MGA KALABAN DINOMINA NG GILAS WOMEN, MEN

(NI DENNIS IÑIGO)

IMPRESIBO ang simula ng kampanya ng Philippine women’s 3×3 basketball team makaraang talunin ang tatlong nakalabang koponan kahapon sa Arena, San Juan City.

Kabilang sa mga tinalo ng Gilas Women ang Myanmar, 21-4; Malaysia, 15-13, at Indonesia, 16-13.
Itutuloy ng Gilas Women na kinabibilangan nina Afril Bernardino Janine Pontejos, Jack Animam, at Clare Castro, ang kanilang laban ngayon (Lunes) sa pagpapatuloy ng elimination round kung saan makakalaban nila ang Vietnam sa alas-9:20 ng umaga, kasunod ang Thailand sa alas-1-:40 ng umaga bago ang semifinals round na magsisimula sa alas-2 ng hapon.

Tiniyak naman ni Bernardino na hindi magiging sagabal ang natamong injury sa right thumb sa laban kontra Indonesia sa magiging laro niya ngayong araw.

“Kumikirot pa rin siya pero siguro hindi ko na iniisip yung sakit kasi lahat naman kami pinagtrabahuan yung event na ‘to, pinaghandaan talaga namin ‘to,” paniniyak niya. “Hindi ito reason para mag-give up.”

Samantala, na-sweep din ng Gilas Men 3×3 team ang unang apat na laban nila kahapon.

Walang kahirap-hirap na tinalo ng team nina  CJ Perez, Jason Perkins, Mo Tautuaa at Chris Newsome ang kanilang mga nakalabang Vietnam, 21-15; Thailand, 21-10; Indonesia, 21-17; at Myanmar, 21-10.

Gaya ng Gilas Women, tatanggkain ng Gilas Men na makaabante sa semifinals ngayong umaga kontra Malaysia sa ala-11:20, bago harapin ang Cambodia sa 12:20 ng tanghali.

Please follow and like us:
Read More

BOLICK, PEREZ BABAWI SA SEAG

(NI ANN ENCARNACION)

MOVED on na sina Robert Bolick at CJ Perez sa masaklap na kabiguan ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup kaya naman pipilitin nilang maibangon ang dangal sa 3×3 basketball sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Balewala kay Bolick anuman ang disiplina niyang lalaruin basta makapagsilbi sa bansa bilang kinatawan nito.

“Kahit saan basta i-represent mo lang yung country ok na ako run. Basta kahit saan, huwag lang sa volleyball. Hind naman ako volleyball player, e,” ani Bolick.

Isa ang NorthPort rookie sa anim na players na nagpakita sa unang official practice ng Gilas Pilipinas men’s 3×3 training pool sa Meralco.

Ikinatuwa ni Bolick ang panibagong ibinigay na oportunidad sa kanya na makapaglaro muli para sa bansa matapos ang FIBA World Cup sa China.

“Napakasarap ng feeling na pagkalaro mo sa World Cup, tapos eto naman 3×3, ibang laban naman,” sabi ni Bolick.

“Naglaro ako sa 5-on-5, ngayon lalaro ako sa 3×3. At least napaglaruan ko lahat. Yun ang pinaka-importante,”dagdag niya.

Kasama rin sa Pilipinas men’s 3×3 training pool ang kapwa FIBA World Cupper ni Bolick na si Perez, at Mac Belo, Chris Newsome, Jason Perkins, at Moala Tautuaa.

Ang koponan ay gigiyahan ni coach Ronnie Magsanoc at assistant Alex Cabagnot.

Please follow and like us:
Read More

TIM CONE, BAGONG COACH NG GILAS

NAKAPILI na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng bagong coach ng Gilas Pilipinas at siya’y walang iba kundi si Barangay Ginebra’s lead tactician Tim Cone.

Ngunit magiging coach lang siya ng Gilas para sa 2019 Southeast Asian Games at hindi pa tiyak kung siya pa rin ang hahawak sa national team hanggang sa 2023 FIBA World Cup.

