ADVERTISERS MAG-AATRASAN SA SERYE NI GERALD?

(NI GORGY RULA)

PAWANG mga training sa Scout Ranger ang ipinu-post ni Gerard Anderson

bilang paghahanda sa drama series niyang A Soldier’s Heart.

Ilan sa mga kasama niyang nag-training sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce at Yves Flores.

Three days daw ang training na proud na proud si Gerald na walang sumuko sa sobrang hirap na pinagdaanan nila,

Inaasahang huhupa na ang mainit na isyung hiwalayan nila ni Bea Alonzo na  ngayon ay ina-analyze nila bakit lumaki nang husto ang isyung ito.

Isa nga sa segment ng Rated K na pinag-usapan ni Korina Sanchez ay itong Gerald-Bea brouhaha at ang kaibigang si Noel Ferrer ang isa sa naimbita para sagutin kung bakit halos naging national issue ito.

Isa raw sa nabanggit ni Noel ay ang Star Magic kung meron ba silang action na ginawa rito.

Sabi nga ni Noel sa PEP Alerts namin, “Ano kaya ang stand ng Star Magic sa issue?

“Hindi ba’t sa tunay na pamilya, pinag-uusapan ito at inaayos at sa proseso ay may natutunan?”
Nagulat daw silang naimbitahang nasa panel nung pinanood nila nung Linggo, na-edit na ang bahaging iyun.

Kaya naintriga tuloy kami bakit hinayaan ng ABS-CBN 2 na lumaki ito.

Ang tanong na rin ng ilang sumusubaybay sa isyung ito, hindi kaya makaapekto ito sa teleseryeng gagawin ni Gerald?

Makakalimutan na kaya ng mga tao ang mainit na isyung ito bago umere ang A Soldier’s Heart niya?

Ang latest pa kasing naririnig namin, hindi pa raw gaanong type ng mga advertisers si

May ilang nagsasabing, mag-aatrasan daw ang possible advertisers sa bagong teleseryeng ito ni Gerald.

Wala pa naman silang schedule ng airing, kaya baka patagal-tagalin pa muna nila.

Please follow and like us:
Read More

DAPAT HANDA NA ANG GF NI GERALD SA ‘STYLE NIYANG BULOK’

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

LUMALABAS ngayong mukhang mali ang “formula” ni Gerald Anderson sa pakikipag-split sa kanyang nagiging mga syota. Noon pa ganyan na ang usapan noong bigla rin ang split nila ni Kim Chiu. Noon daw kanilang panahon, basta wala lang. Ang sabi nila “wala na”.

Iyong kaso naman noong na-link siya kay Sarah Geronimo, mukhang noong panahong iyon ayaw ng mga magulang ni Sarah na maligawan ang kanilang anak. Eh di wala na.

Naibalita ring naging mag-syota sila ni Maja Salvador, tapos wala namang nasabing dahilan basta wala na.

Ngayon si Bea Alonzo, na second time around na. Basta hindi na lang sila nag-usap at wala na.

Iyong mga artista lang na nakarelasyon niya ang sinasabi natin, wala pa riyan iyong kanyang mga naging dates sa labas ng showbiz. Mukhang ganoon talaga ang style niya. Quiet na lang pagkatapos.

Siguro nga si Gerald iyong taong ayaw mapag-uusapan ang mga bagay na personal. Ayaw niyang mahahalo sa mga controversy, kaya kung matapos man ang isang relasyon quiet na lang para wala nang usapan. Wala nang mga tsismis. Wala nang katuwirang kailangang gawin.

Pero ngayon dahil napag-uusapan na ang kanyang style, iba na ang feedback. Marami na ang nagsasabi sa kanya nang “style mo bulok”. Pero hindi ninyo siya masisisi dahil kung iyon ang style niya eh. Dapat by now alam na rin ng nililigawan niya kung ano ang style niyang iyon, kaya oras na medyo dead ma na siya, kailangan handa na rin ang syota niya na basta hindi na lang niya kibuin.

Hindi namin masasabing tama ang style ni Gerald. Ang sinasabi lang namin dapat alam na at pinaghahandaan na ng mga babaing nililigawan niya.

