HALALAN KONTROLADO NG MGA TRAPO AT POLITICAL WARLORDS

warlords copy.jpg

(Ni Nelson S. Badilla / Ikatlong Bahagi)

SA pagsasaliksik ng manunulat na ito sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas, walang lider-manggagawa ang pinatakbo ng pampolitikang partido ng mga manggagawa mismo.

Sa pananaw ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), walang nabuong partido ng mga manggagawa mula nang magsimula ang eleksyon sa bansa sa panahon ng paghahari ng Kastila hanggang sa panahong kontrolado ng Amerika ang Pilipinas hanggang bago matapos ang Ika-20 Siglo.

Ani Fortaleza, hindi inintindi ng uring manggagawa ang halalan, marahil sa dahilang ‘laro’ ito ng mga tradisyonal na politiko at political warlords.

Kung babalikan at sisipating mabuti ang mga halalang naganap sa bansa, ang mga lider-manggagawa o nag-sasabing sila ay kinatawan ng uring manggagawa na lumahok sa mga nakalipas na eleksyon upang maging kasapi ng Kongreso, sila ay “boses” o kinatawan ng “Masang Pilipino” at hindi solo ng uring manggagawa.

Kapag sinabi nating Masang Pilipino, pumapatungkol ito sa lahat ng sektor ng pangkaraniwang tao o ng mga inaapi at pinagsasamantalahan sa lipunan kung saan kasama ang mga magsasaka, mangingisda, kardador sa piyer, guro, nars at marami pang iba.

Kaya, hindi lang manggagawa ang sinasabing Masang Pilipino, bagamat pinakamarami sila sa mga inaapi, pinagsasamantalahan at nililinlang sa lipunan.

Sa halip, ang lumahok sa ilang piling halalang kontrolado ng mga tradisyonal na politiko at political warlords ay ang mga partido-komunista.

LUMAHOK ANG PKP SA ELEKSYON

NOONG 1946, nanalo sa halalan ang walong kandidato ng Democratic Alliance (DA) sa pagiging kasapi ng Kamara.

Ang DA ay itinatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).

Sa esensya, ‘lumahok’ ang PKP sa eleksyon at nagpatakbo ng walong kandidato upang maging mga kon-gresista.

Kabilang sa walong naipanalo ng DA ay si Luis Taruc, ang pinuno ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP).

Ngunit, hinarang ni Manuel Roxas ang kanilang pag-upo sa Kamara sapagkat takot si Roxas na magkaroon ng malaking puwersa sa Kamara na lalaban sa pag-amiyenda ng Saligang-Batas ng 1935 upang magkaroon ng patas na karapatan ang mga Pilipino at Amerikano sa iba’t ibang larangan sa Pilipinas.

Ang HUKBALAHAP ay ang armadong yunit ng PKP.

Ang PKP ay itinatag noong 1930 sa pamumuno ni lider-manggagawang Crisanto Evangelista.

Si Taruc ay naging kasapi ng Partido Sosyalista (PS) na itinatag noong 1938 sa pamumuno ni Pedro Abad San-tos.

Nagsanib ang PS at PKP kung saan si Evangelista ang siyang kinilalang pangulo at si Abad Santos ang pan-galawang pangulo.

PKP ang piniling opisyal na pangalan ng pamunuan ng dalawang organisasyon.

Si Taruc ang naging hepe ng sandatahang lakas ng PKP.

Tumuon ang puwersa at lakas ng PKP sa Luzon.

Ang pangunahing adyendang ipinaglaban ng DA (na siyang ring adyenda at ipinaglaban ng PKP) ay ang interes at kapakanan ng mga manggagawang-bukid, magsasaka at mga Pilipino na nakipaglaban noong panahon ng Hapon (1942 – 1945) sa bansa, ngunit pinabayaan ng pamahalaan at ginawa pa siyang “kaaway ng estado” ng administrasyon noon ni Manuel Roxas.

Pagkatapos harangin at ipagtabuyan ng administrasyong Roxas ang DA mula sa kanilang lehitimong pagkapa-nalo sa halalang 1946, hindi na muling sumali ang PKP sa eleksyong ipinapatawag ng pamahalaan sa mga su-munod na taon.

Tuluyan nang naasar, nadismaya at nawalan ng tiwala ang PKP sa pamahalaan.

Hindi na rin nagtiwala ang PKP kahit noong si Ramon Magsaysay ang pangulo na isang popular at makamasa.

Sa halip na eleksyon, sa armadong pakikibaka at kilos-protesta isinulong at pinamunuan ng PKP mula 1930 hanggang 1968 — ang pakikibaka ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang inaapi at pinagsamantalahang sektor sa bansa.

