THIS IS IT!

GO FOR GOLD final

TAPOS na ang boksing, ika nga.

Sabihin na natin na hindi transparent ang nakaraang eleksyon. O, na hindi ito credible. Ang tanong, mapapalitan pa ba natin ang resulta?

Kahit pa sabihin natin na nagkadayaan. Eh, bakit hindi ito napigilan o na-counter ng oposisyon?

Mas maaga na matanggap natin na talo ang oposisyon … mas mabuti para sa ating bansa.

Baka sa ganung paraan ay makapagmuni-muni sila ng taimtim para naman mapag-aralan nila nang maigi saan sila nagkamali at mabasa naman nila nang tama ang pulso at damdamin ng mamamayang Pilipino.

Ikaw ba naman … ang messaging mo pang class ABC, eh 6% lang sila?

Tapos, laitin mo at insultuhin mo ang followers ng administration? Eh, di pati yung ibang members ng class DE (94%) na undecided o kampi sa oposisyon ay tinamaan at na-turn-off na sa oposisyon?

oOo

The worst is yet to come!

So kapit lang mga kababayan. Asahan nyo na ang Federalismo, ang pagtanggal na ng term limits, ang pagdami pa ng trabahador galing Tsina, lolobo ang utang natin, ang pagsuko ng ating mga teritoryo, at baka pati TRAIN 3, 4, 5!!!

Marami pang iba. Parang panahon lang ni Marcos ang peg.

But do you really care?

Majority sa kapwa natin ay walang paki. Hangga’t hindi sila naaapektuhan, wala silang paki. Pero, pag nakanti naman, ang lakas humiyaw!

Kayo talaga! Hintayin nyo pang mapatay si bunso or mabiktima kayo mismo … para lang kayo mamulat o magising.

Actually, alam nyo naman ang katotohanan. Pero, kayo’y nagbubulag-bulagan or nagbibingi-bingihan. Sa anomang kadahilanan, kayo na lang ang may alam.

Marami ang talagang naniniwala na mahusay ang kasalukuyang administrasyon at walang katotohanan ang mga paratang. Hindi ito dapat minamaliit o iniinsulto.

Kung naniniwala ang oposisyon na mali ang mga ito, dapat alamin nila ano pinaghuhugutan nitong mga nasa laylayan.

Aralin nila ano ang pinaka-epektibong paraan para makumbinse nila ang mga ito.

Napaka-insensitive kasi ng nakaraang administrasyon sa hinaing ng mga nasa laylayan. Tuloy, nagamit ito ng mga kalaban nila para maghangad ng pagbabago ang masa … kahit pa sa mas tuso pa galing ang pangako ng pagbabagong ito.

Pagkatapos ng tatlong taon, kahit na panggagago ang naganap at nauwi sa wala ang mga pangakong ito … di pa rin matinag ang mga nakaluklok.

Marami nang tumiwalag, totoo yon. Pero marami pa rin ang nanatiling panatiko dala ng massive propaganda machinery at delubyo ng fake news.

We must give it to them. Matindi at magaling ang communications team nila. Not necessarily yung mga nasa pamahalaan. Out maneuvered at outclassed ang democratic forces.

Mukhang matagal pa ang ating aantayin bago magising sa panggagago ang mga panatiko.

Samantala, hold on to your cash and start saving. Dadami ang plunderers at ang nakaw na yaman dahil sa nakita naman nila na it pays to steal big!

Sa puntong ito, tanging ang Diyos na lang ang ating takbuhan. Siya na lang ang makakarinig ng ating hinaing at makatutulong sa atin.

Panahon na para magdasal. At magdasal ng madalas. Dahil sa resulta na 12-0 ng halalan, mukhang hinayaan ng Diyos na tayo ay maparusahan. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

ANG OUR LADY OF FATIMA AT ANG HALALAN 2019

GO FOR GOLD final

Ongoing pa rin ang botohan habang sinusulat ko ito.

Kayo naman, habang binabasa niyo ito, tapos na ang halalan at maaaring meron nang resulta ang front runners sa Senado.

Alam naman natin na ang midterm elections ay sandata ng mamamayan para hatulan ang nakaupong administrasyon, kahit sino pa man ito.

Kung satisfied ang Pinoy sa kasalukuyang pamamalakad … ang mga kandidato ng Malakanyang ang mamamayagpag. At kung hindi … mas marami namang oposisyon ang maluluklok sa Senado.

So ano kaya ang hatol?

Credible naman kaya? Sa awa ng Diyos, sana naman. Para sa ikabubuti ng ating Inang Bayan, sana naman. Para sa ating mga kapwa Pilipino … dapat naman!

Ngunit nakakatayo ng balahibo at nakakakabog ng dibdib ang 1-2-3 punch ng Comelec last week: ang pagkakatanggal ng papel sa eleksyon ng Namfrel, ang desisyon na NP ang minority party na siyang entitled sa poll watchers at kopya ng election returns, at ang corrupted disks ng counting machines.

Parang twilight zone ang feeling. Parang dark ages ng Marcos years ang peg!

Sa resulta, malalaman natin kung tayo’y patuloy na pinarurusahan ng Mahal na Ama, o kung tayo ay tuluyan na niyang pinatawad.

Hindi kasi basta coincidence na ang araw ng eleksyon na May 13 ang siya ring araw ng Kapistahan ng Our Lady of Fatima.

Marami sa nananampalataya ang nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag-asa. Tiyak sila na may mirakulong magaganap sa araw ng eleksyon. Mag dilang anghel nga sana sila.

Ang mensahe kasi ng Fatima ay tungkol sa kapayapaan o world peace. Kaya umaasa ang mga deboto na iiral na muli ang katahimikan at kaayusan sa ating bansa.

Ngunit, ang Fatima rin ay kilala para sa panawagan ng Mahal na Ina na prayers, conversion, penance. Ang tanong … sumagot o tumalima ba tayo sa mahalagang panawagan na ito?

Dumami ba ang nagdasal para sa divine intervention? Dumami ba ang bilang ng mga nagbalik-loob sa Diyos? Marami ba sa atin ang nagsakripisyo at humingi ng kapatawaran dahil sa kasalanan ng ating bansa sa Panginoon?

Aber, eh kung wala naman palang malaking bilang ng mga kababayan natin ang nagsisi at nagbago … eh walang mirakulo na magaganap sa halalang ito.

Mananaig pa rin ang evil forces. Patuloy pa rin ang ating dinaranas na chastisement hanggat hindi tapat at sapat ang reparation na ating inaalay para sa ating mga kasalanan bilang isang bayan.

At kapag ganito nga ang senaryo sa mga darating na araw … I fear for my children.

But, who knows? Sabi nga nila, may oportunidad sa bawat krisis.

Kapag siguro maranasan ng mga milenyal ang hirap at pasakit ng mga Marcos years, baka naman dadami na ang bilang ng mga tutugon sa panawagan ng Our Lady of Fatima?!

Then and only then magaganap ang divine intervention na ating inaasam.

Gaano katagal? Nasa sa atin na yon.

Sinabi ko naman sa inyo nuon pa man – spiritual ang labang ito, kaya’t spiritual din ang solusyon. (GO FOR GOLD / Paul Sison)

Please follow and like us:
Read More

SARI-SARI STORE MENTALITY 

GO FOR GOLD final

SAKIT na nating mga Filipino ang tinatawag na sari-sari store mentality.

Ito yung kung ano ang kumikitang negosyo sa komunidad, ganun din ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay.

Masdan ninyo, dahil malakas ang benta ng tindahan nina Ate Ofelia sa kanto, ganun na rin ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay niyang sila Aling Monang, atbp. O, hindi ba?

Sa kalye nyo na lang, ilan ang sari-sari store diyan na magkakatabi o magkahilera?

Di ba nila naisip na sa pagtatayo nila ng tindahan na magkakalapit ay pinapatay nila ang pagkakakitaan nilang lahat? Natural, pag kakaunti ang mga kostumer at marami ang bibilhan nilang tindahan, hindi sapat ang kikitain ng bawat tindahan para kumita at lumago.

Pinoy na pinoy talaga. Parang isang uri rin ng crab mentality. Dahil, lahat damay. Lahat babagsak at malulugi.

Saan ba natin nakuha ang ganyang masamang pag-uugali?

Naalala nyo ba nung mauso ang lechon manok dahil sa Andoks? Marami rin ang nagtayo ng lechon manok sa kani-kanilang neighborhood. Eh, di sandali lang at marami rin ang nagsara.

Ganyan din ang nangyari sa shawarma. Di po ba?

Ngayon malinaw na sa inyo ang pattern. Iwasan po natin ang ganitong masamang ugali dahil lahat tayo apektado. Lahat tayo talo.

Kaya ang payo ko sa mga nais magtayo ng negosyo, wag po natin gayahin ang kung ano ang uso at kumikita na negosyo sa kasalukuyan. Matutulad lang tayo sa karamihan sa mga kababayan natin na napariwara at nalustay ang pinag-ipunang pera.

Hindi po dahil kumita si kumare o ang kapitbahay natin sa ganitong negosyo ay kikita rin tayo.

Sabi nga ni dating MMDA chairman Bayani “BF” Fernando, napakaliit ng success rate ng mga pumapasok sa negosyo. Halos 95% daw ang failure rate. Kaya nga ang payo niya sa mga residente ng Marikina noon ay mamasukan na lang kayo at maging empleyado.

Ito naman ay opposite ng GO NEGOSYO! advocacy na marami namang natulungan na umangat sa buhay mula sa ating mga OFW, retirees, etc.

Sana makatulong itong tips para tumaas ang tsansa ninyo na maging successful sa negosyo:

  1. Alamin kung anong produkto o serbisyo ang mataas ang demand ngunit kakaunti naman ang nagsu-supply sa lugar o trade area na inyong balak pagtayuan ng negosyo.
  2. Sapat ba ang dami ng potential customers sa inyong lugar?
  3. Mas mabuti kung ang pasukin ninyong negosyo ay malapit sa inyong puso. Yung tila ba enjoy kayong gawin ito kahit hindi kayo bayaran. Ganun din kung magaling kayo sa linyang ito at natural lang ito sa inyo. Marami sa mga nalugi ay dahil pinasok nila ang isang negosyo na wala silang kaalam-alam at walang ka-inte-interes.
  4. Napaka-importante ng lokasyon sa negosyo. Dapat strategic at sentro sa maraming tao at very accessible, madaling puntahan.
  5. Gawan nyo ng paraan para ipaalam sa mga potential customers ninyo na meron kayong ganung produkto o serbisyo. Importante ito. Dahil kahit na gaano kaganda ang iyong produkto o serbisyo, kung walang may alam or hindi ito alam ng tao, balewala rin.
  6. Gawin ninyong mas madali para sa customer na magdesisyon na bumili o tumangkilik sa inyo. At gawin nyo ring mas madali para ma-deliver nyo ito sa kanila.
  7. Pumili ng mga tapat at maabilidad na empleyado at tratuhin sila ng mabuti para pagmalasakitan nila ang inyong negosyo o kompanya.