AYAW PATULAN NI CARLO

Iba naman si Carlo Aquino. Nang matanong siya tungkol sa dating girlfriend na si Angelica Panganiban, sinabi niyang ayaw na niyang patulan pa kung ano man ang sinasabi noon. Para sa kanya naman, mahirap nang palakihin pa iyon at gawin pang isang issue. Tutal naman may sinasabi na ngang bagong manliligaw si Angelica, at siya man naman ay mayroon na ring nakitang iba. Para kay Carlo, sarado na ang issue.

Siguro nakita rin naman ni Carlo kung ano ang nangyari kina Angelica at Derek Ramsay noong iyong dalawa ang mag-split. Matagal na sagutan nga naman iyon at marahil iyon ang kanyang iniiwasan.

Tama rin naman siya. Sa status ngayon ng kanilang career, hindi na naman nila kailangan iyang controversy para sila mapansin.

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD INUNAHAN ANG GHOST MONTH KAY BEA

AGOSTO 1-29 ang Ghost Month ngayong 2019, ang ikapitong lunar month sa Chinese folk legend. Agosto 15 ang araw ng Ghost Festival.

Sa mga naniniwala sa Ghost Month, ipinagpapaliban nila ang paggawa ng malaking desisyon, lalo na sa negosyo. Pinapalipas muna nila iyon.

Hindi pa man sumasapit ang Ghost Month ngayong taon, nauso na ang Ghosting dahil basta na lang dinedma ni Gerald Anderson ang GF na si Bea Alonzo.

Na-moomoo si Bea. Basta na lang siya hindi kinausap ni Gerald, at kamukat-mukat mo’y may iba nang sinusuyo ang talap-talap na aktor.

Patok na patok ang tanong ni Paulo Avelino, “Na-Bea Alonzo ka na ba?”

Syempre, katuwang niyan ang pang-uurot, “Na-Gerald Anderson ka na ba?”

 

Please follow and like us:
Read More

ENOUGH –BEA

(NI GORGY RULA)

KAAGAD na nag-trending sa Twitter nung Linggo nang gabi sina Julia Barretto, Bea Alonzo, Gerald Anderson at Joshua Garcia.

Nagsimula ito sa cryptic post ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na in-assume ng lahat na may kinalaman ito sa relasyon nila ni Gerald at para sa aktor ang tinutukoy ng post  na iyun.

Black photo ang ipinost ni Bea, at ang caption nito; “You can’t make  the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Sunud-sunod na ring naglabasan sa social media ang post ng  kuha nina Gerald at Julia na magkasamang dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa BGC.

Isang fan ang nag-post ng kuhang magkasama sina Gerald at Julia sa BGC.

Matindi ang hanash ng fan na ito na si @cabrera.kath.

Sabi niya; “Para sa lahat ng nagsasabi na nagsisinungaling ako ang naninira lang. NOPE. I’m not lying.

“And ano makukuha ko dun? There you go! Yan na lng ipakita ko.

“Hindi lang kami friends dahil bday ni Rayver. Hello.

“They went on the same car together alone and iba gestures nila.

“Tinatago man halata pa din OKAY. I don’t like to assume or judge pero kawawa kasi ang sobrang manloloko.

“I already sent message to Bea. Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayari in their personal life.

“Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!

“After everything ginawa niya. Minahal and hindi siya jinudge sa past niya sa ginawa niya sa mag bestfriend (kim and maja).

“Minahal niya pa din even nung nagkamovie sila ni Pia.

“Niloko niya pero pinatawad at mas lalong niya pa rin minahal.

“She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

“Ano lahat na lang ba ng leading lady niya lalandiin niya or jojowain niya? Ganoon ba yun?

“Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater.

“I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan niya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason niya self care self love keme bestfriend sila ng ex niya bahala siya. I don’t care.

“Basta we are here for Bea. We love her and she deserves  better.

“She liked my photo and posted a confirmation. ‘ENOUGH’.

Pinutakti tuloy nang pamba-bash si Gerald nang mag-post siya na nag-congratulate sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao.