“I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interested but wanted to finish his game last night and talk to his family first. Now I’m very happy to announce that coach Tim has officially accepted the role as head coach for Gilas Pilipinas Men in the upcoming SEA Games,” sabi ni SBP president Al Panlilio.

“We also want to reiterate that we’re taking it one step at a time and this arrangement is for the SEA Games only, for now. We’re still putting together a plan on how to move forward with our preparations for 2023 and beyond,” paglilinaw ni Panlilio.

Nauna rito ay nagpahayag si Cone na ang pagiging Gilas coach ay “one-and-done” commitment.

“Just go and coach the SEA Games, that’s it. And I understand that fully. And this, with me coaching, that will give them time to put their search committee together and find the guy they really want to coach [until], I guess, 2023. … And I’m perfectly OK with that,” sabi pa ni Cone.

Please follow and like us:
Read More

WANTED, KAPALIT NI GUIAO

Coach Yeng Guiao

(NI ANN ENCARNACION)

KAILANGAN ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na makahanap agad ng makakapalit ng nagbitiw na si coach Joseller “Yeng” Guiao  upang agad maihanda ang national team sa natitirang dalawang buwan bago ang 30th Southeast Asian Games.

Mayroon na lamang hanggang Setyembre 30 na itinakdang deadline para sa pagpasa ng ‘entry by names’ sa biennial meet kaya kailangan na ng coach ng national team na sasabak sa multi-sports tournament na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ayon sa isang opisyal sa SBP, nagpulong na ang mga opisyales at coaching staff upang makahanap ng bagong head coach na siyang pipili at gigiya sa pambansang koponan na aasinta sa ika-18 gintong medalya sa SEA Games.

“Marami silang pinagpipilian but I can’t give you the list,” sabi ng source. “Mayroon din silang gustong isama doon sa una nang ipinasa na listahan for accreditation purposes of the basketball team. Again, I can’t give you their names unless they make it official sa pagpasa ng accreditation papers.”

Sinabi pa ng source, ilang batang players ang posibleng makasama sa koponan na sasabak sa World Cup 2023 na ihohost ng Pilipinas, Indonesia at Japan.

“We have until the last day of September for the final list of athletes that will represent the country in the SEA Games. After that, wala nang palitan ito,” dagdag ng source.

Matatandaan na kasama sa unang binuong Gilas pool ang mga batambatang basketeers na sina Kobe Paras at Kai Sotto na isasabak sa susunod na World Cup sa 2023.

Mismong si SBP Honorary Chairman Manny V. Pangilinan ang nagpahayag ng pagnanais nitong makapaghanda ng maaga para sa susunod na World Cup sa kanyang Twitter account na “Manny V. Pangilinan @iamMVP” na .

“SBP has started to plan and prepare for 2023. We need to supply to spectators and guests an experience like never before, and demonstrate Filipino hospitality. Much pressure on our Gilas Team though – which is good. Ergo, let’s do better. Puso! #LabanPilipinas!,” sabi nito.

Please follow and like us:
Read More

PDU30 TALO

(NI ANN ENCARNACION)

WALANG panalo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kapwa bigo ang Pilipinas at China, kahit pa sa konsolasyon na maging kinatawan ng rehiyon sa 2020 Tokyo Okympics.

Matatandaan na bago pa man nagsimula ang FIBA World Cup ay nagbiro si PDU30 na hindi mananalo ang Gilas Pilipinas at kung siya ang pappipiliin ay mas pupusta raw siya sa China.

Ngunit kapwa luhaan ang Gilas at World Cup host China makaraang mabigo sa huli nilang mga laban kontra Iran at Nigeria, ayon sa pagkakasunod.

At dahil sa 95-75 panalo ng Iran laban sa Pilipinas, nagkaroon ito ng “higher aggregate margin of victory” (plus-7) kumpara sa China (minus-10) kaya’t nakuha nito ang karapatan na maging kinatawan ng Asya sa 2020 Olympics.