Ilan lamang ito sa mga payo na pangnegosyo. Sana nakatulong ito kahit paano.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

BOSSES THAT INSPIRE

GO FOR GOLD final

MALUNGKOT na balita ang pagkamatay ni Vicvic Villavicencio.

Boss ko siya dati sa Triple V. Marami siyang natulungan. Di lamang sa trabaho rito sa atin, kundi pati sa abroad. Kapag ga­ling ka sa Triple V, Dads, Kamayan, Saisaki, atbp., madali ka makakuha ng trabaho sa mga hotel, restaurant, at cruise ships sa ibang bansa.

Ang di ko makalilimutan kay Vicvic ay yung abilidad nya na ma-inspire ang mga taong kausap nya. Mula sa maliit na grupo ng mga empleyado hanggang sa malaking gathering ng lahat ng empleyado para sa Chairman’s Anniversary. Pag si Vicvic nagsalita, ang isang ordinaryong gawain ay nagiging isang misyon. Very charismatic sya magsalita at binibigyan nya ng importansya ang mga empleyado kaya kuha nya ang atensyon ng lahat. Tila pagkatapos ay handa silang lahat magpakamatay para sa kanya.

Naalala ko tuloy yung second life nya nung Luzon-wide brownout nung mid-nineties. Madalas kasi sya naghe-helicopter nun pabalik-balik ng Subic at Maynila. Nung araw na yon, nagkaaberya ang makina ng helicopter nya at nag-crash sila.

“Patay na dapat kami sa crash na yon dahil mataas pinanggalingan naming altitude. Ang nagligtas sa buhay namin ay ang mga high-tension wires ng Napocor na nag-break ng fall namin imbes na diretso kami crash sa lupa,” kuwento niya.

Ang mirakulo doon ay hindi sila nakuryente at natusta sa high-tension wire – dahil nga sa brownout ang buong Luzon! Biro mo yon?!

Marahil, hindi pa sya kinuha ni Lord noon dahil marami pa siyang matutulungan.

Isa na ako run. Mapalad talaga tayo kapag ang boss natin ay ating hinahangaan at hindi kinatatakutan.

Sa mga naging boss ko dati, dalawa ang may pinakamalaking impluwensya sa buhay ko si Raul Teehankee at Bayani “BF” Fernando.

Boss ko si Teehankee dati sa Department of Tourism. Napaka-secure ng taong ito. Dahil wala siyang insecurities, hindi siya nate-threaten sa mga tao niya. Kaya ine-encourage pa niya kami to be the best that we can be. Mas nakikita pa niya ang galing ng isang tao kaysa sa taong yon mismo.

Si BF naman ang nagturo sa akin na gumawa ng mga study at proposal nung ginawa namin ang concept paper ng Marikina Riverpark na sinubmit nya sa Malacanang nung panahon ni FVR. Dahil dito sa natutunan ko sa kanya, marami akong nakuhang kliyente at natulungan ako mag-provide para sa aking pamilya. Habambuhay kong tatanawin na utang na loob yan kay BF.

Kinuha pa nila akong mag-asawa twice para maging GM ng mga kompanya nila sa BF Corporation. At nung naging MMDA chairman siya, inalok nya ulit ako ng puwesto sa MMDA pero hindi ko na matanggap ito dahil sa prior commitments sa ibang kliyente.

Saludo rin ako kay Wellington Soong na boss ko sa Heritage Foods o Racks Restaurant. Ang babata nung mga kasama ko sa Mancom ng Racks. Pinagkatiwalaan niya kami na patakbuhin ang negosyo ng Racks. Ine-encourage pa niya kami na kumain sa Racks at yayain kumain dun ang mga pamilya at kaibigan para lamang sa feedback. Ibang klase talaga itong si Willie Soong! Lalo na nung maiwan ko yung P5,000 cash na budget ko sa isang activity sa mesa na pinagkainan naming mag-asawa sa Racks Julia Vargas. Kinabukasan, sabi niya, “meron ka yatang naiwan kagabi?” Imbes na sermunan niya ako, binigyan niya ako ng second chance.

`Si Anna Narvasa ay direct boss ko sa Triple V. Sa kanya lang ako nakarinig na yung pagkakaroon ko ng maraming trabaho, palipat-lipat ng trabaho na hindi tumatagal ng isang taon sa isang kompanya ay mabuti, “Ganito ang kailangan ko. Yung hindi tumatagal, yung madaling ma-bore at gusto ay iba naman. Bagay ka sa business development.”

Mapalad ako at naging boss ko ang mga taong ito. Sana ay mahubog din kayo ng inyong mga bossing kung saan man kayo ngayon. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

INFORMATION IS POWER 

GO FOR GOLD final

Matobato. Lascanas. Taguba. Acierto.

Apat na matitinding testimonya. Game changer normally ang ganyang first-hand testimony. Very damaging. Ikinababagsak ng mga nakaraang administrasyon.

Ngunit bakit nga­yon, tila mahaba ang pasensya ng ating mga kababayan?

Dati, sapat na ang ganyan para lumabas ang tapang ng ordinaryong mamamayan. “Tama na. Sobra na. Palitan na!”

Ano ang kaibahan?

Alam nyo ba na matinding operasyon ang nangyari dalawang taon bago ng 2016 elections? Matinding budget ang umikot nuon para idemonize ang administrasyong Aquino. At bakit nga hindi?

Ikaw ba naman ang magpakulong ng 3 biga­ting senador na galing sa pamilya ng mga politiko. First time nangyari yan. Natural, babawi ang mga yan at gagamitin lahat ng makakamal nilang pondo para war chest nila laban sa iyo. Idagdag nyo pa diyan ang sama ng loob ng partido nila GMA, Corona, at pamilyang Marcos.

Naalala nyo ba ang laglag bala, ang walang puknat na pagbira sa haba ng pila ng LRT-MRT, Yolanda Funds, SAF44, atbp?

Lalo pa itong pinalala ng pagiging clueless ng Aquino administration sa kung papaano ma-damage control o ma-handle ang mga crisis PR situations na kanilang hinarap nuon.

Outclassed ang propaganda machinery at communications efforts ng Malakanyang bago mag eleksyon.

Allegedly, may report daw na umiikot sa internet na nagpapatunay sa abnormally heavy internet traffic mula mainland China, papasok sa Pilipinas nung campaign period 2016.

Kung may alegas­yon laban sa Russia nung kampanya sa Amerika, ganun naman laban sa China dito sa Pinas. Kaya raw pala maraming wrong grammar sa mga postings sa social media nuon kasi gawa ng mga Chinese trolls.

Ang sabi nila, nasa post-truth era tayo. At tama nga naman. Sa panahon ngayon, hindi mo na alam ang mali sa katotohanan. Baliktad na ang mundo. Ang paninindigan mo dati ay madali nang tibagin ng walang tigil na mind conditioning o pag manipula ng public perception. Ang tao mismo litong lito na sa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan.

Ganyan ka powerful ang information at ganyang ang ka-crucial ang role ng media sa panahon ngayon.

Dahil sa bilyun-bil­yong pondo at makenarya ng gobyerno ay hawak nila ang isang napakala­king alas sa pagsugpo ng dissatisfaction at dissent – propaganda. At dahil napakalawak at massive ng kanilang impluwensya, madali nilang maniobrahin kung papaano mag iisip o magre-react ang tao – partikular na ang masa.

Propaganda at fear. Ito ang one-two punch laban sa katotohanan.

Ang galing nila sa dalawang aspetong ito. Mala Hitler at Mao Tse Tung ang galing nila sa propaganda.

Nakalulungkot lang bilang dating pangulo ng mga government communicators na makitang ginagamit sa mali at laban sa tao ang public information.

But never under-estimate Divine Intervention and the day of reckoning.

The countdown begins.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

PAGSABOTAHE SA TURISMO

GO FOR GOLD final

EXPONENTIAL ang pag-increase ng bilang ng mga turista dito sa Pilipinas – hindi lamang sa ­Metro Manila, kundi pati sa iba’t ibang tourism destinations sa ating bansa.

Maraming pamilya ang nakikinabang, ­maraming munisipyo ang lumalago. Narinig na naman ninyo ­siguro ang ­kasabihan na “domino ­effect” ng turismo?

Sa turismo kasi, buong komunidad nakikinabang. Buong bansa umuunlad.

Bawat bisita na dumadayo sa ibang lugar, gumagastos sila para sa tutuluyan nila, sa kakainin nila, sa paglilibangan nila, sa pasalubong nila, atbp.

Kaya everybody happy kumbaga! Tama ba?

Ngayon, ramdam na ramdam ang da-ming bilang ng mga turista sa buong bansa. Hindi po yung tatlong milyong Tsino na pinapasok sa ating bansa! Kayo talaga! Yung mga lehitimong turista na pumapasyal dito sa atin ng ilang araw. Tama ba?

Ang turista ay hindi limitado sa mga banyaga o foreigner lamang. Mas marami yung tinatawag ng Department of ­Tourism na domestic tourists. Ito yung mga kapwa ­nating Filipino na namamasyal sa ibang lugar o probinsiya tulad ng Baguio, Tagaytay, Maynila, atbp.

Malaking bagay sa pagdami ng mga turistang ito ay ang pagiging affordable ng mga tutulugan nilang hotel, apartel, condo, o bahay. Yung mga dati ay presyo ng isang hotel room para sa dalawang tao ay presyo na ng isang buong bahay o condo unit na kasya ang isang buong pamilya o barkada.

Nung panahon ko sa Department of Tourism (DOT), o sa Philippine Convention and Visitors Corporation (PCVC), kulang na kulang ang mga hotel rooms. Hindi kami makapag promote ng todo kasi walang tutuluyan ang mga turista.

Kaya nga mismong gobyerno pa ang nagpopromote ng “homestay” program at ine-engganyo nila ang mga residente na paupahan nila ang kanilang kuwarto o bahay sa mga bisita.

Malaki ang naitulong nito sa programa ng turismo ng ating pamahalaan. Marami ang tumugon sa pakiusap ng DOT. Marami ang nag invest sa dagdag na kuwarto, o guest house.

Itong dekadang ito, nauso ang mga ­booking mechanisms tulad ng AirBnb, Booking.com, Trip Advisor, Agoda, atbp. Napadali ang pagpromote ng mga hotel, apartel, bahay, at transient rooms.

Kasama ang mga call centers o Business Process Outsource (BPO) industry, at remittance ng ating mga Overseas Filipino ­Workers (OFW), nakatulong ang turismo sa pag unlad ng Pilipinas.

Marami ring mga OFWs at iba pang ­Filipino ang umunlad dahil sa pag invest nila sa mga bahay o kuwarto na pinaparenta nila sa mga turista at transients. Marami talagang tumugon sa panawagan ng homestay at karagdagang matutulugan at matutuluyan ng mga bisita.