Kung anu-anong mura ang inabot niya sa kanyang Instagram account, kaya pinapayuhan itong  i-off na muna ang comments section sa IG account niya.

Si Julia Barretto kasi, in-off niya ang comments sa IG niya kaya hindi siya nakakatanggap ng pamba-bash dahil dito sa isyu nina Gerald at Bea.

Sa nakaraang interview ni Julia, mariin niyang itinatanggi ang tsismis sa kanila ni Gerald dahil parang kuya lang daw niya ang Kapamilya actor na nakasama niya sa pelikulang Between Maybes.

Inaabangan pa ngayon kung ano pa ang susunod na ipu-post ni Bea at kung may sasabihin din si Joshua sa isyung ito.

IPE AT MICHAEL KAPALIT NINA BOYET AT PIP

Hindi na nga natuloy sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III sa

pelikulang pagsasamahan dapat nila ni Nora Aunor, ang Isa Pang Bahaghari na ididirek ni Joel Lamangan para sa Heaven’s Best Productions.

Finally, na-close na nilang sina Phillip Salvador at Michael de Mesa ang kapalit.

Maganda naman ang kumbinasyon pero ang crucial daw sa kanila ngayon ay ang gaganap na younger version nila.

Marami ang nagsasabing perfect talaga si Kathryn Bernardo na gaganap bilang young Nora Aunor, pero alam naman nilang hindi nila kayang kunin si Kathryn.

Ang isa sa pinag-iisipan si Kris Bernal, pero naghahanap pa rin ng young Phillip at Michael.

Pero mahalaga rin daw ang role ng mga gaganap na anak. Ilan sa mga kinakausap ngayon ay sina Zanjoe Marudo, Ruru Madrid at  Sanya Lopez. Pero wala pa rin silang naisip na-finalize pa.

Mahalaga raw kasi ang cast dahil bukod sa magandang kuwento, matinding casting din ang kailangan para ipanlaban nila sa Metro Manila Film Festival.

Kaya lalong natsa-challenge si direk Joel na pagandahin pa ito, higit pa sa Rainbow’s Sunset.

Kapag ma-finalize na raw nila ang casting, magpapa-story conference na raw sila para mailatag na kung sino pa ang ibang artistang bubuo sa malaking pelikulang ito.

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD PUSPUSAN ANG PAGPAPAGANDA NG KATAWAN

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MULA nang magkaroon ng negosyong gym ay mas puspusan na raw ngayon ang ginagawang pagwo-workout ni Gerald Anderson.

Matatandaang binuksan ng aktor ang The Th3rd Floor sa Quezon City kamakailan na kanyang pag-aari. May pagkakataong tumatakas pa si Gerald sa trabaho kapag mayroong bakanteng oras para lamang makapag-gym. “Mga two hours pero minsan twice of thrice a day.

So minsan six hours or four hours sa isang araw. Kung may taping naman ako during lunch break, tatakas muna ako. Magwo-workout muna ako sa bahay kung malapit lang ‘yung location,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Hanggang maaari ay gusto lamang daw ng aktor na mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan at maganda ang pangangatawan.

“More than ‘yung body parts ko, more on ‘yung performance ko sa bawat workout. ‘Yung sikreto do’n is kung paano mo talunin ‘yung last workout mo or ‘yung last personal record mo. Dati gano’n ako eh lalo na ‘yung sa showbiz na alam ko maghuhubad ako bukas, may eksena ako, may love scene ako, kailangan maganda katawan. Parang hindi siya pangmatagalan na goal. Pero kung may goal ka na gusto mo talunin ‘yung sarili mo, ‘yun ‘yung mas may weight,” paliwanag ng binata.

Maging sa pagpili ng pagkain ay maingat din umano si Gerald. “Alalay lang sa pagkain. Wala man akong specific diet ngayon but sa dami ko ng exercise na ginagawa, kasi may basketball practice ako and then hindi ako nagkukulang sa exercise,” giit niya.

