IKA-3 PANALO KINUBRA NG GINEBRA

SOPRESANG naglaro ang injured na si Raymond Almazan ng Meralco ngunit hindi ang naging resulta ng Game 4 na walang hirap na kinolekta ng Barangay Ginebra, 94-72, Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang na ngayon ng dalawang laro ang Gin Kings, 3-1, at nangangailangan na lang isang panalo upang muling makuha ang PBA Governors’ Cup title.

“Obviously, Raymond Almazan’s injury changed the complexion of the series. He showed a lot of courage playing but we all know he’s not playing 100 percent,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone patungkol sa Meralco big man.

Nagtamo ng lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod si Almazan ilang minuto pa lang sa Game 3 kaya’t may mga nag-akalang hindi siya maglalaro sa Game 4.

“I thought we were really methodical tonight in breaking them down on the offensive side and we did a great job against Durham. We held him to eight points in the first half and that’s amazing.”

Tinanghal na Best Import of the conference si Allen Durham bago magsimula ang ika-apat na pagtutuos nila sa finals ni Justin Brownlee, na pinangunahan ang Gin Kings sa kanyang 27 puntos, walong rebounds at walong assists, habang nagambag si Stanley Pringle ng 21 points at seven rebounds.

Nagtala naman si Durham ng 21 points at 27 rebounds sa kabila ng 9-of-23 field goals niya kasama ang anim na turnovers.  (EBG)

Please follow and like us:
Read More

MERALCO-GINEBRA 1-1 NA

GAYA ng kanilang pangako, bumawi ang Meralco at itinabla ang serye kontra Barangay Ginebra, 1-1, Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena. 

Nagkaalaman lamang ng nanalo sa huling mga segundo ng laro kung saan nakaungos ang Bolts kontra Gin Kings, 104-102, sa Game 2 ng PBA Governors Cup best-of-seven finals. 

Hindi gaya sa Game 1, kumonekta ang mga tira ng Bolts lalo sa three-point area, kung saan umukit sila ng franchise-record na 16 triples na naging sandata nila para lumamang ng 19-puntos sa halftime. 

Bumalikwas ang Ginebra sa third quarter at nakipagpukpukan sa fourth quarter  ngunit kinapos sa bandang huli. 

Kumamada si Allen Durham ng 21 points, 18 rebounds, at 6 assists para sa Bolts, habang nagdagdag si Baser Amer ng 17 points, kabilang ang 5 triples.

Nagambag din si Chris Newsome ng 17 markers, habang nagsumite ng 15 si Raymond Almazan at 12 si  John Pinto. 

Nanguna para sa Kings si Justin Brownlee na tumapos na may 35 puntos at 11 rebounds, at naging susi para maitabla ang iskor sa 70-all sa third quarter.

Ngunit sa pamamagitan ng 9 na puntos ni Nico Salva ay napanatili ng Meralco ang lamang sa 82-76 sa pagpasok ng huling period. 

Nagtala rin ng double-double, 23 points at 10 rebounds si Stanley Pringle para sa Ginebra. 

Muling magtutuos ang dalawang koponam sa ikatlong pagkakataon bukas ng gabi sa Araneta Coliseum. (EBG) 

Box Scores

Meralco 104 – Durham 21, Amer 17, Newsome 17, Almazan 15, Pinto 12, Salva 9, Caram 5, Quinto 5, Faundo 3, Hodge 0, Hugnatan 0, Maliksi 0.

Ginebra 102 – Brownlee 35, Pringle 23, Aguilar 18, Tenorio 10, Slaughter 6, Thompson 4, Caguioa 4, Mariano 2, Devance 0, Caperal 0, Dela Cruz 0.

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA DOBLE-KAYOD SA GAME 2

coach tim cone-2

KAHIT pa may bentahe bilang crowd-favorite, tanggap ni Barangay Ginebra coach Time Cone na kailangang kumayod ng husto ang kanyang players upang makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang PBA Governor’s Cup Finals best-of-seven series ng Meralco Bolts.

Tatangkain ng Gin Kings na makaungos ng dalawang laro laban sa Bolts sa Game 2 na gaganapin alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon.

Aminado si Cone na parang ping-pong ang magiging takbo ng laro ng dalawang koponan at tanging sa huling tagpo na lang magkakaaalaman ng magiging resulta.

