MGA BUWIS NA NAKOKOLEKTA SA POGO DAPAT ISAPUBLIKO

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

HINIKAYAT ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pamahalaan, kabilang na ang Bureau of Internal Revenue (BIR), na isapubliko ang buwis na nakokolekta sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Malaki ang duda ni Barbers na maaaring ba¬hagi na lang ng media hype ang sinasabing malaking kita mula sa online gaming firms lalo na’t iniutos na ang pagpapasara sa mahigit 200 ilegal na POGO.

Sinabi ni Barbers na dapat ding malaman kung sino-sino ang mga kumikita sa paglipana ng kolorum na POGO sa bansa. Mantakin mo nga naman ipinagmamalaki ng Malakanyang na bil-yon-bilyong piso kada taon ang revenue mula sa POGO industry dahil sa bayad sa real state, income tax at value added tax kada taon.

Well, talagang may katwiran si Congresman Ace Barbers na dapat isapubliko ang kita ng POGO para malaman kung kumikita nga ba talaga, sa totoo lamang dapat imbestigahan ng Kongreso at Senado ang paglaganap ng POGO dahil malinaw na ito ay walang permit at halos wala ring working permit ang mga Chinese National na nagtatrabaho sa online POGO.

Kamakailan lamang, may isang branch ng POGO sa Metro Manila ang ininspeksiyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) para alamin kung may mga working permit ang mga Chinese national, pero nang malaman ng mga operatiba ng BID na halos kalahati sa mga empleyado ng POGO  ay walang working permit, nagdeklara ang mga ito ng raid at hinuli ang mga tauhan na walang working permit.

Ang siste, kaagad na tumawag sa padrino ang may ari ng POGO kung kaya’t namagitan ito at kinausap ang operatiba ng BID, kalaunan, nagkasundo na pakawalan na lamang ang mga Chinese national na walang permit kapalit ng P30 milyong piso.

Ang punto natin dito, mga pare ko, ay ilantad ng PAGCOR at BIR kung magkano talaga ang kinikita ng gobyerno sa operasyon ng POGO.

Malaking sakripisyo sa ating mga kababayang Filipino ang paglipana ng POGO dahil tinuturuan din ng mga Tsino ang ating mga kababayan na magsugal kaya kung wala talagang malaking kita ang gobyerno mula sa operasyon ng POGO, dapat tuluyan na itong ipasara.

oOo

Ugaliing subaybayan ang aking araw-araw na programa sa aking Facebook Live sa LATIGO NEWS TV at YouTube channel LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

PILIPINAS, TOP 5 SA MEDIA KILLINGS SA BUONG MUNDO!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NANANATILING nasa ikalimang puwesto ang bansang Pilipinas sa buong mundo na pinakamabagal sa pagresolba ng mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag, ayon sa ulat ng grupong Committee to Protect Journalists (CPJ).

Base sa 2019 World Impunity Index, lumalabas na lumala pa ang lagay ng Pilipinas ngayong taon kumpara noong 2018. Kinuwenta ng impunity index ang bilang ng mga unresolved journalist murders at pinoporsiyento ito kontra sa populasyon ng isang bansa.

Sinabi ng grupo ng CPJ, ang Pilipinas ay palaging nalalagay sa listahan kada taon dahil sa madugong ambush sa 58 indibidwal, kabilang ang 32 mediamen sa Ampatuan, Maguindanao noong 2009.

Biruin mo nga naman na umaabot na sa 41 ang unsolved media killings sa bansa kabilang ang Maguindanao massacre.

Sa nakalipas na 12 taon, palaging napapabilang sa index ang bansa kung saan mayroong lima o higit pang hindi nare­resolbang kaso ng media killings.

Iyan mga pare ko ang katotohanan na mas lalong lumala ang media killings sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang na rito ang pagpatay sa kolumnistang si Jupiter Gonzales na isang mahusay makisamang mamamahayag.

Bagama’t may task force na binuo ang Malakanyang, Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Usec Joel Egco at wala tayong masasabi dahil ginagampanan naman ni Egco ang kanyang trabaho subalit hindi nito kayang bigyan ng proteksiyon ang media personalities.

Masigasig si Egco sa pagresolba sa pagpatay sa mga kapatid sa hanapbuhay, pero hindi pa rin nito maikakaila na nasa top 5 na ang Pilipinas sa buong mundo na hindi nareresolba ang pagpatay sa mga mamamahayag.

Sa mga kapatid natin sa pamamahayag ay aking payo sa inyo, kailangan ninyong ma­ging alerto sa lahat ng oras, huwag ninyo gagamitin ang inyong kalayaan sa pamamahayag para banatan ang sinumang personalidad lalo na iyong mga personal attact lalo’t madali kayong tirahin dahil karamihan sa mga media na pinapatay ay iyong mga nasa probinsiya.

Hindi kasi alam ng mga kapatid natin sa hanap­buhay na kapag inatake nila sa diyaryo, radio at soyial media ang isang indibidwal, madali silang abangan o kaya tuntunin ng mga hired killer dahil maliit na lugar lamang ang kanilang ginagalawan kaya madali silang tambangan.

oOo

Ugaliing subaybayan ang aking araw-araw na programa (Facebook Live) sa LATIGO NEWS TV at youtube channel LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

‘KAMAY NA BAKAL’ SA CALABARZON!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

KILALANG mahusay, masipag at tapat sa tungkulin si dating Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. kung kaya’t nang maitalaga ito sa kaharian ng Maynila ay kaagad itong nagpakitang gilas kung saan inabutan nito ang mahigit sa 2000 case folder na halos hindi na gumagalaw.

Ayon kay Danao, simula nang manungkulan siyang MPD director ay kaagad niyang inaksyunan ang mga natutulog na kaso kaya’t sa pag-alis nito sa lungsod ng Maynila ay halos isang daang folder cases na lamang ang natira.

Kinagiliwan si Brig. Gen. Danao ng Manileño dahil sa kanyang pagpapairal ng katahimikan sa lungsod kung kaya’t nagustuhan siya ni Mayor Francisco Domagoso subalit nang magkaroon ng balasahan sa PNP ay walang nagawa si Domagoso kundi tanggapin ang kapalit ni Danao na si Brig. Gen. Bernabe Balba na isa ring mahusay na opisyal ng PNP.

Sa aking panayam kay Danao sa programang (Facebook Live at YouTube Channel) LATIGO NI BATUIGAS, sinabi nito na ipatutupad niya ang kamay na bakal at paiiralin ang disiplina sa kapulisan.

Kabilang din sa tututukan ni Danao ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drugs, anti-criminality campaign at corruption sa hanay ng kapulisan.

“Sisiguraduhin natin na hindi masasangkot sa ilegal na droga ang mga pulis, Paano natin maipatutupad ang programa sa illegal drugs kung may involve na pulis? kaya hindi natin papayagan na may pulis na involve sa ilegal na droga,” ani Brig. Gen. Danao.

Ang Region 4A na nakasasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay kilalang maraming krimen na nangyayari at may mga pulis rin na sangkot sa katiwalian kaya mismong si Danao ay aminado na may mga pulis pa ring tiwali, subalit hindi niya papopormahin ang mga ito at nakahanda siyang patawan ng mabigat na kaparusahan.

Kay General Vicente Danao, sir… Congratulations! Sa magaganda mong programa sana isama mo na ang illegal gambling lalo na ang mga peryahan na may pasugalan na karamihan sa mga nagsusugal ay menor de edad. Sina alyas “Evy” at “Yolly” umano ang mga pergalan operator sa Cala¬barzon at ipinagmamalaki ng mga ito na legal ang kanilang mga pasugalan o pergalan. Abangan may karugtong! (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

PULIS, IMBESTIGAHAN SA PAGKAMATAY NI MAYOR DAVID NAVARRO!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

DAPAT magpakitang gilas ang mga tauhan ni PNP OIC PNP Chief Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa kung gusto talaga nilang mapuri ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t gugunitain natin ang nalalapit na UNDAS sa inaasahang matinding trapik, na kung minsan ay pinagmumulan ng init ng ulo ng mga motorista.

Kailangan paigtingin ni Gamboa ang police visi­bility para masigurong “zero crime” sa araw ng UNDAS dahil milyun-mil­yong Filipino ang lalabas ng kanilang tahanan para dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Dapat isama na rin nila sa pagpapakitang gilas ang mabilis na paglutas sa pamamaslang kay Clarin Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Hindi biro ang pagpatay kay Mayor Navarro na pinagbabaril ng mga hindi pa nakilalang kalalakihan habang sakay ng van kasama ang hepe ng pulisya sa nasabing lungsod at naka-convoy naman ang mga pulis.