Samantala, proud din ang aktor bilang isang Philippine Coast Guard auxiliary officer. Ngayon ay ganap nang lieutenant ng PCG si Gerald. “Going strong ang malapit naman talaga sa puso ko ‘yung military. Siyempre ‘yung tatay ko ex-miliraty and iba ‘yung binibigay nila para sa bansa natin na minsan na-o-overlook natin kaya ako nae-excite dito sa bagong TV series na ginagawa namin. Makikita natin kung ano pinaghahandaang nila,” pagbabahagi ng aktor. -Reports from JCC-   

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD AMINADONG ‘PLAYBOY’

gerald12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay pinag-usapan ang naging tuksuhan kina Kim Chiu at Gerald Anderson. Guest co-host noon ang aktres sa ‘It’s Showtime’ kung saan ay nag-guest naman si Gerald upang mag-promote ng pelikulang ‘Between Maybes.’

Hindi maiwaasan na tuksuhin ng mga kasamahan ding hosts sa naturang noontime show ang dating magkasintahan. Ikinatuwa naman ang nangyari ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa. “Oh yeah! Sinundan ko siya. Nakakatuwa lang, kasi wala ako dito ngayon if not for her. To have that kind of dynamics pa rin. You know, it’s nice. Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about ‘yung nangyari sa stage,” nakangiting kwento ni Gerald.

Ngayon ay ilang taon nang kasintahan ng aktor si Bea Alonzo. Madalas na nagpo-post ang aktres ng mga larawan nila ni Gerald sa social media. Para naman kay Gerald ay hindi na dapat ibinabahagi sa publiko kung ano man ang mayroon sa kanila ng dalaga. “I’ve said kung ano’ng meron kami, and it’s nothing na parang we have so many moments together and hindi ko naman kailangang i-share lahat,” giit ng binata.

Samantala, hindi maipagkaila ni Gerald na nabansagan siyang ‘playboy’ noon. “Kaya ko nga idol si Iron Man eh ha-ha-ha! Hindi na po ako nabo-bother. Nasanay na po ako. There was a time Tito Boy, I’ve had that stage, dumaan ako doon,” pagtatapat niya.

Isa pang bagay na hindi alam ng publiko tungkol kay Gerald ay maaksaya ang aktor sa kuryente dahil hindi nakakatulog kapag hindi nakabukas ang telebisyon. “Sobrang totoo, naging bad habit ko na hindi ako makatulog kapag hindi bukas ang TV,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA NAGLIHIM KAY JOSHUA TUNGKOL KAY GERALD

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA May 15 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang ‘Between Maybes’ na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Ito ang kauna-unahang proyektong pinagtambalan ng dalawa.

Ayon kay Julia ay wala namang naging problema sa kasintahang si Joshua Garcia na nagkaroon ang aktres ng bagong kapareha. “To be very honest, natuwa siya na it was Gerald. Natuwa siya kasi it was with somebody a couple of years older than me, rather na kasing age ko. Mas natuwa siya sa fact na ‘yon,” makahulugang pahayag ni Julia.

Noong una ay inilihim pa umano ng dalaga kay Joshua ang tungkol sa bagong proyekto kaya natagalan pa bago nasabi sa nobyo. “It took me some time to tell him because I wanted to make sure that once I tell Josh dapat sure na, na ‘yung actor na ‘yon ang gagawa,” paliwanag ng aktres.

Alam ng magkasintahan na darating talaga ang panahon na kailangan nilang gumawa ng mga proyekto nang magkahiwalay. Naiintidihan din umano nina Julia at Joshua na makatutulong ito pareho para sa kanilang karera bilang mga artista.

“Being in a love team, it can really do a lot of things for you. It can take you to so many places where marami kang matututunan, and you’ll be thankful for that experience. But alam namin ni Josh na sooner or later, sa journey namin talaga, darating ‘yung time na magkakaroon kami ng kanya-kanyang projects, and we respect that. Kasi pareho naming mahal ‘yung ginagawa namin. It’s what’s best for us, ‘yung growth namin,” paglalahad ng dalaga. -Reports from JCC-   

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD NANIBAGO KAY JULIA

JULGERAL12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

AMINADO si Gerald Anderson na talagang nanibago siya kay Julia Barretto bilang kanyang bagong katambal para sa pelikulang ‘Between Maybes.’ Mapapanood na simula sa May 15 ang bagong proyektong ito ng dalawa.