Malungkot lang na bandwagon effect ang pagbabawal ngayon sa mga condo ng pagpaupa sa mga transients. Iba-iba ang dinadahilan nila. Pero, ang tunay na dahilan ay ang pagiging elitist na ayaw nila na mayroong ibang tao na labas pasok sa kanilang condominium.

Sabi ng HLURB, hindi ito pwede ipatupad sa mga condo o subdibisyon na walang nakalagay na pagbabawal sa Master Deed and Declaration of ­Restrictions. So, sa mga lumang condo na walang nakasaad na pagbabawal  pwede pa rin ipa-renta sa Airbnb, atbp.

Pero, sa mga bagong condo na nakasaad sa kanilang master deed na ­bawal ipaupa sa mga ­transients … bawal talaga. Dahil alam ng mga owner na bawal mula’t sapul pagkabili pa lang nila na bawal.

Tahimik pa rin si ­Secretary Berna Romulo Puyat sa isyung ito. Ano po ba ang stand ng DOT dito? (Go For Gold / Paul Sison)

Please follow and like us:
Read More

PAMANTAYAN PARA HINDI TAYO MALIGAW 

GO FOR GOLD final

SA nagdaang Semana Santa, nawa’y napagnilayan na­ting maigi ang Ten Commandments – ang Sampung Utos ng Diyos:

  1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat.
  2. Huwag kang sa­samba sa mga diyos-diyosan.
  3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
  4. Galangin mo ang iyong ama at ina.
  5. Huwag kang papatay.
  6. Huwag kang ma­ki­kiapid sa hindi mo asawa.
  7. Huwag kang magnakaw.
  8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
  9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
  10. Huwag kang mag­­­nanasa sa hindi mo asawa.

Hindi lamang ito utos na dapat natin sundin, ito rin ang paraan ng Diyos para tayo ay gabayan kung sino ang mga dapat iluklok sa puwesto sa ating pamahalaan.

Basahin n’yo maigi at isa-isahin ang bawat utos. Gamitin itong pamantayan sa bawat kandidato na kinukonsi­dera ninyo. Huwag kayong padala sa partido na kanilang kinabibilangan para hindi biased.

Ngayon, sino ang mga lumusot sa pamantayan na ibinigay sa atin ng Diyos?

Ha? Ilan lang ang pumasa sa mga kandidato?

Eh, di sila ang iboto nyo sa darating na halalan. Hindi mo naman siguro pagdududahan ang Diyos sa binigay niya sa iyo na batayan, di ba?

Ano?! Napansin mo na marami ang lumabag sa lahat ng sampung utos?!

Sinu-sino?

Kayo talaga! Mga kandidato ang pinag-uusapan natin dito. Pati ba naman ‘yon ipinapasok nyo pa rito?

Tama naman kayo — LAHAT nga ng Ten Commandments ay linabag niya. Kailangan pa ba na isa-isahin pa natin? Kaya nyo na yan. Pati ba naman ako ay idadamay nyo pa riyan?

Huwag kayo mag-alala. Lahat ng iyan ay pananagutan at pagbabayaran niya. Kung hindi man sa mundong ito, makaaasa kayo na mahuhusgahan siya sa dako pa roon. Tiyak ‘yon! Nakita nyo naman na hindi siya natitinag. Mas gusto raw nya sa impiyerno. Free will.

Tayo rin naman … mananagot sa anomang kasalanan natin o anomang paglabag natin sa sampung utos. So, hindi tama na tayo ay maghusga. Dahil tayo rin ay huhusgahan.

Gamitin na lang natin ang Ten Commandments para malaman natin kung sino sa mga politiko o opisyal ng pamahalaan ang gumagawa nang tama. Ang hirap na kasi malaman ang tama sa mali dahil sa social media at sa paglaganap ng fake news.

Ngayon lang kasi na ganito ka-hati ang ating bayan bilang isang bansa. Polarized. At iyan ang gusto ng ibang bansa na may masamang balak sa atin. Mas madaling sakupin ang isang bansang hati-hati at magkakaaway ang mga mamamayan.

Si Cardinal Rosales na mismo ang nagsabi … ang mensahe ng Our Lady of Lipa sa kanyang aparisyon noon ay patungkol sa bansang Tsina at ang masubang sakim na pagnanasa nila sa ating mga likas na yaman.

Nangyayari na ito nga­yon. At tulad nung panahon ni Hesus, ay mismong mga pinagkakatiwalaan pa ng ating mamamayan ang nag-Hudas sa atin.

Ang laban na ito ay spi­ritual. Kaya spiritual din ang solusyon.

Pagnilayan natin nang maigi ang Sampung Utos.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

MAGING MAINGAT AT LISTO SA PAGBIYAHE 

GO FOR GOLD final

BAKASYON na naman!

At tiyak ay marami sa atin ang bibiyahe out of town para makapagpalamig o pahinga nang ilang araw. Ngayon din ang panahon ng company outing at team building ng mga opisina ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Ngayong Holy Week, mas maraming umuuwi sa kani-kanilang probinsya para sa mga family reunion.

Natural, sa pagdagsa ng mas malaking bilang ng mga bakasyunista sa malalayong lugar, duma­rami rin ang aksidente sa daan at krimen sa mga lugar na madalas puntahan ng mga turista.

Kaya’t pinapaalala ng Department of Transportation sa pamamagitan ni ASec. GODDES HOPE LIBIRAN ang dobleng pag-iingat at preparasyon para sa mga bibiyahe nang malayo.

Siguraduhin na nasa tip-top shape ang inyong mga sasakyan.  I-tune up ang mga makina at siguraduhin na tama ang tire pressure para makarating nang maayos at ligtas sa inyong patutunguhan.

Pero ang pinakadelikado sa daan na pagmumulan ng aksidente para sa motorista at mga sakay nito ay ang mga tricycle, e-bike, at mga motorsiklo na nasa gitna ng highway at ayaw tumabi kahit pa ten-wheeler na trak o malaking bus ang bumubusina sa likod nila.

Marami sana ang natuwa dati sa anunsyo ni Sec. Eduardo Año na paigtingin ang pagbabawal ng mga lokal na pamahalaan ang kampanya laban sa pagbiyahe ng mga motor at tricycle sa mga highway lalo na sa probinsya. Ngunit, hanggang duon na lang ‘yon. Wala namang nakinig. Wala naman tumalima at kumilos.

USec. JONATHAN MALAYA, patulong naman please at paki-update nyo naman po kami sa kampanya ng DILG  para mabawasan ang aksidente sa national highways?

Malaking tulong sa mamamayang Pilipino kapag ito ay napatupad ninyo nang maayos. Hindi lamang bibilis ang biyahe, makatitipid sa transport cost, at tataas ang produktibidad – i­lang libong buhay din ang maliligtas dahil dito.

Pag nakarating na kayo nang ligtas sa inyong paroroonan at tutuluyan, siguraduhin na naka-secure ang inyong valuables. Huwag ninyong pabayaan na nakatiwangwang lang ang inyong mga bags, gad­gets, salapi, at iba pang bagay na malaki ang halaga kung saan saan.

Kawawa naman ang caretaker na inyong pagbibintangan kapag kayo ay nawalan dahil din pala sa inyong kapabayaan. Ikaw ba naman, may P45,000 ang bag mo tapos isasabit mo lang sa bintana? Kaduda-duda naman ang inyong istorya dahil unang-una, sliding window ‘yon at walang pagsasabitan.

Pangalawa, naka-lock yon dahil sa ang kuwarto ay airconditioned. So, bakit ninyo binuksan? Tapos dun ninyo isasabit ang bag na may malaking halaga? Ala e, parang pinangangalandakan talaga ninyo na marami kayong pera na gusto ninyong ipanakaw! Huwag kayo manukso sa pamamagitan ng pag-display ng mga “eye candies” kung tawagin na parang inuudyukan nyo pa ang magnanakaw na kunin ang gamit ninyo.

Kung totoong may 45k ang bag, eh di dapat halos nakadikit na sa katawan mo ang bag na yon. O kaya nasa kama o unan mo kung nakahiga ko. O sa sahig man lang. Pero sa bintana?

Maaaring mapagkakatiwalaan ang mga empleyado ng tinutuluyan ninyo, pero hindi natin masasabi ang mga ibang tao na umaaligid sa mga lugar na maraming bisita at nag-eenjoy dahil alam nilang madali lang makasalisi.

Kaya okay lang na mag-enjoy kayo ngayong bakas­yon, pero lagi maging alerto sa inyong gamit at sa paligid.

Be safe everyone!  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

REY, RADING, HESER AT LARRY 

GO FOR GOLD

HINDI biro ang mahiwalay sa pamilya. Lalo na sa panahon na may problema ka.

Ngunit ganyan ang dinaranas araw-araw ng higit 2 milyong Pilipino na kung tawagin natin ay OFW o Overseas Filipino Workers.

Masuwerte tayo rito sa Pilipinas kasi andito ang ating mga mahal sa buhay kapag tayo ay may problema at nangangailangan ng lakas, motivation, o paggagabay. Ika nga, may support mechanism tayong matatakbuhan kapag may pinagdaraanan.

‘Yang 2.3 million na yan ay bilang ng documented OFWs nung 2018. So, alam natin na mas malaki pa ang bilang na ‘yan dahil marami pa ang TNT o tago nang tago.

Mahigit kalahati o 53.7% ay babae, at 46.3% lang ang lalaki.

37.6% ay domestic helpers at cleaners sa mga hotel at opisina. 18% ang service at sales. 13.7% ay nagtatrabaho sa mga planta bilang machine operators o assemblers. 11.4% ay craft at related trade workers. 8.7% ay working professionals. 5.8% technicians atbp. 3.4% clerical support. 1.1% ang managerial positions. At 0.4% lang ang sa skilled agricultural, forestry and fishery workers.

57.1% ang nasa Middle East. 18.1% ang nasa East Asia: Hongkong, Japan, Taiwan, China, South Korea. 9.5% ang nasa Southeast Asia. 6.4% sa Europe. 5.4% sa North and South America. 1.6% Australia. At 1.1% sa Africa.

Ang mga datos na yan ay kinalap ng Businessworld researchers na sina Joechebed Gonzales at Lourdes Pilar. Ang source nila ay ang Philippine Statistics Authority.

Naaalala nyo pa ba ang pelikulang “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Barreto nung taong 2000? Dun mo makikita ang masamang epekto ng social dislocation. At ‘yan ay dinaranas ng halos lahat ng mga kapwa nating Pilipino na nagtatrabaho abroad.

Taas ang kamay ng mga naghiwalay ang mag-asawa o magulang dahil sa ang isa ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ilan sa inyo ang nagrebelde at di nagtapos sa pag-aaral? Ilan ang nagwaldas ng remittance na pinadadala ng asawa at nakikiapid sa kumare o kumpare? Meron pa nga riyan na sa ibang babae nagpapadala ng mga balikbayan box na panay imported, pero sa tunay na asawa … wala ni isang kusing.