Halatang si Mayor David lamang ang target ng mga salarin dahil pinababa ito ng sasakyan at pinagbabaril ng mga suspek ngunit hindi man lamang nagpaputok ng kanilang baril ang mga pulis. Kung tutuusin, ka­yang ubusin ng mga pulis iyong apat na salarin dahil armado rin ng matataas na kalibre ng baril ang mga pulis kaya nakapagtataka kung bakit hindi sila nakapagpaputok ng baril.

Hindi ba sa mga insidente ng krimen kapag may sumalakay na mga salarin ay isinasama nila sa binabaril ang mga pulis? Bakit si Mayor Na­varro lamang ang kanilang binaril at wala rin nagawa ang escort ng alkalde at ang katabi pa niyang hepe ng pulisya sa lungsod na nabanggit? At bakit hinayaan ng mga pulis na tumakas ang mga salarin?

Pinaiimbestigahan na raw ni Brig. Gen. Val De Leon, Region 7 PNP director ang pagpatay sa alkalde. Hindi maganda tingnan sa PNP na mismong guwardiyado na si Navarro pero napatay pa rin ng mga salarin? Ipagpalagay na natin na nasa narco-list ng ating Pangulong Duterte si Mayor Navarro at nanakit ito at nanghipo ng attendant sa SPA, pero may karapatan pa rin ito sumagot sa korte kaugnay sa kanyang kaso.

Wala nang takot ang mga kriminal ngayon, General Archie Gamboa, Sir, kaya dapat paigtingin ninyo ang kampanya ng PNP laban sa  kriminalidad at sana walang nangyaring “Moro-Moro” o scenario sa pagpatay kay Mayor Navarro.

Ang mga kriminal tulad ng mga riding in tandem ay wala nang takot sa paggawa ng krimen kaya dapat palakasin pa ng PNP ang kanilang kampanya laban sa krimen. Hindi lamang cleansing sa PNP ang dapat na tutukan, iyung mabigyan ninyo ng proteksiyon ang taumbayan ay matutuwa si Pangulong Duterte.

Ilang araw na lamang ay pipili na si Pangulong Duterte ng bagong PNP Chief kaya dapat magpakitang gilas kayo at ibalik ninyo ang tiwala ng pangulo sa PNP. Sa panayam kasi ng media sa presidente, halatang malamya at dismayado ito sa PNP lalo na kung pag-uusapan ang ninja cops.

Kung hindi lamang inalis sa NCRPO si Major General Guillermo Eleazar, sisiw sa kanya ang mga kriminal at sigu­radong mabibigyan niya ng proteksiyon ang mamamayan sa Metro Manila dahil sa police visibility na inilalatag nito. (HAGUPIT NI BATUIGAS /  MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

3 PNP CHIEF CONTENDERS KUMASA SA LIFESTYLE CHECK

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MAKARAANG hamunin at magpanukala ang isang kongresista na kailangang sumailalim sa lifestyle check ang mga kandidato sa pagka-PNP chief ay kaagad naman itong kinasahan ng tatlong contenders.

Sa panukala ni Kong­resman Erick Go Yap ng ACTS CIS Partylist, dapat i-lifestyle check muna bago pumili sa tatlong contender si Pangulong Duterte.

Sinang-ayunan naman maging ni Atty. Salvador Panelo ang panukalang lifestyle check para hindi na umano maulit ang nangyari kay dating PNP Chief Oscar Albayalde na huli na nang malaman na may kinasangkutan pala itong kaso kaugnay sa “ninja cops”.

“So whatever the suggetions of the public on how the president should choose the next Chief PNP, I suggest, we respect the president should he include lifestyle or any other kind of vetting. I suggest and I fully recommend that we leave it up to the office of the president who is mandated by law to choose the next Chief PNP,” pahayag ni PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Maging sina PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan at PNP Directorial Staff Chief Major General Guillermo Eleazar ay pabor na sumalang sa lifestyle check nang walang alinlangan kung ito’y bahagi anila ng proseso.

Well, para sa akin pabor din ang inyong lingkod na sumailalim sa lifestyle check ang mga contendersl sa pagka PNP Chief, kailangan makita ang kanilang pinagmulan,  credentials at mga ari -arian bago sila mapili ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil mahirap nang muling magkamali ang pangulo sa kanyang pagpili ng bagong hepe ng pambansang pulisya.

Samantala, inamin ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Barnard Banac, na dismayado umano ang ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa ginawang balasahan sa kanilang hanay lalo’t si Lt. General Archie Gamboa ay OIC palang at malalapit pa sa kanya ang nailagay sa magagandang puwesto.

Ayon naman sa NAPOLCOM, may  full authority umano si Gamboa na magsagawa ng pagbalasa sa hanay  ng PNP at may basbas umano ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Gamboa na ang mga inilipat na opisyal ng PNP ay  may tatlong buwan na palugit na magpakitang gilas sa kanilang trabaho, dahil kung  hindi epektibo ang mga ito ay tatanggalin sila sa kanilang puwesto. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

PAGBIBITIW NI ALBAYALDE SA GITNA NG KONTROBERSIYA

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

ITINALAGA si Oscar Albayalde batay sa perceptions ng Pangulo noong Abril 2018.

Ang pinaka-pinagkakatiwalaang COP ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Ronald dela Rosa ay bumaba at kailangan niyang pumili ng isang punong pulis nang mabilisan.

Nasa gitna sila ng isang “digmaan” upang matalo ang droga, krimen at katiwalian, at nangangailangan siya ng isang karapat-dapat na kahalili upang mamuno sa 190,000 na malakas na puwersa ng pulisya.

Sa pagkonsulta ng Pangulo sa kanyang susunod na pinaka-pinagkakatiwalaang mga pulis – ang kalalakihan na may asul mula sa Davao ay mayroong dalawang pangalan na nakabitin sa hangin. Ang isa ay mabait, ang isa ay mahigpit, sabi ng mga pulis sa Davao. “Sir, mahigpit siya,” naalala ni Duterte sa kanila ang sinabi tungkol kay Oscar Albayalde, na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng panahong iyon.

Nakilala si Albayalde sa kanyang mga pag-ikot nang palihim sa Metro Manila at panghuhuli ng mga tiwaling pulis sa droga, pagnanakaw, iba pang krimen at lalong-lalo na ang mga pulis na natutulog sa oras ng duty.

Bilang pinuno ng NCRPO, ay ninais niya na maging huwaran ang kanyang mga pulis na nasasakupan. Naging mahigpit at walang pinalulusot si Albayalde sa kanyang rehiyon.

Dahil sa kanyang angking kasipagan at kahigpitan ay napili siyang humalili kay Gen. Bato at makalipas ang isang taon at anim na buwan ay natapos ang kanyang panunungkulan bilang PNP Chief.

Sa gitna ng kontrobersiya ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa pagkakadawit niya sa isyu ng droga at “ninja cops” ay nagbitiw siya bilang PNP chief bago ang nakatakdang pagreretiro niya.

Napaaga ang pagbaba niya sa puwesto habang nilalabanan ang mga paratang na pinoprotektahan niya ang kanyang mga dating tauhan na akusado sa pagbebenta ng mga nasamsam na narkotiko. Siya ay magreretiro sa Nobyembre 8, pagsapit ng kanyang 56 taong gulang.

Hindi naman umano nawalan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Albayalde pero para sa pangulo, gusto niya lang na mag-terminal leave si Albayalde habang hinihintay ang kanyang pagreretiro sa Nobyembre. Marami ang nagtatanong at naguguluhan dahil kilala si Albayalde sa pagiging mahigpit kaya isang malaking katanungan kung paano siya nalusutan o talaga nga bang may kinalaman siya. Abangan. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

MAJ. GEN GUILLERMO ELEAZAR, SUSUNOD NA CPNP!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MARAMI ang naniniwala na inihahanda na ng malakanyang si dating National Capital Region Police Office(NCRPO) director Major General Guillermo T. Eleazar bilang susunod na chief PNP makaraang alisin ito sa kanyang puwesto at ilipat bilang Chief Directorial Staff ng PNP na siyang pang-apat sa pinakamataas na puwesto sa pambansang pulisya.

Si Major General Guillermo Eleazar ay nagpakitang gilas nang italaga ito bilang NCRPO Chief kung saan napakarami niyang accomplishments, lalo na ang pagdisiplina sa mga abusado at tiwa-ling pulis kaya nanumbalik ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.

Sa kasagsagan ng kampanya sa ilegal na droga na inilunsad ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte, lalong naging agresibo si Eleazar at kaliwa’t kanan ang kanyang isinagawang raid sa mga hideout ng tulak ng droga at maging ang mga drug lord ay kanyang nahuli at ipinakulong.