“I think ‘yung first look test namin, or layout namin, umupo ako tapos tinanong ko sila (production staff) kung, ‘Okay lang ba?’ ‘Hindi ba parang alangan?’ Sabi nila, ‘Okay naman,’” nakangiting kwento ni Gerald.

Espesyal para sa aktor ang bagong pelikula dahil bukod sa pagkakaroon ng bagong kapareha ay nakapunta rin ang aktor sa Saga, Japan sa kauna-unahang pagkakataon. Sa Japan pa kinunan ang karamihan sa mga eksena ng ‘Between Maybes.’

“But before that siyempre I was excited. Kasi siya ‘yung pinaka-youngest na nakasama ko bilang leading lady, and something different, maganda ang project. Sa Japan kami nag-shoot, first time namin doon sa area. So parang everything just came together and walang negative,” pagbabahagi ng binata.

Ayon pa kay Gerald ay ibang-iba ang kanyang ginampanang karakter sa bagong pelikula kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. Malayung-malayo rin daw ito sa kanyang personal na buhay “Medyo quiet si Louis, naka-isolate ang sarili niya sa mundo. Medyo malayo sa akin, but lahat naman tayo minsan may times na gusto natin lumayo and gusto natin i-isolate ang sarili natin sa lahat ng tao sa paligid natin,” pagdedetalye ng aktor. -Reports from JCC- 

Please follow and like us:
Read More

SI GERALD ANG MAGSASALBA KAY JULIA BARRETTO

julia barretto1

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYWAN kung bakit, inaasar pa nila si Gerald Anderson na kesyo matanda na para kay Julia Barretto eh kung tutuusin baka nga ang isang project nila ang magsalba pa kay Julia.

Kahit na sabihin mong malakas nagsimula iyong love team nila ni Joshua Garcia, aba eh tagilid na ngayon iyon. Sila nga ang inaasahang bubuhat noon sa pelikula ni Kris Aquino, bumalibag. Inaasahan ding makakaya nilang suportahan ang comeback ni Sharon Cuneta, balibag din. Hindi nila nakaya si Sharon.

Iyong dalawang magkasunod na silat na iyon ang nagpababa sa kanilang status bilang isang loveteam kaya tama lamang na pagpahingahin muna ang loveteam nila at ihanap sila pareho ng mga projects na makapagsasalba sa kanila. Hindi naman sinabing hindi na sila pagtatambalin ulit. Iyon namang mga JoshLia fans, hindi na muna dapat umapela dahil kung matindi sila talaga, bakit nga ba bumalibag iyong pelikula nina Sharon at Kris?

Sa parte ni Gerald Anderson, aba eh magaling na artista iyan at maraming beses na niyang napatunayan iyan. Nakagawa na rin ng mga hit movies iyan, ibig sabihin may hatak talaga siya, hindi lamang sa mga fans kungdi sa publiko mismo. Depende sa magiging material ng pelikula, naniniwala kaming maisasalba niya si Julia mula doon sa dalawang magkasunod na silat na project.

Bakit sinasabi nilang matanda? May sinabi bang gagawin silang love team?

Tingnan ninyo si Vilma Santos noong kapanahunan niya, tumambal iyan kay FPJ. Tumambal din siya kay Eddie Garcia. Di hamak na mas matatanda sa kanya pero kumita ang mga pelikulang iyon. Hindi naman lahat ng magkatambal ay magka-love team.

Magreklamo kayo kung si Julia ay itinatambal na kay Dagul o kay Kuhol. Pero si Gerald Anderson, magaling na artista iyan kahit na ano pa ang sabihin ninyo.

 

      WILLIE REVILLAME HINDI CHARITABLE INSTITUTION

Nakahalata na rin si Willie Revillame. Ngayon sinasabi niya na huwag nang dadalhin sa kanyang show iyong mga bata at iyong mga matatanda na talaga. Eh kasi makikita mo naman, biglang may lalapit na matanda kay Willie, yayakap nang walang dahilan. Alam naman niya kung bakit kaya aabutan na lang niya ng pera, bibigyan ng jacket, aabutan ng android na mabuti naman kung iyong matanda ang gagamit.

