HEART PAPUNTA ULIT NG CHINA TO FINISH AN ACTION MOVIE

(NI GORGY RULA)

DOON din sa Starstruck ay sandali naming nakatsikahan si Heart

Evangelista na aalis na naman pala pa-China para tapusin ang action movie na ginagawa niya.

Nilinaw namin sa kanya ang isyu tungkol sa kapatid niyang si Camille Ongpauco na nagkaroon pala ng baby kay Andrew Wolf.

Sinasabi kasi ng ibang netizens na kasal daw si Camille sa ibang lalaki, tapos nabuntis ni Andrew.

“She’s single,” sabi ni Heart. Kaya wala raw conflict.

Masaya lang daw sila ngayon dahil may nadagdag na bagong miyembro sa pamilya.

Nandun daw ang suporta nila kay Camille.

We support each other and we’re so happy, because I have a beautiful niece,” pakli ni Heart.

Tanggap naman daw si Andrew sa pamilya kaya nga kasama siya sa ilang family gatherings nila na nakikita naman sa social media.

“I guess natuto na sila sa experience namin,” napapangiting sagot sa amin ni Heart, na ang ganda ganda ngayon sa bagong look niyang mala-Monica Belluci na hairstyle.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HEART KAGAYA-GAYA ANG SOSYAL NA FASHION SENSE

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ANG dami nang gumagaya sa fashion ni Heart Evangelista huh!

In fairness naman sa bonggaderang Heart, may taste naman talaga.

Kaya nga ang isang balak pala niya ay gumawa ng fashion book niya.

Sa tulong siyempre ng ini-endorse niyang Kamiseta, magagawa niya ito at marami pa silang style na i-introduce sa fashion book na yun.

Last Saturday, binuksan na sa Uptown sa BGC ang isa pang branch ng Kamiseta na dinagsa na naman ng mga fans niya.

Tsika nga sa akin ni Cris Roque ng Kamiseta, mabenta raw talaga ang mga products nila lalo na yung scarf na mga paintings ni Heart ang design. Ang ibang scarf kasi, ginagawa pa nilang damit. Kaya marami pang paintings si Heart na gagawin ng Kamiseta.

Medyo na-stress na lang daw ngayon si Heart dahil puno ang schedule niya.

Bukod sa Starstruck na kung saan nag-council siya dun, tatapusin pa raw niya ang action movie na ginagawa niya sa Hongkong, Nag-Paris pa siya para sa fashion week, kaya medyo na-stress daw siya sa kabibiyahe niya.

May ginagawa pa siyang mga projects sa Sorsogon, kaya medyo ngarag nga raw siya.

Nakadagdag pang stress sa kanya kapag tinatanong siya tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Kaya ayaw daw niya masyadong sagutin ang tungkol sa baby dahil nai-stress daw siya, Medyo nakapag-move on na raw siya ngayon pagkatapos siyang makunan ng kambal, pero kapag tinatanong daw siya tungkol dito, bumabalik sa kanya ang sad experience na yun.

Kaya ayaw na raw niya i-share kung kailan niya gustong magka-baby. Kung sakaling mabuntis daw siya, wala raw makakaalam. Malalaman daw pagkatapos niyang manganak.

Siyempre, hindi naman maitatago nang ganun ganun lang di ba? Kapag matagal-tagal na hindi natin makikita si Heart, mapagdudahang buntis na siya niyan. Naku! Ako pa! Malalaman ko rin naman yan, kung sakaling mabubuntis si Heart.

EXCITED SI MARK DAHIL ANG MUSICAL NA HERE LIES LOVE  NG MARCOSES IBABALIK

Medyo excited ngayon si Mark Bautista dahil nababalitaan daw niyang baka ibalik ang musical play niyang Here Lies Love.

Hindi lang daw niya alam kung saang bansa sila magpi-perform, hinihintay lang daw niya ang advise kung kailan ito.

Nami-miss na rin kasi ni Mark ang mag-musical pero hindi lang daw niya nagagawa sa ngayon dahil sa Studio 7.

Hindi siya makaalis-alis ng bansa dahil every week dapat may kinakabisado kang kanta.

Diyan pala sa Studio 7 kabisado nila lahat na kanta.

Wala raw silang prompter. Pati nga mga guests, walang prompter kaya dapat pinag-aralan mo talaga ang lahat na mga kakantahin mo.

“It’s always a challenge every episode, lalo na ngayon kasi every taping parang tatlong episodes ang ginagawa pero ini-enjoy naman namin eh,”pakli ni Mark nang nakatsikan siya ng mga reporters sa nakaraang concert ni Julie Anne San Jose.