Kaya walang duda na siya na ang pipiliin ng ating Pangulong Duterte na susunod na hepe ng pambansang pulisya dahil sa kanyang mga kuwalipikasyon at dedikasyon sa trabaho. Ang mga kandidato sa pagka-PNP chief ay sina Lt. General Camilo Cascolan at Lt. General Archie Gamboa pero kung ikukumpara natin, mas higit ang naging accomplishment ni Eleazar kaya ang gusto ng mga Pilipino ay siya na ang susunod hepe ng pambansang pulisya.

Kung si Major General Guillermo Eleazar na ang susunod na maging PNP chief at papalit sa magreretirong si Director General Oscar Albayalde ay tiyak nasa magandang kamay ang PNP at makatitiyak si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging tapat ito sa kanyang administrasyon bukod pa sa mapagaganda ang kalagayan ng PNP at ipagpapatuloy ang cleansing sa pambansang pulisya para mawala na ang “Ninja Cops”.

Bilang bagong Chief of Directorial Staff ng PNP, nakatutok sa buong hanay ng PNP si Eleazar para masiguro na nasa maayos ang mga miyembro ng PNP at gumagawa ito ng tama sa kanilang mga trabaho dahil iyan ang kanilang sinumpaang tungkulin – ang  bigyan proteksiyon ang mga Filipino.

Kaya kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong GO, sana naman pakinggan ninyo ang boses at kahilingan ng taumbayan na si Eleazar ang ilagay ninyo bilang susunod na hepe ng pambansang pulisya. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

KUBOL SA BUCOR BAWAL NA – GEN. BANTAG!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MAGKASANIB na puwersa ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Major General Guillermo ­Eleazar at Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag ang ­nanguna sa pagwasak sa lahat ng mga kubol sa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ang aksyong ito ay kaugnay sa pangako ni Bantag na kanyang lilinisin ang pambansang bilangguan para patunayan kay ­Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito nagbibiro at kaya niyang linisin ang BuCor na talamak sa katiwalian.

Humingi ng tulong si Bantag kay Major ­General Guillermo Eleazar kung kaya’t kaagad na nagpadala ang huli ng 500 PNP personnel para makatulong sa ­paglilinis ni Bantag sa naturang pambansang piitan kasabay ng pagsibak nito sa ­pitompung mga tauhan ng SAF na matagal nang nakadestino sa loob ng NBP.

Sa isinagawang pagwasak ng kubol ng high profile inmates, nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga drug paraphernalia, marijuana, cellphone at mga kutsilyo.

Ayon kay General Bantag, ang pagkakaroon ng kubol ng isang bilanggo ay maituturing na isang ­ilegal at ang pagtrato ng VIP ­treatment sa mga bilanggo ay hindi dapat mangyari dahil walang VIP sa mga bilanggo.

Sana nga tuluyan nang malinis ni General Bantag ang BuCor at inaasahan natin na babantayan nitong maigi ang mga high profile inmate at mga drug lord na hindi na makapag-opereyt ng kanilang illegal drug business at ipagbawal na ang mga magagarang tirahan ng mga ito.

Kung inyong matatandaan, nagbanta si Bantag sa mga tiwaling tauhan ng BuCor na papatayin ang mga ito kapag hindi sila nagbago at patuloy pa rin sa kanilang masamang gawain.

Bilib ang taumbayan kay General Gerald Bantag, walang takot na babanggain ang mga drug lord at mga kilabot na bilanggo sa loob ng NBP para lamang malinis nito ang NBP laban sa mga tiwaling tauhan at sindikato sa loob ng bilangguan.

Hindi biro ang gagawing paglilinis ni Bantag sa BuCor kung saan ilang mga director general na ang naitalaga sa NBP, pero bigo ang mga ito na malinis, bagkus kinain din ng sistema ang ilan sa mga naitalagang BuCor chief.

Kay Director General Gerald Bantag, sir… mabuhay ka at sana ipagpatuloy mo ang paglilinis sa BuCor para mawala na ang katiwalian diyan sa loob ng NBP.

oOo

Ugaliing subaybayan at panoorin ang aking ­Facebook live araw-araw sa LATIGO NEWS TV at paki-subscribe ang aking YouTube channel LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV. (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

DU30, TIWALA PA RIN KAY ALBAYALDE!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NAKAUWI na ng bansa si Pangu­long Rodrigo Du­terte makaraan ang kanyang limang araw na official visit sa bansang Russia kung saan mainit naman itong sinalubong ng mga opisyal ng nasabing bansa kabilang na ang isa sa pinaka-makapangyarihang presidente sa buong mundo na walang iba kundi si President Vladimir Putin.

Pinagkaguluhan si Du­terte sa Russia at ma­rami sa mga banyaga ang nakipag-selfie, bukod pa sa napahanga nito ang mayayamang negosyante sa Russia at sinasabing maglalagak ng puhunan ang mga ito sa Pilipinas.

Samantala, sa unang pahayag ng pangulo ay may dalawang PNP ge­neral umano ang lumalaro sa illegal drugs, subalit kinalaunan ay binawi rin nito ang kanyang pahayag at sinabing colonel lamang ng PNP at hindi mga heneral ang sangkot sa droga at sinabi pa nitong maghintay lamang ang “ninja cops” sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas.

Sa pag-uwi ng pa­ngulo sa bansa, nakasalalay sa kanyang mga kamay ang kapalaran ni PNP Chief Oscar Albayalde na sinasabing sisibakin na sa puwesto dahil umano sa pagkakasangkot nito sa 13 “ninja cops” na sabit sa recycling ng illegal drugs.

Halos 17 buwan na inalagaan ni Albayalde ang pamumuno sa PNP at ngayong pilit siyang isinasangkot sa “ninja cops”, ay tila mawawasak ang kanyang ipinundar na sakripisyo nang dahil lamang umano sa pulitika sa PNP.

So to make a long story short, sa pag-uwi ni Pangulong Duterte, sinabi nito sa interbyu ng media na “give me proof, that Albayalde is involved in ninja cops”. Kaya nga may posibilidad pang makabawi ang PNP sa pagkasira ng imahe nito sanhi ng sunod-sunod na hearing sa Senado.

“Probably, it has something to do with the person who wants to be the next PNP chief,” pahayag naman ni Albayalde sa media.

Samantala, habang demoralisado ang PNP, sinasamantala naman ng isang alyas “Alex Simbulan” ang pagpapalakas ng kanyang gambling empire sa buong Metro Manila lalo na sa Quezon City, Marikina at lungsod ng Maynila ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa Maynila ay ipinangako ni Domagoso na walang illegal gambling sa kanyang lungsod, pero bakit namamayagpag ang EZ-2, Pares at Suwertes nito at kumukubransa umano ito ng isang milyon kada araw na malaking hamon kay MPD Director General Vicente Danao.

Hindi lamang sa Maynila malakas ang kubransa ng pasu­galan ni Alex Simbulan kundi maging sa lungsod ng Quezon at Marikina ay tumatabo rin umano ng milyones si Simbulan at tiba-tiba ang mama dahil abala ang mga pulis sa kanilang anti-illegal drugs operations.

Kapag nakarating sa kaalaman ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar ang talamak na pasugalan ni Simbulan tiyak ikakasa kaagad ang raid sa mga pasugalan nito dahil galit na galit si Major General Eleazar sa mga nagpapasugal dahil kamakailan lamang ay ipinahinto ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Lotto at STL.

Kay QCPD District Director General Montejo, sir at General Batan ng ESP, mga sir… aba’y ipahuli nyo kaagad si Simbulan dahil hindi ito nagbabayad ng buwis at kinukumpitensiya nito ang Lotto at STL na siyang inaasahan ng mahihirap para makahingi ng tulong sa PCSO. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

MISAMIS OR. COLLECTOR ATTY. JOHN SIMON PATULOY ANG MAGANDANG PERFORMACE!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

TALAGANG hindi matatawaran ang kahusayan at sipag ni Misamis Oriental District Collector Atty. John Simon dahil sa patuloy na pagpapakita nito ng magandang performance kaya’t lalong tumaas ang tax collection sa kanyang nasasakupang departamento.

Hindi uubra kay Collector John Simon ang mga palusot ng ilang indibidwal na magpasok ng mga ilegal na kontrabando at umiwas sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Si Collector Atty. John Simon ay kilalang dedicated sa trabaho, masipag, may word of honor at isang mapagkakatiwalaang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kung kaya’t ­itinalaga ito ni BOC Commissioner Leonardo “Jagger” Guerrero na pamunuan ang Misamis Oriental Port.