Ang pag-abandona ng PKP sa eleksyon bilang lugar at pagkakataong isulong at ipaglaban ang adyenda nito sa ligal at parlamentong paraan ay nagpapakita ng lubusang nawalan ng tiwala  ang pamunuan at kasapian ng PKP sa halalan.

Noong 1968, tuluyang nahati ang PKP sa dalawang pangkat.

Itinatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pamumuno ni Jose Ma. Sison noong Disyembre 26,1968 sa Tarlac.

CPP, LUMAHOK SA HALALAN

KAHIT mayroong nabuong bagong Partido-Komunista na ang kinilalang ideolohiya ay ang Marixismo-Leninismo at Kaisipang Mao Zedong (Mao Tse Tung), hindi pinasok at lumahok ang CPP sa halalan, sapagkat labis nitong pinaniniwalaang hungkag at  walang laman ang nasabing laro at laban ng mga tradisyonal na poli-tiko at political warlords.

Armadong pakikibaka at mga protesta sa lansangan ang ginamit ng CPP sa pagsusulong ng mga layunin nitong iwinagayway sa ideyang “Pambansang-Demokrasya.”

Nang maging pangulo si Corazon Cojuangco Aquino, lumahok ang kaliwang puwersa sa eleksyong 1987.

Itinatag ang Partido ng Bayan (PnB) batay sa direktiba ng pamunuan ng CPP.

Ang PnB ay hindi pampolitikang Partido ng mga manggagawa, kundi ng Masang Pilipino, batay na rin sa oryen-tasyon nito.

Ang isa sa mga kandidato sa pagkasenador ng PnB ay si Bernabe “Kumander Dante” Buscayno.

Si Buscayno ay siyang unang pinuno ng New People’s Army (NPA) nang binuo ito noong Marso 29,1969 bilang armadong puwersa ng CPP.

Ang isa pang pamosong personalidad ng pambansa-demokratikong kilusan na si lider-manggagawa Crispin “Ka Bel” Beltran ay pinatakbo ring senador sa tiket ng PnB.

Natalo ang PnB, sapagkat dinahas at tinakot daw ng mga sundalo at pulis ang grupo nito, ayon sa PnB. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

HALALAN KONTROLADO NG MGA TRAPO AT POLITICAL WARLORDS

POLITICAL WARLORDS

(Ni Nelson S. Badilla / Ikalawang Bahagi)

ANG nakita at nadiskubre ng manunulat na ito ay tanging mga abogado at iba pang propesyonal ang regular na sumabak at tumakbo sa eleksyon tulad nina Quezon, Osmeña, Claro M. Recto, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Lorenzo Tañada, at iba pa.

Mayroon sa kanilang tiniyak na manatili ang imaheng “malinis,” “progresibo,” “malayang mag-isip” at “makabayan.”

Ngunit, marami sa mga taong pumasok at nagpakadalubhasa sa politika ang naging tradisyonal na politiko at political warlords, lalo na sa mga lalawigan at bayan.

Nagmistulang regular na bahagi ng sistemang pampolitika ng bansa ang “political warlordism,” kaya masama ang pananaw at karanasan ng mga Pilipino sa politika sa bansa sa napakatagal na panahon.

oOo

Eleksyong kontrolado ng mga trapo at political warlords

KUMBINSIDO sina Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), at Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), na ang eleksyon o elektoral na pakikibaka sa Pilipinas ay mundo at teritoryo ng mga tradisyonal na politiko at political warlords sa napakahabang panahon.

Ang tradisyonal na politiko ay ang mga taong ginawang regular na trabaho ang pagiging politiko, ngunit wala namang ginagawang mabuti para sa interes at kapakanan ng mga pangkaraniwang tao, lalo na ng mga mahihirap.

Ang political warlord naman, sa kabilang banda, ay mga politikong istilo ng boss sa sindikato kung mamuno at magpatakbo ng kanilang lalawigan, bayan at lungsod, lalo na sa mga malalayong lugar.

Kung umasta sila, animo’y pribadong pag-aari nila ang pamahalaang lokal.

Batay sa napakaraming akda at literatura hinggil sa political warlords, ang namamayani sa desisyon at aksyon ng political warlord ay ang paggamit ng karahasan, papanakot at pera upang manatili sa pampolitikang kapangyarihan.

Ang pinakamasahol na instrumento ay pagpatay sa mga taong sagabal sa kanilang pananatili sa posisyon.