Kaya maganda ang feedback sa mga production numbers nila sa Studio 7 at in fairness, tumataas ang rating magmula nang nilipat na sila ng Sabado nang gabi.  Medyo late na lang nga, lalo na pag may ma-extend na mga programa na nauna.

Sana medyo aga-agahan para mapanood ko naman no!

Sabi pa ni Mark, kung sakaling mabigyan daw siya ng chance na makapag-Westend, susubukan daw niyang mag-audition uli para makapag-musical na siya.

Pero abangan na lang natin kung sakaling ipalalabas uli ang Here Lies Love nina Mark.

Sana maipalabas din dito yan, kasi kuwento talaga dito sa atin.

Kuwento ito ng dating Pres. Ferdinand Marcos at first lady Imelda Marcos.

Hindi naman siguro dito haharangin sa atin ng Marcos family kung sakaling ipalalabas dito sa atin.

Hindi na nila pinagpapansin ang mga ganyan no!

 

Please follow and like us:
Read More

HEART BRIMMING WITH EXCITEMENT

heart23

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

DESIDIDO si Heart Evangelista na ituloy ang plano niyang pagtatayo ng parang shelter for animals sa Sorsogon na pinamumunuan ngayon ng Governor husband na si Chiz Escudero.

Noong kapapanalo pa lang ng mister niya ay nabanggit na ni Heart sa isang interview ang plano niyang ito and one month later, heto’t may hakbang na siyang isinagawa.

Nag-post si Heart ng larawan niya habang nakatayo sa isang madamong lupa at sa caption, aniya ay ito raw ang site na pagtatayuan ng shelter.

“As you all know, I’ve always had a soft spot for animals and it’s a dream of mine to be able to do more to champion their welfare. This will be the site of one special endeavor that is near and dear to my heart— building a facility which provides services such as spaying, neutering, tagging and shots, and a community that welcomes
animals and treats them with love.

“This is step one and I am already brimming with excitement for this special project and I can’t wait to finally turn this dream into reality! Doing this one step at a time until we get there. I am very honored to be part of what Sorsogon is building,” ang caption ni Heart.

Marami namang netizens niya ang natuwa sa post na ito at may mga nag-offer na nga na kung kailangan ni Heart ng volunteers ay willing sila.

Please follow and like us:
Read More

HEART SUPER MISS SI CHIZ SA CHINA

heart evangelista12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

BALIK-China si Heart Evangelista para sa shooting ng sequel ng kanyang international film base na rin sa kanyang mga IG posts.

Sa isang post, ayon kay Heart ay miss na miss na niya ang kanyang pamilya.

“Back in China. I’m missing my family terribly, but I’m so thankful to be here. I feel way too lucky to be chasing my dreams here to have any complains,” ang caption ni Heart sa in-upload na larawan ng kanyang silya sa shooting.

Nag-post din si Heart ng larawan nila ng mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero at sa caption niya, obvious na talagang nami-miss na niya ito.

“You, my love, are my source of limitless love and support, and I wouldn’t trade it for the world,” caption ni Heart.

Ilang araw na rin sa China si Heart at noon pa niya sinasabi sa mga interview kung gaano siya ka-excited sa kanyang Holywood action film kung saan ay nakuha niya ang lead role.

Hindi pa idinedetalye ng aktres though kung ano ang title ng movie at kung sinu-sino ang makakasama niya dahil bawal pa raw.

                                  SETH HINAHANAP KAY ANDREA SA HORROR FILM NA BANAL

Sa lakas ng loveteam nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin (SeahDrea) sa Kadenang Ginto, hinahanap ng mga fans nila ang young actor sa horror film na Banal.

Hindi kasama si Seth sa nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Andrea, Bianca Umali at Miguel Tanfelix pero dahil nga ang daming kinikilig sa SeathDrea loveteam, tila hindi na sanay ang fans na hindi magkasama ang dalawa kahit bagong-bago pa lang ang loveteam nila.

Komento ng isang fan, “sayang wala si Seth diyan.”

Tanong naman ng isa, “ba’t wala si Seth?”

Samantala, happy si Andrea na maganda ang feedback ng mga tao hindi lang sa loveteam kungdi maging sa movie. She’s thankful na maganda ang takbo ng kanyang career ngayon and grateful at the same time sa mga fans niya na laging nandiyan to support her.

Nagsimula nang ipalabas ang Banal last Wednesday, May 29.