Samantala dahil sa pagkabigo ng China kontra Nigeria, 86-73, ang huli naman ang magiging kinatawan ng Africa sa Tokyo Olympics.

I FELL THEIR PAIN–Bolick

NAPAIYAK si Gilas Pilipinas rookie player Robert Bolick Jr. matapos mabokya ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa Beijing, China

Ayon kay Bolick nalulungkot siya para sa mga kasamahan niya at bumubuo sa national coaching staff dahil hindi sila nanalo kahit isang beses sa FIBA.

Nalasap ng Gilas ang ikalimang sunod na kabiguan laban sa Iran, na muling sasabak sa 2020 Olympics matapos maagaw sa China ang karapatan na maging Best Team in Asia.

“I can feel their pain,” emosyunal na sabi ni Bolick. “I feel bad for the coaching staff, they had to… they really work hard, and they…we only had 10 days to prepare. I really feel bad for them kasi lahat ng blame napupunta sa kanila. I really feel bad for the coaching staff.”

Ikinalungkot din ng Gilas rookie ang mga nasayang na pagkakataon sa koponan para manalo subalit hindi nito nagawang makumpleto upang makapaguwi ng kahit isang panalo mula sa World Cup.

“I hope to do better, some of the games are winnable games, hindi lang kami nagkakaanuhan eh, hindi lang kami masyadong nagkaka-in synch, offensively and defensively,” aniya.

“I think it is an eye opener for us, for our country. Give more time to prepare, especially in this kind of magnitude, World Cup, the best teams are here eh, hindi na ito biro. So it just sucks for me. Siyempre bata pa ako, but for Gabe, for those senior guys, feeling nila last na nila eh, I feel their pain,” hinagpis ni Bolick.
Ikinainis pa ni Bolick ang pagyayabang umano ng Iran bago matapos ang game sa pagitan nila.

“The thing that they (Iran) did, they were jumping, shouting and everything. It’s gonna be a motivation for me. I, for sure, I won’t let it happen again… Babawi kami next time, hindi na sila tatalon for sure,” sabi pa nito.

Please follow and like us:
Read More

GILAS MAY GAHIBLANG PAG-ASA PA

(NI ANN ENCARNACION)

HINDI pa man nakapagpapahinga ang Gilas Pilipinas mula sa masaklap na kabiguan kontra Angola, Miyerkoles ng hapon, ay agad itong sasagupa ngayong gabi sa kinabagsakang classification round kontra Tunisia sa napakaimportanteng laban sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Nanatiling buhay ang tsansa ng Gilas na makatuntong sa 2020 Olympics matapos na mabigo ang host China sa huli nitong laban kontra Venezuela.

Gayunman puwersado ang Pilipinas na ipanalo ang pinakahuling dalawang laban sa classification round at manalangin na hindi mananalo ang ibang koponan na nakasungkit ng isang panalo sa unang round upang manatiling buhay ang tsansa na maging representante ng rehiyon sa Tokyo Olympics.

Dahil walang koponan mula sa Asia at Africa ang nakatuntong sa Second Round, inaasahang pag-aagawan ngayon ang insentibo bilang isang “best-ranked team” sa bawat rehiyon matapos ang classification games para sa “direct qualification” sa Olympics.

Kaya pilit na hahawiin ng Gilas ang matinik na daan ngayong gabi sa pagsagupa nito sa nangunguna sa kinabagsakan na Group N na Tunisia sa ganap na alas-8 ng gabi.

Bitbit ng FIBA World ranked No. 51 Tunisia ang 1-2 panalo-talong record matapos talunin sa Group C ang dating tatlong beses naging Asia Cup champion na Iran, 79-67.

Abot-kamay na sana ng Tunisia ang silya sa Olimpiyada subalit nabitawan ang kalamangan kontra Puerto Rico kaya’t puwersado itong manalo sa kinabagsakang grupo.

