KISSES THANKFUL FOR STAR MAGIC BUT WANTS TO EXPLORE

(NI GORGY RULA)

ITINANGGI ni Kisses Delavin na ang isyu nila ni Donny Pangilinan at sa ibang fans kaya nag-decide na siyang iwan ang ABS-CBN 2 at magpa-manage sa All Access to Artists, Inc. o Triple A.

Gusto lang daw niyang mag-explore sa mga bagong tatahakin niya sa kanyang career at nakkita raw niyang maalagaan siya nang mabuti nina Rams David at direk Mike Tuviera dahil napaka-personal daw nilang mag-alaga sa kanilang mga talents na nakikita niya kina Marian Rivera, Maine Mendoza at ilan pa.

“Gusto ko lang po mag-explore more. Pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of PBB where I started.

So, I’m so thankful for them,” unang pahayag ni Kisses nang tinanong siya kung ano ang dahilan nang di pagkatuloy ng kontrata niya sa Star Magic.

“I feel very blessed kasi… I feel that APT is a very personal management…would really care for its talents. So, I’m so excited for what’s to come and I feel very grateful na finally alaga na po ako nina Tito Rams and direk Mike (Tuviera),” pahayag ni Kisses nang ipinakilala na siya ng Triple A sa media nung kamakalawa nang hapon sa Sequioa Hotel.

Doon ay ibinahagi sa amin ni direk Mike kung ano ang mga naka-line-up nila para kay Kisses.

May tatlong pelikula na raw silang inilatag sa young actress, pero hindi pa muna nila puwedeng sabihin kung sino ang makakatambal niya.

“Naglatag kami kay Kisses ng plano and we always respect ng opinion ng artist.

“Kami kasi merong latag na ito sana ang gusto naming gawin, eto ang plano namin, what do you think.

“So, naglatag kami ng ganun, pero medyo…may ibang aspeto na sinesikreto pa rin namin sa kanya kung sino ang makaka-partner niya and all that,” pahayag ni direk Mike Tuviera.

Ang susunod kasi na mababalitaan natin ay ang paglipat ni Kisses sa GMA 7.

Sinabi na raw ni Rams sa mga GMA bosses ang tungkol kay Kisses. Kaya ipi-present na raw niya pagkatapos siyang ipinakilala sa media.

Wala pang masabi si Kisses kung sino sa mga Kapuso actors ang gusto niyang makatrabaho, dahil gusto raw niyang makilala muna silang lahat.

Sino kaya ang babagay na Kapuso actor na i-partner kay Kisses?

Nilinaw din ng young actress na maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN 2 bago sila nagkasarahan sa Triple A.

“Personally po ako nagpunta ako sa office ng Star Magic and everyone from the higher boss to all the staff na nakasama ko, pinasalamatan ko po sila. Gusto ko pong sabihin sa kanila na no matter what, I’m always thankful for them.

“Nagpasalamat po ako sa lahat na naging blessings for me. Kasi I’ve been there for two years. Naging maganda po ‘yong career and naka-experience po ako ng maraming masasayang bagay. So. I really wanted to thank them,” pahayag ni Kisses.

MALDITANG ENDORSER KASAMA SA 42 AMBASSADORS NG BEAUTEDERME

Ipinakilala ng Beautederm ang limang Kapuso stars na brand ambassadors

sa naturang beauty products.

Bumagay sa naturang produkto at sa kabaitan ng CEO ng Beautederm na  sina Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Pauline Mendoza at Ms. Camille Prats.

Sabi kasi ni Ms, Rhea tinitingnan daw muna niya ang attitude dahil ang gusto niya talaga mabait at walang kaarte-arte lalo na kapag dinadala niyang mag-mall show sa iba’t-ibang probinsya.

Pero aware kaya si Ms. Rhea na isa sa mga nagi-endorse ng produkto niya ay may taglay na kamalditahan?

‘Di umubra ang mabait at matsikang comedienne sa kamalditahan ng isa ring comedienne na maputi at nakita kong isa sa nagpapasaya sa mga mall shows ng Beautederm.

Ang nangyari, sa isang taping na kung saan nagkasama sila, dumating itong si maputing comedienne sa set na may dalang mga chocolates na pasalubong daw niya galing Japan.

Una niyang binigyan ang nanay ng mabait at matsikang comedienne. Para raw iyun sa kanila ng anak niya.

Nagpa-thank you naman silang mag-ina. Pero nakita noong nanay ni comedienne ang iba ang chocolates na nakalapag sa mesa.

Ang ginawa niya, inalok niya sa iba pang artistang nandoon.

Nagkuhaan ng chocolates ang ibang artista at staff.

Nang nakita ni maputing comedienne na ipinamigay ng nanay ni mabait na comedienne, nagalit ito.