Naniniwala ang mga lider-manggagawang tulad ni De Guzman na nagpakadalub¬hasa ang mga tradisyonal na politiko at political warlord sa uri ng politika at paghahari sa isang lalawigan, bayan o lungsod sa mga pamamaraang matitiyak nila ang kanilang pananatili sa pampolitikang kapangyarihan sa napakahabang panahon.

Ayon kay Fortaleza, ang halalan sa bansa at kontrolado ng mga tradisyonal na politiko at political warlords bago pa man sakupin, kontrolin at ang¬kinin ng Estados Unidos ang Pilipinas noong Agosto 1898.

Ani Fortaleza, walang sabstansiyal na pinagbago ang paghahari ng mga tradisyonal na politiko at political warlords hanggang sa modernong panahon.

Nakakalat, nakalatag at nakabaon pa rin ang mga tradisyonal na politiko at political warlords sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan mula Senado hanggang sa mga pamahalaang lokal sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang kasalukuyan.

Kaya, walang dapat ipag¬taka kung bakit halos lahat kundi man lahat ng programa, proyekto, batas at patakarang umiiral sa bansa ay hindi ganap na pabor sa mga manggagawa. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

HALALAN KONTROLADO NG MGA TRAPO AT POLITICAL WARLORDS

VOTE-2019

(Ni NELSON BADILLA / Unang Bahagi)

ANG pagkakaroon ng halalan ay napakatibay na ebidensya na magpapatunay na umiiral ang demokrasya sa Pilipinas.

Ito’y dahil isa sa  mga sukatan ng demokrasya ang halalan.

Ang iba ay ang mala-yang makapagpahayag ang mamamayan ng sarili niyang opinyon at pananaw at paglulunsad ng kilos-protesta laban sa pamahalaan o sinumang opisyal nito.

Kaya, malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas ng bansa at Omnibus Election Code na lahat ng Pilipino, maliban sa menor de edad ay maaaring kumandidato sa hangad niyang makamit na posisyon.

Ang menor de edad ay maaari lamang bumoto o kumandidato sa eleksyon kung ito ay halalan ng Sangguniang Kabataan (SK).

PANTAY-PANTAY ANG KARAPATAN

NANG tumakbo at matalo sa pagkapangulo si Fernando Poe Jr. noong halalang Pampanguluhan 2004 ng bansa laban sa kandidato ng administrasyon na si Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo, idiin ng kanyang maybahay na si Susan Roces sa isinagawang press conference ang ideyang “ang mga Pilipino ay pantay-pantay sa eleksyon, sapagkat isang beses lamang siya boboto at hindi hihigit sa isa.”

Mahirap makalimutan ng mga tagasubaybay at mag-aaral ng politika sa bansa ang kawastuhan ng punto ni Roces, sapagkat ito’y isang kakatotohang “sagrado” ang kahalagahan at layunin sa bawat botanteng Pilipino.

Isa pa, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas at Omnibus Election Code na ang bawat Pilipino na nasa wastong gulang at naninirahan saan mang lugar sa bansa ay may karapatan at kapangyarihang pumili at bumoto ng isang beses lamang ng mga kandidatong hangad niyang manalo sa posisyong kanilang tinatakbuhan.

Kapag lumampas sa isa ay walang dudang labag ito sa Omnibus Election Code.

Maliwanag na pandaraya ito.

Dahil pare-parehong iisang boto, hindi maaaring makapanlamang ang mga ¬bilyonaryo, milyonaryo at kapitalista laban sa mga pangkaraniwang tao, kabilang na sa mga manggagawa.

HINDI LUMAHOK ANG SEKTOR NG MANGGAGAWA SA HALALAN

SA pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas, nabatid ng manunulat na ito na wala pang naging senador na kabilang mismo sa pampolitikang partido ng mga manggagawa simula noong panahong nagkaroon ng Senado sa bansa noong panahong kontrolado at direktang pinamamahalaan ang bansa ng Estados Unidos noong pagpasok ng Ika-20 Siglo.

Ang dahilan ng mga lider ng mga samahan ng mga ¬manggagawa ay walang kapasidad ang mga organisasyong ito na makipagsabayan sa mga partido ng mga tradisyunal na politiko sa larangan ng pondo sa pa-ngangampanya at makinarya.

Aminado ang mga lider-manggagawa na maraming pera pangampanya ang mga tradisyonal na politiko.

Mayroon din silang ¬makinarya at mga lider sa bawat barangay.

Walang ganitong kaka-yanan ang mga organisasyon ng mga manggagawa.