Biruin mo nga naman, ilang buwan pa lamang sa pwesto si Collector John Simon ay napataas pa lalo nito ang collection ng buwis na ikinagalak ni Comm. Guerrero at Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Patunay ng kahusayan at kagalingan ni Collector John Simon ay nang mahuli nito ang tone-toneladang basura na ipinasok ng mga Koreano na sina Chul Soo Cho, alyas Charles Cho at dalawa pang kasama nito na sina Jae Ryang Cho at Sena. Kung saan kinasuhan na rin ang mga ito ng paglabag sa R.A. 6969 sa CDO-RTC at naibalik na rin sa bansang Korea ang kanilang hazardous na basura.

Sa kasaysayan umano ng Pilipinas, pinakamalaking basura ang ipinasok ng mga suspect sa bansa noong July 21, 2018 na umaabot sa (6,500 metric tons) na naging dahilan upang magdulot ng malaking pinsala sa kalikasan at kalusugan ng mga tao sa Northern Mindanao.

Kung nagkataon na ­palamya-lamya si Collector ­Simon ay malamang manganib ang kalusugan ng taumbayan ng Misamis Oriental dahil sa nakamamatay na basura mula sa South Korea dahil karamihan sa mga ito ay hospital waste.

Kay Collector Atty. John Simon, Sir congratulations sa mahusay mong performance! Keep up the Good Work! Mabuhay ka!

oOo

Ugaling manood at ­makinig sa aking Live ­Program na “Latigo ni Batuigas” sa aming Official ­Facebook Page: Latigo News TV at Mag-subscribe sa ­aming Youtube Channel: Latigo online Nationwide News TV. Maraming Salamat po! (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

POSTPONEMENT NG BARANGAY AT SK ELECTIONS LUSOT NA SA SENADO

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

APRUBADO na sa Senado ang panukalang ipag­paliban ang nakatakdang Barangay at SK Elections sa May 11, 2020 matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa inihaing Senate Bill no. 1053 ni Senadora Imee Marcos na kung saan pumabor ang nasa 21 na senador at walang tumutol.

Ito naman ang kauna-unahang batas na ipinanukala ni Senadora Marcos na siyang Senate Chairperson ng committee on electoral reforms and people’s participation.

Ayon kay Sen. Marcos, makatitipid umano ang gobyerno ng nasa P5-Bilyon kapag naipagpaliban na ang nasabing halalan.

Iginiit din ni Marcos na mas maraming pwedeng paglaanan ng pondo para rito tulad sa Department of Agriculture para ibili ng mga inaning palay ng mga magsasaka sa gitna ng pagbagsak ng presyo nito sa bansa.

Bukod dito, maaari rin ilaan ang pondo sa Department of Education para sa K to 12 program na kung saan mas mapakikinabangan ng mamamayan.

Nagpasalamat naman si Sen. Marcos sa kanyang mga kapwa senador lalo na kina Senate Pres. Sotto at House Majority Leader Migz Zubiri dahil sa mabilis na pag-apruba sa postponement ng Brgy. at Sk Election.

Sa sandaling maging ganap na itong batas, ang Barangay at SK Elections ay itatakda na sa December 5, 2022 matapos ang gaganaping National Elections sa buwan ng Mayo sa kaparehong taon.

Sa mga senador, ako’y naniniwala na tama ang inyong naging desisyon sa pagpapaliban ng Barangay Elections dahil malaking tulong naman ang P5 bilyon na maaaring ilaan sa iba pang programa sa mahihirap nating kababayan. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

P50-BILYON MEGA CITY PROJECT, ITATAYO SA BULACAN!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

HINDI na mapipigilan ang patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Bulacan kung saan sa liderato ng bagong gobernador ay may nakatakdang itayong proyekto na nagkakahalaga ng P50 bilyon mula sa bansang China.

Ang magandang balita ay nang magtungo kamakalawa ang tatlumpu’t limang mga delegado ng lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando sa Hunan, Province upang makipagkasundo sa pamamagitan ng “Sisterhood Ceremony” sa mga opisyal ng Hunan, Province sa pangunguna ng kanilang gobernador na si Xu Dazhe.

Ayon kay Pandi Mayor Enrico Roque, itinalagang tagapamahala sa P50 bilyon investment project na itatayo ng Chinese government sa lalawigan ng Bulacan.

Ang naturang P50 bilyon Mega Project ay itatayo sa mga bayan ng Pandi, Bocaue at Balagtas sa Bulacan na inaasahang lilikha ng 100,000 trabaho para sa mga Bulakenyo dahil sa konstruksyon ng Philippine International outlet stores, shopping mall, techno hub, factory outlets, industrial factories, warehouse, call cen­ters at marami pang iba.

Matatandaan na noong nakaraang taon, pormal na nilagdaan ang kasunduan sa pamamagitan nina da­ting Bulacan Governor Wilhelmino M-Sy Alvarado, dating Vice Governor Daniel R. Fernando at Hunan China Governor Xu Dazhe ang intensiyon ng Chinese Governor na makipag-sisterhood sa lalawigan ng Bulacan.

Sa totoo lamang, very accessible ang nasabing Mega project dahil magkakaroon ng Pandi Exit of the North Luzon Expressway (NLEX) na tinatayang aabot sa 900 meters papunta sa bayan ng Pandi, 150 meters naman papunta sa bayan ng Balagtas, 220 meters pa­puntang Bocaue, 16 kilometers to Angat at 15 KM naman papuntang Bustos na halos 90 porsiyento nang kumpleto.

Sinasabing inaasahan sa taong ito isasagawa ang groundbreaking ng nasabing proyekto na dadaluhan ng mga bigtime companies para suportahan ang nasabing proyekto na kinabibilangan ng Sta Lucia Group of Companies, SM Group at St. Lukes Medical Center.

Dapat lamang na papu­rihan ang mga opis­yal ng Bulacan sa kanilang inisyatibo (Bulacan Economic Team) na pinamumunuan ni Mayor Enrico Roque, Bulakan Mayor Patrick Meneses at former Mayor Rey San Pedro.

Sinabi ni Governor Daniel Fernando, ang Economic Team na nagtungo sa Hunan, China para sa P50 bilyon private investment kabilang ang Metro Rail Transit (MRT) na mag-uugnay mula San Jose Del Monte patungong Balagtas, NLEX toll exit na mag-uugnay sa Pandi at Balagtas na inaasahan ding itatayo ang nakatakdang international airport sa lalawigan ng Bulacan.

Kina Governor Daniel Fernando, Mayor Enrico Roque, Mayor Patrick Meneses at iba pang opisyal ng Bulacan, congratulations sa inyong lahat. Mga Bulakenyo ang makikinabang sa nasabing P50 bilyon Mega project. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

3 PULIS NA NAHULING NATUTULOG KAKASUHAN AT NINJA COPS!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MAS palalakasin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang intelligence operations laban sa “ninja cops” na isinasangkot sa drug recycling.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa mga scalawag na pulis na sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain na sumisira sa magandang imahe ng Philippine National Police (PNP).

Dahil sa pagkakasangkot ng scalawags na pulis sa kalakaran ng ilegal na droga, pupulungin ni E­leazar ang lahat ng commanders ng anti-illegal drugs enforcement unit sa Metro Manila para paalalahanan ang mga ito na tiyakin na zero tole­rance laban sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Matindi ang babala ni NCRPO Chief Eleazar na sinomang hepe ng drug enforcement unit at mga station commander na masisibak ang mga ito sa puwesto sa sandaling may mga tauhan sila na mahuhuling sangkot sa paggamit o pagbebenta ng bawal na gamot, habang ang hepe naman ng District Drug Enforcement Unit na may tauhang sangkot sa ilegal na droga, masisibak kaagad ang district director.

Samantala, sa patuloy na pag-iikot ni Eleazar sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila, tatlong pulis naman ang kanyang naabutan na natutulog habang naka-duty. Kinilala ang mga pulis na sina PCPL Eugin Ybasco at PCPL Jasyon Monsales, nakatalaga sa Police Community Precinct ng Las Piñas Police Station kung saan naka-standby ang Mobile Police Patrol sa assisstance desk sa Alabang Zapote Road, Pamplona Dos, ng nasabing lungsod. At ang isa pang pulis na nahuling natutulog ay nsi PSSGT Danny Cerbito, desk officer sa isang PCP malapit sa nasabing lugar.

Kaagad na dinisarmahan ang tatlong pulis at katakot-takot na sermon ang kanilang tinanggap kay General Eleazar bukod pa sa mga kasong isasampa laban sa mga ito tulad ng administratibo at posibleng matanggal din sila sa kanilang tungkulin.

Ang pag-iikot ni Eleazar ng madaling araw sa mga police station ay matagal na niyang ginagawa, para nga naman muling paalalahanan ang mga pulis sa Metro Manila na seryoso ang PNP sa kanilang kampanya laban sa mga tamad at batugan na mga pulis na pinasasahod ng taumbayan.

