating gabi kahapon.

Base  sa report ni PLt.Col. Rossel I. Cejas,  bandang  alas -11:30 Huwebes ng gabi  nang holdapin ang dalawang  biktima  ng tatlong  suspek na magkakaangkas sa motorsiklo sa may Andrew St., cor. Jude Maris St., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Kinilala ang dalawang biktima na si Dulce Austria, businesswoman at Felix Valesteros, technician na pawang residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches ,QC.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bandang alas 11:30 ng gabi nang tutukan ng baril at holdapin ng tatlong suspek ang mga biktima habang naglalakad sa  Dela Cruz St. sa nasabing barangay.

Mabilis naman nakapagsumbong  sa pulisya ang dalawang biktima kung saan agad na nakaresponde ang mga operatiba ng Novaliches Police Station PS4 at namataan ang tatlong holdaper na tumatakas  gamit ang motorsiklo na walang plaka.

Mula sa Dela Cruz St., hinabol ng rumespondeng otoridad ang tatlong armadong holdaper  at nasukol ang mga ito. Gayunman, sa halip sumuko, nanlaban ang mga ito dahilan ng kanilang kamatayan.

 

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER NABARIL, PATAY SA PRESINTO

crime55

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY ang isang holdaper  na nang-agaw ng baril sa presinto  habang iniimbestigahan kaugnay sa babaeng pasahero ng dyip na kanyang itinulak noong Mayo 26, sa Dimasalang St., Sta Cruz, Manila.

Ang suspect na si Enrique Lugtu ay binawian ng buhay alas 4:18 Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Captain Kherwin Evangelista ng Manila Police District-Station 3, habang isinasagawa ang booking procedure  ni P/Corporal Analyn Sanvictores ay inagawan ito ng baril ni Lugtu kaya’t nang makita ni P/Corp. Krisnel Vidanes ay nakipambuno hanggang sa maputukan siya ng tatlong beses.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Lugtu subalit binawian din ng buhay .

Nabatid na matapos maaresto Biyernes ng madaling araw si Lugtu ay isinalang sa imbestigasyon bandang alas 4:00 ng hapon para sa isasampang kaso.

Noong Mayo 26 pa nang maganap ang panghoholdap ng suspek na si Lugtu sa pampasaherong dyip sa Dimasalang St., Sta Cruz, nang itulak niya mula sa loob ng dyip ang isang Emelita Legnes.

Nabagok ang ulo ni  Legnes kaya naospital ito subalit namatay din Biyernes ng gabi.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section sa dalawang insidente ng pagkamatay ng suspek na si Lugtu at ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

‘PULIS’  HOLDAPER SA MAYNILA TIKLO

fake gun

PEKENG baril ang nakuha sa lalaking nagpakilalang pulis ngunit holdaper pala sa Quiapo, Maynila at kalapit na lugar.

Arestado si Abrah Abdulah at dinala sa barangay hall nang makorner matapos makapangholdap ng residente. Sinabi ng opisyal sa barangay na matagal nang tinatarget ang suspect na kadalasan ay sakay ng motorsiklo kapag nanghoholdap.

Bumababa umano ito ng motor saka sisitahin ang bibiktimahin at magpapakilalang pulis. Kadalasang cellphone at pera ang tinatangay nito sa mga bikitma. Sinabi ng mga nabiktima na dahil sa takot at nagpapakilalang pulis ang suspect ay wala na silang magawa kundi ang ibigay ang kanilang wallet. Sangkot din si Abdulah sa panghoholdap sa isang delivery truck.

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER SA PASAY TIMBOG

ARRESTED-3

ISANG 29-taong-gulang na lalaki ang naaresto ng mga pulis dahil sa panghoholdap umano sa taxi driver sa Lungsod ng Pasay Miyerkules ng gabi.

Ang nadakip ay si Angelo Castro, walang trabaho na nakatira sa Evangelista Street, Brgy. 168.

Si Florencio Molina, taxi driver na residente ng Evangelista Street sa Pasig City.

Ayon sa pulisya, dakong 10:00 p.m. nasakote si Castro ng mga pulis nang sundan nito ang taksi na napansin ng isang pulis ng Aviation Security Group sa kahabaan ng C – 5 Extention sa Brgy. 201 na tinututukan ng isang pasahero ang drayber ng nasabing taksi.

May sugat sa noo at kaliwang kamay ang biktima na pinaniniwalaang tama ng screw driver na gamit ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

6 HOLDAPER SA CAGAYAN PATAY

POLICE DO NOT CROSS

TUMIMBUWANG ang anim na hinihinalang holdaper matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Lallo, Cagayan.

Nauna rito, nagsumbong sa pulisya ang tatlong negosyante na magkakasunod hinoldap ng isang grupo ng kalalakihan sa Barangay Bicud.

Nabatid kay Senior Supt. Warren Gaspar Tolito, director ng PNP Cagayan, agad naglatag ng checkpoint ang PNP Lallo hanggang dumaan dito ang van na sinasakyan ng ilang kalalakihan.

Sa halip na huminto ay pinaputukan ng mga sakay ng van ang mga pulis na humantong sa shootout.

Makalipas ang ilang segundo ay napatay ang mga suspek pero isa sa kanila ang nahuli nang buhay na kinilalang si Reyes Puyaw. Ang mga suspek ay pawang residente ng Pinukpuk, Kalinga.

Nakuha sa sasakyan ng grupo ang mga baril at granada at nasa P200,000 cash, mga alahas at cellphone na kinuha mula sa kanilang mga biktima.

Sinabi pa ni Tolito na posibleng ang nasabing grupo na kinilalang “Gener Dunag” ang mga dati nang nahuli sa bayan ng Pamplona dahil din sa holdup robbery noong 2017 subalit nakalaya matapos makapagpiyansa.

Ang nasabing grupo rin ang hinihinalang nasa likod ng holdapan sa Cagayan.

Please follow and like us:
Read More