TEXT-TEXT LANG; P1K BAYAD SA ONE-NIGHT STAND

gensan12

(NI KIKO CUETO)

GENERAL Santos City — Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at City Social Welfare and Development Office, ang siyam na babae na karamihan ay menor de edad na ibinubugaw umano dito.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon ang pulis sa isang inn pasado alas-11:00, Biyernes ng gabi, kung saan dalawang menor de edad ang ipinadala ng mga target sa isang inn dito.

Nagulat na lang sina Alyas Lady at Alyas Baby nang malamang mga ahente pala ng NBI ang customer nila.

“Hindi talaga namin alam to kasi first time namin. Hindi po talaga”, pahayag ng isa sa mga nailigtas.

Agad silang isinailim sa counselling.

Habang sa labas ng inn, nasagip ang pitong iba pang babae na nakasakay sa loob ng isang SUV. Dalawa naman ang nahuli na ka-transaksiyon ng NBI.

“Pumunta lang kami dito kasi akala namin mag inuman lang. Hindi ganito”, ayon sa isa sa mga suspek.

Ayon naman sa isa pang suspek, ang driver nila ang nagdala sa kanila sa inn.

“Wala kaming alam dito kasi yong driver nagsabi na magpunta lang kami sa party”, suspek.

Itinanggi ng dalawa ang alegasyon sa kanila, ibinalik naman nila sa agents ng NBI ang P2,000 marked money na tinanggap nila kapalit ang dalawang babae.

“Ang modus nila, text-text lang, P1,000 pesos kada babae ang bayad. P1,500 naman kung mas bata. Inaalam pa natin kung magkano napupunta sa mga babae sa P1K per transaction”, pahayag ni Vernon Joel Firmalino, special investigator III ng NBI12.

Nahaharap ang dalawa sa kasong human trafficking na isang non-bailable offense.

 

Please follow and like us:
Read More

AGENT NG INVESTMENT SCAM TIMBOG

arrested12

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang isang agent ng investment scam sa inilatag na entrapment operation ng pulisya sa mismong sasakyan nito sa Acharon Boulevard, Barangay Dadiangas South, General Santos City nitong Miyerkoles.

Sa ulat mula kay Bula Police station chief Police Major Tirso Pascual, kinilala ang naaresto na si Emmanuel Orcullo, 22, ng Imus, Cavite, sa isang operasyon sa Acharon Boulevard, Barangay Dadiangas South, alas-10 ng umaga.

Ayon kay Pascual, nahulog sa kamay nila ang suspek matapos gumamit ng pain na nagkunwang mag-iinvest sa kompanya ng suspect. Nakipag-transaksiyon ang suspect  at nang magkasundo ay nagpasyang magkita sa isang lugar.

Isinagawa ang entrapment operation matapos magtungo si Orcullo sa General Santos City mula sa Imus, Cavite para kunin ang investment ‘diumano nito sa pain na aabot ng P2 milyon.

Sinundo pa si Orcullo sa airport at sa sasakyan pa lamang ay ginawa na nila ang bayaran gamit ang ‘boodle money’.

Nahaharap sa kasong estafa at swindling si Orcullo.

Please follow and like us:
Read More

‘AKIN KA LANG!’ 

suicide12

(NI ANNIE PINEDA)

MATINDING selos umano ang nagtulak sa isang babae na tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa hinalang may ibang kinalolokohan babae ang kinakasama nito, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng General Santos City.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na Angelica, residente ng Barangay San Isidro, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 7:50 ng gabi nang matagpuang nakabitin ang biktima sa kusina ng kanilang bahay.

Kuwento ng kapatid ng biktima, hindi siya makapaniwalang makitang nakabigti si Angelica.

Bago ang insidente, nagtalo umano ang biktima at kanyang live-in partner na hindi pinangalanan, dahil sa selos, nagbitiw rin ng salita si Angelica na magpapakamatay siya.

Pero , binalewala ng kinakasama ang biktima ang bantang pagpapakamatay ni Angelica hanggang sa nakita na lamang itong wala nang buhay at nakabitin gamit ang lubid.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More