Please follow and like us:
Read More

HEART WILLING TUMIRA SA SORSOGON TO BUILD SHELTER FOR DOGS

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

Hindi na senator’s wife si Heart Evangelista kungdi Governor’s wife na dahil nga sa pagkakapanalo ng kanyang asawang si Chiz Escudero bilang governor ng Sorsogon.

Kaya naman ngayon, we could expect na mas madadalas na ang aktres sa Sorsogon para suportahan ang mga proyekto ng mister.

And of course, isa rin si Heart sa pinaka-unang nag-congratulate sa bagong Sorsogon Governor.

“Congratulations to my Governor Chiz Escudero!  You’ve worked in the senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your family have loved for years.

”For the past few months, you’ve told me endlessly about your plans for Sorsogon – developing their tourism, sports programs, health programs, and agricultural industry. I cannot wait to see your visions come to life.  Sorsogon, it’s your time to shine!

“My love, I’ll always be here for you, cheering you on forever,” ang post ni Heart sa kanyang Instagram account.

Ngayong gobernador na ng Sorsogon ang mister, nagpahayag na rin si Heart na willing siyang mag-stay na sa nasabing lalawigan. Sa panayam ng GMA News sa kanya, sinabi ng aktres na mahirap man para sa kanyang trabaho ay kakayanin niya ito.

“I have to go! Although I’ll be constantly working, pero kakayanin ko,” Heart was quoted saying.

Kung sakali, ani Heart ay gusto raw niyang magkaroon ng shelter for abandoned dogs sa Sorsogon.

“You know I don’t mind having a little house there. I really love dogs and I really wish to have a shelter there for dogs.

“If things turn out the way we want, as much as I can, I really want to help out in the animals there. I don’t mind actually staying there. I really enjoy it there, super!”

                  GT NA ANG GIRLTRENDS NA PINALAKAS AT PINAGSANIB-PUWERSA

Mula sa pagiging isang all-girl dance group ng “It’s Showtime,” mas pinalakas at mas palaban ang pinagsanib-pwersa at talento ng pitong miyembro ng bagong GirlTrends na ngayon ay tatawagin nang GT sa paglulunsad sa kanila bilang isang pop group.

Bagong look at isang debut single ang unang handog nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito, at Dawn Chang sa pagbabagong bihis ng grupo bilang recording artists at performers.

Pinamagatang “Breakthrough” ang single na isinulat at ipinrodus ng member na si Mica Javier na hatid ang mensahe ng women empowerment at pagiging positibo sa kabila ng mga dagok sa buhay.

Sa bagong GT, isa sa lead vocalists si Mica, na isa ring music producer, indie artist, at theater and film actress. Kasama niya sa lead vocals ang family breadwinner na si Krissha, na una nang ipinamalas ang galing sa pagkanta nang manalo bilang isa sa representatives ng bansa sa global talent competition sa Japan na “Nodojiman the World” noong 2017.

Lead dancer naman ng grupo ang host-actress na si Dawn, na sumikat para sa dance covers niya mula nang sumali sa “PBB” noong 2015. Game rin sa hatawan ang main dancer na si Joana, isang dating university cheerleader at “It’s Showtime” dancer.

Kilala naman si Chie para sa kanyang prangka at masiglang personalidad, palabang social media posts, at pagiging isang professional racer. Produkto rin ng “PBB” ang makulit at masayahing si Mikee na isa ring online sensation dahil sa kanyang song covers.

Samantala, si Sammie, 21, ang pinakabatang miyembro ng grupo at isa sa mga pinakakilalang Pinoy stars sa app na TikTok.

Sa ngayon ay out na ang music video ng Breakthrough na mapapanod sa You Tube kung saan ay  makikita na kung gaano ka-hot, ka-sexy at ka-daring ang bagong GT ngayon.

 

Please follow and like us:
Read More

OKAY KAY MARIAN NA SI HEART ANG LEADING LADY NI DINGDONG?

heartmarian12

(NI GORGY RULA)

SA June pa pala magsisimula ang Starstruck ng GMA 7 na nasa seventh season na.

Pero ang latest na nabalitaan namin, baka ngayong linggo ay ia-announce na sa 24- Oras ang lahat na bumubuo sa naturang talent-reality search.

Ang narinig pa lang namin ay si Dingdong Dantes pa rin ang maghu-host pero wala pang na-finalize kung sino ang co-hosts niya.

Nakumpirma na ring uupo bilang hurado sina Heart Evangelista at Cherie Gil, pero meron pa raw isang lalaki na magaling sumayaw. Lahat yun ay ibabalita ngayong linggong ito.

