HITMAN INUTAS NG KATROPA

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang hitman na siya ang itutumba ng kanyang kasamahan at barilin habang nakatalikod, Lunes ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Al Sadam Saybel , ng Maasim Sarangani Province.

Batay sa report ng Glan-PNP, dakong alas 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Purok Basak, Barangay Tapon Glan, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle pauwi sa kanilang bahay nang sundan ng kanyang kasama na sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, naabutan pa nila ang biktima na nakasuot ng maskara at nakuha mula sa bag nito ang isang .45 kalibre na baril na may silencer at mga magazine ng mga bala.

Nagpapatuloy naman ang follow-operation ng mga awtoridad laban sa mga kasamahan ng biktima na pinaniniwalaan grupo ng gun for hire.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL NA HITMAN, NILIKIDA

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

DALAWANG  bangkay  ng magkapatid na umano’y kapwa hitman sa lalawigan ng Quezon, ang nadiskubre sa San Juan, Batangas, Sabado ng madaling araw.

Laking gulat ng nakakitang residente  nang bumulaga rito  ang mga bangkay na parehong nakagapos ang mga kamay at nakabulagta sa gilid ng kalsada sa   Barangay Janao-Janao.

Kinilala ng San Juan police ang mga ito na sina Elmer at Noli Alano, mga residente ng Sariaya, Quezon at umano ay parehong gun for hire at sangkot sa ilang serye ng pamamaslang sa iba’t ibang bayan sa Batangas at Quezon.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, nakita na tadtad ng mga tama ng bala ang sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang bangkay.

Nakabalot din pareho ng packaging tape ang ulo ng mga ito.

Ayon kay PLTCOL Rosell Encarnacion, hepe ng San Juan police, posibleng sa ibang lugar pinatay ang dalawa at itinapon lamang doon ang mga bangkay dahil walang ibang nakitang ebidensya maliban sa  mga katawan.

Napag-alaman din na ang dalawa ay dating naninirahan sa nasabing barangay subalit matagal nang lumipat ng tirahan sa Sariaya.

Palaisipan din sa mga awtoridad kung anong gustong iparating na mensahe ng mga salarin at  bakit sa pinagmulang lugar ng dalawa itinapon ang mga bangkay.

 

Please follow and like us:
Read More

HITMAN NG MGA TAGA-MUNTI, DEDO SA ENGKUWENTRO

HITMAN by NILOU DEL CARMEN

(Istorya at Larawan ni NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang leader at isang miyembro ng gun for hire group na umano’y ginagamit na hitman ng mga bigtime personalities na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa matapos ang engkwentro sa mga pulis sa Batangas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Irasty Falqueza Carinan alyas Recca na siya umanong lider ng Recca Criminal group at ang miyembro na si Erwin Bulandan.

Ayon kay Senior Supt. Edwin  Quilates, director ng Batangas PNP, ang Recca Group ay ginagamit ng mga bigtime drug personalities na nakakulong sa Munti laban sa kanilang mga karibal sa drug trade at sa paglikida sa mga law enforcers na sagabal sa kanilang iligal na negosyo.

Batay sa report ng Batangas City police,  nagsasagawa ng Oplan Salicop ang mga miyembro  ng Provincial Intelligence Branch, Criminal Investigation and Detection Team-Batangas at  Batangas City Police Station sa Barangay Sta. Clara, nang masabat ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 4:00 ng madaling araw.

Subalit sa halip na huminto ay tumakas ang dalawang suspek at nagkahabulan na nauwi sa barilan.

Umabot sa Sitio Puyo sa Brgy. Sta Clara ang barilan na ikinasugat ng dalawa.

Isinugod pa sa St. Camilus Hospital ang mga ito subalit ideneklara ng dead on arrival ng doktor.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 at isang Ingram.

Please follow and like us:
Read More