HEAD INVESTIGATOR NG BATUAN POLICE, PINASLANG

crime22

(NI JG TUMBADO)

ISANG chief investigator ng Batuan Municipal Police Station sa Masbate ang napatay sa pamamaril ng hindi pa natutukoy na salarin malapit sa kanyang himpilan, araw ng Biyernes.

Dead on the spot sa ilang tama ng bala ng baril ang biktima na nakilalang si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegada.

Batay sa ulat , kausap ni Alegado ang isang babaeng non-uniformed personnel ng PNP nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima nang malapitan.

Agad tumakas ang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

Hindi naman nasaktan ang babaeng kausap ni Alegado.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente habang patuloy na tinutugis ang nasa likod ng paglikida sa pulis.

Please follow and like us:
Read More