At una nitong makakasagupa ang Gilas Pilipinas, desperadong makasungkit ng panalo upang mapanatiling buhay ang tsansa na makabalik sa kada apat na taong Olympics.

Ilang pagkakataon na muntik nang manalo ang Gilas kontra Angola ngunit sa huli ay kinapos ito,  81-84, at nahulog sa classification round l bitbit ang 0-3 panalo-talong kartada.

Please follow and like us:
Read More

GILAS VS SERBIA: ‘SUNTOK SA BUWAN’ 

(NI ANN ENCARNACION)

MATINDING pagsubok ang pwersadong lampasan ng Gilas Pilipinas ngayong gabi para mapanatiling buhay ang tsansa nito na makaabante sa susunod na laban sa pagsagupa sa World No.4 Serbia sa pagpapatuloy ng Group play sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Makakasagupa ng Gilas sa ganap na 7:30 ng gabi ang powerhouse Serbia na hangad maitala ang pinakamalaking upset sa torneo para sa posibleng pagsungkit sa hinahangad na “Best Team in Asia” at mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Ipinamalas ng Serbia ang lakas nito sa unang pagsabak kontra Angola na nilampaso nito sa iskor na 105-59 upang samahan ang Italy sa pangunguna sa Group D.

May apat na manlalaro sa NBA ang Serbia na isa sa malaking problema ng Gilas, pinaluhod ng Italy, 108-62, noong Sabado ng gabi.

Dismayado si Gilas coach Yeng Guiao sa itinalang 3 of 23 three point shooting ng koponan at hinayaan ang Italy na magpiyesta sa pagbuslo ng 15 triples.

Nagtala din ang Italy ng kabuuang 30 assists habang 10 lamang sa Gilas. At kung may 13 turnovers ang kalaban, may 23 naman ang Pilipinas.

Nalimitahan pa ang Gilas sa walong puntos sa unang yugto, 10 sa ikalawa at 15 sa ikatlo upang maiwanan ng milya-milya ng Italy sa pagtatapos ng third quarter, 39-86.

Sa huling yugto ay lalo pang ibinaon ng Italy ang Pilipinas nang umabante ito ng 53 puntos, 105-52.

Namuno sina Andray Blatche at Jaymar Perez sa Gilas sa itinalang tig-15 puntos, nagambag si June Mar Fajardo ng siya at anim mula kay Robert Bolick.

Please follow and like us:
Read More

RAVENA SA RANDOM TESTING; COINCIDENCE O SINADYA?

NAGSAGAWA ng random drug testing bago ang 2019 Fiba World Cup sa China na pormal na magsisimula bukas.

Dalawa sa 12-man Gilas Pilipinas roster ang nakasama sa random drug testing, sina June Mar Fajardo at Kiefer Ravena.

Hindi kaila sa Pinoy basketball fans na kagagaling lang ni Ravena mula sa Fiba-imposed 18-month suspension matapos itong mag-positive sa paggamit ng ‘banned substances’ na nakahalo sa pre-workout drink Dust na ininom niya.

Kaya hindi maiaalis sa ilang Gilas fans na magpahayag ng pagdududa sa pagkakasamang muli sa random drug testing ng 25-anyos na si Ravena.

“It’s really funny but at the same time, completely understandable,” sabi naman nito.

Hindi gaya sa Asian qualifiers game laban sa Japan noong nakaraang taon, mas kumpiyansa ang NLEX court general na walang banned substances na makikita sa ‘samples’ niya.

“Sigurado ako. Sure na sure yan,” giit niya.

Ayon naman Fiba at sa World Anti-Doping Agency (WADA), patuloy silang magsasagawa ng random drug tests habang ginaganap ang World Cup.