Kay Major General Guillermo Eleazar, sir … keep up the good work and mabuhay ka!

oOo

Subaybayan araw-araw ang aking programang LATIGO NI BATUIGAS sa facebook live LATIGO NEWS TV at youtube channel LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

PAGKAMATAY NG MGA BABOY PINAIIMBESTIGAHAN NI GOB. FERNANDO

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

DAHIL sa patuloy na pagdami ng mga itinapong patay na baboy sa ilog na nakita sa lugar ng Guiguinto, San Miguel at Malolos ay ipinasya ng gobernador ng lalawigan ng Bulacan na imbestigahan ang misteryosong pagkamatay ng mga ito.

Kaagad iniutos ni Gob. Daniel Fernando sa Provincial Veterinary Office na tutukan at imbestigahang mabuti ang pagdami ng mga misteryosong pagkamatay ng mga baboy sa Bulacan.

Sa pulong sa mga mamamahayag ay sinabi nito na kanya nang ipinag-utos kay Bulacan Veterinary Officer head Voltaire Basinang na imbestigahan ang insidente para malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito. Kaugnay pa rin ito sa pangambang dulot ng kumakalat na African Swine Flu dahil baka naman sa simpleng sakit lamang namatay ang mga baboy.

Kaugnay nito, bumuo ng National African Swine Fever Task Force ang pamahalaan na may inilaang pondong P7.8-M na tututok sa pagkontrol sa sakit ng mga alagang baboy.

Maging si Mayor Gatchalian ng Malolos City ay nababahala na sa pagkamatay ng mga alagang baboy sa kanyang lungsod kung kayat bumuo na rin ito ng special task force na siyang tututok sa naturang kaso.

Samantala, nakipagpulong na rin sa mga tauhan ng Department of Agriculture si Bulacan Vice Governor Willy Alvarado kasama ang mga board member ng lalawigan upang tutukan ang pagkamatay ng mga baboy sa anim na bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ipinag-utos na rin ni Fernando ang pagsasagawa ng mga checkpoint sa buong lalawigan upang masiguro na hindi kumalat ang sakit na ASF at kasabay riyan ang pagpapatawag sa lahat ng mga barangay chairman sa buong lalawigan upang paalalahanan ang mga ito na maging alerto sa ­lumalaganap na sakit sa baboy at tiyaking naipatupad ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa taumbayan ang kalsada sa kanilang mga nasasakupan.

Tiniyak naman ni Gob. Fernando na bibigyan ng tulong ang mga hog raiser sa lalawigan dahil batid nito ang hirap na dinaranas ngayon ng mga negosyante ng baboy sa lalawigan.

Sa mga nag-aalaga ng baboy sa Bulacan, paalala po lamang huwag ninyong itatago ang mga alaga ninyong may sakit dahil delikadong makain ng tao ang karne ng may sakit na baboy lalo’t may bayan sa lalawigan na nagbebenta ng patay na baboy sa mga nagbobotya. Abangan! (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

SINO ANG RERESOLBA SA MALALANG TRAFFIC SA BANSA?

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

PINAGBIBITIW ni Senadora Grace Poe si DoTR Secretary Art Tugade dahil hindi raw nagagampanan ng kalihim ang kanyang trabaho lalo na ang pagresolba sa malalang trapik sa Metro Manila partikular sa EDSA.

Makailang beses nang humirit ang DoTR kay Poe na bigyan na nito ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang sobrang trapik sa kalakhang Maynila, pero dedma ang mambabatas, sa halip tila takot itong pagbigyan ang kahilingan ni Tugade dahil kapag binigyan ng emergency power ang pangulo ay makorap lamang ang pondo ng gobyerno. Sa sandaling magkaroon ng emergency power ang pangulo, wala nang magaganap na bidding sa mga prokyekto ng ahensiya.

Sa totoo lamang, hindi naman lahat ng pagresolba sa sobrang trapik sa bansa ay kailangan ang mga bidding power, ang kailangan natin ay ang mabigyan ng ekstra power ang pangulo para maresolba ang trapik sa Metro Manila, halimbawa na riyan ang pag-utos sa mga private subdivision na padaanan ang kanilang lugar para maibsan ang volume ng sasakyan na dumadaan sa EDSA.

Kapag ang mga pribadong lote at mga subdibisyon ay nadaanan ng mga sasakyan papuntang Pasig, Makati at Baclaran ay tiyak luluwag ang daloy ng trapik.

Ang mga panukalang pagbawas sa mga sasakyan ay mahirap nang mapigilan dahil may mga kababayan tayong kahit hirap sa paghulog ng sasakyan kada buwan ay mas gugustuhin nilang kumuha ng kahit segunda manong sasakyan, kesa naman magtiis sa mga UV, Grab at buses na ubod nang bagal ang takbo dahil sa trapik.

Subukan ninyong bigyan ng emergency power ang pangulo kahit isang taon lamang para maresolba ang matinding trapik sa Metro Manila at sa totoo lamang maaari namang maglagay ng isang ahensiya o composite team ang DoTR na siyang magbabantay para matiyak na walang magaganap na katiwalian sa mga proyekto na gagawin ng ahensiya na may kinalaman sa pagresolba ng matinding trapik sa bansa.

Kaya kay Senator Grace Poe, huwag kang masyadong magduda, pagbigyan mo muna ang kahilingan ng ahensiya, kung ayaw mo naman ikaw na ang gumawa ng paraan para maresolba ang matinding trapik sa Metro Manila.

Hindi ka ba nahahabag sa kalagayan ng ating commuters na nale-late sa pagpasok sa trabaho o eskwela? O kaya naman suportahan na ninyo ang panukala ni Kongresman Egay Erice na ipagbawal na ang mga private vehicle sa EDSA at ang papayagan lamang ay ng mga public utility vehicle para lumuwag ang kalsada. Period. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARION BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

SEN. LACSON UMALMA SA ‘IGNORANTE’ NI PRES DU30!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

UMALMA si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa na ignorante ito at pinipilit na maging crusader. Dapat umanong magbasa muna ng batas si Lacson.

“Hindi ko naman matanggap na sabihan ako na ignorante, pero magkaibigan pa rin kami dahil noong nagpupunta ako sa Davao nagkikita kami,” pahayag ni Lacson.

Nag-ugat ang lahat nang magbigay ng reaksyon sina Lacson at VP Leni Robredo sa ­pahayag ng pangulo na bawal umano sa batas ang pagtanggap ng regalo ng mga pulis na hindi nagustuhan ni Duterte.

“The penchant for politician, to think that they are the only ­honest men and women in this world gaya nito ni Gordon, Lacson, nagpapa-hero nung may isyu. When I said that the policemen can accept gift in gratitude but small token, I was stating that’s the  words of the law,” ­pahayag ng pangulo.

Dahil dito, nag-post sa kanyang Twitter account si Lacson ng “Is this not graft Mr. President? Pray tell, who is ignorant.”

Sinabi pa ng mambabatas na masyadong ini-exaggerate umano ng pangulo ang kanyang mga pahayag at sinabi na sa tuwing magsasalita si Duterte ay nagbibigay ng komento ang mambabatas.

“Bukod sa aking Twitter post ako ay nagbibigay lamang ng mga komento sa mga isyu kung tinatanong ako at hindi sa lahat ng pagkakataon,” pahayag pa ng senador.

“I may not be a lawyer but I know how to read and understand what I read, o kahit magtanong pa kayo sa aking mga lawyer na abogado,” pahayag pa nito.

Pinabulaanan din ni Lacson ang pahayag ni Duterte na kaya ito nag-iingay at nagbibigay ng mga komento dahil tatakbo itong pangulo ng bansa at pinipilit maging crusader.

“I am not even sure if I want to run for president, so I do not know what he is talking about,” dagdag na pahayag ni Sen. Lacson.

Sa ganang akin, sa Republic Act 3019 o ang ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT ay wala tayong nakitang Section or Definition of terms na ­maaaring tumanggap ng regalo ang sinomang tauhan o ­opisyal ng gobyerno. (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

WITNESS SA GCTA FOR SALE DAPAT ILAGAY SA WPP!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

SA patuloy na pagdinig sa Senado kaugnay sa kontrobersiyal na pagpapalaya sa mga heinous crime convict, unti-unting nabibigyan ng linaw ang isyu ng Good Conduct Time Allo­wance (GCTA) for sale sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, ipinatawag ang isang Yolanda Camelon na asawa ng isang bilanggo na nagbigay umano ng pera kay Senior Insp. Maribel Bansil, BuCor Officer, para sa maagang paglaya ng asawang si Godfrey Gamboa. Halagang P50,000 umano ang napagkasunduan nila ni Bansil para makalaya nang maaga ang kanyang asawa sa pamamagitan ng GCTA.