Tapos may dumarating pa raw sa show na basta lalapit, hihingi ng pampa-opera, pampalibing, at kung anu-ano pa. Kaya nga sinabi na niya, hindi siya isang charitable institution. Game show ang kanyang ginagawa. Hindi rin siya mayor para lapitan sa mga ganyang problema. Baka ubos na ang kinikita ni Willie dahil sa dami ng lumalapit. Tama namang limitahan na lang niya ang audience niya.

 

          INDIE ACTRESS BIDA SA PORNO VIDEO

Ang tsismis Tito Kc, lumalabas daw sa mga pelikulang indie iyong babaing naka-maskara. Iyong lalaki naman daw ay isang model sa mga bikini contest. Iyan ang pinag-uusapan nilang bagong video scandal at naku kung mapapanood mo, akala mo iyong mga live show na napapanood lang sa GOP, iyong lumang sinehan diyan sa dulo ng Adriatico noong araw.

Talagang porno, at doon sa raw footage, maririnig mo pa ang boses ng isang bakla na nagdi-direk kung ano ang gagawin noong mag-partner. Kinabahan nga ako Tito Kc, baka ang nagdidirek isa doon sa mga kakilala nating pinag-uusapan noong isang gabi. Pero bakit nga ba may gumagawa na naman ng ganyan ngayon. Talo pa iyong mga bomba movies na ipinalalabas sa mga sinehan sa Florentino Torres .

 

 

Please follow and like us:
Read More

JOSHLIA BUBUWAGIN; JULIA IPA-PARTNER KAY GERALD

julia123

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

IYON  daw si Julia Barretto, itatambal naman nila ngayon kay Gerald Anderson. Mukhang tatapusin na rin nila iyong JoshLia. Kasi naman sinagad nila iyong love team eh. Isinama nilang suporta doon sa mga mahihinang pelikula, natural nadamay iyong dalawang bata. Parang naudlot ang love team.

Iyan ang sinasabi kasi naming walang plano sa career eh. Kaya tuloy minsan nalulubak ang takbo ng career at ano nga ba ang gagawin nilang kasunod pagkatapos noon?

  NASUKAT NA BA ANG DAMI NG GAY AUDIENCE SA TV? 

Matanong lang kita Tito KC,  naniniwala ka ba na mas maraming mga bakla ang nanonood ng telebisyon kaysa sa mga lalaki?

Kasi ang sinasabi nila iyong mga lalaki raw manonood lang ng telebisyon kung may basketball, kaya hindi ba may isang TV station na basketball na lang ang palabas at inalis na ang lahat ng drama.

So iyong gumagawa ng mga drama, ang paniwala nila, ang nanonood na lang daw sa kanila ay iyong mga babae at saka iyong mga bakla. Iyong mga lalaki, isang serye lang ang pinanonood, iyong FPJ’s Ang Probinsiyano.

Kaya tingnan ninyo ngayon, ang karamihan sa mga drama kuwentong bading. Lalabas naman daw  na isang macho dancer ngayon iyong si Jak Roberto. Noong nakaraan, si Jayson Abalos macho dancer din ang role. Si Rayver Cruz, lalaking kamuntik nang mapikot ng isang bakla doon sa natapos niyang serye. Iyong kapatid niyang si Rodjun may role pang gumawa ng mga gay videos sa isa ring drama. Si Mark Herras pinalabas ding kabit ng bakla. Si Dennis Trillo nga bakla sa serye eh.

Iyong si Ken Chan, hindi ba naging bakla na rin iyan sa serye, bago binigyan ng role ng abno?

Gaano kalaki na ba ang gay audience sa telebisyon? Sa pelikula kasi maliit pa ang market ng mga bading. Kung natatandaan ninyo, noong nagsisimula iyang mga pelikulang indie, puro kabaklaan ang mga pelikulang ginagawa nila. Hindi lang may bosohan, hubaran talaga. Pero hindi rin kumita ang mga indie na iyon. Siguro iba naman ang sukatan ng TV dahil wala ngang bayad ang panonood nito. Kagaya rin ng sinasabi nilang ang mga bading nakababad sa internet dahil maraming panooring bading at mga video scandal na napanonood nila nang libre sa internet.

