GRADE 7 BINARIL SA ULO SA LOOB NG CLASSROOM

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

IDINEKLARANG  brain dead na sa ospital  ang isang high school student  na binaril sa ulo habang nasa loob ng classroom sa Calamba City, Laguna, Huwebes ng tanghali.

Kinilala ng Calamba police ang biktima na si Mark Anthony Andres Miranda, 15-anyos, residente ng Barangay Pansol, at grade 7 student sa Castor Alviar National High School sa Barangay Masili.

Batay sa report ng Calamba City police, nangyari ang pamamaril alas 12:30 ng tanghali habang ang biktima ay naka-noonbreak at nagpapahinga sa loob ng classroom.

Bigla na lamang umanong pumasok   ang suspek at binaril ang biktima ng dalawang beses gamit ang isang maiksing baril.

Agad ding tumakas ang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima.

Pinauwi na rin ang mga estudyante sa paaralan at sinuspinde na rin ang klase para bukas.

Samantala, agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis at tinutugis na ang bayan ng Los Baños.

Iniimbestigahan pa rin ang pangyayari at inaalam ang dahilan sa pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More

DEADMA SI BF; DALAGITA LUMAKLAK NG BLEACHING AGENT

suicide

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa pag-ibig, kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Valenzuela Medical Center ang isang dalagita makaraan tangkahin nitong magpatiwakal sa pag-inom ng bleaching agent, Biyernes ng hapon sa Valenzuela City.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si ‘Katya’ di tunay na pangalan, Grade 7 student.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon dumaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa patuloy na pagdeadma ng kanyang boyfriend.

Bandang alas-2:00 ng hapon, bumili ito ng bleaching agent sa tindahan saka ininom pagdating sa kanilang tirahan.

Tiyempo namang naroon ang boyfriend ng biktima at nakita niyang kinakapos at hinahabol na ng paghinga ang dalagita kaya’t mabilis niya itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan patuloy na inoobserbahan

 

 

Please follow and like us:
Read More