Kahit ang mga organisadong manggagawa (iyong mga kasapi ng samahan at unyon) ay hindi ginawa ang ginawa ng mga tradisyonal na politiko at political warlords.

Noong itinayo ang pamahalaang Commonwealth sa pamumuno nina Manuel Luis ¬Quezon at Sergio Osmeña noong 1935 ay hindi rin sumali at lumahok ang hanay ng mga obrero sa eleksyon, pambansa man o lokal, kahit walang nagbabawal sa kanila.

Please follow and like us:
Read More

SAMU’T SARI SA HALALAN 2019 SA METRO MANILA

ELEKSYON 2019

MARAMING botante ang nag-abang sa kanilang mga kandidato na maagang magtungo sa mga presinto upang bumoto subalit karamihan ay halos tanghali na nagsidating.

Maagang dumating  si Mayoralty Candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Tondo Manila para bumoto. Ipinakita ng dating bise-alkalde sa kanyang mga taga suporta ang kanyang kagustuhan na manalo.

Samantala, bandang Bandang alas 11:15 bago magtanghali nang dumating si Estrada sa P.Burgos Elem. School at agad na bumoto sa precint number 2591-B na sakop ng Barangay 571, Altura St., Sta.Mesa.

Hindi alintana ng alkalde ang sobrang init sa loob ng kanyang presinto lalo pa’t dinumog ng media na nagkokober ang kanyang pagboto.

Si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Taguig ay bumoto bandang 10:30 am sa Cipriano P. Santa Teresa Elementary School, sa Barangay Bagumbayan at sinamahan ito ng kanyang asawang si Taguig City Mayor Lani, tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito.

Bukod kay Alan Peter at misis nitong si Lani, tumakbong senador ang kapatid nitong si Pia, samantalang si Lino ay sa pagka-alkalde sa nabanggit na lungsod.

Iginiit ni Cayetano na ang pagtakbo nilang mag-asawa ay malinaw na serbisyo publiko.

Sa Paranaque City, bandang 1:30 ng hapon bumoto si incumbent Mayor City Edwin Olivarez sa Paranaque High School sa Barangay San Dionisio habang ang kanyang katunggali na si dating Mayor Florencio Bernabe ay bumoto sa Tahanan Village Multi Purpose  Hall , sa BF Homes alas-10 ng umaga pa lang.

Si Pasay City Mayor Antonio “Tony” Calixto, tumatakbong kongresista,  ay bumoto naman sa Andres Bonifacio Elementary School habang ang kanyang kapatid na si Pasay City Congresswoman Imelda “Emee” Calixto-Rubiano ay tumatakbo naman sa pagka-alkalde ay bumoto rin.

Sa presinto naman sa Villa Carolina Subd., sa Barangay TUnasan bumoto si Muntinlupa incumbent Mayor Jaime Fresnedi.

Sa San Juan City,  dakong 7:40 a.m. nang magkasamang nagtungo sina San Juan City Mayoral Candidate Francis Zamora at reelectionist San Juan Congressman Ronaldo Zamora upang bumoto sa Xavier School, kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Magkasama rin namang bumoto ang mag-amang si dating Sen. Jinggoy Estrada at incumbent vice mayor at mayoralty candidate Janella Estrada sa Xavier School dakong 11:25 ng umaga.

Ang mag-inang sina reelectionist Sen. JV Ejercito, at outgoing San Juan Mayor Guia Gomez, ay sa naturang paaralan rin bumoto kahapon ng umaga. Subalit hindi sila magkasabay bumoto.

Sa kabila naman ng pagdiskwalipika sa kanya ng  ikalawang dibisyon ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa isyu ng citizenship, maaga ring bumoto si Edu Manzano, kandidato sa pagka-Kongresista sa lungsod, na kalaban ng nakatatandang Zamora.

Maging ang mag-inang sina reelectionist Sen. Grace Poe at Susan Roces, ay maaga ring bumoto sa San Juan.

Sa Pasig City, si  Mayoralty Candidate Vico Sotto ay dumating dakong alas-8:43 ng umaga kasama ang kanyang inang si Connie Reyes.

Ang kanya namang katunggali sa eleksyon na si reelectionist Pasig City Mayor Bobby Eusebio ay nakaboto rin naman kaagad sa Rosario Elementary School.

Samantala, nakaboto na rin naman sina  incumbent at reelectionists Mandaluyong City Mayor Menchi Abalos at Marikina City Mayor Marcy Teodoro, na halos nakakatiyak na ng panalo dahil wala naman silang mahigpit na kalaban sa eleksyon.

Please follow and like us:
Read More