GUNMAN SA RADIO ANNOUNCER KILLING, ARESTADO NA

(NI JESSE KABEL)

TIWALA ang  Tacurong City PNP at Presidential Task Force on Media and Security na susunod na babagsak sa kamay ng batas ang mastermind sa pagpatay kay Benjie Caballero, radio announcer at station manager, na binaril noong Oktubre.

Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng Presidential Task Force on Media and Security, sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco, katuwang ang pulisya sa sinasabing gunman na nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na nasa kustodiya na ng mga otoridad ang gunman sa pamamaril at pagpatay sa mamamahayag na si Benjie Caballero Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Matatandaan na binaril at napatay ang biktima ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola habang itoy naghihintay ng tricycle sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street Tacurong City noong Oktubre 30.

Isang buwang nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Louis Hospital sa nabangit na siyudad bago ito inilipat sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City at doon na ito binawian ng buhay.
Batay sa impormasyon, tumagos ang dalawang bala na tumama sa kanyang baga na pinaniniwalaang dahilan ng kaniyang pagkasawi at agad na inilibing  ito ng kaniyang mga kaanak sa Barangay Inas sa M’lang, North Cotabato, ayon sa tradisyong Islam.

 

Please follow and like us:
Read More

GUNMAN PINAG-ALMUSAL PA; MAGSASAKA PATAY SA ‘KAIBIGAN’ 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang magsasaka na kamatayan ang kapalit pagkatapos nilang kumain ng almusal ng kanyang kaibigan, nang pagbabarilin ito ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Leandro Gapasinao, 54, ng Barangay Agpalali, Tapaz, Capiz.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Isidro Bundalan, 52, ng Barangay Tabon, Tapaz, Capiz.

Batay sa report ng Tapaz-Police Station, naganap ang insidente umaga ng Biyernes sa loob ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa bahay ng biktima kaya niyaya rin itong sabay na silang mag-almusal.

Pagkatapos kumain, lumabas na ang suspek sa bahay ng biktima at sumunod naman ang biktima sa pag-aakalang makikipagkuwentuhan pa ito.

Dito, naglabas ng .45 kalibre na baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay saka mabilis na tumakas.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINOGA SA PISNGI, PATAY

crime

(NI HARVEY PEREZ)

TODAS ang isang babaeng negosyante nang barilin nang malapitan  sa pisngi ng dalawang suspek na riding in tandem  na nagkunwang customer sa kanyang tindahan, Miyerkoles ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor  sa Tondo General Hospital, ang biktimang si  Anabeth Pareyna,  ng Alabat St., Balut Tondo.

Sa imbestigasyon ni PMSgt Rodel Benitez, ng Manila Police District-homicide section , alas 7:39 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng tindahan ng biktima  na nasa  tabi lamang ng Tondo General Hospital sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at Kalakal St., sa Balut,Tondo.

Nabatid na nagtungo umano sa tindahan ang gunman at nagkunwaring may bibilhin. Nang lumapit ang biktima ay agad itong   binaril sa pisngi .

Mabilis sumakay sa nag-aabang na kasamahan ang suspek nang makitang bumulagta  ang biktima.

Dinala ng mga nakakitang istambay  sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay.

Inaalam  ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga  suspek at posibleng motibo sa pagpaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

BGY. TREASURER PATAY SA RIDING IN TANDEM

crime55

PATAY ang municipal treasurer ng Occidental Mindoro sa riding in tandem sa bayan ng Sta. Cruz, Sabado ng gabi.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Reydante Bernardo De Lara, 53, ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nang pagbabarilin ng mga suspect na lulan din ng motorsiklo bandang alas-6:30 ng gabi.

Namatay noon din ang biktima.

Nabatid na pagdating sa national road ng Barangay Mulawin ay biglang niratrat ang biktima ng mga suspect na naka-bonet.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagtugis sa mga gunman.

 

Please follow and like us:
Read More