HELLO, LOVE, GOODBYE ‘PIRATES’, HULI

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KUMILOS ang Optical Media Board at sa kanilang ginawang inspection sa PiTX, nahuli nila ang mga bus na nagpapalabas ng pelikulang Hello. Love,Goodbye. Tinukoy nila ang mga bus na nahuli na Metro Manila Transit, Saulog, at Santrans. Nakalagay daw ang pelikula sa isang USB drive at ipinapalabas iyon sa mga telebisyon sa loob ng bus.

Finally may nahuli rin sila, kahit na wala naman halos pumaparada riyan sa PiTX. Kung nagpunta sila sa mga terminal ng bus, mas marami silang makukuha niyan at ganoon din ang kopya ng iba pang mga pelikula. Kahit na pelikulang ingles mayroon. Kahit na nga bold mayroon, at walang pakialam ang mga driver at konduktor ng bus kung may nakasakay mang mga bata. Iyan ay hindi rin napapansin ng napakaraming “deputies” ng MTRCB, na mukhang ang ginagawa lamang ay nanoood ng sine nang libre.

Pero napag-usapan na rin iyang pelikulang iyan, talagang malaki na ang kinita niyan. Iyon na nga ang highest grossing Filipino film of all time. Pero ang usapan nga, tingnan ninyo iyang si Alden Richards, binuild up nang todo iyan ng mga taga-Kamuning, iisipin mo bang makakagawa ng ganyan kalaking hit doon sa Mother Ignacia pa, eh magkalapit lang naman ang dalawang kalyeng iyan?

Ano nga ba ang dahilan at hindi nakagawa ng ganyang pelikula sa Kamuning? Aba eh ni sa hinagap hindi inaasahang makagagawa ng pelikula si Alden na ganyan kalaki ang hahakuting pera sa takilya, pero nagawa nga sa kanya ng mga taga-Mother Ignacia.

Iyon ba ang dahilan kung bakit sinasabing maraming mga taga-Kamuning na gustong gumawa ng pelikula sa Mother Ignacia? Kasunod na nga ni Alden ang dating ka-love team na si Maine Mendoza, at sino pa nga kaya ang susunod?

   ANG LONG HAIR NI GIL ANG HINDI PROBLEMA

Kung kailangan na raw niyang ipagupit ang kanyang buhok dahil sa isang magandang project, gagawin niya, sabi ng male starlet na si Gil Cuerva. Aba malaking pagbabago iyan dahil noong una, sinasabi niyang hindi niya ipagugupit ang kanyang long hair.

Noong nagsimula si Gil diyan din sa Kamuning, ang feeling nila may natisod silang isang matinee idol. Talagang todo build up din naman ang ibinigay sa kanya. Napansin din naman siya pero parang wala rin eh,kaya nga noong bandang huli nasa isang cooking show na lang siya. Buti nga ngayon nabigyan na naman yata ng role.

Hindi iyong buhok ang problema ni Gil. Iba eh. Magpaputol man siya ng buhok kung hindi nila ma-check ang talagang problema, wala rin iyan,

 

Please follow and like us:
Read More

PINATUNAYAN NG HELLO, LOVE, GOODBYE  NA KIKITA ANG MOVIE KUNG …

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYAN maliwanag iyan ha, nag-opening ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong araw ng Miyerkules. Papaano ngayon sasabihin ng mga nagmamarunong diyan na ang pelikula ay kikita kung Biyernes ang opening? Iyong pelikula nina Kathryn at Alden, ipinapalabas sa 350 sinehan. Papaano ngayon sasabihin ng iba riyan na ang binibigyan ng priority ng mga sinehan ay mga pelikulang Ingles lamang at ang pelikulang Pilipino ayaw ilabas?

Makikita ninyo ngayon na sinusuportahan ng mga may-ari ng sinehan ang pelikulang Pilipino. Isipin ninyo, ibinigay nila ang 350 sinehan nila sa isang pelikula lamang para kumita nang mas malaki sa mga unang araw ng showing. Bakit Marvel ba ang producer ng Hello,  Love, Goodbye?

Maliwanag na kaya hindi nakakakuha ng sine ang marami sa kanilang pelikula at tinatanggihan ng mga sinehan ay dahil hindi kumikita ang mga iyon, madadamay lang ang sinehan sa lugi. Wala ring nanonood ng mga iyon, dahil sino ba ang gagasta ng halos P300 para manood ng pelikulang hindi mo naman gusto? Ang nanonood lang niyan sila-sila rin, at may mga MTRCB cards iyang mga iyan kaya libre sila sa sinehan. Papaano ngang kikita iyon?

Hindi sila matalino. Kasi kung pag-aaralan mo ang history ng pelikulang Pilipino sa nakaraang 100 taon, dapat alam mo kung anong klaseng pelikula ang gustong panoorin ng mga Pinoy. Eh hindi eh, gumagawa sila ng pelikula na ang nakakagusto ay sila rin lang, tapos sasabihin may krisis. Hindi totoong may krisis. May kabobohan, dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawing pelikula.

Huwag ninyong sisihin ang artista kung hindi kumita ang pelikula. Kukuha kayo ng walang mga fans, kung mayroon man iilan. Gagawin mong bida sa pelikula, natural walang manonood, Sino ngayon ang bobo? Sino ba ang bumuo ng casting?

Pag-aralan nga muna ninyo ang pinagsasabi ninyo. Nakakahiya na.

 

Please follow and like us:
Read More