Ang matinding linyang sinabi niya sa nanay nang mabait na comedienne, ‘di ba mommy, ‘yong pinamimigay mo ang bagay na hindi sa ‘yo, parang pagnanakaw na rin ‘yon?”

Hindi na raw nakaimik ang natulalang nanay ng mabait na comedienne.

Kilala namang palaban itong mabait na comedienne kahit mabait siya, pero hindi na siya umimik para hindi na magkagulo.

Kilala raw kasing may pagka-war freak itong si maputing comedienne.

Ayaw ng Beautederm ng ganyan!

 

Please follow and like us:
Read More

‘THIS IS MY LAST CARD’

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

ANIM ang mga bagong Kapuso stars na ipinakilala sa press ng GMA Artist Center at contract stars nila. Kasama rito si Erin Ocampo na dating member ng GirlTrends.

Si Erin ang ina ng anak ni Michael Pangilinan. Matagal na silang hiwalay pero in fairness, nagpapaka-nanay at tatay naman daw sila sa tatlong taong gulang na anak na si Kiel.

Sabi naman ni Erin, “Okay naman po. Nahihiram niya si Kiel every weekend. At nakikita ko naman na gusto niya talagang magpaka-tatay sa anak niya.”

Malaki ang pasasalamat ni Erin sa GMA dahil sa pagbibigay raw sa kanya ng ikalawang pagkakataon pagdating sa career niya.

Kasama si Erin sa bagong primetime series ng GMA-7 na “Beautiful Justice” at sabi nga niya, “Ito na ang last card ko. Kailangang galingan ko.”

Thankful din daw siya sa pinanggalingang network kunsaan siya nag-umpisa, pero ngayon sobrang saya raw niya na nabibigyan siya ng magagandang projects.

Kaya raw double effort siya na galingan ang lahat. Nakikinig daw siya sa sinasabi ng director niya at sobrang inaaral niya ang script.

Inamin niyang dumating na rin siya sa puntong inisip na baka hindi para sa kanya ang showbiz, pero ngayong nabigyan siya ng second chance, “Last card ko na ‘to talaga!”

RAMDAM  NI JON ANG MAINIT NA PAGTANGGAP BILANG KAPUSO

Puring-puri ng dating Hashtag member at ngayo’y isa ng Kapuso na si Jon Lucas ang co-star niya at bida ng Pinoy adaptation na Korean drama na Descendants of the Sun na si Dingdong Dantes.

Dahil galing ABS-CBN at kamakailan lang halos formal na ipinakilala sa press bilang isa ng Kapuso si Jon, first time lang din niyang makasama si Dingdong.

Sabi nga ni Jon, “First time kong maka-work si Dingdong. Masayang-masaya ako. Bata pa lang po ako, napapanood ko na siya at alam ko naman po kung ano na ang narating ng isang Dingdong Dantes.”

Naibibida raw niya sa pamilya niya tuwing umuuwi siya mula sa taping nila ng D.O.T.S. na sa Nueva Ecija pa at kahit noong nagti-training sila bilang bahagi ng roles nila as part of the Armed Forces of the Phillipines kung paano raw makasama ang Kapuso Primetime King sa kanilang lahat.

“Palagi kong kinukuwento sa kanila, sa Daddy ko, sa pamilya ko na iba pala talaga si Kuya Dong. Never kong na-feel sa kanya na big star siya.”

Nakakausap din daw niya ito sa mga eksena nila, nakakakuha raw siya ng mag tips dito at bilib din siya na si Dingdong pa raw ang nagre-request na makapagbonding sila.

Natawa si Jon na dahil puring-puri nga si Dingdong kung sa pinanggalingan daw ba nitong network ay may hindi naging magandang karanasanan sa mga naka-trabaho.

“Wala naman po, kahit naman po sa kabila, okay rin pong katrabaho lahat ng big stars,” sey niya.

Masayang-masaya raw si Jon na isang Kapuso ngayon dahil sa pag-welcome raw sa kanya ng lahat. Nararamdaman daw niya yung mainit na pag-welcome sa kanya.

Sey niya rin, talagang nag-desisyon na rin daw siyang lumipat nang mag-expire na ang kontrata niya sa kabila dahil gusto rin daw niyang maranasan na maka-trabaho pa ang ibang artista at the same time, kinonsider rin daw niya na mas marami siyang dapat buhayin ngayon kaya mas gusto niyang marami pang magawang trabaho.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE NAIYAK SA PA-BDAY PARTY NG FANS

(NI GORGY RULA)

HINDI napigilan ni Maine Mendoza na maluha nang dumalo ito sa post-birthday party na inihanda ng mga fans niya at pati na rin sa loveteam nila ni Alden Richards.