Matinding sakri­pisyo po talaga ang mawalay sa pamilya. Biro mo, hindi ka na kilala ng anak mo pagbalik mo dahil wala ka nung formative years niya?!

Ang oras na hindi mo kasama ang mga mahal mo sa buhay ay hindi mo na maibabalik. Bayaran ka man ng limpak limpak, di mo pa rin mababawi ang mga panahon na wala ka sa pamilya mo.

Saludo ako sa inyong mga nagtatrabaho sa ibang bansa para lamang itaguyod ang inyong pamilya!

Kaya kapag umuuwi rito sa Pilipinas mula sa Yiwu, China ang aming mga Qua­lity Control Inspectors na sina RADING VALDERRAMA, REY FEBRER, HESER BERNARDO, at LARRY MACATIAG … binibigyan ko talaga sila ng oras at importansiya. Dahil ibang lebel ng malasakit ang iwanan ang pamilya para magtrabaho abroad.

`Sana, ganoon din ang isukli ninyo sa mga mahal n’yo sa buhay na mga OFW. Iparamdam n’yo sana sa kanila na naa-appreciate ninyo ang kanilang sakripisyo para sa inyong pamilya. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

SI AIDA, SI REGIE, O SI JENN 

GO FOR GOLD

IBANG klaseng hayop pala talaga tayong mga Pilipino!

Habang nano­nood ako ng pelikulang “Heneral Luna,” di ko maintindihan kung paano traydorin mismo ng mga kapwa Pilipino ang ating bansa.

‘Yung iba nga nagpapakamatay pa para sa Pilipinas, inaalay ang buhay para sa inang bayan! Nakalulungkot na may mga taong ganid sa kapangyarihan at kayamanan na sinasanla na ‘di lamang ang kaluluwa nila kundi pati ang kinabukasan ng ating bansa.

Ngunit di pa rin hopeless ang ating bansa. Kasi kahit na namamayagpag ang mga baliw at ganid, mayroon pa ring mga ordinaryong tao na patuloy lang sa pagkayod nang marangal para sa kanilang pamilya.

Isa na riyan si JERRY MALLARI na twenty years nang dedicated service ang binigay sa kompanya. Mula sa ahente sa probinsiya, ngayon ay National Sales Ma­nager na siya ng Manila Bay Hosiery. Matinding pagsubok ang naranasan niya nung naaksidente at namatay ang kanyang mag-ina sa Pangasinan habang siya ay nakadestino sa Vismin. Isang trahedya na malamang muntik na niyang ikabaliw —  pero di pa rin naapektuhan ang kanyang trabaho.

Sina AIDA TIOMICO at LAARNIE DOMINGO naman ay mga taga Gitnang Luzon na araw-araw ay bumibiyahe nang malayo para lamang makapaghanapbuhay. Hindi biro ang pagod na dinaranas nila dahil sa tagtag ng biyahe, ang trapiko, at ang haba ng oras nila sa biyahe. I­lang oras na lang kaya ang tulog nila? 4-6 hours ang nagugugol sa pagbiyahe pa lang papunta sa opisina at pauwi. Ilang oras na lang kaya ang kanilang tulog? Pero patuloy pa rin ang pagtaguyod nila para sa kanilang mga pamilya. Pareho silang nagsimula bilang mga promo girl sa SM Department Stores. Si Laarnie ay Sales Supervisor. Si Aida naman ay Area Sales Manager na para sa buong Luzon.

Ito namang si Inday kung tawagin namin – si REGIE DEPACAQUIBO – ay Area Sales Manager ng Vismin kung saan pa­tuloy na linalagpasan nila ang sales target buwan buwan. Naikuwento niya minsan nung nasa Castle Peak, Cebu kami na dati siyang namasukan bilang kasambahay. At pasaway rin daw sya dati bilang anak at estudyante. Pero nagsimulang magkadireksyon ang kanyang buhay nang magkaanak na sya. Mula sa pagiging promo girl at bisor, Ma­nager na sya ngayon at doing well ang kanyang territory. Kahit maka-Digong sya, saludo pa rin ako sa dedikasyon niya sa trabaho.

Meron din kaming kasama na dalawang Jennifer. Si JENN YARRA ay well-rounded sa experience pagdating sa retail. Galing siya ng SM, Levi’s etc. Kayod siya at mabilis trumabaho kaya hindi nagtagal ay MARKETING MANAGER na siya ngayon. Well deserved naman dahil mahal na mahal niya ang kanyang pamilya at lagi siyang tumutulong sa kanyang pamilya sa Bataan. Si JENG MERCADO naman ay HR Manager na family-oriented. Kaya pati ang pagtrato at pag-asikaso n’ya sa mga empleyado ay parang pamilya na rin at kanyang kapamilya ang bawat isa. Very loving din siya sa kanyang asawa’t anak … pati na sa kanyang magulang.

Marami pang tulad nila … sina MYRENE FLORES, CHRISTINE CALEBAG, DEL AUSTRIA, LEA ERPELO, WENG MARTINEZ, ACHIE RAMOS, GRACE ACUG, atbp. Mga ordinaryong tao na kumakayod nang marangal sa pang-araw-araw para sa kanilang mga pamilya.

Ang mga tulad nila ang mga dapat pagsilbihan nang tapat ng ating mga politiko at mga opisyal ng pamahalaan. Ngunit, napakalungkot makitang ito ang mga taong pinagnanakawan ng ating mga korap na opisyal.

Mahiya naman sana kayo kina AIDA, REGIE, at JENN. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

NAGOYO KA RIN BA? 

GO FOR GOLD

MARAMI na ang gising sa katotohanan.

Marami na ang mulat ang mata. Yung inaasahan nilang pagbabago, ay pagbabago pala sa tinatamasa nating sagana sa buhay. Yung murang gasolina, nagtaas. Yung presyo ng bilihin, lalong nagmahalan.

Yung inakala nilang pagsugpo sa droga ay mga mahirap lang ang pinaslang nang walang kaso. Yung mga warehouse man at caretaker lang ang nakulong. Samantalang ang mga bigtime drug lord, pinalaya pa.

Nakita ng mga ordinaryong tao kung papaano pinalaya ang mga plunderer na nakakulong na, pinawalang sala pa.

Pati naman ang mga panatiko, may hangganan.

With impunity. Ga­ra­palan naman kasi. Sobrang kampante na kaya nilang babuyin ang mamamayang Pilipino and get away with it.

Surf yata ang gamit ng karamihan sa mga kababayan natin. Kaya tuloy, “wais” na sila sa nangyayari sa ating kapaligiran.

Dinaig na ni Bikoy si Boy Abunda sa kasikatan dahil sa kanyang mga online episodes na ipinamamahagi ng netizens sa internet, sa Messenger, Facebook, atbp.

Iba ang kultura sa Metro Manila. Iba ang kultura sa Luzon. Iba ang kultura sa Visayas.

Ang panggogoyo na umuubra sa Davao ay maaaring hindi bebenta sa Maynila. Ang pananakot na laganap duon ay maaaring hindi ganuon katindi ang epekto sa mga taga Maynila na mataas ang pinag-aralan at sa tapang ng mga taga-Cavite at Batangas. Iba rin ang pride ng mga Bisaya kaya hindi sila basta-bastang titiklop ang buntot.

Nakalimutan yata nila na ang 16 million ay minority lang sa isang daang milyon na Pilipino. So mas marami pa rin ang hindi sunud-sunuran sa malawakang panggagahasa sa ating bansa. Ngayon na marami na ang nakalas sa kanilang social media network, hindi na kayang pagtakpan ng propaganda ang mga katiwalian na mismong galing pa sa tabing Ilog-Pasig.

Pero ang pinakamalaking balakid sa kanilang mga iligal na hangarin ay ang professional Armed Forces of the Philippines. Hindi nila pinatulan ang alok na military junta. Di nila kinagat ang alok na hawakan ang Bureau of Customs.

At sa pananakot na warrantless arrest o revolutionary war, marami ang naniniwala na hindi ito susuportahan ng ating officers at gentlemen.

Ikaw ba naman, matutuwa ka ba na pinamimigay ang ating mga isla at pinababayaang takutin ang a­ting mga mangingisda?

Matutuwa ka ba na ilang milyong Tsino ang nabigyan ng trabaho dito sa atin samantalang maraming walang trabaho na mga kapwa Pilipino? Sobrang taas pa ng kanilang sahod kumpara sa ibinabayad sa ating mga kababayan.

Alam din ng mga kababayan natin na militar ang pakikialam ng mga crony sa mga transakyon sa militar at gob­yerno. Pinatalsik at siniraan pa ang mga matinong opisyal ng Philippine Navy, atbp. Tahimik lang ang mga sundalo, pero hindi nila nagugustuhan ang nangyayari.

So asahan nyo na patuloy na mababawasan ang bilang ng mga DDS. Madalas matagal ang proseso. Pero lalabas at lalabas talaga ang katotohanan.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

HUMPTY DUMPTY SAT ON THE WALL, HUMPTY DUMPTY HAD A GREAT FALL

GO FOR GOLD

SA panahon ngayon, hindi na pwede mag-play safe.

Tanungin kita … ano ba mas importante? Ang bansa mo? Or ang kultong kinasasaniban mo?

Pilipino ka! Ano na nangyari sa iyo?

Dati, magkakasama pa tayo na kontra sa diktador at nakaw na yaman. What happened?

Bakit ngayon, okay na sa iyo ang diktador at nakaw na yaman?

Porke ba taga-Davao ka rin?

Okay naman ang ganyang may pride ka sa isang kababayan at itaguyod mo siya at ang kanyang mga programa dahil pareho kayong siyudad o probinsya. Pero, sana naman mas matimbang sa iyo ang interes ng buong bansa.

Naiintindihan ko na matagal na ang isyu ng mga taga-Mindanao laban sa mga taga “Imperial Manila.” Ngunit hindi ito sapat na dahilan para manatili kayong bulag at bingi sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa.

Alam kong hindi matatawaran ang pagmamahal mo sa ating bayan. Pero bakit iba na ang depenisyon mo ng tama at mali? Oo, binoto mo siya. At karamihan sa atin ayaw masabi na nagkamali sila ng hinalal. Pero sana naman kung para sa ating bayan, di baleng magmukhang gago. Mas mabuti na matuto tayo sa ating kamalian at ito ay iwasto.

Hindi kailangan na panatiko. Pilipino muna bago ang politiko.

Ang normal na tao, nakikita ang maganda at hindi kanais-nais sa kanilang ibinoto. Ang panatiko, blind devotion at blind loyalty. Sana naman, para sa ikabubuti ng ating bansa, punahin nyo rin naman kung may maling ginagawa ang inyong sinasamba. Buhay at kinabukasan ng ating mga anak at susunod na henerasyon ang nakasalalay dito.