Matagal nang nagsimulang magpa-audition ang Starstruck pero medyo mahirap ang mga pinagdaanan ng mga nag-audition kaya nasala talaga nang husto.

Natagalan sila sa pagbuo ng top 80 na sumali kaya abangan natin kung may mga changes pa.

So far, wala pang nangyayari sa mga winners noong nakaraang season 6 na nanalo pa nung 2015.

Pasulput-sulpot lang si Klea Pineda sa ilang drama series, at si Migo Adecer naman na kung hindi lang nasangkot sa isang hit and run incident sa Makati, hindi pa siya nakilala ng karamihan.

Kaya dapat magkaroon talaga ng ingay itong 7th season, lalo na’t ibang-iba ang  line-up ng mga judges.

Ang inaasahan pang dagdag na intriga ay magsasama na sa isang programa sina Dingdong at Heart na alam naman nating hindi pa rin natatapos ang isyu ng mga fans nila ni Marian Rivera.

Sa totoo lang nang napabalita ang pagganap ni Dingdong sa Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun, ang daming nagkukomentong bagay na sana talagang si Heart ang kukuning leading lady niya roon.

Okay na kaya kay Marian?

    

         SARAP NA SARAP SI HUNK ACTOR KAY POGING ACTOR

Lalo pang pinag-uusapan ang kabadingan nitong kontrobersyal na hunk actor dahil hindi na talaga nakaligtas ang intriga sa isa pang hunk actor na mas pogi sa kanya.

Sa totoo lang, silang dalawa ang inaabangang ma-link dahil matagal nang pinag-uusapan ang kanilang kabadingan. Pero hindi pa sila nali-link.

Ngayon ay may nakalulusot nang intrigang nagkatikiman na raw ang dalawa at ang na-shock daw nang husto ay itong si poging hunk actor dahil hindi raw niya akalaing ang galing-galing sa kama pala nitong si kontrobersyal hunk actor.

Hindi maitatanggi ni poging hunk actor na nag-enjoy siya at siguro nasarapan din sa kanya si kontrobersyal hunk actor. Kaya masaya ang ending ng kanilang tikiman!

Ewan ko lang kung naulit at nauwi sa magandang relasyon, pero tingin ko hindi magkakaseryososohan dahil pareho na silang maingat.

Mas mabait si poging aktor kaya baka kawawa lang siya kung seryosohin niya si kontrobersyal na aktor.

Tama na siguro yung tikim-tikim na lang at huwag na munang mag-ulit kahit sarap na sarap sila sa isa’t-isa.

Mahirap nang lalo pa silang pag-usapan. Ingat-ingat din pag may time!

***

Ang dami nang nahihibang sa Avengers Endgame na ayon sa Box Office Mojo, umabot na ito ng $487M ang international gross nito.

Ayon sa pananaliksik ni Jerry Olea na OA ang kahibangan sa Avengers, mula raw noong Miyerkoles April 24 hanggang 26, noong Biyernes, naka $217M sa China, $27M sa UK, $23M sa Korea, $19.7M sa Australia, $15.2M sa Germany, $13.5M sa Italy, $12.5M sa Mexico, $10M sa Philippines, $9M sa India, $7.7M sa Indonesia at $7.1M sa Hongkong.

Kaagad tinaob ang The Fate and the Furious. Kaya naman umatras na ang Sons of Nanay Sabel ni Aiai delas Alas na magsu-showing na sana sa May 1.

Sabi ng Kapuso comedy queen, pinapili raw sila kung mag-move o endgame na  raw sila agad sa May 1. Kaya dun na sila sa move.

Kaya ang Maledicto ng Fox Philippines na lang ang tuloy pa rin ang showing sa May 1.

Hindi pa natin alam kung illipat pa rin, pero sa ngayon ay patuloy pa rin ang promo nila for May 1st showing.

Marami ang nagdarasal na maganda ang kalabasan ng Maledicto, iyung lumalaban naman at hindi dapang-dapa sa Avengers.

First venture kasi ito ng Fox Philippines sa tulong ng Cignal at Unitel, para hindi naman daw madala.

Maganda kasi ang sistema sa Fox at puring-puri ng mga artistang involved sa Maledicto kung paano sila alagaan ng production.

Kaya todo sa pagpu-promote sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, at Ina de Belen para naman magkaroon ng awareness na maganda ang pelikula at panoorin ito sa May 1.

Sana nga makabawi sila rito sa Maledicto.

Please follow and like us:
Read More

HEART EVANGELISTA DEBUTS AS KAMISETA CREATIVE DIRECTOR

heart1

(NI KC GUERRERO)

SABADO ng hapon ay nagkaroon ng big launch ang mga creations ni actress Heart Evangelista sa Kamiseta Trinoma Main Ground Floor.

