GURO NAKALIGTAS SA RAPE; MANYAK ARESTADO

arrested124

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

GINULPI ng isang lasing na vendor ang isang 23-anyos na guro makaraang manlaban matapos hubaran at tangkaing halayin sa loob ng isang abandonadong bahay, Linggo ng gabi sa Valenzuela City.

Nailigtas ng isang nagmalasakit na tricycle driver at mga maagap na opisyal at tanod ng barangay ang puri ng guro na itinago sa pangalang Anna, ng isang subdivision sa Brgy. Gen. T. De Leon mula sa sa manyakis na si Romnick Padua, 30, ng Jeremias St. Pag-asa, Brgy. Karuhatan na nahaharap ngayon sa kasong attempted rape at physical injuries sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Naglalakad pauwi ang guro dakong alas-11:40 ng gabi nang hablutin mula sa likuran at puwersahang kinaladkad ng suspek papasok sa isang abandonadong bahay sa Tamaraw Hills, Brgy. Marulas.

Nagpumiglas si Anna subalit nangibabaw ang lakas ng suspek hanggang maipasok siya sa loob ng bahay at sinimulang hubaran habang nakasubsob ang mukha sa sahig.

Sa takot na mailugso ang puri, itinodo ng biktima ang lakas dahilan para lalo siyang bugbugin ng suspect.

Hindi pa rin pinanghinayaan ng loob ang biktima at nagsisisigawa kaya’t napukaw ang atensyon ng dumaraang tricycle driver na si Eugenio Guzman, Jr.

Pinuntahan niya ang loob ng abandonadong bahay at nakita niya ang ginagawang pag-gulpi ng suspek sa halos nakahubad nang biktima.

Humingi ng tulong sa mga tanod ng barangay Marulas ang testigo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

GURO KINATAY NG PARTNER; LALAKI NAGSAKSAK SA SARILI

stab

(NI JG TUMBADO)

TINADTAD ng saksak hanggang sa mapatay ang isang public school teacher ng kanya mismong live in partner bago naman ito nagtangkang mag suicide sa bayan ng Bato, Catanduanes, gabi ng Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Liezl Tato, 24, nagtuturo sa Hawan Elementary School habang ang suspek sa karumal dumal na krimen ay ang kanyang live in partner na si Reymark Tebelin.

Batay sa report kay Police Col. Paul Abay, Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) Director, naganap ang krimen sa mismong tinutuluyang bahay ng dalawa sa Barangay Binanuahan dakong alas 8:45 ng gabi.

Bago ang insidente, nagkaroon muna umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Nabatid sa imbestigasyon na nagsaksak din sa sarili ang suspek.

Kapwa isinugod ang dalawa sa Immaculate Heart of Mary Hospital sa bayan ng Virac subalit sa tindi ng tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay namatay si Tato habang si Tebelin naman ay agad ikinostudiya ng Bato Municipal Police makaraang magtamo lang ito ng minor injury sa tangkang suicide.

Isa sa mga sinisilip na dahilan ng krimen ay matinding selos ng lalaki sa biktima.

Please follow and like us:
Read More