Naghintay ang mag-asawang Godfrey at Yolanda sa pangako ni Bansil subalit hindi natupad kaya nagdesisyon ang mga ito na bawiin na lamang ang P50,000 subalit pinababalik-balik lamang si Camelon kaya nagsumbong na ito sa mga senador.

Isiniwalat ni Camelon sa Senado na nanghihingi umano ng pera si Bansil sa kanya para ibigay sa hepe ng documentation division ng BuCor na si Ramoncito Roque at ang u­nang P10,000 ay sa bahay pa umano ni Roque idineliber hanggang sa mabuo ang halagang P50,000.

Sa pagtatanong ng mga senador kay Roque, inamin nito na isinoli na niya ang pera kay Camelon pagkaraan ng ilang araw kung saan nagpahayag ang mga senador na bakit pinatagal pa bago isinoli ang pera kay Camelon.

Si Godfrey Gamboa ay nakatakda nang lumaya sa darating na Oktubre 14, taong kasalukuyan. Pero nabalitaan niya ang tungkol sa GCTA for sale kaya napag-usapan nilang mag-asawa na magtanong-tanong tungkol dito para makalabas siya nang maaga.

Inihayag din ng mag-asawa ang kagustuhang ibulgar sa Senado ang lahat ng kanilang nalalaman kaugnay sa GCTA for sale. Nakahanda na rin umano si Gamboa kung anoman ang mangyayari sa kanyang buhay sa sandaling bumalik ito sa bilangguan.

“Alam mo ba na wala ka namang mapapala kung magsasalita ka rito sa Senado? Pagtatanong ni Senador Lacson. Sumagot naman si Gamboa na “nakahanda na ako at maaaring mapatay ako sa loob ng bilangguan dahil sa aking pagsisiwalat sa katotohanan. Naawa ako sa aking  mga kapwa bilanggo, ang iba namamatay na lamang lalo na ang mga walang dalaw. Karamihan sa mga maagang nakalaya ay ang may mga kasong heinous crime samantalang ang mga simpleng kaso lamang ay hindi makalaya.”

Tinanong naman ni Senador Ping Lacson si DOJ Secretary Menardo Guevarra kung maaari bang habang nasa custody nila si Gamboa ay mapabilang o maisama sa computation ng kanyang paglaya at sinabi naman ni Guevarra na titingnan nila kung paano ang computation at posible rin na maisama sa Witness Protection Program (WPP) si Gamboa.

Sa ganang akin, sa sanda­ling matapos ang pagdinig ng mga senador sa GCTA for sale at kapag naibalik si Gamboa sa kulungan na hindi pa ito mapalaya ay nanganganib ang kanyang buhay dahil marami itong isiniwalat na anomalya sa loob ng BuCor kasama na rin ang kanyang asawa na si Camelon.

Kaya sana, huwag pumayag ang mga senador na maibalik sa kulungan si Gamboa dahil na-consumate na nito ang kanyang sentensiya na apat na taon kaya nga nakatakda na siyang lumaya sa darating na Oktubre. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARION BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

ILLEGAL POGO WORKERS DAPAT IMBESTIGAHAN

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MUKHANG umaarangkada na naman ang mga tauhan ng Bureau of Immigration and Deportation kung saan ang pakay nila ay mag-monitor sa mga illegal alien at mga dayuhang nagtatrabaho nang walang special working permits.

Kamakailan ­lamang ay may pangyayari na may isang grupo ng mga tauhan ng BID ang may misyon na magsagawa ng pag-inspeksyon sa mga ­establisimyento ng ­Philippine Offshore ­Gaming ­Operators (POGO) kung saan isa sa mga ­sangay nito sa Metro Manila ang nainspeksyon ng grupo, subalit nang malaman ng mga ito na limampu (50) katao sa mga nagtatrabaho na Chinese na pawang walang special working permits ay kaagad na nagdeklara ang mga ito ng raid.

Matindi ang koneksiyon ng naturang POGO dahil habang inuusisa ng grupo ang mga papeles ng mga Chinese worker ay tila nakatawag ito ng padrino kung kaya medyo lumamig ang sitwasyon habang mahigpit naman ang ­pagbabantay ng grupo sa mga illegal worker.

Sinasabing nagkaroon umano ng negosasyon kung saan pumapel ang padrino at sinabi nito sa POGO na kailangan ang  halagang P30 milyon para huwag nang arestuhin ang ­naturang mga Chinese worker.

Ang tanong natin, alam kaya ni BID Commissioner Jaime Morente ang lakad ng kanyang mga tauhan? Na pinagkakakitaan ng mga ito ang mga Chinese na walang special working permit na nagtatrabaho sa POGO? Tiba-tiba nga naman ang mga kolokoy kung hindi ito nakarating kay Morente.

Dapat imbestigahan ng mga senador at kongresista ang patuloy na pagdami ng POGO sa ating bansa kung saan marami pala sa mga trabahador nito ay pawang mga walang special working permit.Napakaluwag ngayon pumasok ang mga Chinese sa ating bansa pero dapat salain ang mga ito ng BID.

Mantakin mo nga naman, pinagkakakitaan pa ng mga kupal ang mga Chinese kaya ayos lang sa kanila na pumasok ang mga ito sa ating bansa kaya halos 70% na sa mga condo unit sa Metro Manila ay inuupahan ng mga Chinese.

Bakit hindi kumilos ang mga mambabatas at kuwestiyunin ang Philipine Gaming Carporation (PAGCOR) na patuloy na nagbibigay ng permit sa POGO na mag-operate ng pasugalan sa ating bansa? Sa totoo lang, hindi lamang mga Intsik ang naglalaro sa POGO outlets, ­maging ang mga negosynteng Pinoy ay nagsusugal din kaya tinuturuan ng PAGCOR ang mga Pilipino na magsugal.

Dapat din imbestigahan ng mga mambabatas si PAGCOR Chairwoman Andrea Domingo at Vice President Carmelita Valdez kung saan napupunta ang bilyong pisong pondo ng kagawaran.

May nakarating na impormasyon sa inyong lingkod na napakaluwag umanong magbigay ng pondo ni Domingo sa mga politiko at pagbibigay ng alokasyon ng advertisement sa mga media outlet kahit hindi naman kilala ang istasyon.

Kahit nga raw iyong mga blocktimer na broadcaster sa radyo ay nakakukuha ng alokasyon ng advertisement sa PAGCOR kaya kung tutuusin, nasasayang lamang ang pondo ng ahensiya sa walang kuwentang pinagkakagastusan. Abangan ang karugtong.

oOo

Palaging subaybayan ang aking programa sa social media LATIGO NEWS TV at sa aking Youtube channel, LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

MAHIGIT 88 HEINOUS CRIME CONVICTED, PINAKAWALAN SA PANAHON NI FAELDON SA BUCOR!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

DALAWANG araw na ginisa ng mga senador si Bureau of Correction Director General Nicanor Faeldon kaugnay sa pagpapalaya ng mga convicted heinous crime inmate at sa pagtatanong mga mambabatas ay maraming nakita at napuno sa mga sagot ng mga kasamahan ni Faeldon at maging ng director ng BuCor, na talagang marami silang ginawang katiwalian at kapalpakan.

Sa totoo lamang marami ang nagtatanong at nagtataka kung anong hinahawakang alas ni da­ting Navy Captain Nicanor Faeldon at sobrang lakas nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kabila ng mga kinasasangkutan nitong katiwalian at kontrobersiya ay hindi pa rin ito sinisibak ng pangulo?

Si Faeldon ay tumulong noong nakaraang 2016 presidential election sa kampanya ni Duterte, kaya bilang utang na loob ay binigyan ito ng puwesto sa gobyerno bilang kumisyuner ng Bureau of Customs (BOC) kung saan sa pamumuno nito ay maraming mga shabu ang nakalusot sa kanyang liderado nito kabilang na ang P6.4 bilyong halaga ng shabu.

Ibinunyag pa nga noon  ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña na tumanggap umano si Faeldon ng mahigit sa P107 milyon pasalubong mula sa mga bigtime smuggler, subalit pinabulaan ito ng dating kumisyuner.

Dahil sa sobrang kapalpakan at katiwalian sa ahensiya ng BOC ay napi­litang sibakin ni Duterte si Faeldon at ipinakulong ito ng mga senador dahil hindi ito sumasagot sa tanong ng mga mambabatas.

Makaraang makalaya sa poder ng mga senador, ay agad din itong itinalaga ni Duterte bilang Bureau of Correction (BuCor) director general at marami ang nagulat nang pumutok sa media na palalayain na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na may kasong rape at double murder makaraang ipapatay nito ang magkasintahan na sina Allan Gomez at Aileen Sarmienta na ni-rape bago pinatay.