“I I have been telling the guys that the series will be crucial in a particular point or situation,” giit ni Cone.

Positibo naman si Meralco import Allen Durham na maitatabla nila ang serye ngayong gabi.

makakabalik ito na mas matibay kumpara sa unang laro sa pagtatangkang maitabla ang serye ngayong gabi kontra Barangay Ginebra sa Game Two ng 2019 PBA Governor’s Cup Best of Seven title series sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon.

Ganap na alas-7:00 ng gabi pipilitin ng Meralco ipantay sa tig-isang panalo ang kampeonato matapos na mabitiwan nito ang 10 puntos na abante sa ikatlong yugto at posibleng panalo sa end gamne bago tuluyang natakasan ng panalo ng Barangay Ginebra noong Biyernes.

“We’ll come back stronger in Game 2,” paniniyak ni Durham, na inako ang responsibilidad sa 91-87 pagkatalo sa Game 1 makaraang malimitahan siya ng Gin Kings sa huling yugto ng laro.

“I got to shoot better. We got great contributions (from locals like Chris Newsome and Raymond Almazan) but I didn’t perform to the best of my ability, so I got to be better next game,” dagdag ng two-time Best Import awardee.

Pinilit ni Durham na itulak ang Bolts sa panalo sa krusyal na yugto subalit nabutata siya ni Ginebra center Japeth Aguilar sa natitirang 11.2 segundo.

“In my opinion, I thought that was a foul. The video made it look like that was a foul. I mean, he was all over my shoulder. I guess the referees said he got more ball than body. So you just got to bounce back from that,” sabi na lang ni Durham.  (ANN ENCARNACION)

Please follow and like us:
Read More

BROWNLEE SABIK NANG MAGKAMPEONG MULI

(NI DENNIS IÑIGO)

GAYA nang inaasahan, hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang NorthPort at tinapos ito, 120-107, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi.

At dahil wala nang PBA game sa Pasko, mahaba-haba ang magiging bakasyon ng Gin Kings dahil Enero 8 pa magsisimula ang 2019 Governor’s Cup finals.

Magkasunod na taon na pinagharian ng Kings ang season-ending conference noong 2016 at 2017, ngunit noong 2018 ay nasilat sila ng Magnolia nang talunin sila sa four games sa semifinals.

Kaya sobrang motivated ang resident import ng Ginebra na si Justin Brownlee na mabawi ang nawalang korona nila noong nakaraang taon.

“Super motivated. I wish we would’ve had that three-peat last year but unfortunately, we came up short,” sabi ni Brownlee, na malaki ang naitulong para makuha ng Gin Kings ang 2018 Commissioner’s Cup titile ngunit nabigong madepensahan ang kanilang Governors’ Cup throne ng nasabing taon.

“It feels good to be in the Finals, but this point we’re not satisfied. We wanna feel that greatest feeling. I’m just super proud of everybody, it just feels great and hopefully, we can get another one.”

Kitang-kita naman ang panggigigil  ni Brownlee na magkampeon muli sa kanyang triple-double sa halos buong conference.

Sa Game 4 ng Gin Kings kontra Batang Pier, bahagyang kinapos lang para maka-triple-double muli si Brownlee nang magposte ng 36 points, 19 rebounds, eigth assists, three steals, at two blocks.

At dahil may hangover pa sa muling pagpasok sa third conference finals ng crowd-favorite Ginebra, nag-aalala si Brownlee sa mahigit dalawang linggong bakasyon ng liga.

“It’s kinda tricky because you don’t wanna get out of shape too much. You wanna stay focused and locked in. It’s the Finals. I don’t think we’ve ever done this, having extended breaks in the semis and in the Finals,” aniya.

“We just wanna stay focused and try not to lose the mentality that we already got right now. Hopefully we don’t take too many days off,” dagdag pa ni Brownlee.

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA, NORTHPORT UNAHAN SA SEMIFINALS

(NI ANN ENCARNACION)

AGAWAN sa krusyal na unang panalo ang Barangay Ginebra at NorthPort sa mas pinaikling 2019 PBA Governor’s Cup semifinals simula ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ganap na alas-6:30 ng gabi magsisimula ang mas maikling best-of-three semis sa pagitan ng Gin Kings at Batang Pier.