Tingnan ninyo iyong isang serye, comedy pero panay labas ng katawan nina David Licauco at Ruru Madrid. Si Jak Roberto noon, ni hindi yata nakapag-suot ng kamiseta minsan man sa comedy ni Eugene Domingo. Nasukat na ba nila Tito KC kung gaano kalaki ang gay audience sa telebisyon?

                           PAMBANSANG HIGAD MAY SEX SCANDAL ANG DYOWA

Sus Tito KC, aywan nga ba kung ano naman ang nangyayari ngayon sa sinasabi mong nahirang na “pambansang higad”.

Iyong kanyang boyfriend, aba biglang may lumabas na scandal. Iyon namang dati niyang ka-love team, hindi siya niligawan “dahil hindi naman siya dako”. Mukhang nawawala na ang suwerte ng “pambansang higad”. Pero sana huwag naman, kasi sinasabi nga nila “higad” nga lang siya pero mabait daw naman.

Lagi nga siyang naka-smile ngayon eh, siguro happy naman talaga sa boyfriend niya kahit na hindi niya alam may scandal na rin pala.

Pero ano sa palagay mo Tito KC, talaga nga kayang forever na ang happiness na nakita ng “pambansang higad”?

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD: ‘PANGARAP KO FOUR BABIES’

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

WALA na raw mahihiling pa si Gerald Anderson sa kasintahang si Bea Alonzo. Masaya at maayos ang relasyon ng dalawa kaya malaki ang pasasalamat ng binata sa aktres.

“Mahirap akong partner kasi ang dami kong ginagawa. Ang dami kong gustong marating. Sana maipagpatuloy ko pa ang ginagawa ko ngayon. Hindi iyan madali kapag may relationship ka. But ‘yung support na binibigay niya sa akin, walang kapalit, parang unbelievable. ‘Yung ibang na-achieve ko, hindi ko rin magagawa kung hindi dahil sa kanya. So sobrang thankful ako,” nakangiting pahayag ni Gerald.

“Sobrang naramdaman ko na may ginagawa akong tama sa buhay ko. Grabe ‘yung appreciation din niya para sa akin. Grabe din ‘yung appreciation ko para sa kanya,” dagdag pa ng aktor.

Matatandaang naging magkasintahan ng ilang buwan lamang sina Gerald at Bea noong 2010. Muling nagkamabutihan ang dalawa nang magkatambal sa pelikulang ‘How to Be Yours’ noong 2016 at nakumpirmang magkarelasyon nang muli noong isang taon lamang.

Marami nang pinagdaanan ang relasyon ng magkasintahan. Para kay Gerald ay mas napapatibay ng mga pagsubok ang samahan nila ni Bea. “’Yung mga pagsubok na ‘yon, kahit hindi man sa relasyon o sa totoong buhay, kailangan n’yo panindigan. Kailangan n’yo magtulungan,” giit niya.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan si Gerald. Nangangarap na raw ang aktor ngayon na magkakaroon sila ni Bea ng pamilya sa tamang panahon. “Gusto natin stable, may family ako, may maliliit na ako or siya. Ako ang pangarap ko sana four babies,” pagtatapat ng binata.

“Sobrang grateful ako sa sitwasyon ko sa buhay ngayon. Hindi ko in-expect na ito ‘yung magiging sitwasyon ko kapag thirty years old na ako. Seventeen ako no’ng nag-start. But that’s one thing na you have to realize. Kahit anong mangyari, dapat maging mabuting tao,” makahulugang pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD BUMABAWI SA SAKRIPISYO NG MOMMY

gerald1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MALAPIT na muling mapanood si Gerald Anderson sa isang teleserye. Ayon sa aktor ay talagang maipagmamalaki niya sa mga manonood ang bagong proyekto. “Sobrang malapit sa puso ko at tungkol siya sa military. Napakaganda ng kwento and sa mga nakunan pa lang namin na-excite na ako na mapanood ng tao. Sobrang grateful lang ako sa period ng buhay ko ngayon dahil everything na gusto ko sa buhay, medyo parang nakukuha ko at naii-share ko din,” pahayag ni Gerald.