This is their nth collaboration.

Puno ng scarves and other Heart Evangelista artistic creations ang clothing store.

First day rin nitong Sabado ni Mrs. Chiz Escudero bilang Creative Director ng Kamiseta.

Sobrang optimistic ni Heart sa new partnership niya with  Kamiseta.

“If you feel confident about everything, everything will come into place perfectly,” say ni Heart sa aming exclusive interview.

Aside from Kamiseta, maraming aabangan na projects na gagawin si Love Marie Ongpauco Escudero.

Isang well-attended ang launch yesterday hosted by society writer/model/TV host Tim Yap.

May live musician at may fashion show.

Overflowing pa ng food for alta-sosyedad people.

Kasama kaya ang Crazy Rich Asians movie sa sinabi ni Heart na aabangan sa kanya?

Please follow and like us:
Read More

SHOOT NI HEART SA CRAZY RICH ASIANS FAKE NEWS

heart

(NI ED DE LEON)

ANO ba iyan, nauna na naman ang mga pra la la. May nagsabing umalis na si Heart Evangelista papuntang China dahil sa shooting ng sequel noong Crazy Rich Asians, at sinasabi pa sa pra la la na major role ang gagawin ni Heart. Hindi siya kagaya ng iba na “nadaanan lang ng camera”. Ibig sabihin Tito KC, hindi masasabing para lang siyang “talent ni Josie Shoemaker Tagle”.

Bukod kay Heart, may isa pang nag-selfie sa airport dahil papunta na rin daw sa China at kasali rin sa pelikulang iyon.

Iyon pala sa isang taon pa ang shooting ng pelikula. Hindi pa raw tapos ang script, at lalong hindi pa final ang casting. Ano ba naman iyan?

Maski kami naniwala eh, akala namin totohanan na. Hindi pa pala. Iyon siguro nagsisimula na sila sa kanilang pre-production. Siguro nga may isinasagawa na silang mga auditions para sa mga roles sa pelikula, pero wala pang final sa usapan. Ganoon naman talaga ang mga malalaking pelikula. Huwag mong sabihing kilala kang artista, sasailalim ka pa rin sa audition.

Huwag na nating unahan, minsan nakakahiya eh. Kagaya nga noon hindi ba, nagyayabang may may mahalagang role, iyon pala iyong sinasabing mahalagang role, aba eh kayang-kayang gawin ng kahit na sinong talent ni Josie Shoemaker Tagle. Ano bang talent ang kailangan doon sa dinaanan ka lang ng camera at nakita ka ng fifteen seconds lang.

Pero alam naman ninyo ang mga pra la la, lalo na kung ang paraan ng pagbabalita ay “masyadong relevant” sa panahon. Iyon na iyon. Pero oras namang ipalabas dito sa  atin  katawatawa, kakahiya?

DI BIRO ANG TRABAHO NI CATRIONA

Grabe pala ang trabaho ni Catriona Gray sa New York bilang Miss Universe. Nagsisimula raw siyang maghanda alas kuwatro ng umaga, dahil may mga early morning appearances siya, kagaya noong isang araw nang lumabas siya sa Good Morning America. Tapos nakakapagpahinga siya ng mga alas sais na ng hapon. Aba mahigit na labindalawang oras na trabaho iyan.

Pero wala naman siyang reklamo dahil trabaho talaga iyon ng Miss Universe, at katungkulan niyang gampanan iyon nang isang buong taon. Pero may mga breaks naman. Papayagan naman daw siyang umuwi sa Pilipinas sa isang “official homecoming”. Iyon naman kasing nauna niyang uwi sa Pilipinas hindi official iyon, kaya nga wala siyang suot ng korona ng Miss Universe. Kasi nga hindi bahagi iyon ng official function niya.

Pag-uwi niya ulit sa susunod na buwan, iyon na iyon.

PROFESSIONAL MANGGAGANTSO SI NEWCOMER

Ang lakas daw ng loob na mangutang ng isang male newcomer. Marami siyang alam na drama. Kesyo kulang ang pambayad niya sa school. Kesyo hindi siya makakuha ng dorm dahil wala pang pera ang mama niya. At siyempre mangungutang siya sa mga “kaibigan” niya.

Pagkatapos na makautang, simula na ng panibagong game. Hide and seek na ang laro. Hindi na siya magpapakita, makikipag-usap, at basta nagsimula ka nang maningil blocked ka pati sa social media account niya. Aba professional.

 

Please follow and like us:
Read More