Sa totoo lang, marami sa mga panatiko, hindi nakikinabang sa nangyayari ngayon sa gobyerno. Hindi naman sila kumikita diyan. Bragging rights lang, happy na sila. Makakantiyaw lang happy na sila. Paano, dahil sa social media nagkaroon sila ng relevance. Ang pakiramdam nila, sikat na sila at maraming nakikinig sa kanila. Hindi nila alam na marami sa akala nilang nagbabasa sa kanila ay fake accounts. Trolls at bots. Sila-sila nagbobolahan.

Hindi pa huli ang lahat. Sana para sa ating bansang Pilipinas, doon lang tayo sa tama. Anoman ang kulay natin, dun lang tayo sa tama at totoo. Parang awa niyo na, isantabi nyo na ang pagiging panatikong tagasunod ng isang tao o personalidad.

Kung meron mang dapat tayo ay maging panatiko … ito ay para sa ating bansa … para sa ating mga kababayan.

Kaya naman natin magkaisa kahit magkakaiba ang pinaniniwalaan nating politika. Naniniwala ka ba rito?

Bakit sa barkada namin? May panatiko kay Duterte, merong Dilawan, meron din komunista, atbp. Pero masaya kami pag nagtu-two bots!

Paano, iniintindi namin ang paniniwala ng mga kasama namin. Hindi man kami magkapareho, nirerespeto namin na sinsero ang bawat isa sa kanyang paniniwala.

Ang malungkot, kahit solid kami bilang magkakaibigan, magkaiba ang aming panuntunan ng tama at mali. Iba-iba lang talaga ang biases natin.

Daanin ko na lang sa dasal at novena na magkaisa ang pananaw ng lahat pagdating sa kung ano ang tama at mali, at kung ano ang mabuti para sa ating bansa.

O, ikaw ano pa inuupo-upo mo riyan? Huwag ka maging fence-sitter. Manindigan ka na! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

WALANG TAKOT SA DIYOS 

GO FOR GOLD

Suwail. Tiwali. Bastos.

Mga ugaling taglay ng kasalukuyang administrasyon. ‘Di lamang mga politikong balimbing ang nahawaan. Kundi pati na rin ang publikong mangmang sa katotohanan.

Totoong majority sa Pilipinas ay Katoliko. Ngunit hindi kataka-taka na marami sa Katolikong ‘yan ang pumapalakpak sa bawat pambabastos, pagbabanta, at pagsisinungaling ng mamang bugnutin sa tabi ng ilog Pasig. Papaano … ilan lang naman diyan ang saradong Katoliko o practicing Catholics.

Kahit ang mga balimbing na maiitim ang budhi—ipokrito. Sipsip sila sa kung sinoman ang nakaupo. Kaya nga mayorya sila. Lipatan nang lipatan ng partido. Kakaunti lang kasi ang may paninindigan! Bibihira talaga ang may prinsipyo. Karamihan sa kanila ay mga sipsip!

Pero, tila ngayon lang merong pinuno na sa bibig nya mismo nagmumula ang kababuyan at poot.

Kawawa naman itong tatlong uri ng hayop kung akala nila na mamamayagpag sila hangang sa kabilang buhay. Ano ba kayo?!

Kahit pa bago ng kapanahunan nina Haring David at Solomon, marami nang matigas ang ulo at suwail sa kagustuhan ng ating Panginoon. Ito pa ‘yung mga taong napaburan pa mismo ng biyaya ng Diyos.

Parati na lang nauulit ang kasalanan ng tao sa Diyos. It’s Adam and Eve all over again.

Hindi na talaga tayo nagtanda. Hinding-hindi natin matatakasan ang paghuhukom. Si Marcos nga hindi nakaligtas. Si Hitler ganun din.

Tiyak na ganyan din ang kahahantungan nitong mga kasalukuyang namamayagpag sa ating bansa.

‘Yan ang pampalubag-loob sa nakararaming Pilipino!  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

 

Please follow and like us:
Read More

INFORMATION IS POWER 

GO FOR GOLD

MATOBATO. Lascanas. Taguba. Acierto.

Apat na matitinding testimonya. Game changer normally ang ganyang first-hand testimony. Very damaging. Ikinababagsak ng mga nakaraang ­administrasyon.

Ngunit bakit ngayon, tila mahaba ang pasensya ng ating mga kababayan?

Dati, sapat na ang ganyan para lumabas ang tapang ng ordinaryong mamamayan. “Tama na. Sobra na. Palitan na!”

Ano ang kaibahan?

Alam nyo ba na matinding operasyon ang nangyari dalawang taon bago ang 2016 elections? Matinding budget ang umikot noon para idemonize ang administrasyong Aquino. At bakit nga hindi?

Ikaw ba naman ang magpakulong ng 3 bigating senador na galing sa pamilya ng mga politiko. First time nangyari ‘yan. Natural, babawi ang mga ‘yan at gagamitin lahat ng makakamal nilang pondo para war chest nila laban sa iyo. Idagdag nyo pa riyan ang sama ng loob ng partido nila GMA, Corona, at iba pa.

Naalala nyo ba ang laglag bala, ang walang puknat na pagbira sa haba ng pila ng LRT-MRT, Yolanda Funds, SAF44, atbp?

Lalo pa itong pinalala ng pagiging clueless ng Aquino administration sa kung papaano ma-damage control o ma-handle ang mga crisis PR ­situations na kanilang hinarap nuon.

Outclassed ang propaganda machinery at communications efforts ng Malakanyang bago mag-eleksyon.

Allegedly, may report daw na umiikot sa internet na nagpapatunay sa abnormally heavy internet traffic mula mainland China, papasok sa Pilipinas nung campaign period ng 2016.

Kung may alegasyon laban sa Russia nung kampanya sa Amerika, ganun naman laban sa China dito sa Pinas. Kaya raw pala maraming wrong grammar sa mga ­postings sa social media nuon kasi gawa ng mga Chinese trolls.

Ang sabi nila, nasa post-truth era tayo. At tama nga naman. Sa panahon ngayon, hindi mo na alam ang mali sa katotohanan. Baliktad na ang mundo. Ang paninindigan mo dati ay madali nang tibagin ng walang tigil na mind conditioning o pagmanipula ng public perception. Ang tao mismo litong-lito na sa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan.

Ganyan ka powerful ang information at ganyan ka-crucial ang role ng media sa panahon ngayon.

Dahil sa bilyun-bilyong pondo at makinarya ng ­gobyerno ay hawak nila ang isang napakalaking alas sa pagsugpo ng dissatisfaction at dissent – propaganda. At dahil napakalawak at massive ng kanilang impluwensya, madali nilang maniobrahin kung papaano mag-iisip o magre-react ang tao – partikular na ang masa.

Propaganda at fear. Ito ang one-two punch laban sa katotohanan.

Ang galing nila sa ­dalawang aspetong ito. Mala Hitler at Mao Tse Tung ang galing nila sa propaganda.

Nakalulungkot lang bilang dating pangulo ng mga government communicators na makitang ginagamit sa mali at laban sa tao ang public information.

But never under-estimate Divine Intervention and the day of reckoning.

The countdown begins.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

LANGAW SA IBABAW NG KALABAW 

GO FOR GOLD

MAY kasabihan tayo tungkol sa mga tao na kung umasta, daig pa ang amo na nagbigay sa kanila ng kapangyarihan o posisyon.

Teka, wala itong kinalaman sa pulitika!

Bagamat totoo ang iniisip nyo, hindi lamang ito nangyayari sa gobyerno. Totoo rin ito sa private sector. Partikular dun sa dapat sana ay service industries.

Tila yata baliktad na ang mundo. Nung panahon ko kasi sa Megaworld Land, napaka customer-oriented ng property management team namin under kina Kingson Sian at Ricky Libago.

Ang mga patakaran, house rules, etc. ay binubuo na ang kaginhawaan ng mga residente ang nasa isip. Madalas, ang tanong namin sa aming sarili ay, “Paano ba natin gawing madali at conve­nient para sa mga residente at bisita nila ang buhay nila habang nakatira sa condo natin?”

Sila ang basehan. Convenience ng residents ang basis. Customer-driven, ika nga.

‘Yung mga komplikadong patakaran, pinapa-simple. Yung pahirap, ginagawang madali. Lahat pinag-iisipan para lang mas lalong guminhawa ang buhay ng mga residente sa condo.

Ganun ang training ng mga tao sa professional property management companies. They are trained to make life simpler and easier.

20 years after, baliktad na ang mundo! Anyare?!

Malungkot na ma­kita na marami sa mga condo ngayon ang nalihis sa mahusay at makataong pamamalakad mula nang ito ay mai-turnover sa condo corporations o condo associations.

Ang condo corporation ay binubuo ng mga residente at pinamumunuan ng board of directors na mga residente rin ng condo na ‘yon.

At dito na nagkandaleche-leche ang matinong pamamalakad ng pro­perty management sa mga condo na tila hari kung umasta ang presidente o director. Malas mo na lang kung nakatira ka sa condo na ganito ang sitwasyon.

Natural, dahil empleyado sila ng condo corp., ipatutupad lamang ng mga tao sa admin office ang mga patakaran na nais ipairal ng sinomang naghahari-harian sa condo na ‘yon.

Don’t get me wrong. Marami sa mga nagsisilbi sa board ay mga volunteer na greater good ang nasa isip. Talagang mahal lang nila ang komunidad at nagsisilbi sila na walang kapalit na material gain.

Kaso, malas mo kung matapat ka sa namumuno sa board na sariling kaharian niya ang pagturing sa condo na tinitirhan niya. Marami ring ganyan. Di lamang sa Metro Manila, kundi pati na rin sa mga probinsya o key cities ng Pilipinas.

At dahil masamang asal ang kanilang amo, asal sanggano na rin ang mga empleyado. Hari na rin kung umasta.

Tuloy, ang mga patakaran na pinatutupad ay pahirap para sa mga residente – imbes na pagandahin ang kanilang quality of life.

Nabaliktad. Lahat ay kung paano mas madali para sa admin office. Imbes na mga residente ang guminhawa ang buhay, ang mga empleyado ng opisina ang guminhawa!

Maling-mali!

Panawagan sana sa mga nasa service industries, magbalik-tanaw po tayo. Naalala nyo pa ba ‘yung mga panahon na ang pasalamat at ngiti ng customer ang nagpapataba ng inyong puso?

Balikan po natin ‘yon. ‘Yun po ang tunay na nagbibigay ng saysay sa ating buhay.

At sana, manatili kayong tapat sa inyong tungkulin.

Ito ang hamon sa atin ng Panginoon …

IMBES NA MAGHARI … MAGSILBI!  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

DEBOSYON KAY SAINT JOSEPH? 

GO FOR GOLD

KUNG nagawa mo na ang lahat, at wala ka nang ibang matakbuhan … bakit di mo subukan magdebosyon kay San Jose?

Kapistahan ni Saint Joseph ngayong araw na ito, March 19.

Sino ba si San Jose?

Alam naman ng lahat na siya ang Foster Father ni Hesus. Hindi biro itong papel na ginampanan niya sa plano ng Diyos. Dahil nung naghanap ang Ama ng gagabay at magpo-provide para sa Holy Family – si Hesus at Mahal na Ina – si Jose ang kanyang napili.

