ANTI-CRIMINALITY OPS: 2 PULIS HINAGISAN NG GRANADA

granada

(NI KOI HIPOLITO)

SUGATAN ang dalawang pulis ng Taguig City Police Station na nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) matapos na makaengkuwentro ang isang hindi kilalang suspek na namaril at nambato ng granada, madaling araw ng Miyerkules sa Maguindanao St., Road 4 New Lower Bicutan sa Lungsod ng Taguig City.

Nakilala ang mga nasugatan na sina PEMS. Santiago Cordova at PCpl. Alnajim Abduhalim.

Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Taguig City Police Chief, PCol.  Alexander Santos, kasalukuyang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga biktimang pulis sa nasabing lugar na tinatawag din na Kangkongan nang biglang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek at pagbabatuhin ng tatlong hand grenade na isa lamang ang sumabog na nakasugat sa mga biktima sanhi ng mga shrapnels.

Mabilis naman naisugod sa Taguig- Pateros District Hospital (TPDH) ang mga biktima at nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang manhunt operation para makilala at madakip ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

KAWANI NG CAAP PINIGIL SA DALANG GRANADA SA AIRPORT

grenade12

(NI FROILAN MORELLOS)

INARESTO ng mga tauhan ng Aviation Police ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport NAIA) terminal 2, makaraang mahulihan ng granada noong Biyernes ng hapon  habang pasakay sa kanyang flight palabas ng Metro Manila.

Nabatid sa report ng  Office for Transportation (OTS), ang nasabing MK2 grenade ay itinago ni Deogracias Pulmano sa loob ng kanyang backpack , at nadiskubre matapos dumaan sa x-ray scanner sa initial screening inspection.

Ayon sa impormasyon, si Pulmano, sinasabing kawani ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),  ay isang domestic passenger. Hindi rin maipaliwanag ng Aviation police ang destinasyon nito.

Napag-alaman mula sa ilang tauhan ng (OTS) , agad inalerto ng Aviation Security Group nang lumabas ang imahe ng isang granada sa x-ray monitor.

Agad naman nagpadala ang pamunuan ng Aviation police ng K9 unit sa terminal 2 para suriin ang nasabing bagay. Doon ay nakumpirma na isang live grenade ang nasa bag nito.

Walang maipakitang papeles o dokumento ang suspect sa dala nitong granada.

Ayon naman sa CAAP , mayroon silang kawani na nagngangalang Deogracias Pulmano, ngunit sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga ito kung saan siya nakadestino.

Tiniyak naman ni Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal sa riding public at sa airport users na ginagawa ng MIAA ang lahat para maging ligtas ang naturang paliparan.

 

Please follow and like us:
Read More

GRANADA KINALIKOT; MAGSASAKA SUMABOG

pagudpud12

(NI KIKO CUETO)

PAGUDPUD, Ilocos Norte–Natagpuang patay ang 48-anyos na magsasaka na umano’y dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit ( CAFGU) nang sumabog ang hawak na granada.

Kinilala ang biktima na si German Espiritu.

Natagpuan ang kanyang labi sa palayan na 200 metro mula sa kanilang bahay sa Barangay Saguigui.

Sa imbestigasyon, sinabi ng asawa na si Emily na lumabas ang biktima at ilang minuto matapos nito ay may narinig na sila ng pagsabog.

Nagtaka si Emily dahil hindi nakauwi si German hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima.

Narekober sa crime scene ang isang granada na posibleng dahilan ng pagkasawi ng biktima.

“Hawak-hawak niya, nadisgrasya, at pumutok ‘yung granada,” ani Police Lt. Joel Corrales, deputy chief ng Pagudpud Police Station.

Walang nakikitang foul play ang pulisya sa insidente. Hindi naman kumbinsido ang pamilya ni German na aksidente ito lalo na’t nawawala ang ilang gamit ng biktima at nakahubad din ito nang matagpuan.

“Bakit wala na ‘yung damit, wala ‘yung gamit niya, ‘yung itak, at ‘yung jacket niya, wala,” ani Emily.

Sinabi pa ni Emily na may nakaalitan ang kanyang mister bago ang insidente pero hindi niya matiyak ang dahilan at kung sino ito.

“Parang may humahabol sa kanya. Hindi ko na siya nakita,” aniya.

Please follow and like us:
Read More

GRANADA NASABAT SA ‘SUNDALO’ SA MRT

sundalo22

INAALAM pa ng awtoridad ang motibo ng isang lalaking nahulihan ng granada sa MRT Cubao station, Sabado ng gabi.

Patuloy na isinasailalim sa interogasyon sa Cubao Police Station ang suspect na nagsabing dati siyang sundalo.

Nabatid na ang suspect ay pasakay na ng MRT-3 bandang alas-7:10 ng gabi nang makita habang idinadaan sa x-ray machine ang bitbit nitong granada na nasa loob ng kanyang backpack.

Nang tanungin sinabi nito na wala syang balak gamitin sa pampasabog o lumikha ng karahasan dahil dadalhin lamang umano niya ang granada sa kapatid nito na isa ring sundalo.

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL, 4 PA ARESTADO SA MGA BARIL, GRANADA

granada

(NI CARL REFORSADO)

HIMAS-rehas ang isang barangay councilor at apat nitong kasama matapos masabat sa checkpoint na may dalang mga baril at granada kamakalawa ng gabi sa Calinan District,Davao City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Analiza Jalapon Arquilano, barangay councilor sa bayan ng Magpet sa North Cotabato, George Mahinay Arquillano, residente din ng  nabatid na bayan, Reynan Lover Adame, Arnel Repollo, at Renier Pedroso, miyembro ng Cafgu na tumatayong escort ng grupo.

Ayon kay Sr. Supt. Alexander Tagum, Hepe ng Davao City Police Office, nasabat ang mga suspek sakay ng isang pick-up sa checkpoint na inilatag ng Task Force Davao sa Barangay Lacson sa Calinan District ng lungsod na ito.

Nakuhanan ng ibat ibang kalibre ng baril at dalawang granada ang mga suspek kaya agad itong dinala sa himpilan ng pulisya ng awtoridad.

Base sa imbestigasyon, patungo umano ng Davao airport ang apat

Habang si Pedroso naman ang siyang kanilang escort patungo doon, hindi naman maipaliwanag ng mga suspek kung bakit sila mayroong dalang mga baril at granada kung sa paliparan sila pupunta kaya agad sinampahan ang lima ng illegal possession of firearms in relation to Comelec gun ban.

 

Please follow and like us:
Read More

INUMAN PINASABOG; 1 SUGATAN

granada

SUGATAN ang isang 22-anyos na teenager matapos sumabog ang granada na itinapon ng isang lasing sa Sitio Bukang Liwayway, Barangay Kipalpig, Tampakan, South Cotabato.

Kinilala ni Police Officer 2 Joselito Sedillo, ang imbestigador ng Tampakan municipal police office, ang biktima na si John Jonel Rioja na residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Sedillo, isa sa dalawang mga suspek ang agad na naaresto matapos ang hot pursuit sa mga suspek, alas-8:00 ng gabi nitong Martes.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si John Rob Escalin, 18-anyos na residente ng nasabing lugar habang ang kasama nito na isa pa ay na si Rodel Canlas ay nananatiling at-large.

Ayon sa ulat, ang mga suspek, kasama ang kanilang mga kaibigan ay masayang nag-iinuman at nagkaroon ng pagtatalo. Sina Escalin at Canlas ay umalis at pagbalik ay may bitbit nang granada at inihagis sa inuman na ikinasugat ng biktima. (BONG PAULO)

Please follow and like us:
Read More