ILAN SA MGA NAGWAGI AT BIGO SA HALALAN 2019

HALALAN 2019a

NAGING mainit ang halalan maging ang bilangan sa mga presinto sa Metro Manila subalit wala namang naiulat na karahasan at sa halip ay pawang nagbigay daan ang ilang mga natalong kandidato sa mga katunggali nilang politiko na mas pinaboran ng taumbayan.

METRO MANILA

Naiproklama na ng Commission on Election ang nanalong Mayor at Vice Mayor ng Parañaque City sa nagnap na Mid Term Election bandang alas-11 ng gabi kamakalawa kung saan itinaas ng City Board of Canvasser ang mga kamay nina Edwin Olivarez, muling nagwagi bilang alkalde sa botong 169,224 at si Rico Golez sa pagka-bise alkalde sa bilang ng boto na 141,433 na votes.

Naiproklama na rin si Joy Tambunting bilang nagwaging Kongresista para sa ikalawang distrito ng Parañaque City, matapos manguna sa botong 103,028 habang si Eric Olivarez ang nakasungkit ng 1st District.

Sa Las PIñas, nagwagi nilang alkalde si Imelda Aguilar ng Nationalist People’s Coalition na may boto na 170,789 habang ang nanalong vice mayor ay si April Aguilar (NPC) sa nakuhang boto na 161,789.

Naiproklamang nanalong Congresswoman sa Las Piñas bandang alas-11:30 ng gabi si Camille Villar, anak ni Senator Cynthia at dating Senator Manny Villar sa botong 173,9177. Si Camille ay tumakbong kongresista sa ilalim ng Nacionalista Party.

Naiproklama rin bilang alkalde ng Caloocan si Mayor Oscar Malapitan bagaman wala itong kalaban subalit hinintay pa rin na matapos ang bilangan.

Nakuha naman ni dating Congresswoman Emi-Calixto-Rubiano ang posisyon ng mayor ng Pasay City habang ang kapatid niyang si incumbent Mayor Antonino Calixto ang nanalong Representative sa lone District ng Pasay. Si Boyet del Rosario ang nagwagi na bise alkalde.

Nanalo rin si dating Marikina Mayor Bayani Fernando bilang kinatawan ng 1st District ng Marikina habang si Estella Quimbo naman ang naiproklama bilang kinatawan ng 2nd District ng Marikina.

Si incumbent Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang nanalong alkalde sa nasabing lungsod habang ang kanyang waging bise alkalde ay si Temy Sumindac at naiproklamang Congressman si Ruffy Biazon.

Sa Navotas, naluklok na mayor si Toby Tiangco habang ang kanyang kapatid na si John Rey Tiangco ang pinili ng mga tao bilang kinatawan ng kanlang lungsod.

Nanalong mayor si incumbent Rex Gatchalian sa Valenzuela habang si Lorie Borja ang kanyang makakasama bilang bise-alkalde, habang sina Weslie Gatchalian ang nagging paborito ng mga botante sa 1st District habang si Eric Martinez sa 2ndDistrict gayung si Lino Cayetano, kapatid ni dating Senator Alan Peter Cayetano ang nanalong alkalde ng Taguig City at ang dating alkalde na si Lani Cayetano ang nakasungkit ng 2nd District ng kanilang lungsod.

Sa usapin ng partylist, waging-wagi ang ACT-CIS na nangunguna sa talaan ng midterm election 2019.

ILANG LALAWIGAN ILOCOS NORTE

NAKUHA ng pamilya Maros ang dalawang mataas na puwesto sa provincial capitol ng Ilocos Norte. Si Matthew Marcos, anak ni out-going Ilocos Governor Imee Marcos ang naiproklamang gobernador matapos umatras si Rep. Rudy Fariñas. Nanalo rin sa vice-gubernatorial race si Mariano Marcos II.

Nanalo rin bilang kinatawan ng 2nd District ng Ilocos NOrte si Eugenio Barba, sinasabing kamag-anak ng mga Marcos.

Si Michael Keon, kamag-anak din ng mga Marcos ang niproklamang alkalde ng Laoag City matapos talunin ang re-eleksyunistang si Chevylle Fariñas.

PANGASINAN

HINDI pa rin kumukupas ang karisma ni dating Police General Leopoldo Bataoil na nagsilbing kinatawan ng dsitrito ng Pangasinan sa loob ng siyam na taon matapos manalong mayor sa Lingayen, Pangasinan.

Naiproklama si Bataoil na alkalde matapos makakuha ng boto na 29,887 labang sa katunggali na si Iday Castañeda na nakakuha ng 20,913 votes.

Si Nepthalie Pasihao ang nanalong bise-alkalde ng Lingayen na nakakuha ng botong 24,511.

Nanalong Congressman naman si Jumel Espino na nakakuha ng botong 25,479.

Hindi pa rin naman binibitiwan ng mga taga-Pangasinan ang kanilang gobernador na si Amado Espino III.

MGA BATA NI PNOY NABIGO

Maliban sa mga senatorial candidate ng partido ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ilan din sa mga manok nito sa local election ang nabigong Manalo.

Kung dati ay minamani ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad ang lone Congressional seat sa kanilang lalawigan sa Batanes, natalo it okay Doc Gato na kandidato ng Nationalist Peoples Coalitin (NPC).

Papalitan sana ni Abad ang kanyang yumaong asawa na si Henedina Abad subalit umaabot lamang sa 3,129 ang nakuha nitong boto kaya tinalo ito ni Gato na may 3,367 votes.

Nabigo din ang dating Secretary ng Department of Agriculture (DA) ni Aquino na si Proseso Alcala sa Congressioal race sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon matapos itong talunin ni outgoing Gov. David Jayjay Suarez.

Hindi rin nagttagumpay si Ifugao Rep. Teddy Baguilat (LP) na makabalik bilang gubernador ng nasabing lalawigan matapos talunin ito ng kandidato ng National Unity Party (NUP) na si Jerry Dapilog.

Nabigo si Ayong Maliksi sa kanyang gubernatorial race sa Cavite matapos itong talunin ni Jonvic Remulla ng Nacionalista Party (NP).

Gayunpaman, nagtagumpay naman si Dinagat Islang Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao na tumakbo bilang governor ng Dinagat matapos talunin ang kandidato ng PDP-Laban na si Benglen Ecleo. BERNARD TAGUINOD

Please follow and like us:
Read More