159 GINTO HAHAKUTIN SA 30TH SEA GAMES

(NI ANN ENCARNACION)

KUMPIYANSA si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakaya ng bawat isang National Sports Association (NSAs) na tuparin ang kanilang medal projection sa isinagawang executive board meeting ng asosasyon noong Biyernes sa Conrad Hotel sa Pasay.

Umabot sa kabuuang 159 gold medals ang inaasahang maisusukbit ng lahat ng miyembro ng Team Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games base na rin sa ipinangako ng bawat National Sports Association na nagsidalo sa final coordination meeting noong Huwebes sa Century Park Hotel sa Manila. May 45 NSAs ngunit 37 lamang ang nakadalo sa Chef de Mission coordination meeting kung saan ay inaasahang aabot pa sa 264 ang ginto mahahakot ng bansa dahil sa pagdaragdag sa electronic sports o  eSports na inaasahang madodomina ng Pilipinas.

Kumpiyana si Tolentino na magagawa ng Team Pilipinas na maging domintante sa biennial meet ngunit mas realistiko umanong isipin ang 159 gold haul o kalahati ng medal projection ng NSAs sa nasabing CDM meeting.

Naniniwala rin ang POC na makakaya ng host Pilipinas na makapagtapos sa unang tatlong puwesto sa 11 kalahok sa bansa sa 2019 SEA Games na magsimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Bilang dating chairman ng Sports and Rules Committee ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), naging bahagi si Tolentino sa pagpili ng sports na paglalabanan sa SEAG.

Umaabot sa 56 sports at 530 events ang paglalabanan ng mga atleta mula sa mga bansa sa Southeast Asia sa biennial meet.

Nagkasundo naman ang POC Board na isagawa ang huling general assembly sa Disyembre 17, kasunod ang post SEA Games celebration at POC Christmas Party, kasama na rito ang awarding of cash incentives sa mga Pilipinong gold medal winners sa kada dalawang taon multi-sports competition.

Please follow and like us:
Read More

7 GINTO TARGET NI YULO

(NI ANN ENCARNACION)

HALOS dalawang dekada na (1991) sapul nang isagawa ni swimmer Eric Buhain na magwagi ng limang gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Matapos ito ay wala pang Pilipinong atleta na nakapagwagi ng higit sa tatlong gintong medalya sa mga sumunod na edisyon ng SEAG.

Kaya naman tatangkain ni world gymnastics champ Carlos Edriel Yulo na hindi lang pantayan kundi higitan pa si Buhain sa pamamagitan ng pagsungkit ng ginto sa pitong gymnastic events sa darating na biennial meet na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Nangako naman ang Philippine Sports Commission (PSC) na ibibigay nila ang kanilang buong suporta kay Yulo upang maabot nito ang inaasam na pitong gintong medalya sa 30th SEAG.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines secretary general Bettina Pou, ipinabatid sa kanila ng bagong Pinoy pride ang hangarin nito na mawalis ang pitong events sa men’s gymnastics sa SEAG upang matulungan ang bansa na maging pangkalahatang kampeon sa biennial meet.

Ito’y matapos ang makasaysayang pagwagi ng ginto ni Yulo sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

“He promised to sweep all of his seven events in the men’s gymnastics competition of the SEA Games” sabi ni Pou.

Itinala ni Yulo ang makasaysayang pagsungkit ng gintong medalya sa paborito nitong event na floor exercise at maging unang Pilipino na nakagawa nito sa prestihiyosong kompetisyon sa mundol, na nagbigay din sa kanya ng tiket tungo sa Tokyo Olympics.

Ipinangako naman mismo ni PSC Chairman William  ‘Butch’ Ramirez na ibibigay nila kay Yulo ang lahat ng pangangailangan nito kabilang ang pagbubuo ng sarili nitong team na binubuo ng physiotherapist, sports nutritionist at sports psychologist upang bantayan ang kanyang preparations sa SEA Games at Olympics sa Enero 2020.

“The government will go all out in supporting Caloy and other deserving athletes as they prepare for the SEA Games and the Olympics next year,” sabi ni Ramirez, siya rin chief of mission ng Team Philippines.

Please follow and like us:
Read More

PINAY BOXER, SUMUNTOK NG GINTO

BINALEWALA ni Nesthy Petecio ang pro-Russian crowd para talunin ang hometown bet na si Liudmila Vorontsove at ibulsa ang gold medal sa AIBA World Women’s Championships, Linggo sa UIan-Ude, Russia.

Nagtala si Petecio ng split decision win (3-2) sa kanilang featherweight class encounter at maging ikalawang Filipino athlete na naging world champion sa magkasunod na araw.

Narito ang iskor ng mga huradong pumabor kay Petecio: Australia (30-27), Korea (30-27), at Ireland (29-28). Habang ang Japan (30-27) at Argentina (29-28) naman ang pumabor sa Russian boxer.

“Nesthy deserved the win. Not only because she fought brilliantly, but also because she sacrificed so much for this,” sambit ni Alliance of Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas matapos ang panalo ni Petecio.

Sabado ng gabi naman nang mahablot ni Carlos ‘Caloy’ Edriel Yulo ang gold medal sa 2019 Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgard, Germany. (VT ROMANO)

 

Please follow and like us:
Read More