Samantala, ang inang si Evangeline daw ang nagsisilbing inspirasyon ng aktor para pagbutihin pa ang lahat ng kanyang ginagawa. “Hanga ako kasi lahat ng values na meron ako, ‘yung pagiging hard worker nakuha ko sa kanya. Kasi nakikita ko ‘yung ginagawa niya para sa amin everyday. Dati no’ng nasa GenSan (General Santos City) pa kami, nasa States pa kami, ‘yung mga sacrifices na ginagawa niya bilang nanay para makuha ko ‘yung mga gusto ko, kahit ‘yung mga simpleng school projects dati, gagawa siya ng paraan kahit wala kaming masyadong pera noon, or ‘yung mga costume parties sa school. Gagawa siya talaga ng paraan para hindi ako mapapahuli sa mga costumes. Naaalala ko ‘yon so ‘yung care niya para sa mga anak niya,” nakangiting kwento ni Gerald.

Kapag nabibigyan ng pagkakataon ay sinisiguro ng binata na mayroon silang bonding time ni Mommy Evangeline. “Meron akong opportunities to take her abroad. Kapag may mga shows ako or may mga trabaho ako abroad or may vacation. I think ‘yon ‘yung pinakamagandang moments para sa amin. That we get to experience different cultures, different places and nakakapag-bond kami lalo,” pagbabahagi ng aktor. -Reports from JCC-   

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PASEKSI NI BEA APRUB NG DYOWA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Ang mga female celebrities ngayon, patalbugan ng kaseksihan sa kanya-kanyang Instagram accounts. Hindi na lang mga sexy stars ang nagpu-post at nagpu-flaunt ng mga sexy bodies nila.

Kung dati, ilang na ilang ang iba na mag-two-piece o bikini, ngayon, kahit na sa mga personal na bakasyon lang mapa-swimming pool o beach, hala sige, two piece kung two piece.

Tinitingnan ng mga netizens na dahil sa break-up ni Julie Anne San Jose kay Benjamin Alves kaya ito nagpo-flaunt ng body niya. May pa-puwet pose nga si Julie Anne sa mga shinare niya at ang netizen na mismo ang nagko-comment na para raw siguro ipakita kay Benjamin na “this is what you you can’t have.”

While si Bea Alonzo naman na may pagka- “manang” talaga dati pagdating sa mga pa-bikini post, naglakas-loob na mag-share na ng kanyang katawan na naka-two piece nang magbakasyon this weekend kasama ang kanyang pamilya.

Eh, since ang 2019 daw para sa kanya is a year of change, so sisimulan na niya sa pagpu-post na naka-swimsuit siya at hindi na siya maiilang o mahihiya.

Sey nga ni Bea, “I have always been the type who would choose not to post photos of myself in swimsuits but since I declared this year as the year for CHANGE, I thought that maybe I should change the way I view myself.

“Maybe I should get rid of all my insecurities so I can live more. I want to forget about how I hated myself for being “fat” in other people’s eyes and just remember the things that I love about my body. It’s the only body that I am blessed with and I am thankful for my health because I get to do the things that make me happy.”

Hindi naman siguro iisiping may pinagdadaanan din si Bea dahil nga tulad ni Julie Anne at ibang actress na naglalakas-loob mag-flaunt ng kaseksihan nila kapag sawi, huh. Eh, hoping daw si Bea na maka-inspire siya ng iba dahil sa post niya.

“I hope that this post could inspire other women to love themselves more, flaws and all. Let’s all work hard to better ourselves for us and not just so others could accept us.”

Umani naman ng pag-approve at paghanga sa mga ibang female celebrities ang post na yun ni Bea. Ilan sa nag-comment positively kay Bea ay sina Liza Soberano, Anne Curtis, Iza Calzado, Bianca Gonzales, Gladys Reyes, Charlene Gonzales, Ana Feleo, China Cojuangco.

At siyempre, ang pinaka-bonggang nag-approve, ang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-post ng 3 face heart emojis

 

 

Please follow and like us:
Read More