Kahit ikaw, kung para sa sarili mong mag-ina, sisiguraduhin mo na mahusay ang iyong pagbibilinan. Kaya’t para piliin n’ya si Jose, matinding karangalan iyon at indikasyon ng taas ng pagkatao ni Jose sa mata ng Diyos.

Kaya naman sa ating simbahang Katolika, siya ay tinatawag na Patron of Providers.

Ano ibig sabihin nito?

Kung meron kang problema na may kinalaman sa pagpo-provide para sa iyong pamilya, negosyo, asosasyon, organisasyon, atbp … kay San Jose ka tumakbo para siya ang padrino mo sa kanyang anak na si Hesus. Bakit di mo subukan? Wala naman mawawala sa iyo.

Sabi nga ni Monsignor Josefino S. Ramirez, ang aking spiritual director na nag-introduce sa akin ng debosyon kay Saint Joseph, “Kapag bago ka palang sa debosyon – papadamahin ka ng Diyos. Panay answered prayers!” Natural, para lalo kang maengganyo sa bagong debosyon mo para lalo itong lumalim. Kaya kung ako ikaw, magdebosyon ka na kaagad. As in, now na! Sabi naman ni Monsi, saka naman darating ang pagsubok kapag matatag na ang iyong debosyon.

Pati pala ang mga tao sa simbahan, sa kanya humihingi ng tulong for intercession pag kailangan nila ng pera para pambili ng lote, pagpapatayo ng seminaryo, kumbento o simbahan, etc.

Si Mother Teresa ng Calcutta nga raw ay tinatalikod ang imahen ni Saint Joseph sa kanyang mesa pag matagal ang pagtugon n’ya sa kahilingan ng mga Sisters of Charity. Literal na iniikot n’ya ang imahen para nakatalikod sa kanya – kumbaga ay nagtatampo. Kapag ganun daw ay agad-agad na sinasagot ng Diyos ang kanilang dasal. At naniniwala sila na ito ay dahil sa pangungulit ni San Jose.

Mismo ngang si Monsi Pepe ay sa kanya lumalapit kapag may pangangailangan na pondo para sa solicitation, atbp. Minsan pa raw ay nagdasal s’ya na bigyan s’ya ng sign ni Saint Joseph tungkol sa kanyang linalapit sa mahal na santo, at biglang may dumaan na taxi na San Jose ang nakapaskel sa pinto. Alam agad n’ya na answered prayer na ‘yon at hindi na s’ya nag-alala.

Ako mismo ay nabiyayaan at patuloy na nabibiyayaan ng grasya ng Panginoon mula nang simulan ko ang aking debosyon nung 1999 – 20 years na pala?!

Kasama ko ang His Watchful Servants sa meeting namin kay Monsi Pepe isang gabi sa Binondo Church, kung saan si Monsi ang parish priest at rector. Imbes na Jubilee Year 2000 ang pag-usapan, panay ang kuwento sa amin ni Monsi tungkol kay Saint Joseph at mga anecdotes n’ya na halong nakaka-inspire at nakakatawa.

Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “Sige nga, Saint Joseph, mula ngayon magde-devotion ako sa iyo. Turuan mo ako ng tamang devotion. Turuan mo ako kung paano ang tamang pagiging provider sa aking pamilya.”

Ilang minuto lang, may nag-text sa akin na kakilala ko na may meeting daw kami sa Ford Pampanga sa San Fernando ng 10 a.m. At dun kami magkita sa bahay niya sa Loyola Subdivision ng 6:30 a.m.

Nasara ko ang contract to do a business plan for Ford Mindanao nung tanghali. Mula roon tumuloy ako sa meeting ko sa Ortigas Avenue at nasara ko ang contract para sa Marketing Plan ng Alemars Davao. At mula roon ay tumuloy ako sa Pasay Road para sa 4pm meeting ko with mga expats kung saan nasara ko rin ang contract para sa market research.

3 bagong kliyente within 24 hours mula nung nagdesisyon ako na magdebosyon kay Saint Joseph!

Ano pa ba ang kailangan n’yo para makumbinse kayo?  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

THE TYRANNY OF ASSOCIATIONS AGAINST TRANSIENT RENTALS 

GO FOR GOLD

PAPAYAGAN ba ng gobyerno na patayin ng mga condo association ang turismo sa ating bansa?

Pinagmamalaki ng gobyerno, partikular na ang Department of Tourism (DOT), ang tourist arrivals na 7.1 million nung 2018. Ito ay halos 8% increase mula sa 6.6 million nung 2017. Record-breaking ‘yan!

42 million naman ang domestic tourists natin. ‘Yan ay 3 out of every 5 Filipinos. Ito ay resulta ng Household Survey on Domestic Visitors (HSDV) ng Philippine Statistics Authority (PSA) at DOT.

Ang industriya ng turismo ay nagko-contribute ng 12.1% sa ekonomiya ng Pilipinas. Malaking bagay yan!

Ngunit ang lahat ng ito ay nanganganib na maapektuhan ng galaw ng mga condo associations na i-regulate or ipag­bawal ang pagparenta ng mga unit owner sa mga transients ng overnight stay or ilang araw lang.

Wala pang datos para ipakita kung ilan sa mga turista – foreign at domestic – ang tumutuloy sa mga transient homes. Ngunit marami sa ating mga kababayan ay nakayanang bumiyahe at mamasyal dahil affordable na ang kanilang tutuluyan.

Sang-ayon ka ba na marami nang nakakapasyal at staycation ngayon dahil sa mura na ang mga bahay o kuwarto sa Airbnb, Booking.com, Agoda, Trip Advisor, atbp?

Biro nyo, isang bahay na para sa sampu o kinseng tao sa halaga ng isang hotel room?

Ayon kay Mayor Mauricio Domogan ng Baguio, “malaking tulong ito sa ekonomiya ng mga tourist destinations tulad ng Baguio.” Sabi pa niya na walang karapatan ang mga condo association na ipagbawal ang mga pagpapaupa sa mga transient ng short term. Ito raw ay saklaw ng property rights ng unit owners na nakapaloob sa Civil Code ng Pilipinas.

Ito ang kanyang pahayag pagkatapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang residente at negos­yante ng Baguio laban sa condo associations.

Ayon naman sa legal opinion ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) nung 2017, “A registered condominium unit/lot owner/lawful possessor thereof has the right to rent out his or her property absent any express prohibition or restriction in the master deed with declaration of restrictions in case of condominium project and a deed of restrictions as stipulated in the contract to sell or in the title of the property itself in case of subdivision project.”

Kadalasan, security issue ang ginagawang dahilan kaya ipinagbabawal ito at gusto lang nilang protektahan ang mga residente nila. Baka raw may terorista ng ISIS na mag­renta bilang transient. Ayon kay dating HLURB Commissioner Luis Paredes, hindi ito pwedeng gawing dahilan dahil sapat na ang security measures tulad ng pag-submit ng guest list at plate nos. ng sasakyan ng bisita. Kaya nga raw nagbabayad ng monthly dues ay para makapag-hire ng security guards. Sapat na raw ‘yon.

Sinabi rin ni Paredes na ang property rights ay statutory right – isang mataas na karapatan na hindi puwedeng saklawan ng anomang kontrata or board resolution. Basta raw ito ay hindi ipinagbabawal sa master deed of restrictions. Pero, kung mula simula, nakalagay na sa master deed na bawal magpaupa sa paying transients – ibang usapan na ‘yon.

Ang problema ngayon ay walang matakbuhan ang mga unit owner na ginigipit ng mga malupit na asosasyon kundi ang korte. Dati kasi ay pwede nilang ireklamo sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ngayon sa korte na.

Kawawang Juan dela Cruz!

Panawagan kay SEC Chairman Emilio Aquino… sino po sa opisina ninyo ang pwedeng malapitan tungkol sa isyung ito?

DOT Secretary Berna Romulo Puyat, wala ba kayong maitutulong sa mga transient rentals na legal magpaupa pero hinaharass ng mga asosasyon?

Saklolo naman po! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

THE MARIKINA EXPERIENCE 

GO FOR GOLD

ELEKSYON na naman. At marami sa tumatakbo ay mga first-timer at wala pang experience sa pamamalakad ng isang bayan.

Kaya’t naisip ko na ibahagi ang nangyari sa amin sa Marikina nung panahon ni Mayor Bayani Fernando. Ako ay head ng think tank at Public Information Officer nung unang term ni BF.

Pag-upo nila Mayor BF at Vice Mayor Del de Guzman nung 1992, ang bigat ng problema ng Marikina. Napaka-backward. Kulelat kumpara sa ibang bayan ng Metro Manila.

Matindi ang trapik – sa bungad pa lang sa Barangka mula Katipunan Avenue hanggang tulay sa bayan, gapang na ang mga sasakyan. Kawawa ang mga pauwing Marikenyo na pagod galing sa trabaho sa labas. Mas lalo pang kawawa ang mga nagtataksi kasi tinatanggihan ng mga taxi driver.

Ang sikip ng mga kalsada – nasabi nga dati ni BF na para mapaganda mo ang Marikina, kailangang sunugin ang poblacion o bayan.

Ang daming sidewalk vendors – sakop pati ang kalsada. Ang dumi ng palengke, kulay itim ang burak sa kalye. Chaotic ang paligid.

Madumi at makalat – parang ibang bayan din ng Metro Manila dati ang Marikina. Tambak ang basura sa mga lansangan at problema ang koleksyon ng basura.

Madalas ang baha – konting ulan lang, baha agad. Paano … ang ilog Marikina ay pinakipot ng bahay ng mga squatter sa magkabilang pampang mula Calumpang hanggang Malanday.

Lahat ito nagbago nang maluklok sa puwesto sina BF at Del.

Common vision. Unang-una dinefine nila ang vision para sa Marikina. Dinala pa ang lahat ng opisyal at empleyado ng munisipyo at barangay sa Olongapo-SBMA para makita ng lahat ang hinahangaan at hinahangad na abutin na estado. Nang sa ganun, iisa ang point of reference ng lahat. Nagkakaintindihan pag sinabi na malinis – kasing linis ng SBMA ang ibig sabihin nun.

Disiplina sa bangketa. Pinutulan din agad ng sungay ang pagmamalabis ng tao sa pamamagitan ng pagpapaintindi sa kanila na ang sidewalk ay “beyond the commerce of man” at hindi natin pag-aari. Kumbaga, pag hakbang mo sa labas ng iyong bakuran … kailangan matuto ka nang makisama sa kapwa.

Road friction. Tinanggal din ang lahat ng nakasasagabal sa mga sasakyan sa kalsada … pedestrian, vendors, humps, atbp. Bawal ang humps sa Marikina.

Bagong access roads. Nagbukas ng mga bagong lagusan papasok at palabas ng Marikina tulad ng sa Tumana-Balara, Batasan-San Mateo, Tuazon-Marcos Highway, atbp. para mabawasan ang congestion ng traffic at lumuwag ang daloy ng sasakyan.