Samantala, mas sa random drug tests kina Fajardo at Ravena, nakatuon ngayon ang Pilipinas sa laban nila kontra Italy sa Foshan International Sports and Cultural Center kung saan nangakong manonood ang No.1 critic ng Gilas na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:
Read More

GILAS VS ITALY: NOTHING TO LOSE — FAJARDO

KUMPIYANSA si PBA five straight MVP awardee June Mar Fajardo na makukuha ng Gilas Pilipinas ang inaasam nito sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa China simula bukas (Sabado) sa pakikipagsagupa nila sa team Italy.

“Basta, tiwala lang sa sarili. Tiwala lang sa teammates mo, tiwala lang kila coach,” ani Fajardo, isa sa limang Gilas veterans na sasabak sa ikalawang pagkakataon sa World Cup.

Maliban kay Fajardo, ang apat pang Gilas players na nakapaglaro sa 2014 FIBA ay sina naturalized player Andray Blatche, Gabe Norwood, Paul Lee, at Japeth Aguilar.

“Kailangan natin i-boost ‘yung sarili natin, kasi nga kung ‘di tayo magtitiwala sa sarili natin, sino pa ang magtitiwala sa atin, ‘di ba?” dagdag ni Fajardo na nangakong gagawin ang lahat para makatulong sa national team.

‘Pader’ ang babanggain ng Gilas Pilipinas sa kinabibilangang grupo kasama ang Serbia, Angola at Italy, na pawang may NBA players na kasama sa kanilang team.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay duda na mananalo ang Gilas sa FIBA World Cup. Gayunman, manonood umano ito ng laban ng national team kontra Italy sa Foshan, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Aminado naman si Fajardo na hindi magiging madali ang susuungin nilang laban. Ngunit tiwala pa rin siya na papabor sa Gilas ang magiging resulta nito.

“Nothing to lose naman tayo doon eh, pero everything to gain, ‘di ba?” matter of fact na sabi pa nito.

Please follow and like us:
Read More

GILAS MAY NATUTUNAN SA SPAIN

(NI ANN ENCARNACION)

HINDI man natupad ang inaasam na makaharap ang host country Spain, masaya pa rin ang Gilas Pilipinas sa kabuuan ng kanilang 10-day training camp sa nasabing bansa lalo’t panalo sila sa huling laro sa Malaga kontra Ivory Coast, 73-63.

Matapos matalo sa pangalawang pakikipagharap sa Congo na humadlang sa kanilang hinahangad na na pakikipagsagupa sa world No. 2 Spain, tinapos ng Gilas ang training camp sa 3-1 record.

Muling naging impresibo si Robert Bolick na pinangunahan ang Gilas sa pagiskor ng 18 puntos, habang nagtala ng double-double si Andray Blatche 18 points, 18 rebounds, four assists, at three steals sa panalo laban sa Ivory Coast.

Sa ulat na lumabas sa abs-cbnnews.com, sinabi ni coach Ryan Gregorio na kuntento naman si head coach Yeng Guiao sa nabuong confidence ng team sa Spain training camp na preparasyon nito para sa nalalapit na FIBA World Cup.

“(Coach Yeng) reminded the players to continue working on their 3-point shooting, defense, and to master the offensive sets for it to be second nature for everyone,” sabi ni Gregorio. “He also told the players to continuously improve and not to regress.”

Ngayon (Lunes) babyahe pabalik ang Gilas at inaasahang darating sa Pilipinas Martes. Kinabukasan (Miyerkoles) ay agad babalik sa praktis ang team.

Magkakaroon pa ang Gilas Pilipinas ng karagdagang exhibition games laban sa Australia bago tumulak sa China para sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Kabilang ang national team sa Group D kasama ang Angola, Italy, at Serbia.

Please follow and like us:
Read More

DUTERTE MANONOOD NG GILAS VERSUS ITALY 

(NI ANN ENCARNACION)

MATAPOS sabihin na hindi mananalo ang Gilas Pilipinas, bumawi si Pangulong Rodrigo Duterte at nagpahayag na panonoorin niya ang laban ng national team kontra Italy sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Ito ang tiniyak ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Christopher Lawrence Go matapos na laitin ng pangulo ang Gilas Pilipinas.