Dahil nabuko ng media ang nakatakdang pagpapalaya kay Sanchez at iba pang halos 11,000 inmates ay pansamantalang ipinatigil ito ng Malakanyang at natuklasan ng mga senador at kongresista na halos umaabot na sa mahigit sa dalawang libong mga bilanggo ang pina­laya simula noong 2014 dahil umano sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Bayaning Partylist Congressman Jerecho Nograles, simula nang maupo bilang Director General ng BuCor si Faeldon noong 2018 ay umaabot sa 816 na  mga bilanggo na convicted at may mga kasong heinous crime ang napalaya sa pamamagitan ng GCTA sa ilalim ng R.A. 10592 simula noong Enero hanggang Agosto 2019.

Mantakin mo nga naman, ang mga bilanggo na  may mga kasong murder at rape ay halos 42 % sa kabuuan ng 1,914 preso na napalaya na simula noong 2014 hanggang 2019.

Sinabi pa ni Nograles, 22, 049 ang total ng inmates na nakakulong sa iba’t ibang piitan sa buong bansa ang pinalaya sa pamamagitan ng GCTA? simula nang maging batas ito noong 2013. At 48 sa mga bilanggo ito na convicted sa kasong illegal drugs ay nakinabang sa sinasabing GCTA.

Ayon naman kay Senador Lacson, apat  sa Chineses drug lords ang pinalaya at patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensiya ng mambabatas para matukoy ang iba pang mga pangalan ng pinalaya sa BuCor dahil sa GCTA.

Halatang halata na  pera-pera ang labanan diyan sa BuCor, mantakin mo ang mga taong hinatulan ng guilty sa mga kasong heinous crime ay pinalaya? Mabuti na lamang at nagyabang si Faeldon na lalaya na si dating Mayor Antonio Sanchez kaya pumutok sa media at napigilan ang paglaya nito.

Kay Pangulong Rodrigo Duterte, sana makinig ka sa payo ni Senador Ping Lacson, na huwag mo namang gawing recycled ang mga dating opisyal ng gobyerno na kinasuhan na tapos itatalaga mo pa rin sa puwesto?

Kay BuCor Chief, Nicanor Faeldon sir… hindi ka ba naaawa sa mga pamilya ng mga biktima ng heinous crime na sila ay umaasa na nakakulong ang mga taong may kasalanan sa kanilang pamilya? Mababalitaan na lamang ng mga pamilya na pinalaya na pala? Kung may delicadeza ka, dapat umalis ka na riyan sa puwesto mo.. kakahiya na eh!  (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

ANTONIO SANCHEZ, LAYA NA NABULILYASO PA!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MAGASAGAWA na raw ng malalimang imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umano’y nakatakda sanang pagpapalaya sa kontrobersiyal na ­dating alkalde ng Calauan, Laguna na hinatulan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo.

Ayon sa DOJ, sisiguraduhin nilang may mananagot na mga opisyal ng Bureau of Correction sa sandaling mapatunayan na  nakipagkutsabahan ang mga ito sa umano’y pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Si Sanchez ay hinatulan ni retired Judge Harriett Demetriou ng pitong Reclusion Perpetua sa pagpatay kina Allan Gomez at Aileen Sarmienta at paggahasa sa huli.

Si Sanchez umano ay kabilang sa 11,000 bilanggo na nakatakdang palayain ng gobyerno dahil kuwalipikado ang mga ito sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA), subalit nang pumutok sa media ang balitang kasama sa palalayain si Sanchez ay umani ito ng batikos sa taumbayan at netizens kung saan ­maging sina Senador Ronald Dela Rosa at Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay nagpahayag na may karapatan umanong magbagong buhay ang convicted rapist at murderer na si dating Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi naman ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya papayag na makalaya si Sanchez dahil hindi ito kuwalipikado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil ang kinasasangkutan nitong kaso ay heinous crime o karumal-dumal na krimen.

Ayon naman sa pamilya ni Sanchez, may nagpasabi na sa kanilang pamilya mula sa BuCor na palalayain na ang kanilang amang si Antonio Sanchez kung kaya nagmadali silang sunduin ito at nang nasa parking area na ng NBP ay may tumawag sa kanila na hindi muna matutuloy ang pagpapalaya sa kanilang ama.

Well, sa ganang akin, kung hindi sana nabuking at ipinamalita ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na lalaya na si Sanchez, hindi sana mauunsiyami ang paglaya ng kontrobersiyal na rapist at murderer.

Kung ako ang tatanungin, talagang hindi dapat palayain si Sanchez dahil hindi siya qualified sa GCTA dahil heinous crime ang kanyang kaso.

Dapat imbestigahan ang mga opisyal ng Bureau of Correction para malaman kung sinu-sino sa mga ito ang nag-compute at nagrekomenda na isama sa mga bilanggo na palalayain at kung bakit isinama sa listahan si Sanchez.

Kaya kay Justice ­Secretary Menardo Guevarra, sir… laliman ninyo ang gagawing imbestigasyon, tiyak may anomalyang nangyari kaya isinama sa listahan si Sanchez para makalaya ito. Kung hindi pa nabuking ng media, kasama na sana sa palalayain ang  convicted na si Sanchez. (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

PANUKALANG BATAS NI SEN. PANGILINAN, TUTULDOK SA TALAMAK NA LAND CONVERSION!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

Nakakalungkot isipin na patuloy ang pagbagsak ng produksiyon ng palay sa buong bansa dahil sa unti unting pagkaubos ng mga lupang taniman ng ating mga kababayang magsasaka dahil sa mga land conversion.

Alam ba ninyo na sa kabila ng maliit na produksiyon ng palay ang inaani ng ating mga magsasaka ay lalo pa silang pinapahirapan  o nalulubog dahil sa napakamurang halaga lamang binibili ang kanilang mga inaning palay?

Dahil sa Rice Tariffication Law ay halos wala nang bumibili sa aning palay ng mga magsasaka dahil ang mga negosyante ng palay at bigas ay umaangkat na sa ibang bansa sa mas murang halaga lamang kung ikukumpara sa halaga ng palay sa ating bansa, kaya napipilitang ibenta ng mga magsasaka ang kanilang palay maging ang kanilang palayan dahil sa pagkalugi.

Ang Rice Tarification Law ay inaabuso at sinasamantala ng mga bigtime rice trader kung saan binibigyan sila ng karapatan na umangkat ng bigas sa ibang bansa at ang hindi maganda ay nasasangkot  umano ang mga ito sa rice smuggling kakutsaba ang ilang ­tiwaling opisyal ng Bureau of Customs(BOC).

Ang siste, halos lahat ng mga magsasaka ay inutang lamang ang kanilang puhunan para  makapagtanim ng palay at kapag panahon na ng anihan ay halos lugi pa sila dahil may tubo ang perang kanilang inutang at mura ang bili sa kanilang mga palay.

Sa inihaing Senate Bill No. 256 o ‘The Agricultural Land Conversion Ban Act’ ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, layunin ng kanyang panukala na mapigilan ang conversion ng agricultural lands.

Mantakin mo nga naman na simula noong 1988 hanggang 2016, umabot na sa 100  libong ektarya ng taniman ang ginawang subdibisyon, bodega, pabrika, residential, commercial at industrial na maikukumpara sa laki ng Metro Manila at buong lalawigan ng Cebu?

Napapanahon ang panukalang batas ni Pangilinan, dahil maisasalba nito ang kakulangan sa pagkain ng mga Pilipino dahil sa ban ng land conversion sapagkat ang mga natitirang lupain sa bansa ay  maaari nang taniman ng mga magsasaka.

Sa totoo lamang napakaraming mga land developer at nagmamay-ari ng mga subdivision, eh wala nang inisip ang mga ganid na ito kundi silipin ang mga nakatiwangwang na lupain at aangkinin, bayaran ang amilyar ng lupa at palalabasin na sila na ang may ari at tatayuan  ng subdivision.

Isa na sa pamilyang nangunguna sa pagpapatayo ng mga subdivision ay ang pamilya Villar na tila hindi na iniisip ang kapakanan ng mga magsasaka na mawawalan ng matataniman ng palay dahilan upang kapusin sa suplay ng bigas ang ating bansa.

Marahil naisip ni Pangilinan na unti-unti nang nauubos ang agricultural land sa bansa kaya naghain ito ng panukalang batas na pipigil sa mga land conversion.  (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

TAMA BA NA LAGING MMDA ANG SINISISI SA MATINDING TRAFFIC?