No.4 team ang crowd favorite Kings habang No. 8 naman ang Batang Pier sa pagtatapos ng elimination round.
Bitbit ang two-games incentive, tinapos ng Ginebra ang pangarap na grandslam peat ng sister team nitong San Miguel Beer sa quarterfinals match-up nila.

Na-upset naman ng NorthPort ang No.1 team sa third conference na NLEX Road Warriors at tinuldukan ang inaasam nitong finals appearance.

Lubhang nakapagpahinga ang mga Batang Pier matapos ang matagumpay na quarterfinals campaign nila, na maaaring maging advantage o disadvantage sa kanila.

Samantala, kapaligtaran naman ang Gin Kings na ang ilang players at maging ang coach nito na si Tim Cone ay naging abala sa katatapos lang na 2019 Southeast Asian Games, kung saan napanatili ng Gilas Pilipinas ang paghahari sa men’s basketball event.

Kaya naman inaasahang sasandigan ni Cone ang momentum ng kanyang mga player na hindi mapasusubaliang malaki ang naitulong upang masungkit ng Gilas ang gintong medalya sa SEA Games.

Ang magwawagi sa best-of-three semifinals sa pagitan ng Ginebra at NorthPort ay makakasagupa naman ang magwawagi sa pagitan ng Meralco Bolts at TNT Katropa.

Please follow and like us:
Read More

PBA GOVERNOR’S CUP: SMB vs GINEBRA

MATAPOS ang makapigil-hiningang panalo kontra Magnolia Pambansang Manok, 90-89, isa pang mabigat na pagsubok ang pagdadaanan ng San Miguel Beer sa pakikipagharap sa kanilang sister team Barangay Ginebra alas-6:45 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Determinado ang Beermen na makuha ang top seeding sa Governor’s Cup para sa kanilang inaasam na Triple Crown.

Inaasahan naman na bibigyan sila ng magandang laban ng crowd favorite Ginebra lalo’t galing ito sa back-to-back loses.

Kumpiyansa si Ginebra import Justin Brownlee na makababawi ang Kings na aniya ay isang survivor.  Ann Encarnacion

Please follow and like us:
Read More

NEVER SAY DIE UUBRA BA OR GOODBYE NA GINEBRA?

(NI ANN ENCARNACION)

NGAYON higit na kailangan ng Barangay Ginebra ang kanilang “never-say-die” spirit sa pinakaimportante at maaaring pinakahuling laro nila konta TNT Katropa sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal series  sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.

Sa kasalukuyan ay lamang ang Katropa (2-0) sa serye at nangangailangan na lang ng isang panalo para makahakbang sa final round matapos na muling talunin ang Gin Kings, 88-71, Linggo sa Araneta Coliseum.

Kaya napakaimportanteng manalo ang Ginebra sa ikatlong paghaharap nila ng Katropa ganap na alas-7 ng gabi sa MOA upang manatiling buhay ang tsansa na madepensahan ang kanilang titulo noong nakaraang taon.

Iilang koponan pa lamang ang nagawang makaahon sa dalawang larong pagkakaiwan sa isang best-of-five na laro at batid ito ng Gin Kings.

“Just having that never-say-die type of attitude,” sabi ni Ginebra resident import Justin Brownlee. “I know coach [Tim Cone] will definitely go make some adjustments now we’re down 0-2.”

Hindi naman naitago ni Cone ang frustration sa kanyang team lalo noong Linggo kung saan nalimitahan sila ng TNT sa 71 puntos.

“We played terrible and they played great. I don’t have anything to say,” ani Cone. “Just a bad game. They (Katropa) played well, they got the lead. We’ll see what we can do. Back to the drawing board in Game 3. That’s it. It’s all that I’ve got.”

Kung sa Game 1 ay natalo ang Ginebra dahil sa turnovers, sa Game 2 ay muling nanalo ang TNT dahil naman sa three-point shooting.

Nagtala ang Katropa ng 16-of-44 from beyond the arc kumpara sa 5-of-23 lamang ng Gin Kings.  Apat sa tres ng TNT ay naipasok sa fourth quarter na tuluyang nagpanalo dito.

Wala naman plano si TNT consultant Mark Dickel na baguhin ang overall strategy ng team. “That’s our game plan, no matter who we play,” giit niya.

