JENNYLYN NO-SHOW; HEART IPINAGTANGGOL SI JOSE

heart12

(NI VINIA VIVAR)

HINDI nakarating si Jennylyn Mercado sa mediacon ng StarStruck 7 held last Monday night dahil may taping siya ng Love You Two. Pero nagpadala naman siya ng video greetings ang expressed how excited she is sa pagsisimula ng talent search na kanyang pinagsimulan.

Fifteen years ago nang sumali si Jen sa kauna-unahang Starstruck wherein she emerged as the Ultimate Female Survivor.

It’s amazing na mula sa pagiging hopeful, ngayon ay siya na mismo ang nagho-host ng nasabing artista search kasama ang original host na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Jen, walang katapusang pasasalamat ang ibinibigay niya para sa GMA-7 at sa StarStruck because they made her who she is today.

Magsisimula na sa June 15 ang StarStruck Season 7 with 11 boys and 11 girls vying to become the next Ultimate Female and Male Survivors.

Ang mga StarStruck Council naman ay binubuo nina Heart Evangelista, Jose Manalo and Cherie Gil. Join din si Kyline Alcantara bilang StarStruck Insider, the host of Starstruck’s online show, Inside StarStruck na nag-premier na last Monday, June 10 at napapanood every Monday to Friday, 6 pm.

HEART IPINAGTANGGOL SI JOSE

Sa nasabing presscon pa rin ng StarStruck 7, Ipinagtanggol naman ni Heart ang co-judge na si Jose sa mga nagsasabing wala itong karapatan na maupo as Starstruck Council dahil isa siyang komedyante.

Ayon kay Heart ay napakahirap din daw maging komedyante.

“Sobrang hirap maging komedyante. It’s really something that innate and I think, for him to be a judge, he’s perfect. Because hindi biro ‘yung ginagawa niya everyday,” sabi ni Heart.

Ayon naman kay Jose, hindi naman daw niya inilalagay sa kukote niya na judge siya at pinili siya dahil karapat-dapat siya.

“Hindi ko po nilalagay sa ulo ko ‘yun, kaya kung ano ang marinig ko sa kanila, hindi naman masakit,” sey ni Jose.

Hindi raw niya pinoproblema ang mga pangba-bash sa kanya.

“Wala akong Facebook, wala akong social media, para hindi nag-iinit ang ulo ko,” aniya.

“Ang dami ko na ngang problema, poproblemahin ko ba sila? So ‘yung mga taong ganu’n, siguro naghahanap lang sila ng atensyon sa buhay. Sabi nga, pag meron kang problema sa buhay mo, pilit mong ibinabato sa ibang tao para mapagtakpan.

“’Yun ang pinakamahirap sa tao, ‘yung tanggapin mo ang pagkakamali,” he said.

 

Please follow and like us:
Read More