Market zone. Imbes na magtayo ng bagong public market ang Marikina, dinesignate na lang na market zone ang mga nakapaligid na komunidad sa existing na palengke sa Santa Elena. Hinikayat ang mga residente roon na ipaupa ang mga silong ng bahay nila sa mga vendor na na-displace dahil sa Operation Disiplina sa Bangketa at gamitin ang kinita nila para lumipat at manirahan sa mga malapit na subdibisyon. Lininis at pinanatiling malinis ang market zone. Ika nga ni Planning Officer Jun Aguilar, ang Marikina lang ang may wet market na dry.

Relocation of squatters within Marikina. Tinanggal ang lahat ng mga illegal settler sa tabing ilog at ibang pribadong lote at linipat sila sa settlement areas within Marikina rin para walang displacement.

Regular collection of garbage. Ginawang regular ang koleksyon ng basura at naglagay ng mga penalty para magkadisiplina ang tao sa paglabas ng basura nila sa tamang araw at oras.

Nawa’y magsilbing gabay o inspirasyon ito para sa mga bagong mayor para makapagpatupad din sila ng mga epektibong programa na magpapabuti ng kinabukasan ng kanilang mga constituent.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

THE LOWEST FORM OF ANIMAL IS A TRAITOR 

GO FOR GOLD

HINDI maiiwasan na may mga traydor sa ating hanay. O, sa ating lipunan.

Nung panahon ng mga Hapon, isa sa pinakakinamumuhian ay ang mga tinatawag na makapili – mga nakatakip ang mukha gamit ang bayong na mata lang ang nakalitaw habang tinuturo nila sa mga sundalong Hapon ang mga guerillang Pinoy.

Collaborators. ‘Yan din ang isang uri ng traydor. Mga taong nakiki­pagsabwatan sa kalaban laban pa mismo sa kanilang mga kababayan.

Nung panahon nga ni Kristo, ‘di rin sya nakaligtas sa isang Hudas!

oOo

Sa totoo lang, ang pinakamababang uri ng hayop – mas hayop pa sa hayop – ay ang mga traydor sa kanilang sinum­paang tungkulin.

Kasama na riyan ang mga pulis na involved sa krimen. Tulad ng sa droga, bank robbery, kidnap for ransom, atbp.

O kaya mga security guard na bantay salakay. Sila mismo nanloloob sa kanilang binabantayang establisimyento.

Pati na rin ang mga kotong cops at traffic enforcers. O mga tesurero o budget officer na sila mismo ang nakinabang sa kaban ng bayan. Mga sundalo na kumampi sa rebelde. Mga judge na pinagmumulan mismo ng injustice.

Silang mga dapat nagpapatupad ng batas ang siyang nangunguna sa paglabag nito. Imbes na protektahan nila tayo para ‘di tayo mabiktima ng kriminal, sila pa mismo ang nambibiktima sa atin.

oOo

Dapat sa mga ganyang hayop ay mas ma­tinding parusa kumpara sa ordinaryong tao!

Bakit kamo?

Unang-una, sila ay sumumpa na gagam­panan nila ang tungkulin na nakaatang sa kanilang posisyon o trabaho. Pangalawa, binabayaran sila mula sa pera ng bayan para gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Pagtatraydor ang tawag sa pagtalikod sa iyong tungkulin. Pa­ngatlo, pinagkatiwalaan ka. Sinira mo ang pagtitiwalang iyon.

Dapat sa mga ganyang hayop ay double dead. Dapat may batas na nagpapataw ng mas ma­tinding parusa para sa mga pulis, sundalo, traffic enforcers, security guards, tesurero, judge, atbp.

Dapat sa mga ganyan, binibitay ng patiwarik! O kaya ay pinapa-slide sa slide na panay blade at babagsak sa swimming pool ng alcohol!

Seriously, dapat sa kanila severest form of punishment!

oOo

Nakalulungkot. Nakagagalit … na may mga kapwa Pilipino na interes pa ng ibang bansa ang pinaglalaban. Magsisinungaling pa sila para lang ipagtanggol ang ibang bansa sa mga ginagawa nito sa ating mga kapwa Pilipino. Karamihan mahihirap pa ang nilalapastangan ng mga dayuhan na ito. Kawawa ang ating mga mangingisda, ang ating mga trabahador sa construction at BPO.

May mga kapwa Pilipino na nagtraydor sa bayan nung panahon ng Kastila.

May mga kapwa Pilipino na nagtraydor sa bayan nung panahon ng Amerikano.

May mga kapwa Pilipino na nagtraydor sa bayan nung panahon ng Hapon.

Pati ba naman ngayon?

Tapos, nakukuha mo pang pumalakpak?! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

GISING KABABAYAN, HINDI ITO ISANG PANAGINIP 

GO FOR GOLD

NANGYAYARI pala talaga ang ganito sa totoong buhay?

Habang nanonood ako ng Heneral Luna noon, hindi ako makapaniwala na kayang gawin ng isang kapwa Pilipino ang ganoong klaseng pagtataksil dahil lang sa pagiging gahaman sa yaman at kapangyarihan. ‘Di lamang sa kapwa, kundi pati sa ating bayan.

Ngayon … higit isandaang taon na ang nakalipas, ito’y nangyayari ulit sa ating henerasyon.

Ang kasakiman sa yaman at kapangyarihan ay hindi naman nawala sa ating lipunan. Nandiyan pa rin naman ang mga negosyante na walang kabusugan at mga politikong gutom sa kapangyarihan. Pero, ngayon lang ulit na ganito kalala at kagarapal!

Nag volt-in pa ang mga walanghiya! Biro mo, nagkapit-bisig pa ang mga pamilya ng kurakot.

“What are we in power for?”

Naaalala niyo pa ba ito? Kapangyarihan na pinangangalandakan … kahit sino pa ang masagasaan!

Lantaran. Tahasan. Walanghiyaan!

Nagugustuhan mo ba ang iyong nakikita? Proud ka ba sa the best and the brightest?

Paano humantong sa ganito ang Pilipino?

Imbes na lumabas ang the very best in the Filipino, what’s happening now has brought out the worst in the Filipino! At imbes na mamuhi — marami pa sa atin ang humahalakhak at pumapalakpak!

Herd mentality. Herd behavior. Mob mentality. Mob rule.

Yan ang uso, eh. Yan ang ginagawa ng karamihan, eh. Kaya sabay ka na lang sa agos. Wala ka palang pinagkaiba sa baka kung ganun.

Pamilyar ba? Manood ka ng “The Passion of the Christ” ni Mel Gibson at makikita mo. Ganoon din ang mga Hudyo nung panahon ni Kristo. Nakita mo ba ang sarili mo na nakikisigaw, “Barabas! Barabas!”? Nakita mo ba ang sarili mo na nakidura? Nakilatigo? Nakipako?!

Nakita mo rin ba ang mga Ponsyo Pilato at Julius Caesar na muling nabuhay sa kasalukuyang panahon?

Hindi dahil mas marami at mas maingay … tama!

Ano ang gagawin mo?

Tulad ka ba ni Pedro? Katulad ka ba niya na maduduwag at matatameme? Ide-deny mo ba na kilala mo si Kristo? Itatakwil mo ba ang katotohanan? Tatalikod ka ba sa kung papaano ka pinaghirapang palakihin na disente ng iyong mga magulang?

“The Filipino is worth dying for!”

Tulad ni Ninoy Aquino at nang napakaraming nagbuwis ng kanilang buhay para lamang mapabuti ang ating bayan, naniniwala pa rin ako sa katagang ‘yan. Marami pa rin ang hindi sumusuko sa a­ting bansa at sa kanilang kap­wa Pilipino.

Ang hamon sa ating lahat ngayon ay kung papaano manumbalik ang pagiging di­sente at marangal natin sa panahong ito. Mas mahirap talaga na tularan ang mga idealistic na Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para mas mara­ming makatikim ng masaganang buhay. Mas madali ang sumabay sa agos at kumabig pansarili.

Gising na kababayan! Kailangan ka na ng ating I­nang Bayan!  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

DASAL, HINDI MURA AT PAGHUHUSGA ANG KAILANGAN

GO FOR GOLD

TOTOONG nakapanlalambot at nakagagalit isipin na ang mga pastol na siyang dapat gumagabay at nagpoprotekta sa mga tupa ang siya pang bantay salakay sa pag-abuso sa mga ito.

At totoong nangyayari ito, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati sa lahat na yatang sulok ng mundo. Kaya nga kinokondena na ito pati na ng Santo Papa. Bago nito, tahimik lang ang simbahan sa usaping ito. Mabuti naman at sa wakas ay ina­amin na ng simbahan ang matinding problemang ito.

Pero, imbes na kamuhian sila o pagmumurahin sila at utusang nakawan at patayin … dapat natin silang ipagdasal.

Kawawa naman ang mga gumawa ng ganitong krimen, lalong-lalo na sa mga biktimang menor-de-edad na malapit sa puso ng Diyos. At lalo na sa mga salarin na mga taong simbahan na dapat ay siyang huling maa­aring gumawa ng kasalanan laban sa moralidad. Isang matinding pagtataksil sa Diyos na pananagutan nila balang araw.

Huwag kayong mag-aalala. Tiyak na pagbabayaran nila ‘yan pagdating ng araw ng paghuhusga.

Actually, hindi naman nakagugulat na humantong pa sa ganito ang mga nangyayari dahil ilang beses na itong binanggit ng Mahal na Ina sa mga mensahe niya sa kanyang mga aparis­yon sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Natural, kung ikaw si Satanas, mas lalo mong pupuntiryahin ang mga taong simbahan kaysa sa mga ordinaryong tao. Kaya’t matinding temtasyon ang dinaranas ng ating mga Pari at Obispo.

Pag sila kasi ang na-badshot dahil sa mga kasalanan nila, matindi ang epekto sa simbahan. Marami ang hindi na nagsisimba o lumilipat na ng ibang sekta o relihiyon.

Pareho lang naman sila ng mga politiko. Tulad ng mga taong simbahan, merong mga tiwali pero meron pa ring matino.

Ang dahilan ng ibang politiko at taong gobyerno na hindi tapat sa tungkulin at korap ay dahil marami naman sa mga sikat na politiko, lalong yumayaman pero hindi naman nakukulong. Napakarami niyan kung tutuusin. Ito nga pinakawalan pa ang tatlong nakakulong na.

Tama naman kayo na sila ay ligtas sa pananagutan habang nabubuhay nang marangya samantalang marami ang mahirap.

Ngunit ang hindi ninyo naiisip ay kung papaano naman nila pagbabayaran o pinagbabayaran ito sa kabilang buhay.

Marahil ang kakulangan ng dalawang ito – simbahan at gobyerno – ay paraan ng Diyos para tayo ay mamulat sa katotohanan na sa Diyos lang talaga tayo makaaasa ng tamang landas at tunay na pagmamahal. Siya lang ang totoo!