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NITONG nakaraang linggo ay matindi ang trapik na naranasan ng ating mga kababayan sa halos buong Metro Manila partikular sa EDSA. Biruin mo nga naman, inabot ng halos apat na oras ang biyahe sa nasabing lansangan magmula lamang sa Makati patungong  lungsod ng Quezon.

Pinagpipiyestahan na nga ng media at mga politiko ang nangyaring “carmageddon” noong nakaraang linggo at idagdag pa ang matinding ulan na dulot ng hanging Habagat at ang kalituhan sa ipinalabas na Tempory ­Restraining Order (TRO) ng korte laban sa pagpapatupad ng provincial bus ban.

Maging ang Senado ay nagpatawag ng pagdinig tungkol sa nangyaring indulto at imbudo sa EDSA. Marami ang nagbigay ng kanilang panukala upang masolusyunan ang naturang problema ng ating bansa.

Ayon sa mga kritiko, sinisisi ang MMDA dahil wala raw sapat na preparasyon sa planong provincial bus ban at bakit daw pinupuntirya ang mga provincial bus sa halip na pagtuunan ang enforcement ng mga batas-trapiko.

Ang sabi naman ng iba ay masyado na raw marami ang mga sasakyan na tumatakbo sa Metro Manila, ang iba naman ay nagsabing mas higit na dapat bigyan ng importansiya ang kapakanan ng mga ­komyuter sa halip na ipasara ang mga terminal ng bus na nag-ooperate sa kahabaan ng EDSA.

Sa totoo lang, ang daming panukala pero kulang sa suporta kaya ang kawawang ahensiya ng MMDA ang madalas na tumanggap ng batikos at kritisismo mula sa mga politiko at taumbayan.

Tama ang sinabi ni MMDA General ­Manager Jojo Garcia, na hindi naman sila ang nagpapasimuno ng pagtanggal ng mga provincial bus terminal sa EDSA. Hindi rin sila ang nagpasimuno sa pagtatayo ng malaking bus terminal sa labas ng Metro Manila kung saan doon lamang titigil ang mga provincial bus upang magbaba at magsakay ng mga pasahero mula sa mga lalawigan.

Hindi kasi alam ng iba na ito ay programa ng nakaraang administrasyon na ipinatutupad lamang ng MMDA at malinaw sa charter ng MMDA na tagapagpatupad lamang sila ng alituntunin at kasunduan ng mga bumubuo ng Metro Manila Council na ang mga ­miyembro ay mga alkalde sa Metro Manila. At alam ba ninyo na ang number coding ng MMDA ay hindi sinusunod ng lungsod ng Makati at Las Piñas dahil may sarili silang ordinansa sa number coding?

Sa mga kritiko at mga politiko, sa halip na magpasikat kayo at bumatikos sa para sa inyo’y kamalian ng MMDA, suportahan na lamang ninyo, tulad ng pagsuporta ng MMDA sa kautusan ng DILG na linisin ang mga lansangan sa Metro Manila.

Ang matindi nga pati iyong mga dating naging chairman ng MMDA na sina ­Bayani ­Fernando na ngayon ay ­kongresman na at Francis Tolentino na ngayon ay senador na, sumasawsaw din sa isyu ng trapik sa ating bansa. Ang tanong natin bayan, noong panahon ng dalawang ito bilang chairman ng MMDA, ­nasolusyunan ba nila ang sobrang trapik sa Metro Manila at EDSA? Hindi rin di ba? Sa totoo lang, namana lamang ng kasalukuyang nagpapatakbo ng MMDA ang mabigat na suliraning ito.

Hindi tumitigil ang MMDA sa paghahanap ng solusyon sa problemang kinakaharap hangga’t hindi pa natatapos ang malalaking proyekto tulad ng MRT-7, subway, mga karagdagang tulay na mag-uugnay sa Pasig, Mandaluyong at Makati at ang interconnector road, CALAEX at iba pang mga imprastraktura.

Kaya para sa akin, hindi lamang ang MMDA ang dapat sisihin sa problemang kinakaharap ng lipunan patungkol sa trapik. (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More

MMDA ITUTULOY NA ANG PAGBABAWAL SA PROVINCIAL BUSES SA EDSA!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MAKARAAN ang napakahabang plano, pag-aaral, pakikipagpulong sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation  Office (LTO) at Metro Manila mayors, tuloy na tuloy na ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang lahat ng provincial buses na dumaraan sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kasado na ang kanilang plano at operasyon upang pagbawalan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses para mabawasan ang sobrang traffic at maglalagay na sila ng fence at rubber bollards.

Sa totoo lang, matagal nang plano ng MMDA na alisin sa EDSA ang mga bus terminal at i-ban ang lahat ng provincial buses, pero hindi matuloy-tuloy dahil sa maraming problemang kinakaharap ang ahensiya.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naiinis na rin dahil sa hindi masolusyunang matinding traffic kung kaya noong nakaraang taon ay hiniling nito sa Kongreso na ma­bigyan ng emergency powers para masolusyunan ang matinding traffic sa Metro Manila pero hindi naipagkaloob ng mga mambabatas.

Naniniwala tayo na hindi tumitigil sina MMDA Chairman Danilo Lim at General Manager Jojo Garcia na mapaluwag ang traffic sa Metro Manila lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Kung inyong matatandaan, pag-upo ni Lim sa MMDA, kaagad niyang sinampulan ang mga bus terminal sa EDSA at natuklasan na karamihan sa mga terminal ay walang permit.

Sa ating mga kababayan, huwag ho kayong magagalit at mag-alala dahil maglalagay ang MMDA ng designated bus station para sa mga bus na manggagaling sa probinsiya.

Para sa kaunlaran ng ating bansa ang ginagawa ng gobyerno na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at para hindi malugi ang ating mga negosyante at gobyerno ng bilyong piso kada araw dahil sa sobrang traffic.

Kina MMDA Chairman Danilo Lim, GM Jojo Garcia at Ma’am Celine Pialago, congratulations sa inyong kasipagan. Congrats for a job well done.  (HAGUPIT NI BATUIGAS /  MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

BLACK SAND MINING SA APARRI, CAGAYAN DAPAT IPATIGIL!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NANGANGAMBA ang mga residente ng Appari, Cagayan dahil sa patuloy na dred­ging operation ng isang dayuhang kompanya kung saan natatakot ang mga mamamayan sa masamang epekto ng paghuhukay sa kanilang ilog.

Ayon kay Joel Aquino at iba pang residente, umaabot na sa kanilang mga bahay ang tubig dahil sa pag-apaw ng ilog simula nang maghukay ang Chinese company. Nangangamba sila na gumuho ang mga gilid ng ilog kung patuloy ang paghuhuhay ng dayuhang kompanya.

Nitong nakaraang Martes ay naglabas na ng kanilang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Aparri na humihiling sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 na ipatigil ang dred­ging operation ng Chinese company. Napag-alaman din na walang dred­ging plan at permit ang kompanya na kinontrata umano ng provincial government.

Sinasabing nagkaroon ng Memorandum of Agreement(MOA) ang provincial government ng Cagayan at Chinese company para palalimin ang ilog na magbibigay-daan sa pagbubukas ng Aparri Port.

Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dredging sa apat na malalaking ilog sa bansa at kabilang na riyan ang Aparri, Cagayan River.

Pero, ayon naman sa Anti-Mining Advocate Group ng Cagayan, hindi dredging ang pakay ng Chinese company kundi ang pagmimina ng “black sand” sa Aparri River na sinasabing aabot umano sa $50 milyon ang bentahan sa bansang Hong Kong.

Sinikap ng inyong lingkod na makuha ang panig ni Cagayan Governor Manuel Mamba, pero hindi ito sumasagot sa a­king text at tawag para sana makapagbigay siya ng kanyang kasagutan kaugnay sa isyu at rek­lamo ng mga mamamayan ng Aparri.

Sa mga taga-DENR, kay Secretary Roy Cimatu, sir, malaking usapin ang pagmimina ng black sand sa ilog ng Aparri, Cagayan baka naman ho pwede ninyong ipatigil dahil mismong ang taumbayan at simbahan ay tutol sa dredging operation ng Chinese company dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan lalo na sa buhay ng mga residente.

Teka muna, kay Governor Manuel, sir, ano po ba ang kasunduan ninyo ng dayuhang kumpanya para payagan ang dredging o pagmimina ng black sand? Kita-kitang ho sa video na sinisipsip ng malaking tubo ang mga buhangin na ga­ling sa ilalim ng tubig at hindi lupa ang kanilang hinuhukay.

oOo

Subaybayan ang aking araw-araw na FACEBOOK LIVE PROGRAM sa LATIGO NEWS TV at sa YOUTUBE CHANNEL ang LATIGO ONLINE NATIONWIDE NEWS TV.  (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More