Noong March 3 pa talaga ang birthday ni Maine, pero ngayon lang daw sila nagkaroon ng pagkakataong ma-celebrate ito dahil sa sobrang puno ang schedule ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

Ginanap ang party sa Sequioa Hotel sa Quezon City na kung saan nagtulung-tulong ang mga fans na mabuo ito. May banda at ang daming cake para sa kanilang idolo.

Dumalo ang magulang ni Maine, na masaya rin sa inihanda ng mga fans.

Bago niya binlow ang candle sa cake, nagbigay ng mensahe ang EB Dabarkad para sa kanyang mga fans.

Hindi niya napigilang maluha bago niya natapos ang kanyang mga sinabi.

Ani Maine; “Gusto ko magpasalamat sa inyo sa lahat nandito ngayon, sa lahat na nag-organize, sa lahat po na attendees, ang naging part ng birthday party na ito, nagpapasalamat po ako.

“Nagpasalamat ako kasi alam naman natin lahat na marami ang nawala. Pero nandito pa rin po kayo. Kaya nagpapasalamat po ako.”

“Hindi natin alam kung ano ang nangyayari balang araw, pero nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo.

“Sa lahat na nagawa nyo po sa akin, sa amin po ni Alden. Sa lahat po na patuloy nyong suporta sa amin pong dalawa. Maraming salamat po.

“Kahit individually na po ang mga ginagawa naming proyekto, nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo sa patuloy nyong pagsuporta at pagmamahal sa amin. Sobrang tini-treasure po naming dalawa yun.

“Kung ano man po ang mangyari…hindi man natin alam kung hanggang saan ang pagsuporta nyo, kung hanggang saan to matatapos, gusto ko lang po malaman nyo  ang taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat na naipakitang suporta at pagmamahal po sa akin mula simula.

“Sobrang na-appreciate po ang presence nyo rito.”

Naiyak na si Maine bago niya natapos ang kanyang mensahe sa mga fans. Panay naman ang sagot ng mga fans na patuloy silang susuporta at hindi sila mawawala.

Nagpatawa na si Maine na sinabi niyang nakakaiyak kasi ang music kaya naluha na siya.

“Hindi nyo masasabing umaarte ako kasi alam nyo hirap akong umiyak pag umaarte ako,” sabi pa niya.

Kinabukasan, nag-trending na sa Twitter si Maine pati na rin si Alden na tinatapos na ang shooting ng Hello, Love, Goodbye.

Puring-puri ng mga fans si Maine na ramdam daw nila ang sincerity sa mga sinasabi niya. Natutuwa pa sila na hindi pa rin niya kinakalimutan si Maine.

Sabi naman ni Maine sa interview sa kanya ng GMA news, wala na raw siyang mahihiling pa nang sinilebreyt niya ang kanyang 24th birthday two months ago.

Ang mahalaga raw sa kanya ay mapasaya lang ang lahat lalo na ang mga fans na patuloy na nagmamahal sa kanya.

 

TINALO NA NGA BA NI BIANCA SI ANGEL SA RATINGS?

 

Tuwang-tuwa na ang humahawak ng drama series ng GMA 7 dahil lumalamang na ang Sahaya at Love You Two sa katapat na teleserye ng ABS-CBN 2.

Ang bida-bidang si Suzette Doctolero na head writer ng mga soap ng GMA 7 ay nag-post sa kanyang Facebook account kamakailan lang.

Sabi niya: “Finally, salamat po mga Kapuso! Tuloy lang po ang suporta sa Sahaya at sa lahat ng aming mga shows. Iba-iba po ang handog naming palabas sa inyo.

“Thank you po at kahit paano ay nagustuhan na ninyo.”

Ipinost din niya ang rating ng AGB-NUTAM noong Miyerkules, May 1. Naka-11 percent ang Sahaya, kontra sa General’s Daughter na 10.4 percent.

Nakakuha naman ng 8.7 percent ang Love You Two, at 7.8 percent ang Mea Culpa. Pero iba naman ang nasa Kantar na kung saan ABS-CBN 2 ang subscriber.

Ayon sa ABS-CBN, 25.6 percent daw ang General’s Daughter at 17.6 percent ang Sahaya. Ang Mea Culpa naman ayon sa kanila, 17.2 percent daw ang nakuhang rating kontra sa Love You Two na 13.3 percent.

Samantala, kahit patuloy pa ring namamayagpag sa rating ang Ang Probinsyano, lumalaban naman ang Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Ayaw nang magpa-pressure ng dalawang bida sa rating. Masaya sila dahil lalong lumalim ang friendship nilang dalawa.

Pansing-pansin nga ang bigayan nila sa mga mabibigat na eksena.

Kapag moment ni Mika, hindi nakipagsapawan si Barbie, at ganundin naman si Mika. Hindi sila nagpapatalbugan sa eksena kaya naman pareho silang lutang na lutang sa mga  drama scenes at naipakita nila ang galing nila sa pag-arte.

 

 

Please follow and like us:
Read More