Samantala, ang turo niya sa atin ay ipagdasal natin ang mga nagkasala … maging sila man ay politiko, o taong simbahan. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

THE BULLY IS A WIMP

GO FOR GOLD

Ang bully ay takot sa kapwa bully!

Alam mo bakit?

HALOS lahat ng bully, duwag talaga sa totoong buhay. Kaya front lang nila ‘yung kunwari matapang. Nanduduro. Akala mo kung sino kung umasta.

Pero, during the rare times na makatapat sila ng mas bully na totoong matapang … tiklop ang buntot nila at tila tupa kung manahimik sa gilid. Ngunit dahil gusto pa rin nilang maghari-harian sa kanilang sinasakupan, gagawa ito ng paraan at sisipsip sa mas bully para hindi na ito magiging threat sa kanya at para patuloy siyang makapaghahasik ng lagim sa kanyang lugar. At ngayon ay mas matapang pa siya dahil nasa likod niya ang totoong bully.

oOo

Ang bully — ‘pag nakatapat ng matapang na hindi umaatras kahit pa dehado siya — ay magdadalawang-isip na tuluyan pa ito. Natural, susubukan niyang takutin para malaman hanggang saan ang tapang ng katunggali niya. Pero, pag nakumbinsi siya na talagang papalag ito. Pababayaan niya na ito at ibabaling na lang ang kanyang panduduro sa ibang duwag na mahina-hina ang sikmura.

oOo

Parang sitwasyon lang ito dito sa atin sa Asia, kaka. Nakita n’yo kung papaano tayo lapastanganin ng ating kapitbahay sa Norte. Dahil ang bilis tumiklop ng pekeng bully, basura na lang kung tratuhin tayo ng Tsina. Habang patuloy naman at panay pa ang pagtatanggol sa mas bully at pagbibigay ng alay sa kanyang bagong BFF.

Samantalang ang Vietnam at Indonesia, ayaw umatras at magpaduro. Bagkus, tinatapatan pa nila ng mas higit na pambawi ang anomang agresibong aksyon na gawin sa kanila ng Tsina.

Ito ay sampal sa doktrina ni itay na gigiyerahin tayo ng Tsina kapag tayo ay pumalag.

Nabalitaan n’yo naman ang ginawa ng mga Vietnamese na pagsunog ng mga negosyo ng mga Instik at ilan pang bayolenteng komprontasyon. Yan ang may b… tapang! Giniyera ba sila ng Tsina? Linusob ba sila nito?

Hindi!

Ulitin ko – ‘yan ang may b… tapang!

Ngayon naman, ang Indonesia nagdeklara rin na hindi sila magbibigay ng kahit katiting ng teritoryo nila sa kontrobersyal na dagat. Tulad ng Vietnam, pinasasabog nila ang mga barko ng Tsina na mahuli sa teritoryo nila. Giniyera ba sila ng Tsina? Linusob ba sila nito?

Yan ang may b … tapang!

Kung pinangalanan natin na West Philippine Sea ang ating teritoryo na inaangkin ng Tsina, North Natuna Sea naman ang tawag ng Indonesia sa kanila. Ito ang pantapat ng dalawang bansa sa pagiging literal masyado ng Tsina sa China Sea.

oOo

Sayang at naunang nabahag ang buntot ng tuta dito sa atin. Eh, hindi naman pala tayo pababayaan ni Uncle Sam kung sakaling magkagulo dito sa West Philippine Sea.

Ito mismo ang pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo sa isang joint press conference nila ni Teddyboy Locsin sa Department of Foreign Affairs sa Pasay City, “As the South China Sea is part of the Pacific, any armed attack on Philippine forces, aircraft, or public vessels in the South China Sea will trigger mutual defense obligations under Article 4 of our Mutual Defense Treaty.”

Hay naku, mahirap talaga kapag nauna ang takot. Just goes to show that our homegrown bully is a wimp. (GO FOR GOLD / Paul Sison)

Please follow and like us:
Read More

BE NOT AFRAID: DASAL LANG ANG KATAPAT NIYAN 

GO FOR GOLD

FILIPINOS have the penchant for shooting ourselves in the foot every time we are poised for economic success.

Naniniwala ba kayo rito o hindi?

Nung panahon ni Cory ay paborito tayo ng international community dahil sa bloodless EDSA revolution nung 1986, pinabagsak ng mga coup plotters ang ating ekonomiya. Erased lahat ng economic gains nung panahon na iyon.

Makalipas ang tatlong dekada, heto na naman tayo. Palipad na naman ang ekonomiya nung panahon ni Noynoy Aquino. Mismong international community na ang pumupuri sa a­ting ekonomiya. Unpre­cedented and sustained growth.

Pero masokista talaga ang Pinoy! Ayaw nang permanenteng asenso.

Kaya, heto na naman tayo sa kangkungan.

Natural, iba-iba ang pananaw natin. Para sa iba, mali o kabaliktaran ang sinasabi ko. Pero baka ang depenisyon nila ng economic growth or kaunlaran ang baliktad. Kahit saan mo pa tingnan. Bumulusok pababa ang ating economic indicators. Buti pa nga, andyan pa ang mga career Finance officials na pinagsisikapan na mapabuti ang ating sitwasyon.

Mapalad tayo dahil kahit papaano, nabawi nila ang masamang epekto ng panggagahasa sa a­ting bansang Pilipinas.

Marami ang nababahala. Nalulungkot. Nadidismaya. Nawawalan ng pag-asa.

Pero, bago kayo sumanib sa kung anu-anong grupo diyan … STOP IT! Pare-pareho lang ang mga ‘yan. Bihira sa politiko ang malinis. Marami sa kanila, kanya-kanyang agenda. Lalo na ang ibang samahan, mapapariwara lang kayo riyan. Marami sa mga rebelde, nung sila ang naupo sa puwesto, winaldas din nila ang pera ng bayan. May ilan pa nga riyan na tinalikuran pa ang kanilang paniniwala at abokasya. Kayo naman, bakit si Roque kaagad ang bukang bibig nyo?

Mas mabuti pa na maging loyal kayo sa ating bansa. Huwag sa kapwa tao natin. Huwag lalo sa mga politiko na abusado at nanggagamit lang ng tao para forever nakapuwesto at lalo pang yumaman.

Ika nga ng kapatid ko … “cannot be learning” kasi tayo. Ilang patotoo na sa Bibliya, ilang ehemplo ng kleptocracy na ang ating mismong nadaanan. Pero hindi pa rin tayo magtanda.

Marupok talaga tayong mga tao. Kaya mahirap umasa sa kapwa tao.

Kaya ako, kahit pa pinagmumura na ang ating Panginoon at iniuutos na patayin ang ating mga obispo … ay sa Diyos at kanyang simbahan pa rin ang buong puso at isip ko.

Actually, isa akong communicator. Dati akong Public Information Officer ng Department of Tourism, ni Mayor Bayani Fernando, at Mayor Del De Guzman. Presidente ako ng asosasyon ng mga PIO mula 2010 hanggang 2016. Marami akong PR clients sa private sector at sa gobyerno. Pero sa labang ito … na-realize ko na hindi utak ang kailangan nating mga Filipino kundi ang puso.

Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, kailangan natin na magbalik-loob sa Diyos. Kaya sa laban na kinakaharap natin ngayon, mas pinili kong dasal ang aking maging sandata imbes na propaganda. Spiritual warfare ang labang ito. Dasal lang ang katapat ng mga iyan.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

GOOD JOB, DOTr! 

GO FOR GOLD

KAHINA-HINALA ang timing ng pagkahuli kay Christian De Guzman dahil sa isang granada sa kanyang bagahe sa MRT-3 Cubao Station nung Pebrero 23. Napaka-amateur naman ng teroristang yan!

Live grenade na nakabalot ng packaging tape sa loob ng isang kahon ng cellphone. Napaka-obvious naman niyan, koya.

Ngunit kapuri-puri naman ang DOTr at ang kanilang mga tao sa MRT dahil sa pagiging alerto. Minsan ay sadyang pinapahuli ng mga special ops operatives ang mga ganito dahil alam nila mismo na ito ay mahuhuli. Dahil ‘yan talaga ang kanilang pakay. Takutin ang tao. Mag-create ng scenario of violence and fear.

Parang bumenta na ang ganitong scenario-building o conditioning. Halos lahat ay napasakay ng “laglag bala” na inakalang legit ngunit marami ang lumalabas ngayon na kabaliktaran.

Hay, naku, mga kababayan … kung alam nyo lang ang mga “wag da dog” techniques na madalas ginagamit sa politika. Manlulumo kayo kapag nalaman ninyo ang tunay na dahilan at totoong nangyari.

Lahat ng iyan ay ginagawa para laruin ang ating persepsyon – ang public perception. Kaya tulad ng sinabi ko nung isang araw, maging mapanuri at huwag nang magpabola, tangkilikin, at i-share pa ang mga kaduda-dudang balita ‘di lamang sa social media, ngunit pati na rin sa tri-media. Pag sinabing tri-media, yan ay ang radyo, tv, at diyaryo. Ang social media naman ay ang mga online sites at application tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, atbp.

Asahan niyo ang lalo pang paghigpit sa mga istasyon ng LRT at MRT. Ngunit kahit ano pa mang pagpuputok ng inyong butchi riyan – kayo pa rin ang makikinabang sa paghihigpit na ito sa mga pampublikong lugar.

Metro Manila Subway Project. Isang tunay na kapuri-puring proyekto ng DOTr at ni Secretary Arthur Tugade ay itong kauna-unahang subway project sa Metro Manila. Kahit ano pang kulay o political affiliations or preferences natin, dapat tayo matuwa at finally matutuloy na itong subway na matagal nang niluluto ng mga naunang administrasyon.

36 kilometro ang haba ng subway. Meron itong 15 stations at dadaan sa 7 siyudad at 3 central business districts at ang lahat nang ito’y konektado sa NAIA Terminal 3.

Ang unang tatlong istasyon ay inaasahang mago-operate partially sa 2022. Samantalang full operations na sa 2025. Sa Phase I ay bukas na ang Valenzuela depot, mga pasilidad at gusali para sa Philippine Railway Institute, at underground stations ng Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue.

Sa unang taon ng full operations ay inaasahan na 370,000 pasahero ang masisilbihan nito araw araw, ngunit, may kapasidad ito ng 1.5 milyong pasahero araw-araw.

Kababalik lang ni Tugade at ang delegasyon nito mula sa Osaka kasama ang kaibigan kong si Asec Goddes Hope Libiran. Nagkapirmahan sila roon at binisita nila ang ilang planta at opisina ng mga partner nila mula Japan.

“Ngayong nakita ko ang kagandahan ng operasyon at sistema sa railways ng mga kaibigan natin sa Japan, ako ay natutuwa dahil ang pangarap noon ng mga Pilipino ay magkakatotoo na. Sa ating mga kababayan, magkakaroon na rin ang Pilipinas ng kauna-unahang subway. Mag-uumpisa na po kami,” ani Secretary Tugade. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More