“Panonoorin talaga niya (Duterte) ang laban natin kontra Italy dahil importante ito sa kailangan na dalawang panalo para makapasok tayo sa susunod na round. Napagkuwentuhan nga namin na huwag na natin isipin ang Serbia dahil talagang malakas pero dito sa Italy ay may mas tsansa tayo kaya gusto niya manood,” aniya.

Ipinaliwanag ni Go na susuportahan ng pangulo ang national team sa World Cup dahil makakasabay ito mismo sa ikalimang pagbisita nito sa China para makipagpulong kay President Xi Jinping.

Kasalukuyang nasa training camp sa Spain ang Gilas at noong Martes ng gabi (Miyerkules sa Pilipinas) ay kanilang tinalo, 102-80, ang Congo sa isang tune-up match sa Palacio Multiusos de Guadalajara.

Pinamunuan ni naturalized player Andray Blatche ang national team sa tinipong 25 puntos, nagdagdag si Japeth Aguilar ng 22, at 16 puntos si Mark Barroca.

Lahat ng 10-player pool ng Gilas ni coach Yeng Guiao ay nakaiskor laban sa ranked 82nd sa mundo na Congo.
Ilang oras bago ang tune-up game ng Gilas at Congo, nagbiro ang Pangulong Duterte na walang tsansang manalo ang Gilas sa World Cup.

“Problema unang kalaban natin Italy. Wala, talo tayo, walang laban,” sabi ni Duterte Martes ng gabi sa oathtaking ng Filipino-Chinese businessmen sa Malacanang.

“We will lose dito sa Italya. Ang lalaki kaya niyang mga %@#$ na yan,” sabi ni Duterte.

Nabatid na Italy ang unang makakalaban ng Gilas sa FIBA World Cup.

Please follow and like us:
Read More

KIEFER RAVENA ‘UTILITY BOY’ MUNA SA GILAS 

HANDA si Kiefer Ravena na maging ‘utility boy’ para sa Gilas Pilipinas sa Spain lalo’t hindi pa siya pwedeng maglaro kahit sa tune-up matches dahil sa suspensyon sa kanya ng FIBA governing body.

Tumulak sa training camp sa Spain ang Gilas para sa tune-up games sa national teams ng Congo, Ivory Coast, at posibleng pati Spain.

Bagama’t pinayagan na si Ravena na sumama sa mga practice ng Gilas simula noong Hunyo 24, sa Agosto 24 pa tuluyang matatapos ang 18-month ban niya, isang linggo bago magsimula ang kampanya ng Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

“I think at this moment of our journey to the World Cup, the little things will matter the most, yung kung papaano ko sila matutulungan off the court and on the court,” ani Ravena sa huling praktis ng team noong Sabado bago umalis pa-Europa.

Payag din siyang maging acting assistant sa head utility na si Bong Tulabot. “Yun muna ang focus ko kasi hindi pa naman ako makakalaro. For me dun muna ang focus ko siguro to help do these little things even just carrying bags or helping sila Bong T.”

Hindi nakasama sa Spain sina TNT assistant coach Ford Arao at physical therapist na si Dexter Aseron dahil kasisimula pa lang ng PBA Commissioner’s Cup finals sa pagitan ng Katropa at San Miguel Beer.

Sasamantalahin na rin umano ni Ravena ang pagkakataon para maghanda sa World Cup sa anumang paraan “For me I will have to watch a lot of film, watch a lot of things that I still can do to really prepare myself para pagdating ng laro, parang nakakasama ko rin sila all throughout this journey na nakakapaglaro ako kahit na hindi.”

Please follow and like us:
Read More

PHL 3X3 UMANGAT SA WORLD RANKINGS

(NI LOUIS AQUINO)

LUMAPIT ang Pilipinas sa inaasam na makapag-compete sa 3×3 tournament sa 2020 Olympic Games makaraang umangat ito sa world rankings.