“We want to spread the court, try and get lay-ups, and when they helped, kicked out, and our shooters shoot wide open shots,” dagdag ng New Zealander.

“We should make those shots, we practice those shots. We’re telling everybody on the team to have the freedom to take those shots. That’s why I’m never surprised when we shoot well. I’m more surprised when we don’t shoot well.”

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA VS PHOENIX: ‘DI PWEDENG MAGRERELAX

(NI ANN ENCARNACION)

WALANG plano ang Barangay Ginebra na gayahin ang naging pagkakamali ng North Port Batang Pier sa pakikipagsagupa nito sa Phoenix Fuelmasters sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Bagaman kulang sa mga manlalaro dahil sa iba’t ibang kadahilanan, nagawang maitakas ng Fuel Masters ang matinding upset kontra North Port Batang Pier sa paghugot ng 97-87 panalo noong Miyerkoles.

Nabatid na nakipagkita na kay PBA Commissioner Willie Marcial ang naka-indefinite suspension na si Calvin Abueva dala ang sulat na humihingi ng paumanhin sa pananakit kay TNT Katropa import Terrence Jones.

Gayunman wala pang linaw kung kailan siya muling papayagang makapaglaro ng liga.

Maliban kay Abueva, may fractured foot ang isa pang point guard ng Fuelmasters na si LA Revilla na “out for the rest of the tournament” na. May injuries din sina Rey Guevarra, Mike Gamboa at Jaypee Mendoza.

Ito ang dahilan kaya hindi naitago ni NorthPort Batang Pier coach Pido Jarencio ang panghihinayang sa pagkatalo ng kanyang team laban sa Phoenix.

“Nag-relax talaga. Masyadong nag-relax. Walang energy. Execution, wala. Yung defense, masyadong malambot,” himutok ni Jarencio.

Ngunit wala sa bokabularyo ni Ginebra coach Tim Cone na magrelaks kontra mapanganib na Fuelmasters.

“We know Phoenix — they are a physical and defensive-minded team and play with great tempo. They are always a tough matchup for us,” ani Ginebra Cone na hangad na manalo upang mapatatag ang kapit sa ikalimang puwesto sa team standings.

Una munang magsasagupa ang nag-aagaw buhay na NLEX Road Warriors at Rain Or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon bago ang tampok na salpukan ng Fuel Masters at Gin Kings sa ganap na alas-7 ng gabi .

 

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA BUTATA SA MAGNOLIA

magnolia12

NAGING malaking spoiler ang Magnolia Hotshots sa pangarap ng Barangay Ginebra na makaabante sa semifinal round ng  2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum matapos na tambakan ito, 106-77.

Gaya nang inaasahan, naging tinik sa landas ng Gin Kings ang Hotshots trio nina Jio Jalalon, Paul Lee, at Mark Barroca na nagtulong-tulong para sa 38 combined points.

Nanalo ang Gin Kings sa Game 1 ng best-of-three quarterfinals series nila, 86-75, at inasahan nang pilit babawi ang Hotshots sa Game 2.

Noong unang bahagi ay dumidikit pa ang Ginebra pero unti-unting lumayo ang Magnolia at nang matapos ang 1st half ay double digit na ang lamang nito, 51-38.

Pagsapit ng third quarter ay tuluyan nang iniwan ng Hotshots ang Gin Kings, 81-54, at mula rito ay hindi na ito bumitaw hanggang sa katapusan.

Pinangunahan ni Ian Sangalang ang Magnolia sa pagkamada ng 21 points at 9 rebounds habang nagdagdag si Robbie Herndon ng 18 puntos.

Bukod sa kanila, nagposte rin ng double-digit outputs sina Jalalon, 17, at Barroca at Lee na kapwa may tig-13 puntos.

“We only tied the series,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.

“Na-challenge ‘yung mga players ko. Pinagusapan namin ‘yung spirit namin at passion namin nung Game One, it’s not the Magnolia Hotshots basketball. Nakita naman nila sa film,” dagdag nito.

Patas na ngayon ang Ginebra at Magnolia at nakatakdang magharap sa pangatlo at huling pagkakataon sa Miyerkoles sa Big Dome.

 

Please follow and like us:
Read More