TAXI DRIVER, HINOLDAP, PINASLANG SA PASAY

cabdriver12

(NI KOI HIPOLITO)

INAALAM  ng otoridad ng Pasay City Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaslang sa isang taxi driver na natagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi at iniwan sa lugar ng F.B. Harrison Avenue corner Gotamco St., Brgy. 16, Zone 1 sa Pasay City, dakong 9:30 ng gabi noon Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54, residente sa No.696 Block 2, Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City, taxi driver ng Elpa Taxi Company na meron plaka na UVW-582.

Base sa ipinadalang report ng Buendia Police Community Precint (PCP-2) kay Pasay City acting Chief of Police Colonel Bernard R. Yang, isang tawag umano ang kanilang natanggap galing sa isang security guard na nakatawag pansin sa grupo ng mga kalalakihan na nakapaligid sa isang kulay puting kotse. Nang lapitan para alamin ang pangyayari ay nakita niya bangkay ng biktima.

Sinabi ni P/Cpl. Anthony Rico na posibleng hinoldap muna bago pinaslang ng hindi pa kilalang salarin ang biktima.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

P4-M PANALO SA CASINO NATANGAY SA KOREANO

casino 100

HINARANG at hinoldap ng mga armadong lalaki ang taxi na sinasakyan ng isang Koreano at natangay ang nasa P4 milyong napanalunan nito sa isang casino sa Buendia Flyover, Roxas Boulevard, Lunes ng madaling araw.

Hindi nagpakilala ang biktima ngunit sinabi ng kaibigan nito na galing ang biktima sa isang casino kung saan nanalo ng naturang halaga at sumakay ng taxi para lumipat sa katabing casino sa Paranaque.

Pagdating umano sa Buendia flyover ay hinarang sila ng mga lalaking sakay ng SUV. Tatlong lalaking mula sa sasakyan ang bumaba, nanutok ng baril at tumangay sa pera ng biktima.

Humingi ng tulong ang taxi driver na si Richard Sarmiento sa isang security guard na nakatalaga malapit sa Buendia flyover ngunit wala na ang mga suspect pagbalik nila.

Naniniwala ang biktima na minamanmanan na sya ng grupo at nasundan nang malamang malaking halaga ang napanalunan nito. Inaalam na kung may nakakabit na CCTV sa lugar upang mabilis na malutas ang insidente.

Please follow and like us:
Read More