Base sa update ng FIBA 3×3 nitong Linggo, No. 24 na sa world rankings ang Pilipinas na nagpatibay sa hangarin nito na maimbitahan sa Olympic Qualifying Tournament (OQT).

“This is a surprising development even for us,” ani league owner Ronald Mascariñas. “We started the year at 60 and many said that making it to an Olympic Qualifying Tournament was improbable. But with the hard work of our players and our staff, we were able to crack the top 24.”

Bago ang grand finals ng 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriot’s Cup, ranked No. 28 lang ang bansa sa 6,257,888 points nito.

Itinuturing na level-eight tourney ng FIBA, matapos ang finals ng Patriot’s Cup ay nakatipon ng 434,452 points ang Pilipinas men’s 3×3 na nagpataas sa rankings nito at nahigitan pa ang Dominican Republic, Canada, Indonesia, at Switzerland.

Kung hindi bababa sa Top 24 ranking ang bansa sa pagtatapos ng FIBA-imposed cut-off sa November 1, 2019, awtomatikong pasok na ang Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament sa March 2020.

Tatlong slots ang nakalaan sa 2020 Olympics sa OQT. Ang apat sa walong seats ay mapupunta sa host Japan at tatlo sa highest-ranked teams sa pagtatapos ng deadline.

Ang huling slot naman ay ia-award sa mananalo sa Universality-driven OQT sa April 2020.

Kaya ang goal ng bansa ay mapanatili man lang ang kasalukuyang standings natin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maraming tournaments at pagsali sa international competitions.

“The fight is not yet over. Yes, we are happy that we made it to the top 24 but the challenge now is to maintain our standing or go even higher,” sabi ni Mascariñas.

“We are currently in talks with FIBA to host a Manila Challenger this September. Wilkins-Balanga is also preparing for the Bucharest Challenger this August 11 and 12. We are also already preparing for our third conference, which is the Magiting Cup that will begin this September,” dagdag niya.

Kung sakali naman na hindi mapangatawanan ng bansa ang top 24, plano ni Mascariñas mag-bid para sa hosting ng OQT para magkaroon ang Pilipinas ng automatic slot sa Olympics.

 

Please follow and like us:
Read More

LEBANESE PANIS SA GILAS

GULAS VS LEBANON

TINALO ng Gilas Pilipinas ang Lebanon, 74-68, sa pangatlong tune-up match nila Biyernes ng gabi sa Epsilon Chi Center sa UP Campus.

Split ang unang dalawang tune-up matches ng Gilas at Jordan.Nanalo sa unang game ang visiting team,  98-82,  at nanalo by default, 82-73, ang Gilas sa second game nang mag-walkout ang Jor-danians sa kalagitnaan ng fourth matapos magsigawan sina coach Yeng Guiao at counterpart ni-yang si Joey Stiebling.

Nagpakawala ng 13 unanswered points ang Gilass at naidikit ang iskor, 57-55. Sa fourth ay nakuha ng Team Pilipinas ang lamang, 60-59, buhat sa layup ni Arwind Santos.

Hindi na binitiwan ng Gilas ang lamang hanggang sa matapos ang laro.

Bukod kay Santos, sina Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Stanley Pringle, Greg Slaughter, LA Tenorio, Matthew Wright, Ricci Rivero, Scottie Thompson, Jayson Castro at Poy Erram ang ginamit ni Guiao sa unang game vs. Lebanon.

Inaasahang gagamitin ni Guaio ang iba pang manlalaro sa Gilas pool sa pangalawang tune-up match nila  kontra Lebanese ngayong gabi.

Ang mga naturang home games ay bilang paghahanda sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Iho-host ng Pilipinas ang Kazakhstan sa Nov. 30 bago ang Iran sa Dec. 3, parehong sa MOA Arena.

Please follow and like us:
Read More