MESSAGE SA FB BINULATLAT; GF BUGBOG SA SELOSONG BF

huli

(NI MAC CABREROS)

KALABOSO ang isang binatang estudyante na nambugbog sa kanyang 16-anyos na kasintahan sa Marikina City.

Desidido ang pamilya ng biktimang sinadyang itinago sa pangalang ‘Dmet’ na sampahan ng kaso laban kay Kyle Gabriel Coronado,18.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ng lalaki ang bahay ng kasintahan sa Tuazon Ville, Brgy. Tanong, ng nasabing lungsod alas-10:00 ng umaga ng Martes at kinompronta hinggil sa mga mensaheng nababasa sa messenger account.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang sa hilahin ng lalaki,  na noo’y sinukluban ng matinding galit, ang kamay ng babae saka ibinalandra sa dingding kung saan nagtamo ng pinsala sa katawan ng huli.

Agad na humingi ng tulong  sa awtoridad ang tiyahin ng biktima kung saan agarang rumesponde at naaresto ang suspek.

Paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang isasampa laban sa akusado.

 

Please follow and like us:
Read More

BF PUMATAY NG GF SUMUKO

agusan

BUTUAN CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa sinasabing suspek na pumatay sa kanyang karelasyon sa Nasipit, Agusan del Norte makaraan sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay PO3 Elmer Haranay, pursigido ang pamilya ng biktimang si Aimee Tampan, 34, na sampahan ng reklamo ang sumukong suspek na si Remare Bitangcor.

Sa ngayon, hinihintay na lang ng pulisya ang resulta ng autopsy report para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Batay sa ulat, natagpuang walang malay si Tampan makaraan ang kanilang pagtatalo nitong Huwebes.

Agad tumakas ang suspek makaraan ang krimen ngunit sumuko sa pulisya kalaunan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi tanggap ng suspek ang pakikipaghiwalay sa kanya ng biktima kaya nangyari ang krimen.

Please follow and like us:
Read More